Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FLORES, ALYSSA P.

PANGANGATUWIRAN:

Proposisyon:
Mas epektibo sa pagkatuto ng mag-aaral ang online learning kaysa modular learning.

Magandang epekto ng Online Learning

New normal, ito ang paraan ng gobyerno upang maipagpatuloy ang ating pamumuhay
sa panahon ngayon ng pandemya. Ang new normal ay tawag sa mga pagbabago na
nakasanayan na nating gawin lalong lalo na sa edukasyon. Dito na papasok ang online
learning at modular learning kung saan ito ang mga paraan ng DepEd upang maipagpatuloy
ang pag-aaral ng mga bata, at isa na ako doon. Ngunit para sainyo? Ano nga ba ang mas
epektibo, online o modular learning?

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones (2020), ang online learning ang solusyon
upang ipagpatuloy ang pag – aaral kahit nasa tahanan. May malaking gampanin ang mga
magulang sapagkat sila ang maggagabay sa kanilang mga anak habang wala sa paaralan. Sa
tulong ng online learning natutugunan ang mga pangangailangan ng mga bata kahit nasa bahay
lamang ito. hindi katulad ng modular ay mas malaki ang posibilidad na ang mga magulang
lamang ang gumagawa ng mga takdang gawain na nakapaloob sa module na hindi naman dapat,
ang magulang ang gagabay, magtuturo sa kanyang mga anak upang sagutan ang module.

Ang online learning ay epektibo sapagkat natututukan ng mabuti ng guro ang kanyang
mga estudyante, mas naipapaliwanag ng maayos ang mga lesson at nagkakaroon ng
pagkakaunawaan sa pagitan ng guro at sa kanyang mga estudyante. Mas madami ring natutuwa
dahil sa online learning, Masaya ito at natututo ang mga bata na magkaroon ng tamang disiplina
kung paano gamitin ng tama ang mga teknolohiya.

Hindi madali ang new normal na ito para saatin, madaming pag-aadjust ang kailangan
upang makasanayan na natin ang ganitong sitwasyon. Ngunit hanggat may paraan gawin natin
kung ano ang mas makakabuti upang maipagpatuloy natin ang buhay.

You might also like