Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

1st Quarter Filipino 7

Week 7
Aralin: Dula-dulaan
Wika: Retorikal na pang-ugnay (PANGATNIG)

I. Panimulang Nilalaman

I. Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman
● Nakakapagsuri ng mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda.

B. Pamantayang Pagaganap
 Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao batay sa
dulang napakinggan.

 Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram.

C. Pamantayan sa Pagkatuto

 Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at


ang mga epekto nito matapos maisulat hanggang kasalukuyan.

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nasusuri ang pagka makatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan

II. Nilalaman:
Panitikan:
RAMADAN ITO YON NI VILMA M. RESUMA
Wika: Retorikal na pang-ugnay (PANGATNIG)
1st Quarter Filipino 7
Week 7
Aralin: Dula-dulaan
Wika: Retorikal na pang-ugnay (PANGATNIG)

Basahin

“RAMADAN? ...
Ito 'Yon!" ni Vilma M. Resuma

MGA TAUHAN:
Benny : kaibigang Muslim ni Benny
Uncle Jaafar, tiyo ni Alih Alih, Nanay, ina ni Benny

TAGPO 1: Sa Paaralan
(Nasa silid-aklatan si Benny at nagbabasa ng aklat. Darating si Alih)

Alih : (Sabay upo sa silyang katabi ni Benny). Uy, seryosong-seryoso ang BFF ko, a! Mukhang
totoong-totoo, ni hindi namamansin. Ano ba yang binabasa mo, ha?
Benny :: Ay, ikaw pala! Naku, tamang-tama ang dating mo, 'Tol! Ikaw talaga Benny ang
hahantingin ko mamaya! Buti't nakita kital

Alih: Hahantingin? Aba, bakit? Mukha na ba akong usa? (Aarte). Itono pogi kong ito,
hahantinging parang usa?

Benny : (Tatawa). Okey, sige na nga, pogika/Ikaw talaga, oo!(Magsiseryoso) Puwera biro,
'Tol. Hahanapin talaga kita mamaya. Gusto ko sanang interbyuhin kita tungkol sa inyong
Ramadan. Tiyak na alam na alam mo 'yon, di ba? Magrereport kasi ako tungkol do'n sa klase
namin sa Lunes

Alih : Ramadan? Wow, okey yan, BFF! Serious topic 'yan sa amin! Mula no'ng grado 2 pa
lang ako, nag-aayuno na ako pag Ramadan.... Ngunit, teka, hindi ako ang dapat mong
interbyuhin tungkol d'yan Dadalhin kita sa tiyo ko... si uncle Jaafar. Ang dami mong
malalaman sa kanya, Tol!

Benny : Talaga? Naku, sabi ko na nga ba't ikaw ang sagot sa dasal ko. el (Menninig nila ang
kampanilya ng library na nangangahulugang kailangan nilang tumahimik sa loob ng library.
Bubulong si Benny). Sige, sige, kailan mo ako sasamahan sa uncle mo?
Alih : (Pabulong din). Ikaw, kailan mo gusto? Sa Sabado o Linggo... Tiyak na nasa bahay nila
si uncle. Benny : Okey. sa Sabado, mga alas-diyes ng umaga, puwede?

Alih : Sige, sasabihin ko kay Uncle. Mabait 'yon... tiyak na papayag na interbyuhin mo lalo't
tungkol sa Ramadan. Sige, iti-text ko sa'yo ang address ng kanyang bahay. Hihintayin na lang
kita roon.

Benny : (Nakangiting-nakangiti). Naku, katenkyu-tenkyuhan, ha, 'Tol! Alih : (Natatawa). Ano


ka ba? Para kang different! ... na 'yang pagbabasa mo! (Aalis habang patuloy na magbabasa
si Okey, ituloy mo Benny)

TAGPO 2: Sa Bahay ni Uncle Jaafar (Maliit lamang ang bahay, ngunit maayos na maayos.
Sasalubungin ni Alin si Benny)

Alih: Halika, pasok kal Andyan si Uncle, sinabi ko nang iinterbyuhin mo tungkol sa Ramadan,
Okey daw. Sabi ko sa'yo, magaling siya. maraming masasabi sa 'yo. (Papasok sa bahay ang
dalawa. Nakaupo si Uncle Jaafar, nagbabasa ng isang aklat. Mapapansin ni Benny na may
maikling balbas at mukhang mabait ito.)

Benny : (Babati). Magandang umaga po!

Alih : (Ipapakilala sa tiyo ang kaibigan). Uncle, Siya po ang sinasabi kong gustong mag-
interbyu sa inyo... si Benny, ang aking best friend.

Uncle Jaafar :(Tatayo at kakamayan si Benny). Uy, magandang umaga rin sa iyo, iho. Halika,
maupo ka. O kumusta?

Benny : (Mag-aalangan). E mabuti naman po. (Uupo ang tatlo).

Uncle Jaafar : (Nakangiti). O, gusto mo raw malaman kung ano ang Ramadan? Okey, no
problem. Paborito kong topic 'yan. Teka... may tape rekorder ka pang dala, ha. O sige, okey
lang, tutal, tungkol naman sa Ramadan ang pag-uusapan natin. (Maiisip ni Benny "Ang bait
talaga ng tiyo ni Ali!" Kukunin ang tape recorder at ang lapis at papel na gagamitin sa pagkuha
ng ilang tala.)

Uncle Jaafar: (Magsasalita nang malinaw, marahan at kagalang-galang. Magsusun buwan ng


taon para sa aming mga Muslim. Pansiyam na buwan ng mga tala s/ Benny). Ito ang
Ramadan, Benny. Isa itong banal sa kalendaryong Hegirah, ang lunar na kalendaryo ng mga
Muslin na nagsisimula depende sa paglabas ng bagong buwan.

Benny : (Saglit na hihinto si Uncle Jaafar). Sir, puwede po munang magtanong?.... Ano po
ang tawag ninyo sa bagong buwan?

Uncle Jaafar: Niyata, Benny. At kapag nakita na nga ang bagong buwan, nagsisimula ang
paghahanda ng mga Muslim para sa Ramadan. Kabilang paghahandang ito ang tradisyonal
na paliligo, paghahandam mga angkop na pagkain, pagdarasal sa mga moske matapos ang
panggabing dasal o Isha, at paggising nang napakaaga upang makakain nang marami sa
pagitan ng ika-3:30 hanggang ika-4.30 ng madaling-araw
Benny : (Pabulong na inuulit ang sinasabi ni Uncle Jaafar habang nagsusulat ng
mahahalagang detalye). Niyata... Isha.

Uncle Jaafar: Alam mo, Benny... napakasagrado ng Ramadan para sa mga Muslim. Dahilan
nito ang paniniwalang sa ganitong panahon inihayag ni Allah kay Propeta Mohammad ang
Koran, ang banal na iskriptura ng Islam, sa Bundok Hira ng Mecca sa Saudi Arabia. Sa
okasyon ding ito pinatutunayan na ang propetang si Mohammad ang tagapaghatid ng
mensahe ni Allah. (Muling titigil sa pagsasalita si Uncle Jaafar).

Benny : Sir, nasabi po ni Alih na nag-aayuno na siya pag Ramadan mula pa noong grade 2.
Ano po ba ang pag-aayuna?

Uncle Jaafar: Isa sa Limang Haligi ng relihiyong Islam ang pag-aayuno, Benny Tinatawag din
itong sawm. Isa itong obligasyon ng mga Muslim sa buong buwan ng Ramadan sa loob ng
13 hanggang 14 na oras maghapon

Benny : Naku, ano po ang ginagawa ninyo sa pag-aayuno? Uncle Jaafar: Marami, Benny.
Nangangahulugan ito ng araw-araw na abstinensya sa mga pagkain at inumin, paninigarilyo,
relasyong sekswal maging sa asawa, at pag-iisip o paggawa ng masasamang gawain upang
sundin ang utos ni Allah at gawin din ang ginawa ni Mohammad 72.

Benny : Ay, ang hirap po yata no'n! Bakit po ninyo ginagawa 'yon?

Uncle Jaafar: Pangunahing layunin kasi ng pag-aayuno na makamit ang takwa, o kamalayan
kay Allah. Layon din nitong maranasan namin ang nararamdaman ng mga taong mahihirap
at walang makain. Sa ganoon, inaasahang magiging mas maawain at makatarungan ang mga
Muslim

Benny: E ano pa po ang ginagawa ninyo habang nag-aayuno?

Uncle Jaafar : Madaling araw pa lamang, nagsisimula na ang pag-aayuno namin sa pagkain
at inumin. Kaya naman karaniwan nang gumigising kami nang napakaaga para kumain nang
marami. Matapos mag-ayuno, saka pa lamang kami maaaring kumain. Nagdarasal at
nagbabasa kami ng Koran pagkatapos kumain.

Alih :. (Sisingit sa usapan). Uncle, maaari pong sumali sa interbyu?

Uncle Jaafar : (Nakangiti). Aba, okey, Alih! Buti nga 'yon para mas maraming matutuhan si
Benny tungkol sa Ramadan.

Alih : (Buong pagmamalaki). Alam mo, 'Tol... nag-aayuno na ang isang batang Muslim na
gaya ko pagtuntong pa lamang sa walong taong gulang!

Uncle Jaafar : Totoo 'yon, Benny. Ngunit maaaring hindi mag-ayuno ang mata- tanda, mga
babaeng dinudugo at kapapanganak, mga maysakit, manlalakbay, at sundalong nasa giyera.
Gayunman, kailangan din nilang mag-ayuno sa ibang araw, katumbas sa bilang ng mga araw
ng Ramadan na hindi sila nakapag-ayuno.
Benny : Wow, talaga palang malaking responsibilidad ng mga Muslim ang pag-aayuno, ano
po?

Uncle Jaafar : Tama ka, Benny. Kasi... para sa aming mga Muslim, napakahalaga ng 30 araw
ng pagdiriwang ng Ramadan. Alam mo kung bakit? Nakapagtuturo kasi ito sa amin ng
pagmamahal, katapatan, panlipunang kamalayan, at pansariling disiplina. Nararamdaman
namin ang hirap at damdamin ng mahihirap na walang makain kaya natututo kaming maging
mas maawain at makatarungan. Sa kabuuan, tinuturuan kami nito ng kagandahang-asal.

Benny : Naku, ang ganda po pala ng nagagawa ng Ramadan sa inyong mga Muslim! O sige
po... maraming-maraming salamat po, Uncle Jaa's, Siguradong matutuwa si Ma'am Santos
sa report ko sa Lunes. Ang dami kong masasabi tungkol sa Ramadan!

Uncle Jaafar : Walang anuman, Benny. Natutuwa rin ako't interesado ka sa aming Ramadan.
(Aalis na sina Benny at Alih.)

TAGPO 3: Sa tahanan nina Benny -(Magkausap si Benny at ang kanyang Nanay)

Benny : 'Nay, nakakatuwa po pala ang paniniwala ng mga Muslim. At katulad din pala ang
ilang paniniwala nila sa mga paniniwala nating mga Kristiyano, tulad ng naririnig ko sa mga
sermon ni Fr. Perez at sa mga pangaral ninyo.

Nanay : Uy, okey ang sinasabi mo, anak, a! Saan mo natutuhan 'yan?

Benny : Ininterbyu ko po kasi ang uncle ni Alih, ang best friend ko. Sinabi po niyang
nararamdaman ng mga nag-aayuno ang damdamin ng mahihirap na walang makain. Sa
ganoon, sila'y nagiging mas maawain at makatarungan. Aba, iyon din po ang lagi ninyong
sinasabi sa akin pag pihikan ako sa pagkain, di ba? Lagi ninyong sumbat, 'Di mo ba alam na
kay suwerte mo? Ang daming walang makain, ikaw na may masarap na makakain, ayaw mo
pang kumain. Tama po pala kayo!

Nanay : (Guguluhin ang buhok ng anak). Mabuti't naisip mo 'yon, anak!

Benny : Pero 'Nay, alam n'yo, naiisip ko rin po... sana po'y isasabuhay ng lahat ng tao, hindi
lang ng mga Muslim, ang ganoong paniniwala. Kasi po, kung talaga sanang nagmamahal,
tapat, may panlipunang kamalayan, at pansariling disiplina ang lahat ng tao sa buong
mundo... tiyak, wala ng awayan... wala ng gulo sa mundo!

Nanay : (Yayakapin ang anak). Aba... manang-mana sa akin ang anak ko al Go...go, anak!

Benny . 'Nay, isasama ko rin ang naiisip kong ito sa aking report sa Lunes
Pagsasanay 1 Elemento ng Dula

Magsaliksik ukol sa mga elemento ng dula. Punan ng impormasyon ang


worksheet sa ibaba.
ELEMENTO NG PAGPAPAKAHULU
KATANGIAN HALIMBAWA
DULA GAN

Tagpuan

Tauhan

Banghay

Panimula

Badya ng Suliranin

Saglit na Kasiglahan

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas/Resolusyon

Tunggalian/Suliranin

Tema

Diyalogo
Ilaw

Musika

Sagutin mo ang mga sumusunod na pamprosesong tanong.

1. Paano magkaugnay ang suliranin ng dula sa kasukdulan at mga tunggalian nito?


2. Paano nakatutulong ang diyalogo sa paglalantad ng damdamin, kaisipan at pananaw.ng
mga tauhan?
3. Paano tinutukoy ang tema ng isang dula?
4. Paano magkaugnay ang suliranin at wakas/resolusyon ng isang dula?
5. Sa anong mga elemento o bahagi ng dula makukuha o mababatid ng mga manonood ang
kakintalang itinatampok nito? Bakit?
6. Paano higit na mapahahalagahan ang dulang pinanonood?
Pagsasanay 2 Konsepto sa Kapaligiran

Panuto: Anong ideya o konsepto ang maiuugnay sa bawat salita sa ibaba?. Isulat sa
paligid ng salita ang mga ideya o konseptong pumapasok sa iyong isipan kapag
naririnig ang salita.

SAGRADO PAG-AAYUNO ABSTINENSYA

RELIHIYON KULTURA

MOSKE
1st Quarter Filipino 7
Week 7
Aralin: Dula-dulaan
Wika: Retorikal na pang-ugnay (PANGATNIG)

Konsepto ng Aralin

Ang pag-uugnay ng ibat’ ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga


upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi
ng teksto. Sa Filipino, ang pang- ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan
ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.

-Matapos nating pagaralan ang pang-ukol at pang-angkop sa naunang


aralin, talakayin namn natin ang pangatnig.

PANGATNIG

-Pangatnig ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay


ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
Halimbawa:
• Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay puspusang isinasagawa ng mga
bisig ng batas.
• Ang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng mga gulay ay mabisa
para sa kalusugan.
Mga Pangkat ng Pangatnig

Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na Magkatimbang


1. (o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang
pinag-uugnay.
Halimbawa:
• Ang wastong dami at wastong uri ng pagkain ay nagdudulot ng
kalusugan.
• Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan lamang?
• Nakatulog ako’t nakapagpahinga.
2. (ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na
panalungat; sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag
ng nauuna. Halimbawa:
• Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa
kanya.
• Mabait siya pero istrikto.
Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na Hindi Magkatimbang
1. (kung, kapag, pag)
Halimbawa:
• Walang kasalanang di mapatatawad ang Diyos kung ang nagkasala
ay nagsisisi.
• Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.
2. (dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan
Halimbawa:
• Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang pulitiko, palibhasa
malapit na naman ang eleksyon.
• Hindi natuloy ang Lakbay-aral ng mga studyante dahil sa malakas
na ulan.
3. (kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw
Halimbawa:
• Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin siya sa media.
• Sinasabi mong hindi ikaw ang nagnakaw kung gayon patunayan
mo.

DAPAT TANDAAN:
PANGATNIG

-Pangatnig ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-


uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-
sunod sa pangungusap.
1st Quarter Filipino 7
Week 7
Aralin: Dula-dulaan
Wika: Retorikal na pang-ugnay (PANGATNIG)

Pagsasanay 3

Pagsasanay: Paghahambing at Pagkokontrast

Panuto: Magkaiba ba ang relihiyon ninyo si Alih? Kung oo, isulat sa dayagram ang
pagkakaiba ng inyong mga rehiyon. Isulat din ang pagkakatulad. Ipaliwanag sa klase
ang iyong sagot.

Pagkakaiba: Rehiyon ni Alih Pagkakaiba: Rehiyon mo

Pagkakatulad: Rehiyoon mo at rehiyon ni Alih


Pagsasanay 4 Pagtukoy sa Pangatnig
Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.
1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.
2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa
niya.
6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na
pala siya.
7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang
kanyang ngipin.
8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang
baon niya.
9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa
mga gawaing bahay.
10. Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay
mula sa opisina
Pagsasanay 5 Alamin natin
Panuto:Salungguhitan ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Magaling umawit si Joey at mahusay magtugtog ng gitara si Dean.


2. Tawagan mo ako sa opisina kung may dumating na sulat mula kay Ernesto.
3. Si Tita Mia o si Ate Lisa ang sasama sa aming klase sa lakbay-aral.
4. Wala akong tiwala kay Raul dahil madalas siyang magsinungaling sa akin.
5. Uminom na ako ng gamot kaninang umaga ngunit masakit pa rin ang ulo ko
hanggang ngayon.
6. Dadalhin ko ang itim na maleta at ang pulang bag sa eroplano.
7. Nakaluto na ako ng pinakbet dati pero nakalimutan ko na ang ibang sangkap.
8. Salamat sa regalo mo subalit sa Disyembre pa ang kaarawan ko.
9. Manonood ka ba ng balita sa telebisyon o pakikinggan mo na lang ang balita sa
radyo?
10. Magbaon ka ng payong dahil baka umulan mamayang hapon.
11. Napakalakas ng tunog ng kidlat kaya napasigaw ang magkakapatid.
12. Ipapakita ko kina Tatay at Nanay ang marka ko sa pagsusulit para makita nila na
nagsisikap ako sa pag-aaral.
13. Naghuhugas ng mga bote at tsupon si Martha habang natutulog nang mahimbing
ang kanyang sanggol.
14. Inihain ng mga sundalong Pilipino ang kanilang buhay upang ipagtanggol ang
Pilipinas sa mga bagong mananakop.
15. Si Janice ang nahirang na maging kalahok sa paligsahan sapagka’t siya ang
pinakamagaling na manunulat sa ating klase.
1st Quarter Filipino 7
Week 7
Aralin: Dula-dulaan
Wika: Retorikal na pang-ugnay (PANGATNIG)

GAWAIN 3:

Digmaan sa Sarili

Bumuo ng isang sulating pagninilay (reflection essay) kaugnay ng mga personal na


pakikidigma sa mga hamong kinakaharap mo at ng iyong pamilya sa bawat araw.

• Ano-ano ang aking mga personal na suliranin na nagtutulak sa akin na


makidigma araw-araw? Bakit?

• Paano ko hinaharap ang mga pakikidigmang ito upang ako’y magtagumpay?

• Paano ako nakatutuwang sa pakikidigma ng iba pang miyembro ng aking


pamilya sa mga personal nilang pakikidigma sa araw-araw?

• Sino sa aking pamilya ang nagsisilbing Prinsesa Arkat a Lawanen na


tumatayong tanglaw sa madidilim na situwasyong nauudyok ako at aking pamilya na
piliin ang maling paraan upang maresolba ang mga problema? Bakit?

• Paano ko nakikita ang aking sarili sa pakikidigma sa marami pang suliranin sa


hinaharap?
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like