Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Filipino

KUWENTONG-BAYAN
Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklore) ay mga kathang-isip  na kuwento o salaysay
na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uri ng mga mamamayan sa
isang lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang maipahayag ang mga
sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa kasalukuyang
pamumuhay. 
MITOLOHIYA
Mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.
ALAMAT
Uri ng kuwentong-bayan at panitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.
BAHAGI NG ALAMAT
Simula
TAUHAN- Mga magsisipagganap sa kuwento, ano ang kanilang gagampanan sa bawat
isa. Bida, Kontrabida o Suportang tauhan.
TAGPUAN- Nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng aksyon at panahon kung kailan
nangyari ang kuwento.
SULIRANIN- Nagsasaad ng problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna
SAGLIT NA KASIGLAHAN- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
nasangkot sa suliranin.
TUNGGALIAN- Pakikipagtunggali o sapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kahaharapin.
KASUKDULAN- Pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
Wakas
KAKALASAN- Bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula
sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
KATAPUSAN- Bahaging naglalahad ng resolusyon ng kuwento.
MGA KATANGIAN NG ALAMAT
 Kathang-isip at binubuo ng imahinasyon lamang.
 May mga pangyayaring hindi nagaganap sa tunay na buhay.
 Punong-puno ng kapangyarihan, pakikipagsapalaran at hiwaga.
 Kasasalaminan ng kultura at kaugalian ng mga tao sa lugar ng pinagmulan nito.
 Mayroong aral na mapupulot.
Halimbawa ng Alamat:
Alamat ng Pinya, Alamat ng Pilipinas, Alamat ng Saging, Alamat ng Ampalaya, Alamat ng
Mangga, Alamat ng Sampaguita, Alamat ng Lansones, Alamat ng Rosas, Alamat ng
Bayabas
Alamat ng Butiki.

Pabula
Maikling kuwento na nagmula noong unang panahon at ang pangunahing tauhan ay mga
hayop. KATHANG KUWENTONG NAGBIBIGAY-ARAL
PARABULA
Kuwento na hango sa banal na aklat o Bibliya. Ito’y katawagan sa mga kuwento na ginamit
ng ating Panginoon sa kaniyang pangangaral. Ito ay nagmula sa salitang Griyego,
“parabole” na ang ibig sabihin ay pagkukumpara.
Pahayag na Nagbibigay Patunay Kahuluguhan at Halimbawa nito:
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY
Nagsisilbing pandiin sa katotohanan ng isang ideya.
 sa pagbibigay-diin na ito lamang ang katotohanan;
 sa paggamit ng tinatawag na conjunctive adverb na nagbibigay ng contrast
(salungat) o ang nag-uugnay sa pamamagitan ng taliwas na pagpapahayag ng ideya
sa naunang pangungusap.

PARAAN/TEKNIK 1
May ilang karaniwang salita ng pagpapatunay tulad ng:
“Pinatotohanan ng datos na. . “
“Sa katunayan, makailang ulit na natin itong nasaksihan sa kasaysayan. .”
“ Walang duda na pawing pasakit ang idinulot ng mga kastila. . “

Halimbawa ng pahayag na mayroong pagpapatunay:


“Buhat nang ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon ng tatlong daang taong mahigit, na lahi
ni Legazpi an gating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog
kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan”.
Mula sa “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio

PARAAN/TEKNIK 2
1. Marami ang nagra-rally kontra sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Sa totoo
lang marami naman ang nakinabang sa DAP.
2. Sinasabing dalawang porsiyento ang itinaas ng Gross National Product (GNP) ng bansa
na tanda ng pag-unlad nito. Gayunpaman, milyon-milyon pa rin ang mahihirap.

PABULA
Kuwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita, at nag-
iisip ng tulad sa tao. Masasalamin sa pabula ang kultura ng relihiyong pinagmulan nito na
dapat ipagmalaki at pahalagahan. Tinatawag din itong kathang-kuwentong nagbibigay-
aral.

AESOP
• “Ama ng mga Sinaunang Pabula” (Father of Ancient Fables)
• Naglakbay si Aesop sa maraming lugar sa Greece at pinalaganap ang mga tinipong
pabula sa pamamagitan ng pagkukuwento.
• Tungkol sa buhay ng kalikasan ng tao at kalagayan ng lipunan noong kapanahunan
niya.
• 200 pabula ang nalikha bago mamatay

ELEMENTO NG PABULA

TAUHAN
Mga nagsisipagganap at nagbibigay buhay sa kuwento.
2 URI NG TAUHAN
 Tauhang lapad (Flat)
 Tauhang bilog (Round)
TAUHANG LAPAD (FLAT)
Hindi kakikitaan ng pagbabago mula sa simula hanggang sa wakas ng pabula.
TAUHANG BILOG (ROUND)
Isang tauhang kumikilos nang buhay na buhay at kakikitaan ng pagbabago sa wakas ng
kuwento.
TAGPUAN
Ang panahon at pook, kung saan naganap ang kuwento o pangyayari.
BANGHAY
Pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari.
SIMULA
Sa simulang bahagi makikila ang mga tauhang magsisipagganap, ang tagpuan, maging ang
suliranin na kahaharapin ng mga tauhan.
TAUHAN
Mga magsisipagganap sa kuwento, ano ang kanilang gagampanan sa bawat isa. Bida,
Kontrabida o Suportang tauhan.
TAGPUAN
Nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng aksyon at panahon kung kailan nangyari ang
kuwento.
SULIRANIN
Nagsasaad ng problemang kahaharapin ng pangunahing tauhan.
GITNA
Lilitaw dito ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian at kasukdulan.
SAGLIT NA KASIGLAHAN
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasangkot sa suliranin.
TUNGGALIAN
Pakikipagtunggali o sapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kahaharapin.
KASUKDULAN
Pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
WAKAS
Matatagpuan dito ang kakalasan at katapusang bahagi ng kuwento.
KAKALASAN
Bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
KATAPUSAN
Bahaging naglalahad ng resolusyon ng kuwento.
MAHALAGANG KAISIPAN
Aral na hatid ng pabula sa mga mambabasa.
PANG-ANGKOP
Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. May dalawang uri ng pang-
angkop: NA, NG. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig maliban sa N.
Halimbawa:
MAPAGMAHAL NA HARI
 Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik N, tinatanggal o kinakaltas ang N
at pinapalitan ng –NG.
 Halimbawa:
 HUWARAN PINUNO= HUWARANG PINUNO
 Ang pang-angkop na –NG ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa
patinig.
Halimbawa:
MABUTING KAPATID
PANG-UKOL
Kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
SA, NG, KAY/KINA, ALINSUNOD SA/KAY, LABAN SA/KAY, AYON SA/KAY, HINGGIL
SA/KAY, UKOL SA/KAY, PARA SA/KAY, TUNGKOL SA/KAY
HALIMBAWA:
Alinsunod sa bagong resolusyon na inilabas ng IATF, mahipit pa rin na
ipinagbabawal ang paglabas ng mga taong may edad 17 pababa.
EPIKO
Uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway.

Luzon

Visayas
Mindanao

MGA ELEMENTO NG EPIKO


TAUHAN
Nagbibigay buhay sa epiko. Karaniwang nagtataglay ng kapangyarihan.
TAGPUAN
Nagbibigay linaw sa paksa, tauhan at banghay.
BANGHAY
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
MATATALINHAGANG SALITA
Mga salitang hindi lantaran ang kahulugan.
NANININGALANG PUGAD
Nanliligaw na o nanunuyo na para maging kaniyang nobya.
ITIM NA TUPA
Isang anak, kapatid, o miyembro ng pamilya ay suwail o mayroong mga hindi ginagawang
mabuti.
MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

You might also like