Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan ng Mag-aaral: __________________________


FILIPINO - Baitang at Pangkat: _____________________
Petsa: _________________________________________

I. Susing Konsepto

KATANGIAN, KALIKASAN AT PAKSA NG IBA’T IBANG URI NG TEKSTO


Ang isang teksto ay mauuri batay sa paraan ng pagpapahayag nito. Sa pagbasa at
pagsuri, dapat mo munang malaman ang uri at konsepto ng tekstong babasahin upang
maging matagumpay at makabuluhan ang gagawing pagbasa.
Naririto ang mga uri ng teksto batay sa katangian at kalikasan:
1. Tekstong Impormatibo (informative). Tinatawag ding ekspositori. Nagmula sa salitang
Ingles na inform na nangangahulugang magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa. Ang mga impormasyon ay
nakabatay lamang sa katotohanan at datos kaya walang makikitang pagpabor o
pagkontra sa paksa. Ang nilalaman nito ay may mga sangguniang mapapagkatiwalaan
at may kredibilidad.
Sa pagsulat nito, gumagamit ang manunulat mga pantulong na talaan ng
nilalaman, index, glosaryo, larawan, ilustrasyon, kapsyon, graph at talahanayan upang
magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis na pag-unawa ng impormasyon.
2. Tekstong Deskriptibo (descriptive). Naglalayon itong magpakita o maglarawan ng mga
bagay-bagay at mga pangyayari batay sa nakita, naranasan o nasaksihan. Ang
kayarian nito ay pumipinta sa anyo, hugis, kayarian, katangian at kaibahan ng mga
bagay at pangyayaring pinahahalagahan ng manunulat na nabibigyang kulay at buhay
sa tulong ng imahinasyon at limang pandama. Lumilikha ito ng isang tiyak na detalyeng
biswal o imahen sa isipan na nagiging stimulus ng mga mambabasa upang lubos na
maunawaan ang binabasa sa tulong ng mga salitang naglalarawan.
3. Tekstong Persweysib (persuasive). Tekstong ang layunin ay manghikayat at
papaniwalain ang mga mambabasa. Isinusulat ang tekstong persweysib upang mabago
ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi
sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang
posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto. Taglay nito ang personal na opinyon
at paniniwala ng may- akda
4. Tekstong Naratibo (narrative). Ito ay nagsasalaysay o nag-uugnay sa mga pangyayari
sa kapaligiran ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa
obserbasyon o nakita ng may akda o kaya’y sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring
hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon). Sa pagsasalaysay, gumagamit ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa, at nagpapakita ng iba’t
ibang imahen, metapora at mga simbolo upang maging malikhain ang katha. Ang bisa

1
at tagumpay ng pagsasalaysay ay nakasalalay sa pagkukuwento nang nasa wastong
pagkakahanay at pagkakasunod-sunod ng bawat detalye at mga pangyayari.

5. Tekstong Argyumentatibo (argumentative). Naglalayon itong maglahad ng mga


simulain o proposisyon upang mapangatwiranan ang nais iparating na kaalaman sa
mga mambabasa. Layunin ding makapaghikayat o mapapaniwala ang mga
mambabasa sa saloobin ng sumulat ukol sa kanyang paniniwala at paninindigan. Sa
kayariang ito, mariing binibigyang-pagtalakay ang paglalahad ng mga detalye at
kaalamang nais mabigyan ng positibong reaksyon ng babasa o mga tagahatol nito. Dito
ihahanay ng manunulat ang kanyang proposisyon at argumentong nagbibigay-suporta
sa mga kaalamang nais niyang sang-ayonan ng mga mambabasa. Nangangailangan ito
ng mabigat na ebidensya o patunay na makatotohanan ang ipinahahayag ng
manunulat.
6. Tekstong Prosidyural (procedural). Isang uri ng teksto na naglalahad ng mga serye ng
gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta. Gumagamit ito ng mga
pantulong na larawan at ilustrasyon upang maisagawa ang mga hakbang ng gawain.
Magagamit ang tekstong ito sa: Una, sa pagpapaliwanag kung paano gumagana o
paano pagaganahin ang isang kasangkapan batay sa ipinapakita sa manwal.
Pangalawa, sa pagsasabi ng hakbang sa paggawa ng isang bagay o gawain tulad ng
makikita sa mga resipi, mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada, at mga
eksperimentong siyentipiko. At ang panghuli, sa paglalarawan ng pagkakamit ng
ninanais na kalagayan sa buhay, tulad halimbawa ng pagiging masaya, pagtatagumpay
sa buhay at iba pa.

PAGTUKOY SA PAKSA NG TEKSTO


Ngayong alam mo na ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto. Sa bawat
uri ng teksto ay mayroong kaisipang paulit-ulit at binibigyang-pokus at iniikutan ng mga
pangungusap o bahagi na bumubuo rito. Ito ay tinatawag na paksa.
Dapat na matututuhan ng mambabasa na alamin at tukuyin ang mga mahahalagang
ideya at mga detalyeng inilalahad sa teksto. Sa pagsusuri rito, makatutulong nang malaki
ang kaalaman sa bawat pangungusap na pumapaloob sa mga talatang bumubuo sa teksto.
Sa isang teksto ay may talatang kakikitaan ng pamaksang pangungusap at mga
detalyeng sumusuporta rito upang mapalinaw ang ipinapahayag ng paksang
pangungusap.
Ang mga ito ay tinatawag na:
1. Paksang Pangungusap (Topic Sentence) na siyang pinaka-pokus o pangunahing
tema sa pagpapalawak ng ideya, at
2. Mga Suportang Detalye (Supporting Details) na gumagabay na bigyang-daan ang
pagpapalawak sa ideya ng paksang pangungusap.
Dapat mong tandaan na ang paksang pangungusap ang siyang kumakatawan sa
pinakasentro ng buong teksto na sinusuportahan naman ng mahahalagang detalye. Ito ang

2
pangunahing temang kumakatawan sa pinaka-ideyang nais ipahayag ng may-akda habang
dinaragdagan naman niya ng mga impormasyong magpapabisa at magbibigay-linaw sa
kanyang paglalahad sa teksto.

Kadalasan, makikita ang paksang pangungusap sa unahang bahagi ng unang talata o


maaari rin namang sa bandang hulihan ng pangwakas na talata sa kabuuan ng teksto na
ang layunin ay muling bigyang linaw at hanay ang ipinapahayag na kaisipan. Samantalang
may pagkakataon namang maaaring makita ang paksang pangungusap sa gitnang bahagi
ng teksto o sa talatang nagsisilbing katawan ng teksto. Ang layunin naman ng ganitong
estilo ay upang huwag maligaw ang bumabasa sa kaisipang nais ipahayag ng may-akda.
Basahin mo ang halimbawang tekstong nasa kahon.
Ang droga ay maaaring iklasipika sa tatlong uri: iyong nabibili kahit walang reseta;
iyong mabibili kapag may reseta mula sa doktor at iyong ipinagbabawal sapagkat illegal.
May mga droga na kung tawagin ay stimulant gaya ng caffeine. Hindi rin ito
kailangang ireseta ng docktor sapagkat nabibilang ito sa droga na nabibili kahit walang
reseta. Sa mga estudyante para hindi antokin, karaniwan na ang pag-inom ng kape. Ang
caffeine ay hindi lamang sa kape matatagpuan. Maaari rin itong matagpuan sa tsokolate at
mga inumin tulad ng cola. Ang isa pang halimbawa ng stimulant ay amphetamine na kilala
bilang mga pampapayat na tableta.
Ang kabaligtaran ng stimulant ay ang depressant. Ang mga taong umiinom nito ay
nakakaramdam ng panghihina at parang walang kontrol sa sarili. Hindi makatayong tuwid at
pasuray-suray sa paglakad. Ang alcohol ay isang uri ng depressant. Ang taong lasing ay
walang kakayahang kontrolin ang kaniyang pagkilos at mahina ang pakiramdam. Ang iba
pang halimbawa sa uring ito ay barbiturate at morphine.
Ang pinakamalaking uri ng droga na nabibilang sa mga ipinagbabawal na gamot ay
ang hallucilogen. Ang halimbawa nito ay ang LSD, mescaline at marijuana. Ang hallucilogen
ay kilala sa tawag na psychedelic, may epekto sa pandama, pagiisip, kamalayan sa sarili at
emosyon. Ang patuloy na paggamit nito ay nagdudulot ng pagbabago ng persepsiyon sa
oras at espasyo at delusyon o maling paniniwala.
Mula sa “Droga” ni Evelyn B. Autor

Sa halimbawang ito, ang paksa ng teksto ay droga sapagkat mula sa simulang talata
hanggang sa panghuli ay may pagbanggit ng salitang droga. Ang unang talata ang siyang
pamaksang pangungusap sa pagbanggit na tatlo ang klasipikasyon ng droga at ang mga
kasunod nitong talata ang mga suportang detalye sapagkat sa ikalawang talata ipinahayag
ang unang klasipikasyon, ang droga na kung tawagin ay stimulant na nabibili kahit walang
reseta. Sa ikatlong talata naman ipinahayag ang depressant na droga bilang kabaliktaran ng
stimulant at sa ikaapat na talata ang panghuling klasipikasyon ng droga ang binanggit, ang
ipinagbabawal.

3
Ito ay tekstong impormatibo. Nakapagbigay ito ng impormasyon o kabatiran ukol sa
paksa, ang droga. Ang droga na mayroong tatlong klasipikasyon: iyong nabibili kahit walang
reseta; iyong mabibili kapag may reseta mula sa doktor at iyong ipinagbabawal sapagkat
ilegal.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELC

Sa gawing pagkatutong ito, inaasahan na:

a. Natutukoy mo ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98).

b. Naibabahagi mo ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa

(F11PS-IIIb-91).
III. Mga Gawain

Pagsasanay 1: Mag-crossword puzzle ka muna upang matukoy mo ang katangian at


kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PABABA PAHALANG
1 Maliban sa sariling karanasan at nasaksihan ay 3 Layunin nitong makabago ang takbo ng isip at
maaari rin itong hanguan ng pangyayari sa makakumbinsi
pagsasalaysay
2 Nakatutulong ito sa pagpapalawak ng ideya 6 Pinakabasehan ito ng impormasyon sa tekstong
impormatibo
4 Ang halimbawa ng uri ng tekstong ito ay ang 7 Inilalahad ito upang maging matibay ang
manwal ng isang Vivo 1606 phone anomang proposisyon at argumento sa
pangangatwiran
5 Mabubuo ito sa isipan ng mambabasa kapag 10 Kaisipang binibigyang-pokus sa anomang uri ng
naging mahusay ang paglalarawan teksto
8 Ito ang nais na mapag-ugnay-ugnay nang wasto
sa tekstong naratibo
9 Gabay ito sa mas mabilis na pag-unawa sa
impormasyon sapagkat may mga bagay na
mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita
1 2

5 4 3 9
8
   
     
6

   
                 
  7            
             
                       
                         
                           

4
10
                   
                   
           
       
       
           

Pagsasanay 2: Matapos mong masagutan ang crossword puzzle, tukuyin mo naman ang
uri ng teksto ayon sa katangian at kalikasan ng pagkasulat ng mga halimbawa nito. Isulat
ang sagot na titik sa iyong sagutang papel.

1. Ang Durungawan ang lugar na animo’y nasa langit ka na ngang totoo sapagkat
maraming himala at pangitain ang matutunghayan mo rito. Makikita mo rito ang bakas o
mga yapak ng ating Panginoog Hesus at kung talagang malinis ang iyong kalooban ay
makikita mo ang imahe ng Mahal na Birhen at ang Pinakamamahal nating Poong
Hesukristo. At sa kahuli-hulihang yugto ng paglalakbay mo sa bundok, maliligo ka na sa
Banal na batis na binubukalan ng malinis na tubig na siyang pinagkukunan sa ngayon ng
“mineral water”. (Mula sa “ Ang dakilang Pananampalataya sa Lalawigan ng Quezon” ni
Edwin R. Mabilin)

2. Ang pagkakaroon ng kemikal, pisikal at biyolohikal na materyal na nakakasira sa kalidad


ng tubig at nakaapekto sa mga organismong umiinom at nabubuhay rito ay tinatawag na
polusyon sa tubig. (Mula sa “Krimen, Batas at Politika” ni Evelyn B. Autor)

3. Sa kasalukuyan, nakabilanggo ang ating isipan sa pagkukulong ng wikang Filipino sa


apat na sulok ng pelikula at telebisyon, sa kuwento at balita o pasalitang kultura. Ang
pagiging makabayan ay hindi nakatali sa paggamit ng wika. Kailangan ang wika sa
pagkakaisa ng damdamin ng taumbayan upang mapabilis na maganap ang adhikain ng
bayan. (Mula sa “ Polusyon” ni Evelyn B. Autor)

4. Edwardo, lumabas ka na mag-uumpisa na ang seremonya. Magandang gabi po sa


inyong lahat. Mga kasama, siya ang pamangkin kong si Edwardo. Tumiwalag na sa
pagpapari at sasapi na sa atin. “Ngunit T’yang?” “Tumahimik ka Edwardo. Mahal na
Suprema siya po ang aking pamangkin. Tinangka kong iniabot ang aking kamay upang
siya ay batiin ngunit sa halip ay hinagkan niya ang aking mga labi na hindi ko nagawang

5
tumutol at waring ako’y sumailalim sa kanyang kapangyarihan. (Mula sa “Ang
Seminarista” ni Edwin R. Mabilin)

5. Magkakaisa at magkakaunawaan ang sambayanang Pilipino na kung ano ang mayroon


ang ibang bansa ay magagawa natin na hindi na kinakailangan pang sirain ang wikang
Filipino na sumasagisag sa ating lahing Pilipino, kaakuhan at pagkakaisa. Sama-sama
nating ipagmalaki sa buong mundo na kailanman at saan mang pagkakataon, iba pa rin
ang Pinoy, hindi magpapahuli at lalong hindi padadaig. May sarili tayong husay, deskarte

at pagkakaisa na mahaharap natin ang modernong lipunan tungo sa kaunlaran. (Mula sa “


Intelektwalisadong Filipino para sa Sambayanang Pilipino” ni Edwin R. Mabilin)

Pagsasanay 3: Dahil madali mo lang nasagutan ang dalawang naunang pagsasanay, heto
pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman. Basahin at unawaing mabuti
ang tekstong “Gensing Gising Lambanog.” Kalakip ng gawaing ito ang akda. Pagkatapos
basahin, tukuyin mo ang uri at katangian ng teksto gayundin ang paksa at mga patunay nito
sa pamamagitan ng pagpuno sa talahanayan sa inyong sagutang papel.

Uri ng teksto
Pangungusap na
Pahiwatig sa uri ng
teksto
Paksa ng Teksto
Pamaksang
pangungusap
Mga Suportang
detalye

IV. Rubrik sa Pagpupuntos

Pagsasanay III

PAMANTAYAN PUNTOS
Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman ng sagot. Wasto ang lahat ng 5
impormasyon, makatotohanan ang paliwanag.
Kumpleto ang nilalaman ng sagot. Wasto ang lahat ng impormasyon. 4
Kumpleto ang nilalaman ng sagot ngunit hindi lahat ng impormasyon ay tama. 3
May ilang kakulangan sa nilalaman ng sagot. 2
Maraming kulang ang nilalaman ng impormasyon. 1

V. Susi sa Pagwawasto

6
Pagsasanay 1
1. Imahinasyon 6. Katotohanan
2. Detalye 7. Ebidensya
3. Persweysib 8. Pangyayari
4. Prosidyural 9. Ilustrasyon
5. Imahen 10. Paksa

Pagsasanay 2
1. b
2. a
3. d
4. e
5. c

Pagsasanay 3

Uri ng teksto Persweysib


Pangungusap na Magmadali, baka ito na iyong hinahanap na sagot sa iyong
Pahiwatig sa Uri mga problemang pangkalusugan at iba pang sakit.
ng Teksto Kaya’t subukan ang bisa at nang mapatunayan!!!
Paksa Gensing Gising Lambanog
Pamaksang Ang Gensing Gising Lambanog ang sagot sa problemang
Pangungusap pangkalusugan at sakit
Suportang Detalye Natural at walang kemikal ang lambanog
Nakapagpapalakas at nagbigay-sigla sa katawan
Nalalabanan ang iba’t ibang sakit
VI. Pagninilay

Pagbati sa’yo! Nagawa mo ang lahat ng gawain, kaya Smile naman diyan☺. Ngayon, bilang
pangwakas, isulat mo sa patlang sa ibaba ang kaisipang natutuhan mo sa ngayon☺.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VII. Sangunian

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/

Autor, Evelyn B. 2015. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Tungo sa Pananaliksik.
Ateneo de Naga University Press. Lungsod Naga. Pahina 89-90.

7
Bernales, et.al. 2015. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Mutya Publishing House,
Malabon City. Pahina 3-69.

Mabilin, Edwin R. Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na Pananaliksik.


Mutya Publishing House, Inc. Malabon City. 2012. Pahina 139-144.

Inihanda ni:
VANESA M. LOPEZ, T III
Salvacion National High School

Tiniyak ang kalidad:

ANA MARIA B. GOJAR, MT I SHARON A. VITO, EPS I


Bulan National High School SDO- Sorsogon

Gensing Gising Lambanog


Ni Edwin R. Mabilin

Narinig at natikman n’yo na ba ang Gensing Gising Lambanog? Kung hindi


pa, napag-iiwanan na kayo ng panahon. Magmadali, baka ito na ang iyong
hinahanap na sagot sa iyong mga problemang pangkalusugan at iba pang sakit. Ito
ay garantisado ang bisa. Walang anumang masamang epekto, sapagkat ito ay
natural at walang halong kemikal. Ito ay nagmula sa sariwang katas at talulot ng
puno ng niyog na tinatawag nating puno ng buhay mula sa kilalang Banal na Bundok
ng Banahaw sa Lalawigan ng Quezon.
Ang pambihirang lambanog na ito ay binabaran ng ubas at prunes sa loob ng
limang taong nakabaon sa lupa kasama ang sariwang gensing na mula pa sa
bansang Korea, na kilalang nagbibigay lunas sa maraming sakit at karamdaman.
Ang lambanog na ito ay nagbibigay-lakas at sigla sa ating katawan na lalong
tumutulong upang labanan ang mga masasamang dulot ng ating mga kinakain at
ibang substans na nagpapahina sa ating katawan.
Mas lalong mabisa ito sa pagpapalakas at pagpapasigla ng katawan;
lumalaban sa masasamang dulot ng ating mga kinakain sa araw-araw; nagtatanggal
ng kolesterol at tumutulong upang tunawin ang mga mamantika at matatabang
pagkain; … tumutulong din upang labanan ang mga elementong sumisira sa ating
balat at ibinabalik nito ang nasirang kutis sa dating anyong mas maputi’t dalisay
kaysa dati.
Mabisa rin sa pabalik-balik na ubo’t sipon na tumutulong upang tunawin ang
plema; tumutulong din na mailabas ang mga toxic sa ating mga katawan at
nagbibigay ng ginhawa sa di regular na pagdumi; mabisa rin sa mga taong hindi
regular ang pagtulog; tumutulong din sa mmga kababaihang hindi normal ang
pagkakaroon ng buwanang dalaw at tumutulong ding maibalik ang kakayahang
makabuo ng supling….

8
Kaya’t subukan ang bisa at nang mapatunayan!!!

You might also like