Professional Documents
Culture Documents
Document
Document
Ngunit hindi yaon ang nangyari sa kwento. Kahit na naging mapagtimpi si Marcos, kalauna'y kinain siya ng galit at pusong
nais maghiganti. Para sa akin, mali ang kanyang ginawa. Sapagkat Diyos lamang ang may karapatang magparusa at kumuha
ng buhay. Kahit na sabihin pang hindi niya direktang pinatay si Don Teong, siya pa rin ang may pakana ng lahat. Nakatakas
man siya sa batas ng tao, ngunit alam kong sa batas ng Diyos niya makukuha ang nararapat niyang kaparusahan.