Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Bata, Bata,

Ano ang
Pangarap Mo?
ni: Ben Beltran, SVD
I. Pamagat
Bata, Bata ano ang Pangarap mo?
II. Kahulugan ng Pamagat
Ang kahulugan ng pamagat ng akda ay ang tanong na “puwede nga bang
magkaroon ng pangarap ang mga batang lansangan?” Mga batang pinagkaitan ng
karangyaan ngunit mayroon nga ba silang pangarap sa buhay?.
III. Halaw
Ang akda ay tungkol sa mga batang lumaki sa lansangan, na salat sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain at tirahan. Ang lansangan ay
nagsisilbing kanlungan ng mga batang ito na sa araw-araw na pamumuhay kasama nila
ang lansangan.
Sa refrain ng akda ay tinanong kung ano ba ang pangaarap ng isang bata? Sa
tingin niya ano kaya siya paglaki? Musmos kung maituturing ang mga batang ito ngunit
sila ay mulat na sa realidad ng buhay na kanilang kinagisnan.
IV. Pagsusuri
A Uring Pampanitikan
Kantahin
Ito ay isang uri ng tulang liriko na ang layunin ay para awitin. Ito ay binubuo ng
mga payak na salita na may sukat at tugma. Nahahati ito sa taludturan, maikli at
tiyakan.

B Istilo ng Paglalahad
Inilahad ang akda sa uri ng tulang liriko na kantahin na mayroong sukat, tugma at
nilapatan ng himig na ang layunin ay para awitin.

C Tayutay o Talasalitaan:
Denotasyon - mga kahulugan mula sa diksyunaryo.

1. Lansangan - kalsada o kalye

2. Gusgusin - madumi o madungis

3. Aspalto – palitada o latag na bato


4. Musmos- bata o paslit

5. Nasadlak - napunta

6. Naglipana - nagsilabasabasan o nagkalat

7. Hikbi - pag-iyak

V. Pansin at Puna
A Tagpuan
Lansangan
B Galaw ng Pangyayari
Mayroong kabagalan na may kabilisan ang galaw ng pangyayari. Ang akda ay
nasa uring kantahin kaya ang paglalahad ng kwento ay pakanta na mayroong sukat,
tugma at himig.
VI. Sariling Reaksyon:
Bukod sa kahirapan, kapabayaan ng magulang ay isa sa dahilan kung bakit
maraming mga bata ang lumalaki at naninirahan sa lansangan. Natututong magtrabaho sa
sariling paraan upang may pantapal sa kumakalam na sikmura. Ang mga batang ito ay
minulat ng realidad ng buhay sa lansangan at natutong gumawa ng mga hindi magandang
bagay na taliwas sa kanilang pamumuhay tulad ng pagnanakaw, paggamit at pagbebenta
ng ipinagbabawal na droga. Ang mga batang ito ba ay mayroon pang natitirang pag-asa sa
sarili upang magbago at mayroon ba silang mga pangarap na nais nilang maabot.

VII. Mga Teoryang Nakapaloob sa Akda


Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang-
tuon ang kakayahan ng tao at mga katangiang mayroon ito gaya ng pagiging matapang at
madiskarte.
Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Ito ay naglalayong maipakita ang realidad ng buhay ngunit sa
paraang masining at epektibong pagpapahayag.
Teoryang sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda.
Teoryang Marxismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang umiiral na tunggalian ng tauhan sa
kanyang sarili, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan.

VIII. Bisang Pampanitikan


A. Bisa sa Isip
Nagbibigay kamalayan sa mga mambabasa na kung ano at paano nga ba
namumuhay ang mga batang lumaki sa lansangan at kung paano nila ito kinakaharap at
nilalampasan.
B. Bisa sa Damdamin
Ang pagkakaroon ng determinasyon sa sarili ay isa sa mga bagay na maaaring
gamitin upang malampasan ang mga problemang kakaharapin. Hindi dahilan ang kawalan
ng determinasyon upang magpalamon na lamang sa mga problema sa buhay.
C. Bisang Kaasalan
Maging pursigido sa lahat ng nais gawin. Ang pagiging tamad ay walang
patutunguhan.
IX. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A Kahalagahang Sosyal o Pangkabuhayan
Ang kasalatan sa buhay ng mga batang lansangan ay nagkakaroon ng epekto sa
kanilang sosyal na estado. Sila’y patuloy na minamaliit ng mga taong sa kanila’y
nakakakita at nakapapansin. Dahil nga sila’y walang maayos na pananamit at tirahan
pati na rin kakulangan sa edukasyon sila’y itinuturing na mababang uri ng tao sa
lipunan na kayang tapak-tapakan at maliitin ng sinuman.
B Kulturang Pilipino
Pakikipagsapalaran at pagiging madiskarte sa buhay ang mga nakasanayan at nasa
kultura na ng mga Pilipino. Kahit walang-wala na sa buhay ay nagagawa paring
makipagsapalaran at dumiskarte upang mabuhay sa lipunan. Kapag ika’y hindi
makipagsapalaran at dumiskarte hindi ka mabubuhay.
C Pilosopiyang Pilipino
“Walang taong walang pangarap.“ Kahit sinong tao mahirap man o mayaman
lahat ng tao mayroon at mayroong pangarap, malaki man yan o maliit na pangarap.
X. Implikasyon
A Kalagayang Panlipunan
Naimumulat ang bawat mamamayan sa kalagayang panlipunan ng mga batang
lansangan. Mga batang lansangan na kung tutuusin ay mga batang musmos at wala pang
kamalayan sa mundo ngunit natututong makipagsapalaran ng maaga upang sila’y
mabuhay. At kung ang mga batang ito ay may maituturing bang pangarap na nais nilang
makamit.
B Kalagayang Pangkabuhayan
Nagbibigay ng mensahe sa lipunan na ang mga batang lansangan ay kayang
mabuhay sa kanilang sariling pamamaraan. At sila’y may mga pangarap rin.
C Kalagayang Pansarili
Nakapagbibigay ito ng motibasyon sa bawat tao na may pangarap sa buhay. Na
kung may pangarap gawin itong motibasyon upang abutin at umangat sa kahirapan.

You might also like