Bata

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bata, Bata, Ano ang Pangarap Mo?

ni Ben Beltran, SVD

Mula sa Ani: Panitikan ng kahirapan, 21

Brasong payat ang unan, banig mo ay karton

Nanginginig ka sa ginaw, sa higaang kariton

Damit mo na gusgusin, hindi na nalabhan

Kahapon pa kumain ng mula sa basurahan.

Mga batang lansangan sa gubat na aspalto

Lahat panay sabog sa solvent o shabu

Ang iba'y nagtitinda ng tsiklet, sigarilyo

O sariling katawan sa dayuhang milyonaryo.

Refrain:

Bata, bata, ano ang pangarap mo?

Paglaki mo kaya ika'y maging ano?

Naglipana sa kalye, mga musmos na tulad mo

May gatas pa sa labi, nasadlak na sa impiyerno

Sa lipunan ng mga pipi, bulag at bingi

Walang pumapansin sa tahimik mong hikbi

Pag-asa ka ng bayan, tadhana'y malagim

Hinigop ng buhawi, nilamon ng dilim.

You might also like