Professional Documents
Culture Documents
Flor Ante at Laura Script
Flor Ante at Laura Script
Flor Ante at Laura Script
Scene 1 (Si Florante ay muntik na kunin ng buwtre. Niligtas ni Menalipo si Florante. Pinapunta ni Duke Briseo
si Florante sa Atenas, ang lungsod ng karunungan.)
NARATOR: si florante ay bugtong na anak nina Prinsesa Floresca at Duke Briseo. Ang butihing prinsesa ay anak ng
hari ng krotona at ang mabait na duke ay siyang salamin sa karunungan sa buong albanya. Nang sanggol pa lamang
si Florante ay ...
(baby sound)
(eagle sound)- sabay
GENREV: haa.. isang Buwtre! iyan ang nararapat sa iyo halimaw.
DAPHNE: ang aking anak.. mabuti’y nasa mabuti kang kalagayan anak. salamat na lamang nandito ka menalipo
kundi’y malamang napahamak na ang aking anak. Halika’t dalin natin siya sakanyang ama.
NARATOR: sapaglipas ng panahon si Florante ay nasa wastong gulang na upang tumuklas ng kanyang karunungan
napagtanto ng kanyang ama na si Duke Briseo na siya ay pag aralin sa Atenas..
EDRIAN: florante anak, napag isip isip ko napapanahon na upang tumuklas ka ng karunungan. (shock/intense
sounds) Ikaw anak ay ipadadala namin sa Atenas, ang lungsod ng karunungan. Ang Atenas ay bantog sa
mahuhusay na guro, isa na rito ay si antenor na siya mong magiging guro.
EDRIAN: batid ko ang pagmamahal na inuukol ng iyong ina, subalit kung tayo’y patatangay ng kalungkutan sanhi ng
ating paglalayo ay hindi mo matatagpuan ang tagumpay....... Iyan ang dahilan kung kaya’t dapat nating pagtiisan ang
lahat. Ang kapangyarihan ng luha ay dapat nating pawalang kabuhulan.
JUJA: Nagagalak ako sa iyong pagdating, Florante (OST/ Florante & Laura Theme song)
NARATOR: isang buwan na ang lumipas subalit hindi humiwalay ang kalungkutan sa kanya, kahit minsan......
pinayuhan siya ng kanyang guro na makipagkaibigan at sinabi pa niyang maykakabayan siya dito. Nagpakilala si
Florante sa kanyang mga kamag aral at di niya akalain na doon pala niya ang magiging pinakamatalik niyang
kaibigan.
NARATOR: Mula noon ay naging masaya na si Florante. Madali silang nagkapalagayan ng loob ni Menandro. Ilang
pahahon pa ang lumipas. (OST na masaya)
ALEX: Ako’y naliligayahan pagka’t ang ating pagkakaibigan ay nagdudulot sa akin ng sigla at sasiyahan.
MARK: Sakaling ako’y palaring makakarating sa Albanya, asahan mong di upang humanap ng katanyagan kundi
upang huwag na tayong magkahiwalay! (end of OST na masaya)
NARATOR: At di nagkabula ang kanilang sapantaha pagkalipas pa ng ilang taon ay si Florante na nga kinikillalang
pinakamarunong sa paaralan. Ang pangalan niya’y naging bulaklak ng dila ng mga tao.
JUIRO:(intense na may dun… dun… na sound) (sa isip lamang)Hindi!!! Hindi ko maaaring palagpasin ang pag-
agaw mo sa aking karangalan! Isa lamang sa amin ni Florante ay dapat na salubunging bangkay sa Albanya! (stop
the music)
NARATOR: At pagkalipas ng ilang buwan ang paaralan ay nagtangi ng isang araw ng kasayahan.
JUJA: ang ating paaralan ay magkakaroon ng pagsasadula hango sa buhay ni Reyna Yokasta. Florante, papel ni
Etyokles ang gagampanan mo. Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang gagampanan ni Menandro. (OST 1)
NARATOR: patuloy ang kanilang paghahanda, lahat ay masaya maliban kay adolfo na noon ay.....
NARATOR: isang araw bago pasimulan ang pagtatanghal, si Adolfo ay hindi dalawin ng antok laging sumasaisip niya
ang maiitim na balak kay Florante.
NARATOR: At nang dumating na ang pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang pangunahing tauhan ng kasaysayan si
Florante.
JUIRO: MAGPAKATATAG KA NA (intense with dun… dun… sound) AT ITO NA ANG KATAPUSAN MO
NARATOR: Sa halip na sabihin ang nasa orihinal na ikaw’y kumilala;t kapatid mo ako kay Epidong Bunga,” ang
nawika ni Adolfo ay.....
JUIRO: ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay! Umm Umm!...... Mamatay ka!.
JUIRO: kailangang mawala siya pagkat siya ang umagaw sa karanangalan ko!
KAMAG-ARAL: isa kang habang, ulupong at sakim!.. Patayin si Adolfo. Patayin ang sukab!
NARATOR: hindi na nga inabot pa ng kinabukasan si Adolfo, noon din ay pina uwi sa Albanya.
JUIRO: sa muli nating pagtatagpo ay titiyakin ko ang aking tagumpay, Florante titiyakin ko! (dun..dun…dun…)
JUJA: hindi masama na ang isang tao ay magkaroon ng matayog na layunin, ang masama ay ang tamuhin ang
katuparan na niyon sa kapinsalaan ng kapwa. Kung paano nagkaroon ng isang kain na pumatay sa kanyang kapatid
na si Abel ng dahil sa inggit, paano nga kayang hindi magkakaroon ng isang Adolfong naghahangad ng pumatay sa
kanyang sariling kababayan! Kahanga-hanga ang ginawa ni Menandro, ito’y isang magandang halimbawa ng
pagkabayani.
ALEX: paano kaya kita magagantihan Menandro, kundi sa iyo ay isa na akong malamig na bangkay!
MARK: iwaksi mo sa iyong isip ang bagay na iyan, dapat tayong mag pasalamat sa dakilang lumkha! Ang lahat ay
utang lamang sa diyos ako’y kasangkapan lamang niya upang iligtas kasa kapahamakan!
MARK: Florante, para ko ng nakikitang malapit ng dumating ang araw ng iyong pag-uwi
MARK: kung sumama kaya ako’y ipagkapuri mo naman kaya ako sa iyong mga kaibigan, sampu ng ama mong
Duke?
DESTIN: ipagapatawad niyo po ang aking pang aabala. may sulat po galing kay Duke Briseo ng Albanya para kay
Florante. narito ang liham... (sad song): iyan ang katotohan anak, pumanaw na ang iyong ina. Hindi ko na ito
ipinaalam sa iyo noon upang huwag masira ang iyong pag-aaral. Ang iyong AmaDuke Briseo
NARATOR: napatingin sa malayo si Florante na wari ay natatanaw ang larawan ng kanyang ina.....
ALEX: ina,(sad song) bakit hindi mo na ako hinintay. Hindi ba’t sinabi ko sa iyong ako’y magbabalik upang handugan
ka ng aking tagumapay.
MARK: huwag masayadong malumbay Florante, hindi makakatulong sa katawa mo ang kalungkutan.
NARATOR: nakaraan pa ng dalawang buwan, dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo.
ALEX: pinauuwi na po ako mahal kong guro, nasa daungan na raw po ang sasakyan
JUJA: florante sa pag babalik mo sa Albanya ay tandaan mong mayroon kang isang kalaban, ang higanti ni Adolfo ay
pakaingatan mo. At kung ikaw ay salubungin ng ngiti, mag ingat ka pero wag kang magpapahalata, lagi mong ihanda
ang iyon sandata.
MARK: ang pasiya lamang ng aking amain ang dapat nating hingin.
NARATOR: hindi na hinintay ni Antenor na tanungin siya ng dalawa. Noon din ay pumayag na sumama si Menandro
kay Florante, ilang saglit pa sa daungan.
ALEX: ama ko. Hindi ko akalain na ganito kapait ang ating pagkikitang muli.
ALEX: marahil nga ama. Ama may gusto po akong ipakilala sa inyo siya po ang aking kaibigan si MENANDRO.
EDRIAN: Nabalitaan ko na ang lahat, isa kang tunay na kaibigan, nagtitiwala ako sa iyo Menandro. Bilang araw ay
makagaganti rin kami sa iyo.
ASHLEY: galing na po ako sa palasyo ni Haring Linceo na siyang nagsabi na narito kayo. Aalis na po ako.
EDRIAN: ito’y galing sa iyong ninuno na siyang Monarko sa Krotona (dun… dun…dun..), kailangan niya ang tulong
ni Haring Linceo. Nakubkob ng mga kaaway na Moro ang Krotona sa pamumuno ng kilabot na si Heneral...
Scene 5 (Nanganganib ang Krotona. Pagkilala ni Haring Linceo kay Florante. Nakilala na ni Florante si Laura)
NARATOR: hindi nag-aksaya ng sandali ang mag ama, noon din ay nagsadya sila sa palasyo ni Haring Linceo at ng
magkaharap sila ay...
JB: (OST with soft intense sound) mabuti at nag sadya ka agad sa akin, ang Krotona ay nangangailangan ng ating
tulong. O duke... sino ang binatang kasama mo? Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng bunying gerero, ang aking
napangarap na sabi sa iyo na magiging haligi ng sentro ko’t reyno
EDRIAN: siya ang bugtong kong anak kararating lang mula sa Atenas. Si Florante na inihahandog sa mahal mong
yapak, ibilang na isang basalyo’t na alagad.
JB: mabuting pagdating, mula ngayon ay ikaw na ang halal kong Heneral (lakasan mo yung sound) ng aking hukbo,
Florante. (stop the sound)
NARATOR: sa kagustuhan narin ng hari, ang magandang si Laura ay nakaumpok nila sa pag-uusap na iyon
kakaibang damdamin ang nadama ni Florante. (romantic sound) Halos litung lito at di tuwid mag salita si Florante at
laging sumusulyap sa kagandahan ni Laura at di lingid sa kanya ay gayun di ang nadarama ni Laura.
ALEX: napakaganda niya. Ano kaya itong nararamdaman ko. Pag-ibig na ba ito.
NARATOR: nang matapos ang kanilang pulong, umuwi na sila Florante. (stop the sound)
ALEX: anong hiwaga ng pagkakataon, parang hindi ako makapaniwala na ako’y humihinga pa sa mga ssandaling ito.
IYANNAH: nalalaman ko ang sanhi ng iyong kalungkutan, ipinagluluksa mo ang pagpanaw ng iyong ina.
ALEX: hindi iyon ang dahilan laura, ang kalunkutang nadarama ko ngayon ay nagsimula ng kita’y makilala.
ALEX: hindi mo ako nauunawaan Laura, (lakasan mo onti yung volume) ang kalungkutan ko’y sanhi ng aking
damdaming inuukol sa iyo na hindi ko maipahayag! Subalit sa pagkakataong ito, ikamamatay ko kung di mo
mababatid na ikaw ay aking iniibig Laura!....... Laura iniibig kita, at kung hindi kalabisan ay nais kong bago ako
magtungo sa larangan ay bigyan mo ng liwanag ang isinamo ko.
ALEX: kay ligaya ko, sapat na ang mga luhang iyan upang sabihin kong ako ang pinakamapalad sa daigdig.
ALEX: ang iyong pag-ibig ang siyang magiging sandigan ng aking tagumpay, paalam. (high volume mellow music)
IYANNAH: diyos na mahabagin huwag mo pong itulot na mapahamak si florante. Patnubayan niyo po siya ng iyong
mapagpalang kamay. (high volume mellow music.. after 5 sec. stop the music)
ALEX: (intense sound) iyan ang Krotona Menandro, kailangang magsipaghanda na tayo.
MARK: gawin nating bigla ang pagsalkay upang malito ang mga kalaban.
NARATOR: at gaya ng kanilang plano. Tila limbas na nagsisilakay sina Florante at Menandro.
NARATOR: Sa marahas na pagdaluhong nina Florante. Ang mga moro ay nagulo at hindi matutuhan ang gagawin.
Nakipaglaban ang lahat hanggang magtapat sina Florante at Osmalik.
WHALID: kung ako ang hinahanap mo, magpakatatag ka na, mayabang na Heneral.
(dun…dun…dun…)
ALEX: ikaw pala ang sinasabi Osmalik, masusubukan ko ngayon ang tapang mo.
Mga kawal : Haaaa..... (sword clashing)
ALEX: ito ang nababagay sa iyo haaaa(sword tusok). Ito na ang wakas mo, buhong. Uummm. Sayang na heneral.
MARK: nagsitakas ang iba, nagtagumpay tayo, Florante!...... Isang kilabot na girero Florante, nagapi mo ang bantog
na Heneral ng mga Moro.
ALEX: ikaw naman Menandro, kahanga-hanga ang iyong tapang tayo na sa Palasyo. (--tuloy lang yung music na
intense)
NARATOR: iniisip niya ang kanyang minamahal na si Laura. Bumalik sila agad sa palasyo ng......
ALEX: Menandro, hindi ba ako namamalik mata lamang? Tingnan mo. Ang watawat ng Moro ay nasa itaas ng palasyo
ng Albanya.
MARK: nasasakop ngayon ng moro ang Albanya. Pinasok nila habang tayo’y nasa Krotona.
ALEX: hindi ko gaanong maaniga..... diyos ko....(dun…dun…dun…) si..... Laura, siya nga.
ALEX: mamamatay kayong lahat sa ginawa niyo...(intense sound) haaaa....(swords clashing) Laura, aking Laura.
Ano ang nangyari at?...
IYANNAH: florante, salamat at ako’y nailigtas nyo sa tiyak na kamatayan. Ang buong kaharian ay nasa kamay ng mga
Moro ang aking Ama at si Duke Briseo ay kasalukuyang nakakulong.
ALEX: wag kang mag alala, ngayon din ay sasalakayin namin ang palasyo! Mga kawal, mga kaibigan tayo’y
maghanda. Tayo’y lulusob ngayon sa palasyo upang gupuin ang mga Moro. Lumusob na tayo. Haaa.....
NARATOR: walang lakas at katapangan ang nakahadlang sa kanila. Ang mga kaaway ay parang dinaanan ng salot .
kabi kabila ang mga bangkay na Moro(swords clashing). At pag katapos rin nu’y agad agad nilang pinasok ang
palasyo upang ilabas sa piitan ang Hari at Ama.
JB: salamat at inabot nyo kamingbuhay! Hindi ako nagkamaling hirangin kang Heneral ng aking Hukbo. Ikaw nga
mandirigma na dumalaw sa aking panaginip. (stop the music)
JUIRO: (intense music) talagang sakanya na humaling ang hangal na hari. Kung mayroon mang anay na sumisira ng
kahoy. Ako ang anay na yaon na sisira sa inyong lahat.
NARATOR: ang tagumpay ni Florante ay sinundan pa ng lalong marami at malaking kapanalunan. Labing pitong
kaharian ang gumalang at sumuko sa kanyang katapangan. Ilang buwan ang lumipas, muling sinalakay ang Albanya,
pumasok ang mga Turko sa pamumuno ni Heneral Miramolin. At sa kahuli hulihan ay nanalo uli sila laban sa mga
Mapanakop na nilalang. Nasa kaharian ng Etolya sina Florante pagkatapos ng laban ng may dumaring na liham
galing kay Linceo.
ALEX: salamat.
ALEX: pinauuwi ako sa Albanya at iwan ko raw sa iyo ang Hukbo. Paalam muna Menandro uuwi muna ako sa
Albanya. Aalis na ako.
ALEX: ano ang ibig sabihin nito, hindi nyo ba ako kilala.
PHIA: ikinalulungkot namin Heneral, subalit iyan ang pinag ustos sa amin ng Hari.
NARATOR: at sa laki ng kanyang pagkamangha ay kinulong siya sa isang madilim na bilanguan at dito niya nabatid
na.
JUIRO: magandang gabi, inutil na Heneral. Kamusta naman sa iyong kwarto. Maganda ba?
ALEX: Adolfo? bakit.. pano’t.. Bakit na sa iyo ang sentrong Korona. Taksil ka. Pano mo nagawa iyan sa sarili mong
bayan. Nasan ang hari at ang aking ama?
JUIRO: Florante... florante... kawawa ka naman at hulog ka sa aking bitag. Alam mo pinugutan ko lang naman ang
iyong ama at ang hangal na Hari.(high volume) Dahil hindi sila nararapat mamuno dito sa Albanya. Mga walang
utak..
ALEX: pakawalan mo ako dito, buhong Florante. pagbabayaran mo ito ng mahal Adolfo. Ngunit hindi ko lubos na
maisip kung paano naging Hari ang isang duwag.
PHIA: ikaw ay isang billango at ang hatol sa iyo ay. Igapos sa madilim na gubat.
PHIA: gaya ng aking sinabi noon. Siya ang hari ngayon at dimagtatagal ay pakakasalan niya si Prinsesa Laura.
ALEX: ano... kailangan niyo ako! Patutunayan ko na di karapatdapat mamuno si Adolfo. At di rin pakakasal si Laura
sa Duwag niyong Hari.
PHIA: huli ka na. Wala ka ng magagawa at sa palagay ko ito na ang ito na ang iyong katapusan. (stop the music)
Scene 9 (Nakatali sa puno si Florante, may mga mababangis na hayop. Tinulungan ni Aladin si Florante.
Itinakas ni Adolfo si Laura, niligtas ni Flerida. Nagkita muli ang mga magkasintahan.)
NARATOR: inilabas na ng piitan si Florante at idinala na siya sa madilim na (crickets sound) gubat at iginapos sa
puno ng higera. At si Florante ay iniwan sa gubat.
ALEX: diyos ko, anong uri ng kalupitan ang parusang ito. (high volume desperate music)
NARATOR: parang nakikiramay ang kapaligiran sa kanya. Mistula itong libingan na ang tanging maririnig ay huni ng
ibon at mumunting hayop. Isa man ay walang makadadamay sa kanya. Ang kanyang ama ay wala na, si Menandro ay
walang kaalam alam na naiwan sa Etolya at si Laura ay nasa kapangyarihan ng malupit na Konde.
ALEX: laura, o aking laura! Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook na ito’y wala akong makitang pag-asa.
NARATOR: lumipas ang magdamag na di halos namalayan ni Florante. isang pikit man ay di makatulog. Sa kabila ng
nanghihinang katawan ay pinipilit paring makatakas subalit wala siyang magawa..... (stop the music) Samantala sa
kabilang panig isag girero ang ....
JAYDAN: napakadilim ng gubat na ito.(crickets and wind sound) Dito muna ako magpapalipas ng pagod. (roar of a
lion)
JAYDAN: sino kaya iyon! Humuhingi ng tulong. Sandali lang.... nasapanganib siya. (swords clashing)
JAYDAN: huwag kang matakot ligtas ka na sa panganib. Oo, isa nga akong Moro na kaaway ng iyong lahi, subalit
ngunit sa pagkakataong ito’y tao rin ako na may puso at damdamin.
JAYDAN: walang anuman iyon. Mapanganib ang pook na ito, humanap tayo na ligtas na pook.(stop the music)
Kaibigan may natira pa akong pagkain. Heto kumain ka na. Alam kung gutom na gutom kana.
NARATOR: naging palagay ang loob ni Florante sa Girerong Moro. Naubos niya ang tinapay at nakatulog.
NARATOR: sa pangambang baka masila ng mabangis na hayop binantayan ng Moro si Florante hanggang ito’y
magising.
ALEX: hindi ka natulog? Kay buti mo, hindi ko malaman kung paano kita pasalamatan.
JAYDAN: (stop the music)kaibigan,(--instrumental music--) maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit nagkaganito
ka.
ALEX: kaibigan ang pangalan ko ay Florante, makinig ka sa isasalaysay ko ang aking buhay mula sa kamusmusan.
NARATOR: isinalaysay ni Florante, ang kanyang buhay, mula pagkabata hanggang lumaki, ang mga nangyari sa
kanya, at kung paano siya nakapunta sa gubat.
ALEX: at sa maraming digmaan sinuungan ko’u isa na si Heneral Osmalik sa aking nagapi, na ayon sa Balita ay
siyang pangalawa sa tapang ni Aladin!
JAYDAN: huwag kang maniwala sa mga balita, sakaling totoo man ay maraming dag dag.
JAYDAN: yayamang natalos ko ang iyong buhay, pakinggan mo naman ang aking kapalaran.
JAYDAN: florante ang Aladin na iyong binabanggit na bantog sa persiya ay....(dun…dun…dun…) ako.
JAYDAN: ang akin namang kasawian ay dahil naman sa aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang umagaw sa
mahal kong si Flerida. (instrumental)
NARATOR: isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay Florante. pati narin ang dahilan ng alitan
nilang mag ama. Samantala sa kabilang banda sa etolya....
MARK: kay Laura???? Tama nga ang aking hinala..(intense) mga kawal.. mga kawal maghanda kayo ngayun din at
lulusob tayo sa Albanya.
NARATOR: habang nagkakagulo ang ,mga tao sa Albanya itinakas ni Adolfo si Laura
NAHLA: bitiwan mo siya. Nilalang. Isa kang Halimaw. Ito ang nababagay sa iyo.
NAHLA: flerida
IYANNAH: maraming salamat Flerida. Kung hindi dahil sa iyo na ituloy ni Adolfo ang kanyang masamang balak. Ahh.
Siya nga pala ako nga pala si Laura
NARATOR: (instrumental) nagpalagayang loob ang dalawang dalaga at sanhi narin ng pangyayari isinalaysay nilang
pareho ang kani kanilang karanasan bago ang pagkakataong iyon.
JAYDAN: at ng gabing iyon ay nilisan ko na ang Persiya at nilakbay ang madilim na gabi...
NAHLA: subalit sadyang hindi ko matanggap ang pag-ibig ng sultan. Ninais ko pang magpakamatay (dun...dun…
dun…) ngunit paano si Aladin..(instrumental na intense) hanggang sa maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko ang
kaparangan at kabundukan hanggang marating ko ang kagubatan at...
IYANNAH: Florante
JAYDAN: flerida
NAHLA: Aladin
NARATOR: walang pagsidlan ng galak ang apat sa kanilang muling pagtatagpo at ang madawag na gubat na iyon ay
naging paraiso. (stop the music)
IYANNAH: (OST ng Florante & Laura)o florante, mula ng lumisan ka ay nagkaroon na ng gulo sa Albanya.
NARRATOR: sa gitna ng pananabik sa muli nilang pagkikita. ikinuwento ni Laura ang mga nangyari sa Albanya
habang siya ay nakikipag digma sa Etolya.... ang hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Aladin ang......
JAYDAN: teka, tila mga yabag ng maraming kabayo ang tunog na iyon.
ALEX: Menandro,
MARK: Florante. oh kaibigang Florante, ang akala ko’y hindi na tayo magkikita.
MARK: pagkaalis mo’y isang sulat ang tinanggap ko, mula kay Laura, doon ko nabatid ang inilaang patibong ni Adolfo
para sayo. Hindi ako nag aksaya ng panahon, tinipon ko ang dating hukbo at noon din ay sinalakay namin ang
Albanya. At hindi kami na bigo, naibagsak namin ang mga kabig ni Adolfo. Hinahanap ko kayo pati na si Adolfo subalit
hindi ko kayop matagpuan.
IYANNAH: kasalukuyan akong itinatakas a palasyo ng itakas ako’t dalhin ni Adolfo sa gubat at dito ako nakita ni
Flerida. Na siyang nagligtas sa akin.(lakasan mo yung OST ng Florante & Laura)
ALEX: menandro.
MARK: florante,
NARATOR: at nilisan nila ang madawag na kagubatang iyon upang magbalik sa Albanya. Gayon na lamang kanilang
kagalakan ng matanaw na nila ang Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod ay sinalubong sila ng di magkamayaw ng
mga mamamayan.
MAMAMAYAN SA ALBANYA: mabuhay ang bagong hari, mabuhay sina Florante at Laura.
NARATOR: at di naglipat araw ang dalawang puso ay pinag tali, sina florante at Laura, Aladin at Flerida. Pagkatapos
ng malaking pigging sa Palasyo ay nagpaalam na sina aladin at Flerida..
NARATOR: AT SI Florante at Laura ay naging uliran sa pamamahala ng kaharian, malaki ang isinulong ng Albanya.
Magbuhat noon ay di na humiwalay sa kanila ang kaligayahan. (ending song—relaxing music)