Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GNED 09A

FAYNAL NA TERMINO

Pre-test # 1 ( Module 6 )

Pangalan: MARY JANE M. CATUBO Petsa:November 15,2021


Kurso/Antas : BSBM 301-A Professor: Efren E. Pegos

Direksyon: Sagutin ang mga nakalaang tanong sa ibaba,ayon sa sarili mong nalalaman.
Ipaliwanag nang mabuti ang mga sagot na aangkop sa nakalaang tanong. Iwasan ang
mangopya sa Modyul,upang makakuha nang mataas na puntos. ( 4 na puntos sa bawa;t aangkop
na paliwanag )

Module 6 : Pagtatatag ng La Liga Filipina, Pagpapatapon sa Dapitan

Mga Tanong na dapat munang sagutin base sa sarili mong nalalaman.

• Bakit ang pagkilala sa sarili,bilang sama-samang biktima ng kolonyalismo ay


mahalagang unang hakbang sa pagkabansa?o pagiging makabansa?
Ang pagkilala sa sarili, bilang sama-samang biktima ng kolonyalismo ay
mahalagang unang hakbang sa pagkabansa o pagiging makabansa sa kadahilanang una
dapat alam natin sa sarili natin dapat minamahal at pinagmamalaki natin nag sarili nating bansa
kung saan tayo naninirahan pinapahalagahan ang kultura , wika, tradisyon at iba pa kung atin
nitong ginagawa ito ang pagkakakilanlan natin sa bansa natin at nagreresulta ng pagiging
makbansa,isama mopa ang pagtangkilik sa sariling produkto ng ating bansa at paghikayat pa sa
ibang tao o foreigner na bumisita at tangkilikin din ang ating produkto at pagsunod sa mga
alituntunin o batas ay pagiging makbansa natin, dahil sa sarili mo kung alam mo ang totoo at
ginagawa ang mga ito ay ngapapakita lamang na tunay nga na mahal mo ang iyong bayan o
bansang sinilangan.Ang mga pangunahing tampok ng pagiging makabayan ay ang pagmamataas
sa kultura at mga nagawa ng kanilang estado, pagkilala sa kanilang sarili sa kanilang mga
kababayan, kahandaang ibigay ang kanilang sariling mga interes sa mga interes ng estado,
kahandaang ipagtanggol ang tinubuang-bayan sa mga mapanganib na sandali.

• Bakit nagmamalasakit kay Rizal ang mga Heswita?


Nagmamalasakit kay Rizal ang mga Heswita sa kadahilanang marami siyang
natulungang mamamayan ng bansang Pilipinas na upang mailigtas sa ilalim ng
pamumuno ng mga Espanyol. Sila na rin ay noon pa man ay naibigan na nila dahil
minsan na rin silang napahanga ng estudyanteng si Rizal sa larangan ng sining at
naging pinakamahusay na siyang mag aaral sa Ateneo na ipinagmamalaki ng mga Paring
Heswita.
• Bakit nag-abala siyang gumanap,bilang guro ng mga bata?
Nag abala siyang gumanap bilang guro ng mga bata upang maging maalam at
kapaki pakinabang ang mga batang lallaki na regular nyang tinuturuan na mamamayan sa
Dapitan kahit sya ay namuhay bilang desterado dito dahil alam naman natin na malakas ang
tingin sa mga lalaki noong panahon ni Rizal na dapat sila ay makapag aral .

• Sa pagtatanim niya at pangongolekta ng mga insektong pag-aaralan ng syensya,


masasabi bang malapit sa kalikasan si Rizal?
Sa pagtatanim nya at pangongolekta ng mga insektong pag-aaralan ng syensya,
para sakin ay hindi dahil nagawa nya lamang ang mga ito dahil sa kanyang kasipagan at nais
nyang maging maalam at kapaki pakinabang sa bayan sa Dapitan na kanyang pinagtapunan na
lugar.
• Sa pagsisipag ba sa Dapitan, naipakita ba ni Rizal ang kaniyang kabayanihan na walang
kinalaman sa ginagawa niyang paglaban,para sa bayan? Ipaliwanag.
Sa pagiging masipag ni Rizal sa Dapitan ay talaga namang naipakita nya ang
kanyang kabayanihan na wala namang kinalaman sa ginagawa nyang paglaban para sa bayan
dahil sa mga ginawa nya tulad ng bilang maging isang manggagamot, guro, alagad ng agham,
inhinnyero, organisador at iba ay tinutulungan nya na amtuto ang iba nating kababayan at
inihahanda nya na rin ito at maging kapaki pakinabang para sa inaasam nyang kalayaan sa ilalim
ng mga Espanyol, dahil rin sa kanyang kasipagan at pagmamalasakit sa pamayanan at mga
ginawa ay minahal na sya ng taong bayan na sumisimbolo ng pagiging isang bayani.

You might also like