Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga bagay na kailangang gawin BAGO ang pagsabog ng bulkan:

 I-charge ang iyong mga electronics. Panatilihing nakasaksak ang iyong mga
mobile device sakaling mawalan ng kuryente.
 Maging mapanuri sa mga nangyayari. Manatiling nakasubaybay sa balita at
mga local na channel upang malaman ang mga plano tungkol sa kaligtasan at
paglikas. Tiyaking ang mga impormasyong makukuha mula sa iba’t ibang
sources ay tama at maaasahan at hindi peke.
 Lumikas kaagad. Ipaaalam ng mga lokal na pamahalaan sa mga mamamayan
kung kinakailangang lumikas. Kung nakatira ka o nananatili sa radius ng
apektadong lugar, sumunod kaagad at lumikas.
 Maghanda ng emergency kit. Dapat ay naglalaman ito ng sumusunod:
o Dust mask para sa bawat tao
o Kopya ng mga personal na dokumento
o Telepono at powerbank
o Flashlight at extra batteries o kandila at posporo
o Tubig na inumin
o Pagkaing hindi madaling mabulok na aabot ng tatlong araw
o Hygiene and sanitation products
o First aid kit
o Pera
 I-save sa telepono ang disaster at emergency hotlines:
o National Emergency Hotline: 911
o Philippine National Police: 117
o PHIVOLCs – (02) 8426-1468 to 79
o Philippine Red Cross – 143 or (02) 8790-2300
o Bureau of Fire Protection – (02) 8426-0246
o National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) –
(02) 8911-5061 to 65 local 100

Mga bagay na kailangang gawin HABANG sumasabog ang bulkan:


Kung ikaw ay nasa loob:

 Manatili sa loob ng bahay. Isarado ang mga pinto at bintana upang maiwasan
ang pagpasok ng abo at iba pang bagay mula sa bulkan.
 Makinig sa balita. Importanteng alam mo ang mga nangyayari upang malaman
mo ang gagawin.
 Patayin ang electric fan at aircon. Makatutulong ito upang maiwasan ang
paglanghap sa abong nagmumula sa bulkan.
 Takpan ang mga tubig at pagkain. Makatutulong ito sa pag-iwas sa pagpunta
ng abo sa mga pagkain at tubig.
Kung ikaw ay nasa labas:
 Gumamit ng dust mask. Para maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit sa
baga, magsuot ng dust mask upang hindi makalanghap ng abo.
 Protektahan ang iyong balat at mata. Magsuot ng tamang kasuotan tulad ng
long sleeves at goggle upang maprotektahan ang iyong balat at mga mata.
 Subukang humanap ng masisilungan.
 Lumayo sa mga restricted area. Ang epekto ng pagsabog ay maaaring
maranasan kahit nasa malayong lugar.
 Umiwas sa mabababang lugar. Ang abo at iba pang maliliit na bagay ay
maaaring madala ng hangin at gravity.
 Kung ikaw ay nagda-drive, tumigil muna sa isang tabi.

Mga bagay na kailangang gawin PAGKATAPOS ng pagsabog ng


bulkan:

 Huwag lumabas ng bahay. Delikado ang lumabas ng bahay dahil sa ash fall
mula sa bulkan. Manatiling nas aloob ng bahay hanggang sa masabihan ng lokal
na pamahalaan na maari nang lumabas.
 Magsuot ng proteksiyon. Magsuot ng mask, goggles, long sleeves at
mahahabang pambaba o pantaloon upang maprotektahan ang iyong baga, mata,
at balat lalo na kapag naglilinis.
 Kung lumikas, bumalik lamang sa sariling tahanan kung sinabi ng local na
pamahalaan.
 Makinig ng balita. Alamin pa rin kung ano ang nangyayari at mga dapat
gawin upang ikaw ay maging ligtas

You might also like