Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 37

MODYUL SA

WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

KURSO WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN


(Subject)

YUNIT Yunit 2: Wika at Kultura


(Chapter)

WIKA AT KULTURA
Kahulugan, katangian, manifestasyon at komponent ng kultura
PAMAGAT NG
ARALIN Wikang Filipino bilang tagapagtaguyod
(Lesson Title) Wika at Pamumuhay
Wika at kalikasan ng mga piling pangkat-etniko ng bansa.
Wika at Kultural na Diversidad, Ugnayan at Pagkakaisa

Sa loob ng dalawang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit


ang mga sumusunod na layunin:

1. nakatutukoy at nakapagpapaliwanag ng kahulugan, katangian,


LAYUNIN NG
ARALIN manifestasyon at komponent ng kultura;
(Lesson
2. nakakikilala ng wika at kultura ng mga piling pangkat-etniko ng bansa;
Objectives)
3. nakatutukoy ng mga kultura at kultural na diversidad, ugnayan at
pagkakaisa ng mga piling pang-etniko ng bansa; at
4. nakapagbabahagi sa klase ng sariling minanang kaugalian.

LAGOM NG Matatalakay sa yunit na ito ang kahulugan, katangian, manifestasyon at


PANANAW
komponent ng kultura. Mailalahad din sa yunit na ito ang wika at kalikasan
(Overview/
Introduction) ng mga piling pangkat-etniko ng bansa at ang kultural na diversidad,
ugnayan at pagkakaisa.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 1
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

PAGGANYAK Maglalahad ang mga piling mag-aaral ng kani-kanilang mga nakagisnang kultura sa
(Activity)
kanilang tahanan.

1. Anong pangkat etniko ang kinabibilangan mo at anong wika ang mayroon ka?
2. Ano ang ipinagkaiba ng wika mo sa ibang wika?
3. Anong natatanging kultura mo ang hindi matatagpuan sa iba pang kultura. Ito
PAGSUSURI
ba ay materyal o di-materyal na kultura? Patunayan.
(Analysis)
4. Ano ang kaugnayan ng wika mo sa kultura mo?
5. Ano sa palagay mo ang gampanin ng wika at kultura sa pagkamit ng
kapayapaan?

PAGLALAHAD
ANG WIKA AT ANG KULTURA
(Abstraction)
=
Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o
pamayanan, ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan,
ay ang karunungan, sining, literatura, paniniwala at kaugalian ng isang
pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. Ang bawat
pangkat ng mga taong may sariling kultura ay lumilinang ng isang wikang
angkop sa kanilang pangangailangan. Sa wikang ito nasasalamin ang mga
mithiin at lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya,
kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga
mamamayan.

Ang kultura at wika, samakatwid, ng isang pamayanan ay dalawang bagay


na hindi maaaring paghiwalayin. Alalaong baga, masasabing may wika
sapagkat may kultura, sapagkat kung walang kultura ay saan gagamitin ang
wika?

Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at


karanasan na nagtatakda ng angking kakanyahan ng isang kalipunan ng
tao, ang wikang hindi lamang daluyan kundi higit pa rito ay tagapagpahayag
at impukan-kuhanan ng alinmang kultura (Salazar, Zeus A.) mula sa aklat ni
Pamela Constantino (1996). Dagdag pa ni Salazar na walang kulturang
hindi dala ng isang wika bilang sanligan at kaluluwa na siyang bumubuo,
humuhubog at nagbibigay—diwa sa kulturang ito.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 2
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Alinmang wika ay ekspresyon ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki na


may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikilanlan ng
isang kultura sapagkat ito ang nagbibigay—anyo rito at siyang nagtatakda
ng pagkakaiba at pagkasariling uri nito at ang kanyang pagkakaiba sa ibang
kultura sa daigdig ng mga kaisahang pangkultura.

Kung muli nating bibigyan ng kahulugan ang wika, samakatwid, ito’y isang
natatanging balangkas ng pinili at isinaayos na set ng mga sinasalitang
tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag-ugnayan ng mga
taong kapangkat sa isang kultura.

ANG KULTURA
=

Ang salitang kultura ay katumbas ng salitang “kalinangan” na may salitang


ugat na linang (cultivate) at linangin (to develop/to cultivate). Kaya ang
kalinangan o kultura ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip,
pag-uugali at gawain ng tao (Timbreza, 2008).

Sang-ayon kay Edward Burnett Tylor, Ama ng Antropolohiya ang kultura ay


isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang
dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/ valyu, kaugalian ng tao bilang
miyembro ng isang lipunan. Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon
sa paniniwala ng iba ngunit ito ay naglalaman ng mga valyu at alituntunin sa
lugar na tinitirhan, ng ating mga ideya na mabubuti o masasama, ng ating
wika, relihiyon at iba pa. sa madaling salita ang kultura ay matututunan ng
tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa lahat na
natutunan ng isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan.

Malalaman na may kakaibang kultura ang ibang tao sa pamamagitan ng


pagmamasid at pag-unawa sa kanilang pananalita, kilos at damdamin.

Halimbawa sa pagkain; ang mga intsik ay ayaw sa gatas ngunit ang mga
Amerikano ay gusto ng gatas dahil ang gatas ay para sa Amerikano ay
perfektong pagkain mula sa kalikasan. Sa pag-aasawa naman- sa mga
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 3
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Kristiyanong Pilipino, iisang asawa lamang ang nararapat para sa bana


ngunit sa Muslim ay pupwede ang maraming asawa. Sa ibang mga bansa
naman ay tanggap ang pagkakaroon ng maraming asawa. Sa ibang mga
bansa naman ay tanggap ang pagkakaroon ng maraming bana.

Si Leslie A. White ay nagsabing ang kultura ay isang organisasyong


penomena na sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay
(kagamitan) at iba pang mga kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman),
at sentiment (karakter/kilos at valyu). Ibig sabihin, ang kultura ay ang
kabuuang paraan ng pamumuhay na sinusunod ng mga tao at binubuo ng
lahat ng natututunan at naibabahagi ng tao sa isang komunidad.

Ayon din sa mga Antropolohista, ang kultura ay lahat ng natututunang


beheybyur at resulta kung papaano pinahahalagahan ng tao ang mga
natutunan niya na tinatawag na cognition- ang pagkaalam sa lahat ng
bagay na nagbigay patnubay sa tao sa pagkilala niya sa kapaligiran at sa
ibang tao. Halimbawa, ang isang punong-kahoy ay likas na yaman ng
bansa na nagbibigay lilim o maaaring gawing gusali/ bahay, gamit ng bahay
(aparador, upuan at iba pa), ngunit sa mga Tiruray sa Cotabato at Negrito
sa Zambales ito ay isang buhay na bagay na may ispiritu at kinikilala nilang
nagbibigay ng lahat ng kanilang pangangailangan na parang Diyos ang
mga ito. Ang kaibahang ito ay sa paniniwala/ prinsipyo sa isang bagay dahil
sa kulturang nakagisnan nila.

Mula naman sa aklat ni Donna M. Gallaick, et al (2009) ang kultura ay


ginagamit para sa maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga
makapangyarihan tao, dahil ang mga taong may kaalaman sa kasaysayan,
literatura at sa sining ang siya lamang may kultura ayon sa unang
paniniwala. Ang paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga antropolohista.

Ang kultura ay nagpapakilala kung sino at ano tayo. Ito ang


umiimpluwensiya sa ating kaalaman, paniniwala at valyu. Ito ang
nagbibigay- kahulugan at nagdedetermina sa paraan ng ating pag-iisip,
damdamin at pag-uugali.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 4
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

IBA PANG KAHULUGAN NG KULTURA


=
1. Hudson (1980). Ang kultura ay socially achieved knowledge.
2. Wardgoodenough. Ang kultura ay patterns of behavior (way of life)
and patterns for behavior (designed for that life).
3. Timbreza (2008). Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain,
mga natutunang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay
sa isangt takdang panahon ng isang lahi o mga tao.

KATANGIAN NG KULTURA
=

1. Learned/ Natutunan

Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya


inaalagan, pinakakain, pinaliliguan, pinapadamit at atbp. ay isang proseso
ng kulturang natutunan na nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang
kinabibilangan niya. ang prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa
pakikihalubilo ng tao sa kanyang pamilya at sa ibang kulturang.
May dalawang proseso ng pag-interact o pakikihalubilo ng tao sa
isang lipunan;
 Enculturation. Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang
kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwan ding mas
magaling pa siya sa wika, gawing, paniniwala at kaalaman ng kulturang
napasukan niya kaysa sa wika, gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang
napasukan niya kaysa dati nang miyembro ng nasabing kultura.

 Socialization. Ang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal sa


pagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura. Makikilala kung sino ang
may mgA sosyal na tungkulin tulad ng ina/ ama, asawa/ bana, estudyante,
kabataan, mga titser, banker, policeman/ military men, custodians at iba pa.

Ang enculturation at socialization ang proseso na nagsisimula pa


pagkaanak ng isang tiser, kapitbahay at iba pang tao sa lipunan na kanyang
nakahalubilo. Ang mga tagapagturo niya ay maaaring walang kamalayan sa
prosesong nangyari ngunit makikitang nagbibigay sila ng reward sa
mabubuti at katanggap-tanggap na ugaling nakikita nila. Natututo ang tao

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 5
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

kung paano mamuhay nang mabuti sa pamamagitan pag-obserba at


pakisalamuha sa kultura at lipunang kanyang kinagisnan.

2. Shared/ ibinabahagi

Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang


pagkakakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang
tao para mamuhay nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang
mahusay at matiwasay na pakikisalamuha niya sa kanyang kapuwa.

3. Culture is adaptation/ naaadap

Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang


tao sa likas o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eskimo ay
nakatira sa isang napakalamig, may snow at yelong lugar. Sila ay
nabubuhay nang normal sa ganitong kalamigan ng kapaligiran
samantalang ang ganitong sitwasyon ay imposible sa mga Pilipino na
sanay naman sa mainit at katamtamang lamig ng panahon. Ang kulturang
urban ay iba naman a rural dahil din sa resorses na nasa kapaligiran nila.
Ang kultura ng isang depres na lugar ay iba sa kultura ng may
kapangyarihan at mayayamang lugar. Kaya ang isang sanay na sa buhay-
mayaman ay nahihirapan sa buhay- mahirap at ang isang sanay na sa
buhay- mahirap ay nakikilala talaga kahit pa panuin ang katawan niya ng
maraming alahas.

4. Ang kultura ay dinamikong sistema at patuloy na nagbabago

Tulad ng wika may mga kultura na mabilis ang pagbabago at mayroon din
namang hindi nagbabago o mabagal ang pagbabago. Ang mga
pagbabagong ito ay makikita sa istilo ng pananalita, istilo ng buhok/ gupit,
atbp. ang teknolohiya ay nakapagdudulot ng malaking pagbabago sa
kultura. Ang halimbawa nito ay ang pag-unlad sa komunikasyon dahil sa
celfon, kompyuter at iba pang kagamitan.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 6
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

MANIFESTASYON NG KULTURA
=

Ang kultura ay naipapakita sa maraming paraan sa pamamagitan ng


sosyal na institusyon, karanasan sa pamumuhay at ang katuparan ng
indibidwal sa sikolohikal at beysik na pangangailangan niya. Sa
araw-araw nating pamumuhay ay nasisinag ang ilang manifestasyon ng
kultura:

Ang valyu. tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at


nakabubuting ugaliin. Ito’y naiimpluwensiyahan ng prestige
(kapangyarihan), istatus, pride, family loyalty, love of country, religious
belief and honor.

Ang status symbol status symbol ay magkakaiba sa iba’t ibang kultura.


Halimbawa, sa Amerika ang pagkakaroon ng maraming kapritso/ props
sa sarili at materyal na pag-aari ay iginagalang.

Ang moralidad at imoralidad, ang pagbibigay ng punishment at reward,


ang pagkakaroon ng mattas na pinag-aralan ay madedetermina sa
sistema ng pagbibigay-kahalagahan sa valyu ng isang kultura. Sa sulat
na ipinadala ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nakababatang kapatid na si
Trinidad (March 1, 1888) inilarawan niya ang mga German na ganito,
kung ikaw ay nasa isang pagtitipon kailangan kang magpakilala ng sarili
lalo na sa nagdaraos mismo ng pagtitipon dahil para sa kanila hindi
magandang ugali sa isang bisita ang manahimik at maghintay sa iba para
magpakilala sa kanya. Sa mga kababaihan naman, ang mga babaeng
Aleman ay hindi partikular sa magagandang damit o kasuotan at mga
palamuti o mamahaling alahas, ngunit partikular sila sa edukasyon.

Ang pagmamano ng kamay ng mga Pilipino sa mga nakatatanda sa kanila


lalo na sa kanilang mga magulang ay palatandaan ng paggalang na hindi
nakikita sa ibang banyagang kultura. Ang pagsasabi ng ―po‖ sa mga
tagalog at ―manang‖ o ―manong‖ sa mga Visayan ay isang
kahanga-hangang valyu na tanda pa rin ng paggalang.

Di-verbal na komunikasyon. Ang kahulugan ng aksyon at ekspresyon

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 7
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

ay naglalarawan ng konteksto ng kultura. Ang pakikipagkamay,


pagsaludo, o paghalik sa bibig sa harapan ng maraming tao na walang
kiyeme ay nagpapakita ng pagkakaiba ng kultura. Ang kultura ay
magdedetermina rin sa paraan ng paglakad, pag-upo, pagkilos at maging
sa pagsayaw. Tandaan na may mga kilos at galaw na maaring
nakasanayan na ngunit maaari rin namang hindi katanggap-tangap sa
iba lalo na sa ibang kultura.

Ang uri ng pagsasayaw ng mga mananayaw ni Willie Revillame sa


Wowowee ay tanggatp ng mga modernong magulang at kabataan, ngunit
sa mga konserbatibong grupo, ito ay kabastusan at hindi dapat ipakita sa
buong kapuluan lalo na at marami ang nanonood na mga bata.

Ang pagkurus ng mga Kristiyano ay palatandaan ng pagiging Kristiyano


niya samantalang ang paghaplos ng dalawang kamay sa mukha kung
nagdarasal ay palatandaan naman ng pagiging Muslim.

Ang mga halimbawang nabanggit ay magkaibang mga kilos o galaw na


nagpapahayag ng magkaibang kahulugan. Maari rin namang magkatulad
sa kumpas o galaw ng partikular na bahagi katawan ngunit magkaiba
naman ng kahulugan.

Ang di-verbal na komunikasyon ay refleksyon ng kultura at nagbibigay ng


espesyal na kaibahan upang madaling makilala ang iba-ibang kultura. May
mga tunog at kombinasyon na ginagamit ang wika na siyang
pagkakakilanlan ng ibang kultura. Halimbawa ay ang malambing na tono ng
mga Ilonggo kung nagsasalita at ang parang nagagalit naman na
pagsasalita ng mga Maranao. Ang kahirapan s pagkatuto ng wika ng iba ay
dahil hindi ito bahagi ng ating kinagasnang kultura.

KOMPONENTS NG KULTURA
=

1. Materyal na Kultura

Mga bagay na ito na nilikha at ginagamit na tao. Ito ay mga materyal


na objek na nagawa at ginagamit ng tao mula sa pinakapayak tulad tools,
utensils, furniture at clothing hanggang sa malalaking bagay tulad ng
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 8
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

arkitektural na disenyo, automobils, engines at iba pa. halimbawa, ang


brass pot ay ginagamit sa pagluluto sa ibang kultura, samantalang ito ay
pangdekorasyon lamang sa ibang kultura. Ang kompyuter ay isang
mahalagang kagamitan sa kasalukuyan lalo na sa kultura natin ngayon,
ngunit sa ibang kultura naman ito ay walang kabuluhang bagay. Kaya, ang
kamalayan natin sa mga bagay-bagay lalo na sa uri at gamit nito ay
nagdudulot sa atin ng malawak na pag-unawa sa kultura at lipunan ng
ibang grupo.

2. Di-materyal na Kultura

Binubuo ito ng mga norm, valyu, paniniwala at wika.

a. Norms. This refers to behavior that is found to be average,


typical and usual. Tinatawag ng mga sosoyolohista ang norm na
kumakatawan sa kung ano ang aktuwal na ginagawa o ikinikilos ng
isang tao na ideal at istandard na inaasahang uugaliin niya sa isang
partikular na sitwasyon. Halimbawa, ang ideal norm lpara sa mga
nagsisigarilyo sa mga pampasaherong sasakyan ay smoking is not
permitted. Ito ay tama sa sosyolohikal na pagtingin kaya ito ang
karapat-dapat na gawain o sundin.

b. Folkways. Isa itong kaugalian na nakikita sa isang sitwasyon na


tinitingnan ang magandang kapakanan ng isang pangkat. Ilang
halimbawa ng folkways ay pag-aayos ng lugar lalo na ang hapag
kainan, pagtanggap nang mahusay sa mga bisita, pagdaramit nang
maayos kung may pupuntahan, pagsisimba, pagsama-sama ng
pamilya tuwing linggo, atbp.

c. Mores. These are standards of conducts that are highly respected and
valued by the group and their fulfillment is felt to be necessary and vital
to gruop welfare. Halimbawa, bawal sa mga Muslim ang kumain ng
karneng baboy, bawal sa ibang relihiyon ang kumain ng dinuguan at
magpuputol ng buhok ang mga babae.

Ito ay hindi na ginagawa na basta na lamang ng isang miyembro dahil


hindi na para sa kapakanan ng grupo. Ang pagsagawa nito ay mabigat
na kaparusahan ang kapalit.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 9
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

d. Batas. Para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at karaniwang


en-akted at isinabatas ng federal state o lokal na awtoridad. Ilang
halimbawa: ang pagpatay, pagnanakaw, pagtawid sa daan na hindi
sumusunod sa batas trapiko ay may kaparusahan. Ang pagdedeklara
ng presidente ng Pilipinas ng legel na holiday sa araw ng pagkamatay
ng dating Presidente Corazon Aquino para maalala palagi ng mga
Pilipino ang kanyang kadakilaan. Paglipas ng maraming taon,
magiging customary na ang pagbibigay-pugay kay Cory Aquino at
hindi na basta legal ito na araw na walang trabaho kundi magiging
tradisyunal na holiday na.

e. Valyu. ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat


gawin/ikilos o ipakita.

f. Paniniwala. Persepyon ito ng isang tao sa mga nangyayari sa kanyang


kapaligiran.

g. Wika. (balikan ang kahulugan ng wika sa naunang bahagi ng teksto)

h. Technicways. These ar social adjustment to technological change.


Ang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga bagong kagamitan at
pagsunod sa moderno o popular na kultura o global na pagbabago.
Ang bilis ng komunikasyon ay dahil sa kompyuter at mga telefon o
celfon. Naging maliit ang mundo at nagkakaempluwensyahan ng
kultura dahil sa empluwensya na rin na dala ng mga makabagong
kagamitan at pamamaraan ng pamumuhay tulad ng pagbabago sa
pagluluto, pag-aayos o pagpapaganda ng sarili, pagpapagamot,
pag-eenrol o pag-aaral, pag-aanak, pagbibiyahe, at marami pang iba
mula sa tradiryunal nitong kaparaanan. Ang technicways ay
kumakatawan sa klase ng pagbabago ng kultura at halos kabaligtaran
ng folkways at norms.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 10
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

KULTURA AT ANG GRUPO


=

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura ng isang pangkat. Anumang


kultura ay:

1. Isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan ng grupo


para mabuhay.

2. Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag-adjust o


makibagay sa sitwasyon ng kapaligiran.

3. Sa pamamagitan ng komon na kultura, nagiging tsanel upang


makapag-interak ang bawat myembro ng isang pangkat at maiwasan ang
anumang alitan.

PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA (UNIVERSAL


APTTERN OF CULTURE)
=
Iba-iba ang kultura ng bawat lugar ngunit may mga kulturang komon at
makikita sa lahat ng oangkat sa bawat lipunan. Ang Unipormidad na ito ay
tinatawag na universal pattern of culture.

Ang lahat ng ginagawa kaugnay sa wet rice agruculture sa Pilipinas ay


halimbawa ng hulwaran ng kultura. Kumakatawan sa wet rice pattern ang
maraming katangian ng kultura na ginagamit tulad ng paggamit ng kalabaw,
paggamit ng araro, sakahan,espesyal na varayti ng palay, espesyal na
paraan ng pagtatanim at muling pagtatanim.

Si Winsker na isang Amerikanong antropolohista ang uanng nagbigay ng


pakahulugan ng universal pattern of culture. Ayon sa kanya, ang lahat ng
tao sa mundo ay may:

1. wika at pananalita

2. Materyal na kultura

A. Food habits/kinasanayang pag-uugali sa pagkain

B. Pamamahay

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 11
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

C. Transportasyon

D. Kagamitan

E. Pananamit

F. Sandata o weapon

G. Trabaho at industriya

ALTERNATIBO/MGA ALTERNATIBO
=

Ang bawat lipunan ay may kaugaliang sinusunod at mayroon din namang


maaaring hindi sinusunod na tinatswag na alternatibo. Maaaring mamili ng
kung ano ang sa palagay ng bawat isa ay nakapagdudulot sa kanya ng
kabutihan at kasiyahan. Halimbawa, maaaring mamili ang kahit sino kung
anong relihiyon ang gusto niya; sa pagbiyahe ay pwede siyang sumakay sa
bus.duip, tren, eroplano,helikopter,barko,kalesa,bangka o motorsiklo.
Pwedeng kumain sa restawran, sa bahay, sa may tabing-dagat o kahit
saan. Maaaring mag-asawa at maaaring hindi. Sa pagpapakasal maaaring
sa pari, huwes, pastor at maging sa mayor. May lipunan na tanggap ang
pag-aasawa ng marami at tanggap ang diborsyo,samantalang may lipunan
nama na hini tanggap ang mga ito. May lipunan ding sang-ayon sa mercy
killing at aborsiyon at mayroon ding tumitingin sa mga ito bilang
napakabigat na kasalanan sa batas at lalo na sa Diyos.

PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING KULTURA AT


KULTURA NG IBA

Ang pagpapahalaga ng isang tao sa sariling kultura at sa kultura ng iba ay


maaari niyang ibatay bsa mga sumusunod:

1. Noble Savage. Dito, tanggap niya kung sino siya. Hindi niya
ikinahihiya kung ano siya. Halimbawa, tanggap na tanggap ko na ako
ay isang Meranaw at hindi ko ito ikinahihiya.

2. Ethnocentrism. Paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura ay tama

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 12
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

at nakahihigit sa ibang kultura samantalang ang sa iba ay mali kaya


hindi dapat gayahin ng iba. Halimbawa, ang pagdadasal sa altar ng
may imahe ng iba-ibang santo ay hindi tama, malimh-mali kaya hindi
dapat gayahin.

3.Cultural Relativity. Pag-unawa ito sa ibang kultura. Dito, tinitingnan


ang lahat ng kjultura bilang pantya-pantay, walang superyosr at
imperyor. Kabaligtran ito sa ethnocentrism. Halimbawa, kung hindi
nman sila nagmamano sa kanilang tahanan ay hindi ibig sabihin na
wala silang respeto sa magulang nila. Ito ay nakasanayan nila kaya
nauunawaan ito ng mga nakakakilala sa kanila.

4. Xenocentrism. Ang mga banyagang tao, lugar at bagay ay


magaganda at ang lokal o sariling kanya ay pangit. Pagmamahal ito sa
imported na bagay.

KULTURAL NA KATANGIAN NG IBANG TAO


=
1. Polychronic. Sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng isang bagay o
gawain nang sabay-sabay. Halimbawa, nagsasaing habang naglalaba at
nagbabantay ng bata, nag-aaral at nanonood ng tv habang sige rin ang
pindot sa selfon.

2. Monochronic. Ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng kanilang trabaho.


Naniniwala sila na bawat trabaho ay may oras. Halimbawa, hindi muna sila
magluluto hangga’t di natatapos ang kanilang paglalaba.

KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KINA HOFSTEDE AT


TRIANDS
=
HOFSTEDE (1984)

1. Individualist. Sarili lang ang iniisp at mahalaga para sa isang tao.


Wala siyang pakialam sa damdamin ng iba. Prangka kung magsalita at
wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba.

2. Collectivist. Iniisip ng isang tao ang kapakanan at pag-uunawaan ng


lahat. Mahalaga sa kanya ang damdamin ng iba.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 13
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

TRIANDS (1990)

1. Allocentric. Sa katangiang ito, iniisip ng isang tao na mahalaga para


sa kanya ang iba.

2. Idiocentric. Nagsasabi ang katangiang ito na sarili lamang ng isang


tao ang mahalaga.

WIKANG FILIPINO BILANG TAGAPAGTAGUYOD

Ayon kina Santos, et al. (2012), ginagamit ang Filipino sa interaksyon ng


mga mamamayang Pilipino sa isa’t isa. Bilang lingua franca nagagamit
ito sa pagbabahaginan at pagpapalitan ng ideya, iniisip, saloobin at
marami pang ibang nararamdaman ng isang tao lalo pa’t ang mga
Pilipinong may iba’t iba ring sinasalitang wika.

Dagdag nina Santos, et al. (2012),Tumutulong ito sa pagpapanatili ng


Kulturang Pilipino. Wika ang behikulo, pasulat man o pasalita, upang
maihatid ang kaalaman o impormasyon tungkol sa kultura ng iba’t ibang
pangkat sa Pilipinas. Isa ang wika sa nakatutulong upang lalong
mapayaman ang kulturang Pilipino. Mapalad ang mga pangkat na naisulat
at naipreserba nila ang kanilang kultura. Sa pamamagitan ng wika
nabibigyang-anyo, naipahayag at naipasa sa ilang henerasyon ang
kulturang Pilipino. Habang natutohan ng isang bata ang kanyang
katutubong wika, unti-unti niyang nakukuha ang kanyang kultura. Ang mga
salita na napabilang sa leksikon ng isang wika ay matinding indikasyon sa
uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo sa mga nagsasalita nito.
halimbawa, ang bawat grupo ng mga tao ay may kani-kanilang paraan at
terminolohiya sa pagbibilang ng panahon: ang mga magsasaka, sa
pamamagitan ng mga araw o buwan ng pagtatanim at pag-ani; ang mga
pumapasok sa pabrika ay nagbibilang ng walong oras bawat araw at
naghihintay ng akinse ng bawat buwan; at ang mga mag-aaral naman ay
nagbibilang ng mga semestre sa pasukan at bakasyon.

Ang leksikon ng wika ay nagsasaad rin sa mga bagay na pinapahalagahan


sa mga nagsasalita nito. halimbawa, mapapansin natin na ang mga Pilipino
ay may maraming terminolohiya para sa iba’t ibang anyo ng bigas-palay,
bigas, kanin, lugaw, sinangag, puto, suman, atbp. Maliban diyan, may iba’t
ibang klase pa tayo ng bigas tulad ng malagkit, denorado, wagwag, atbp.
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 14
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Samantalang isa lamang ang terminolohiya ng mga Amerikano sa bigas-


rice. Kaya sila ay may rice grain, steamed rice, fried rice, atbp. Tayo
naman ay walang salita para sa snow ngunit ang mga Eskimo ay may
humigit kumulang sampung salita para dito.

Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng


isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa
pamamagitan nito ang kultura ay maiinitindihan at mapahalagahan maging
sa mga taong napaloob sa tinutukoy na kultura (Rubico).

Sinasalamin din nito ang kulturang Pilipino. May mga kultural na mga salita
na tanging sumasalamin lamang sa mga Pilipino, na kapag binanggit ang
mga salitang ito, tiyak na identidad ng mga Pilipino ang nakikita. Halimbawa
nito ang: balut, bahay-kubo, sapin-sapin, tabo, sarao-dyipney, bakya,
barong-Tagalog,atbp.

Ang wikang Filipino ay tanda ng matibay na tali na nagbibigkis sa bawat


Pilipino. Isang pintong bukas sa kaunlaran para sa makabagong lipunan.
Tunay na sandalan hindi lamang ng kapuluan kundi ng iba’t ibang larangan
na talaga namang makatutulong sa pagsulong ng bayan. Ang wikang
Filipino sa lipunang makabago ay isang patunay, na ang pamana ng
kahapon ay susi ng kaunlaran ng sa ngayon (Lorenzo,2018).

WIKA AT KALIKASAN NG MGA PILING


PANGKAT-ETNIKO NG BANSA
=

Sa bahaging ito ay matutunghayan ang tungkol sa mga piling pangkat-etniko


sa ilang bahagi ng Pilipinas. Karamihan sa impormasyon tungkol sa mga
tribong mababasa ay mula sa pananaliksik ng mga estudyanteng Ph.D. ng
awtor na kumukuha ng sabjek na Wika, Kultura, at Lipunan. Paalala lamang
na ang ilang impormasyon tungkol sa kanila ay maaaring hindi na makikita sa
ngayon dahil sa pagababago ng panahon ngunit sa pangkalahatan ay
naglalarawan ng ilang kultura ng grupo.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 15
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

LUZON
ANG MGA KALAHAN
ni Lyd Fer Gonzales

Ang pook na kinalalagyan ng Kalahan ay nasa matataas na lugar ng


Acacia, Kahel, at Kayapa, Nueva Vizcaya. Matataas ang pook na ito at
buhar sa ituktok ng isang bundok ay buong paghangang namamalas nang
nakatayo ang kaakit-akit na kapaligiran na iginuhit ni Bathala. Ang mga
Kalahan ay isa sa mga grupong etniko na naninirahan sa kabundukan ng
Nueva Vizcaya. Tulad ng ibang mga grupo may kakanyahan ang mga ito.

Ang ilang mga paniniwalang inilahad dito’y hinati sa (1) pagpapahayag ng


kalikasan, (2) paggagamot, (3) paggawa, (4) pag-aasawa. Kung pananamit
ang pag-uusapan masasabing ang mga kasuotan nila’y gumagamit na rin
ng mga kasuotang karaniwang nakikita sa kabayanan. Binigyan diin sa
paglalahad na ito ang tungkol lamang sa ilan nilang paniniwala.

Pagpapahayag ng Kalikasan
a. Napag-alaman sa mga kinausap na may iba’t ibang anyo ang mga ulap
upang magpahayag ng kagandahan o kasamaan ng panahon, kung
manipis at maputi ang ulap, maganda ang panahon; nginit kung makapal
at nangingitim, magiging masama ang panahon; ang takbo ng mga ulap
ay nagpapahiwatig din ng kagandahan at kasamaan ng panahon.

b. Ang langit, araw, at buwan ay nagpapahayag din ng kagandahan at


kasamaan ng panahon. May mga pagkakataong nagtatago ang buwan,
may maaliwalas na langit at may maulap na langit, may
mapulang-mapulang araw na nagbabadya ng di kainamang mga
pangyayaring darating tulad ng lindol.

c. May mga pahiwatig din ang mga hayop sa kalagayan ng panahon. Kapag
hindi mapakali (lalo kung gabi) ang mga hayop at nag-iingay maaaring
may dumating na bagyo o lindol. Kaya ang mga kilos ng mga hayop ay
minamatyagan nila sapagka’t ito’y nagbibigay-babala ng maaaring
maganap, sa gayo’y nakagagawa na sila ng kaukulang pag-iingat.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 16
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Paggagamot

Walang mga paggamot na damu-damo ang mga katutubo rito. May


tinatawag silang tagapamagitan na siyang tumutuklas kung sino ang sanhi
ng karamdaman at kung paano magagamot ang karamdamang iyon. Ang
tagapamagitan ay gumagamit ng gadangkal na tambo na may buto ng
anongya sa magkabilang butas. Tinatawag ito na dinagen.

Ang panggagamot ay isinasagawa sa pamamagitan ng dinagen.


Unang-una’y nagdarasal ang matandang gagamot (maari ring bata pa
kung mayroon itong dinagen) kina Kabigat at Bugan na kanilang mga
Bathala upang patnubayan siya sa kanyang gagawin. Naniniwala kasi sila
na may nais ang espiritu ng mga namatay nilang kamag-anak kaya
pinagkasakit ang isa sa kanila. Isa-isang bibigkasin ang pangalan ng mga
kamag-anak ng maysakit. Sa bawat pagbigkas ng pangalan na
pinaghihinalaan, dinadangkal ang dinagen o iyong tambo. Kapag sa
pagdangkal ay lapat lamang sa dangkal ng tambo ang kasagutan ay oo;
kapag lagpas o kulang, ang kasagutan ay hindi. Pagkatapos malaman
kung sino ang dahilan ng pagkakasakit ng ginagamot, isusunod naming
itatanong kung ano ang kailangan. Iisa-isahin din ang mga bagay na
inaakalang kailangan ng namatay na kamag-anak. Gagamitian din ng
dinagen. Pag natukoy na ang kailangan nito, ihahandog na nila sa espiritu
upang gumaling ang maysakit. Naniniwala silang may mga espiritu ang
mga bagay kaya pagkatapos ng pag-aalay ay maaari nilang gamitin ang
inilagay dahil nakuha na ang espiritu noon. Halimbawa, kung ang hinling
ng kamag-anak na namatay ay kumot, iaalay nila ito sa espiritu na
namatay. Pagkatapos ng seremonyas maaari na nila gamitin ang kumot
dahil ang espiritu ng kumot ay kinuha na ang espiritu ng namatay.

Paggawa
Ang mga lalaki ang nagpapahinga sa bahay pagkatapos na sila’y
makapagbakod, makapagbungkal, at makapag-araro na. Wala na silang
iintindihin sa bukid pagkatapos ng gawaing iyon. Ang kababaihan ang
magtatanim, mag-aalaga ng pananim, at mag-aani. Kahit na nga raw may
sakit ang babae. Kailangan gampanan ang kanyang tungkulin habang ang
asawa’y namamahinga na lamang.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 17
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Pag-aasawa
May tinatawag na tradisyunal na Kimbal na kasalan. Ito’y kung may
makitang babae ang isang lalaki na ninanais na niyang maging asawa,
humahanap siya ng taong siyang magsasabi ng intesnsiyon niya sa
babae. Kapag pumayag ang babae sa kanyang inuluhog, magpapatay na
sila ng baboy. Ang paraan ng pagpapakasal ay simple lamang. Kukuha ng
isang basong tubig na malamig ang matandang babaing magkakasal at
sasabihing ―sana’y maging malamig ang pagsasama ninyo.‖ Pinaiinom ng
babae ang ikinakasal at tapos na ang seremonya. Matandang babae o
batang lalaki ang nagkakasal dahil may pakahulugan daw iyon.
Matandang babae dahil ang nasa bahay at batang lalaki dahil lumalaki pa
iyon na siyang nagsasaad naman ng paghaba ng pagsasamahan ng
mag-asawa. Kapag nagsama naman ng hindi pa kasal kailangang
magdasal muna bago pakasal sapagka’t kung hindi’y magkakaroon ng
bukol, ulser, o pigsa ang mag-asawa.

Ang mga nabanggit ang ilang paniniwala ng mga Kalahan. Sila’y


masisipag kaya ang pook nila’y sagana sa pananim. Ang mga bata’y
malulusog. Hindi rin nila suliranin ang tubog sapagkat masagan ang daloy
nito mula sa kabundukan.

Bilang pagbubuo, masasabing ang mga katutubong Kalahan ay may


sariling pamamaraan ng pgatataya sa buti at sama ng panahon tulad ng
iba pang tribo at ng ilang matatanda natin sa lalawigan. Kung
pag-uusapan naman ang tungkol sa paggawa, malinaw na higit na
marami ang gawaing bukid ng mga babae kaysa sa mga lalaki sapagkat
pagkatapos na nilang maihanda ang kabukiran ang mga babae na ang
araw-araw na nagtutungo sa bukid habang silang mga lalaki’y natutulog
lamang sa bahay. Sa paraan ng kanilang pangagamot hindi sila
herbularyo, wala silang gamut-gamot. Dasal ang ginagamit nila.
Nananawagan sila kina Kabigat at Bugan upang tulungan sila sa
pagtuklas ng sanhi ng karamdaman at kung paano ito magagamot. Sa
larangan naman ng pag-aasawa lalong naiiba ang pamamaran nilang
Kimbal.

Sa kabuuan, masasabing hindi maghihikahos ang mga Kalahan. Sagana


sila sa kagandahan at kayamanan ng kalikasan. Marunong silang
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 18
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

magpala sa ibinigay sa kanila ni Bathala. Masisipag at mababait sila.


Handa silang makipagtulungan kung nalalaman nilang mabuti ang layunin
para sa kanila.

Wika
Ang wika ng mga Kalahan ay Kallahan. May mga dayalekto ito na Tinoc o
Kalangayo.

VISAYAS
ANG MGA CEBUANO
ni Angel Grace H. Bautista

Ang Teritoryo ng mga Cebuano

Pangkalahatang, tinatawag na Cebuano (Sebuano) ang nakatira sa mga isla


ng Cebu, Negros Oriental, Sequijor, at seksyon ng Masbate, Leyte at Norteng
Mindanao. Tinatawag silang "Bisaya" ng mga DI Bisaya, pero hindi sila
nahihiwalay sa iba pang mga nagsasalita ng Bisaya.

"Sugbu" ang matandang pangalan ng Cebu, kaya ang mga Cebuanong


nakatira sa isla ay tinatawag na Sugbuhanon o Sugbuanon. Sa
pangkalahatan, tinatawag na "Pintados" ng mga unang dating na Kastila ang
mga Bisaya dahil sa kanilang kaugaliang pagtatattoo ng katawan.

Ang Wikang Cebuano

Gusto ng mga Sebuanong tinatawag ang lenggwahe nila na Binisaya,


Cebuano/Sebuano o Sugbuhanon. Tinatawag din ito ng iba na Bisaya
lenggwaheng Cebuano Bisaya. Sa masusing hambingang pag-aaral ni
McFarland sa mga lenggwaheng South Bisayan, natuklasan niya ang relasyon

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 19
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

ng mga wikang ito sa iba pang grupo ng wika. Itinuturing na pinakasentro ng


Bisaya ang Cebu at ang pinakakaluluwang lenggwahe ng Bisaya ay ang
Cebuano. Subalit, sa mga kontemporaryong riserts, lumalabas na ang mga
lenggwahe sa grupong North Bisaya ay higit na hawig o may pagkakatulad sa
Tagalog at Bicol kaysa Cebuano at iba pang wikang South Bisayan, na higit na
malapit ang pagkakatulad ng South Bisayan sa wikang East Mindanao na
sinasalita ng mga nasa palibot o malapit sa si8langang baybayin ng Mindanao
mula sa Surigao peninsula hanggang Davao del Sur.

YAMANG SOSYO-KULTURAL NG MGA CEBUANO

KABUHAYAN AT INDUSTRIYA

Magsasaka ang karamihan sa mga Cebuano. Palay at mais ang karaniwan


nilang sinasaka. Marami rin ang nabubuhay sa pangingisda dahil
napapaligiran ng tubig ang rehiyong ito.

Kilala ang mga Cebuano sa paggawa ng mahusay na gitara, basket,


sombrero at banig. Nagdulot ng produktong semento, langis buhat sa niyog
at asukal ang industriyalismo sa rehiyon. Kilala ang mga habing
tela/materyal na sinama sa iba't-ibang kulay at patern. Kalimitang
ginagawang palda ng babae ito, gayon din sa mga wall hangings at table
covers.

INSTITUSYONG PANLIPUNAN

Panliligaw at Pagpapakasal

Noong unang panahon, pinagkakasunduan ng alinman sa mga magulang ng


nobya (boya) o kaya ng kapwa magulang ng lalaki at babae (tinuyo) ang
kasalan ng mga anak nila. Ito ay nawawala na ngayon sapagkat
pinapayagan nang manligaw ang lalaki kung sinong gugustuhin niya. Maging
mga kababaihan, may kalayaan na rin. Konserbatibo pa rin ang panliligaw
ng mga lalake sapagkat naniniwala silang mali ang pagpapakita ng
pagmamahal sa publiko.

Kapag may pagkakaunawaan na ang lalaki at ang babae, sasabihin ng lalaki


sa kanyang mga magulang para mapaghandaan ang negosasyon sa
pamilya ng babae. Kalimitan may kasama pa silang maimpluwensyang tao.

Tatlong araw pagkatapos ng negosasyon (pamalaye), sasabihin ng pamilya


Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 20
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

ng babae ang kanilang pangangailangan. Noon, ito ay sa pamamagitan


brideprice (bugay) at ang serbisyo (panggagad) na ginagawa ng lalaki para
sa pamilya ng babae.

Pagkatapos maisagawa ang pangangailangang ito sinasabi na kung kailan


ang kasal (sayud). Kadalasan, hindi na sinusunod ang sayud kapag naiset
na ito sa panahon pa lamang ng pamalaye.

Tatlong selebrasyon ang ginagawa sa kasal. Ang una na ginagawa sa gabi


bago ang kasal ay tinatawag na likod-likod. Ang pangalawa ay ginaganap
pagkatapos ng ritwal sa simbahan o sa munisipyo. Idinadaos ang dalawang
handaang ito sa bahay ng babae. Ang pangatlo naman ay gigawa sa bahay
ng lalaki at tinatawag na danas. Ang pagdiriwang na ito ay inuugnay sa
tagumpay ng lalaki at ng kanyang pamilya dahil sa napakasalan niya ang
babae.

Sa pagdating ng bagong kasal sa bahay ng babae, sinasalubong sila ng


nakakatandang kamag-anak; nagbibigay galang sila sa huli at hahayaang
uminom ng tubig sa isang baso. Pagkatapos uminom ng babae, babasagin
ang baso, ayon kay Llamzon, sinisimbolo nito ang pagkakabuklod ng mga
ikinasal na di maghihiwalay. May isa pang ritwal na ginagawa sila. Ito ang
pagsusuklay sa bagong kasal para maging tanda ng kapayapan ng kanilang
buhay-mag-asawa.

Sa makabagong panahon, siguradong ibang-iba na ang mga kaugalian sa


pag-aasawa ng mga Cebuano. Maaaring magkaiba-iba ang mga
pamamaraan ayon sa kalagayang sosyo-ekonomiko ng mga pamilyang
sangkot. Marahil may dala ring modipikasyon kung nasa syudad o
kanayunan ang seting ng kasal at mga angkan ng ikakasal.

MGA PANINIWALA

Tinalakay ni Llamzon na bago dumating ang mga Kongkistadores na


Kastila , pagano ang mga Bisaya. May kinikilala silang pinakamataas na
diyos na ang tawag ay Laon o Abba at ilan pang mga diyos gaya nina:
Maguayen, ang diyos na umaalalay sa mga kaluluwang papunta sa daigdig
ng mga patay; Sidapa, diyos ng kamatayan; Lalahon, diyos ng anihan;
Simuran at Siguinarungan, mga diyos ng impyerno; at Baranga, diyos ng
bahaghari . Ang mga Bisaya ay kilala ring sumasamba sa kanilang mga

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 21
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

ninuno.

Sa kasalukuyan, may sinusunod na ritwal ang mga Kristiyanong Cebuano na


hindi tuwirang kaugnay ng relihiyong Kristiyano. Ito ay mga ritwal na
ginagawa para sa mga pumanaw, upang di sila magmulto o magparamdam
sa kanilang naulila. Ang pasuong sa Bohol ay isa sa mga ganoong
seremonya. Bago ilibing ang pumanaw, kailangang dumaan ang mga naulila
sa ilalim ng kabaong habang itinataas ito ng ilang kalalakihan sa bandang
hagdanan ng bahay. Pagkatapos, aakyat sila ng bahay nang di lumilingon sa
kabaong kundi, mayroong sumunod sa kanilang mamatay buhat sa kanilang
pamilya. Saka sila bababa uli at sasama na sa prusisyon para sa paglilibing.

Ang karaniwang cebuano ay naniniwala rin sa pagkakaroon ng mga


espiritng di nakikita. Bago sila dumura, umihi o kaya’ y dumumi sa mga tabi-
tabi ay nagsasabi muna sila ng ―Tabi Apo‖ para di nila malagyan ng dumi ang
mga espiritung nagtatago sa ilalim ng lupa. Isang ritwal na tinatawag na
patadlis ay ginagawa sa paghingi nila ng pahintulot sa mga espiritu na
makapagsaka sila ng lupa at para na rin mabigyan ang mga espiritu ng oras
na para umalis muna sa lupang sasakahin. Isa ring ritwal ang dulot na
ginagawa tuwing panahon ng pag- ani na nagpapasalamat sa mga espiritu
dahil sa dulot na magandang ani. Tinatawag na baylanes ang mga taong
nagsasagawa ng dulot. Sa seremonyang ito, sila ay nag- aalay ng pagkaing
di maalat o inasnan dahil sa ang mga espiritu (inkantado) ay di pwedeng
kumain ng maalat.

Pinaniniwalaan nilang ang pagkakasakit ay kagagawan ng mga supernatural


na likha o espiritu. Kapag may nagkakasakit, tumatawag sila ng magluluya-
a (luy- a/ginger). Ang magluluy-a ay ngumunguya ng luya at dinudura ito sa
ulo ng taong maysakit at kasabay nito ang pagtawag niya sa kaluluwa ng
taong maysakit para bumalik sa sarili niyang katawan. Naniniwala sila na
ang kaluluwa ng maysakit ay dinadala at isinasama ng kaluluwa ng kamag-
anak na patay na. mamamatay ang magsakit kung di maibabalik agad ang
kanyang kaluluwa sa sariling katawan.

Mayroon silang tinatawag na mga taong makamandag ang dila (dila nga
malala) at sila ay buyagan. Di umano sila ang nakapagbibigay ng sakit sa
isang tao sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap. Subalit, mabisang
gamot naman sa sakit ang laway nila. Walang makapagsasabi kung kailan
dumarating ang buyagan, kaya’t kung mayroong pumupuri o sumusumpa sa
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 22
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

isang tao, siya ay sisigaw ng Buyag! para maiwasan ang mga maaaring
maging epekto ng buyagan sa kanya o sa kanyang kapamilya.

Ayon sa mga iskolar ng matandang kasaysayan, naglilibing sila sa mga


malalaking paso at kabaong bago pa man dumating ang mga Kastila.
Nilalagyan nila ng langis at mga pabango (storax – myrh, benzoin, camphor,
atb.) ang bangkay ng namatay. Napaglalamayan sa bahay ang bangkay
hanggang anim na raw para madalaw ng mga kamag- anak at kaibigan.
Saka inililibing ang patay. Ang buong panahon ng pagluluksa ay umaabot ng
isang taong nang di pagkain ng kanin at di paghahabi ng behukos (kwintas at
breyslet na rattan).

MINDANAO
ANG MGA BUKIDNON
ni Diony S. Canete

TERITORYO
Hilagang Bukidnon, Agusan, Misamis Oriental

ETIMOLOHIYA

"Bukidnon", mula sa "bukid" (mountain) at "non" (people) na ang ibig


sabihin ay "taong bukid". Unang ginamit ang katawagang ito ng mga Bisaya
na nakatira sa tabing dagat upang tukuyin ang mga tao sa bukid na
tinatawag din nila sa parehong pangalan partikular na sa north-central
Mindanao. Walang kaugnayan ang mga taong nakatira sa southern Negros
na kung tawagin ng mga Bisayang taga-patag ay "Bukidnon" din.

PAGPAPAKASAL
Ang pagpapakasundo ng kasal kahit bata pa ay patuloy paring ginagawa ng

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 23
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

mga Bukidnon.

Sa edad na 11 ay maaari ng ikasal. Sa araw ng kasal, ang groom kasama ng


kanyang pamilya at kamag-anak ay magdadala ng aytem pasa sa
bridewealth papunta sa bahay ng babae. Maaaring ito ay itak, spear, tela,
kalabaw, pera, alahas at marami pang iba. *Pinangungunahan ng isang
tagdasang ang pagpasok ng groom. Siya ang magsasabi ng lahat na
nagawa ng pamilya ng lalaki at kasunod nito ang tagsaot na siyang
sumasayaw ng war dance. Papayungan ng idang ang groom. Sa bahay ng
babae maghaharap ang pamilya ng bawat parte at dito aayusin ang taltag
(bridewealth).
Ang idang ng babae ay makakatanggap ng pera mula sa taltag. Ang kasal ay
agad susundan ng pagpapakain ng lalaki ng hinulmang kanin ng kanyang
kamay sa babae at ganun rin ang babae sa kanya. Dito magtatapos ang
kasalan. Magsiserbesyo muna ng lalaki sa pamilya ng babae ng ilang
buwan.

Pagkatapos ay magbubuklod na ang mag-asawa at ang kanilang bahay ay


kadalasang malapit sa pamilya ng lalaki.

Kapag marami ang asawa ng lalaki, itinuturing na ang unang asawa ang
leader sa lahat.

PANGANGANAK
Pagkatapos ng panganganak na kung saan pinangungunahan ng
mangonoyamo (midwife), ang inunan ay babalutin ng tela ng pangalawang
ulit at ililibing sa ilalim ng hagdanan o di kaka'y sa ilalim ng kanilang lutuan.

Pinaniniwalaan nila itong kakambal ng bata at ang kaluluwa nito ay


mapupunta sa langit na siyang namang magbabantay sa kanyang kakambal.
*Naniniwala sila na ang Magbabaya (supreme being) ay ipapadala sa
mundo upang tanungin ang bata kung ano ang gusto niyang klase ng
pagkamatay kapag dumating na ang kanyang oras.

Susubukan ng mangonoyamo na iligtas ang bata kung sakaling ito ay nasa


masamang kalagayan sa pamamagitan ng pagpiga ng pulang katas na
nagmumula sa nginuyang tinalad na inilalagay sa bibig ng sanggol.
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 24
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

*Susundan naman ito ng pagalomo, isang seremonya na ginagawa sa loob


ng tatlong araw upang hindi makuha ng masamang espiritu ang sanggol.

Ang pangalan ng bata ay kukunin sa pangyayari na may kaugnayan noong


pinanganak siya.

Isang idang (aunt) ang mag-aalaga sa bata lalo na kung ito ay magiging
datu at tuturuan ito ng kaugalian at tradisyong Bukindnon.

Ang pagdadala o pagbibinata sa Bukidnon ay nangangahulugang handa na


silang ngumuya ng betel nut. Paiitimin na nila ang kanilang mga ngipin.

PAGKAKASAKIT

Nagkakasakit ang isang tao kapag sinasaka niya ang isang lupa kapag
walang isinagawang ritwal na kailangan sa pagsasaka.

Maaari ring magkasakit ang isang tao kapag naligo siya ng walang pahintulot
mula sa Bulalakaw o sa ibang espiritu ng tubig.

Nagkakasakit ang isang tao kapag nilalait niya ng isang pangit at mga
matatanda.

b. Iba pang dahilan sa Pagkakasakit


(Ito ay nakabase sa inteview kay Datu Makapukaw.)

Ang hindi paghingi ng pahintulot kay Bulalakaw at nang ibang espiritu ng


tubig ay isang dahilan ng pagkakasakit.

Ang pagkakasakit ay buhat din ng hindi pagsunod at pagrespeto sa mga


nakakatanda na maaring umabot sa seryosong pagkakasala.

Maaari ring ang hindi pagtulong sa taong nangangailangan ang dahilan ng


kanyang pagkasakit. At ang hindi pagdarasal sa kanilang
pinakamakapangyarihang Magbabaya.

O kaya'y ang hindi pagsasagawa ng taunang dasal: (a) para sa


Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 25
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

pagpapatawad ng kanilang kasalanan; (b) ang taunang pagsasagawa


ng pasasalamat sa mga espiritu para sa mga grasyang natanggap; o
ang taunang ritwal ng pagpamahandi sa espiritung taga-bantay ng
kalusugan at masaganang ani; at panghuli, para sa hindi
pagpapasalamat sa kanyang kaarawan.

Kadalasan, ang pagkakasakit ay resulta ng hindi pagbigay ng pera sa oras


ng kasal o ang hindi pagbayad ng utang na loob (utang sa kabubut-on).

PAGKAMATAY AT PAGLILIBING

Sa pangkalahatan, masasabi na ang pagkamatay ay ang pirmanenteng


pagkawala ng pitung makatu o espiritu. *Mula sa mitolohiya na inulat ni
Unabia, ang mabuti at masamang manlilikha ay may kasunduan: sinumang
tao na hindi sumunod sa batas at kapayapaan ay siyang magiging
target ng masamang manlilikha.

Kapag siya ay namatay, siya ang magiging puntirya ni Gumagang-aw. Ang


sampung ulo ng Gumagang-aw, ang panginoon ng kasamaan, ay
sumisimbolo sa hindi magandang kahihinatnan kung sinuman ang magiging
sabjek nila.

Mayroong dalawang awral na tradisyon ang Bukidnon hinggil sa


pagkamatay. Una, mula kay Mang Poldo Vega, isang katutubo ng
Balingasag, Oriental Misamis sa northern Mindanao na minsan na ring
nakulekta noong 1946. Ang mga nakakata ng Bukidnon ay napanatili na
kapag ang tao ay namatay, ang kanyang kaluluwa ay kailangang
gumawa ng daan patungo sa Bundok Balatukan.

Ang paglalakbay na ito ay matagal at puno ng pagsubok. Ang ilang


paniniwala ng Bukidnon ay nagsasabi na tumatagal ang paglalakbay ng
isang linggo. Una, ang kaluluwa ay kailangang makadaan sa Liyang, isang
malaking bato sa bahaging itaas ng Napaliran. Mula doon, agad siyang
pupunta sa Binagbasan na kung saan tumutubo ang Puno ng mga Talaan.
Dito gumagawa ng hakbang ang kaluluwa upang ipaalam na dumating na
siya. Pakatapos ay pupunta siya sa Pinagsayawan, na kung saan siya ay
sasayaw ng ritwal sa pagpapatawad ng kasalanan. Hindi ito tumitigil sa
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 26
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

pagsasayaw hanggat hindi ito pinagpapawisan ng husto. Sunod ay


sumasailalim ito sa pagpapagupit sa Panamparan; pagkatapos nito ay
pupunta na siya sa Kumbirahan na kung saan mayroong magarbong
salu-salo. Pagkatapos, ang panginoong Andalapit ang maghahatid sa
kaluluwa patungo kay Kadatuan na matatagpuan sa paanan ng bundok
Balatukan. Dito ay magkakaroon ng paglilitis sa kaluluwa. Kapag ang hatol
ay mabuti, ipapadala ito sa Dunkituhan, sa tuktok ng Balatukan, ang
hagdanang natatabunan ng ulap patungo sa langit. Kapag ang hatol naman
ay masama, ipapadala ito sa ilog sa kabilang bahagi ng Balatukan na kung
saan ang kaluluwa ay parurusahan. Kasama ng ibang masasamang
kaluluwa, mag-iigib sila ng tubig araw at gabi gamit ang isang sisidlan na
butas ang gitnang bahagi (Demetrio 1990 100).

Ang ikalawang ulat ng awral na tradisyon ay kapag ang tao namatay, ang
pitong makatus o gimukuds ay magsasanib bilang isa at magsisimula na sa
kanyang paglalakbay patungo sa Baya, ang tirahan ng mga namatay na
pinamumunuan ni Gemegenal. Pero bago makarating sa Baya, ang makatu
ay dadaan muna sa ilang mga lugar upang patunayan ang kanyang
paglalakbay. Ang unang lugar na kanyang narating ay tintawag na
Panampad, ang lugar na kung saan puputulan niya ng kaunti ang kanyang
buhok. Pagkatapos ng paggupit, maari na siyang tumungo sa Panigbasa,
ang lugar na kung saan ay maglalagay siya ng palatandaan na siya ay
nakadaan na dito. Ang paniniwalang ito ng Bukidnon ang siyang naging
dahilan ng paglalagay nila ng itak sa loob ng kabaong. Pagkatapos sa
Panigbasa, tutungo na naman siya sa Pangandeay. Dito ipinapaabot ng
taong namatay ang kanyang pamamaalam sa pamamagitan ng pagkanta ng
ulaging o kahit anong kanta. *At kapag ang taong namatay ay hindi
marunong maghatid ng kanyang pamamaalam sa artistkong pamamaraan,
pwede niyang gawin kung ano ang nakagawian niyang pamamaraan. Kapag
nalampasan na ng makatu ang Pangandeay, sa wakas ay mararating na
niya ang balatukan o Baya, ang lugar ng Gemenal o Genemba,
tagapamahala ng lugar ng mga patay.

PANINIWALA

A. Paniniwala sa Panginoon
Mula sa mga pag-aaral ng ilang iskolar na Pilipino sa nakaraang labing-anim
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 27
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

o higit pang taon, napagtalaga na ang Bukidnon ay naniniwala sa tatlong


makapangyarihang panginoon na naninirahan sa isang bilog na espasyo na
may katamtamang liwanag at pinapalibutan ng isang bahag-hari. Ang tawag
sa espasyong ito ay banting o Bulbulusan Balugtu. Ang dalawa sa kanila
ay nakaupo sa banting na nakaharap sa isa't-isa, habang ang pangatlo
naman ay nasa itaas ng dalawa na may pakpak na humahampas upang
ibalanse ang banting. Ang isa sa dalawang nakaupo sa banting ay mayroong
iisang ulo lamang. Tinatawag siyang Mulug Manguyaw-uyaw (One head and
highest Planner) o Wagas ha Magbabaya (Pure Almighty). Siya ang
panginoon ng kabutihan. Ang pangalawa naman ay parang hindi tao kung
tingnan sapagkat mayroon siyang sampung ulo ngunit iisa lamang ang
kanyang katawan. Ang pangalan niya ay Dadanhayan ba Suguy (the god
from whom permission is asked) o Takinan Manawbanaw (chief who owns
the drooling saliva from his ten tongues) o Gumagangaw (ten-headed one).
Siya ang panginoon ng kasamaan. Ang pangatlo naman ay may isang ulo,
katawan at mga pakpak. Para siyang uwak at mayroon din siyang maraming
katawagan: Takinan ha Tumanod o Bantay (the superior head or the
guardian spirits); Abukay Namintudan (the extremly white god); at Agtayaban
Bagbabaya (Pure Almighty). Taglay niya ang kapangyarihan ng kabutihan at
kasamaan.

B. Paniniwala nila sa Tao


Mula na naman sa pag-aaral ng ilang iskolar dito sa Pilipinas noong
nakaraang labimpitong taon, naniniwala ang mga Bukidnon na ang tao ay
hindi lamang nagtataglay ng katawan kundi pati ispiritu. Sa katunayan, sinabi
sa kanila na ang tao sa kanila ay mayroong pitong ispiritu o makatu. Kapag
ang pitong makatu ay matatagpuan sa katawan ng tao, sinasabing siya ay
mabuti at malusog. Sa kanyang pagtulog, ang ibang ispiritu ay aalis sa
kanyang katawan at magkakaroon ng karanasang maayos o 'di kaya'y
nakakatakot. Ang mga karansang ito ay nakatalaga sa panaginip ng tao. Ang
ilang masasamang ispiritu ay dinadala ang mga makatu ng tao hanggang sa
makulong ang mga ito sa puno ng balete. Kapag nangyari ito, ang tao ay
magkaksakit. Kinakailangang magsagawa kaagad ang shaman ng ritwal na
panggamot upang maisalba ang mga makatu mula sa masasamang ispiritu.
Naniniwala ng Bukidnon na namamatay lamang ang isang tao kapag wala
na makatu sa kanyang katawan.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 28
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

C. Ang paniniwala ng Bukidnon sa Espiritu


Naniniwala ang Bukidnon sa limang espiritu. Una, ang tatlong panginoon na
siyang lumikha sa mundo, ang espiritong tagabantay, at ang kanyang sarili.
Pangalawa, ang mga nasa gitnang uri ng panginoon na kung tawaging "anim
na espiritung tagabantay". Sila ang kumukontrol sa lupa, mga halamang
gumagapang, mga gamit na mapagkakakitaan, ang kagubatan at ang mga
nakatira dito, ang mga bubuyog at ang kanilang honey, at ang yamang-tubig
at ang mga nakatira dito. Pangatlo, ang ibang pang espiritu. Lahat sila ay
bahagi ng pagkakabuo ng tao na parehong nakakabuti at nakakasama sa
kanya. Ang mabuting espiritu ay nabibilang sa Wagas ha Magbabaya
samantalang ang masasama ay nabilang sa Gumagang-aw.

Kapag ang tao ay napalapit sa kasamaan, siya ay bibigyan ng masamang


kapanghyarihan at siya ay magiging alagad ng kasamaan. Ang ibang espiritu
ay kilala sa tawag na Mulin-ulin na nagbibigay ng tamang direksyon sa tao
(Unabia 1976 (1) 1444; Saway 1981 (1) 30; ang Batuwa na siyang
pinagkatiwalaan ng lakas at kalusugan; Dumalandung, ang palaging kasama
ng tao at ang nagbabatay sa kanya; at ang Talabusaw na siyang nagbibigay
ng walang kapantay na lakas at tapang laban sa kanilang mga kalaban.
Pinuprotektahan ng bang espiritu ang ibang tao depende sa kanilang papel
at trabaho sa lipunan.

Ang datu ay may tumalambung na siyang nagbibigay ng kapangyarihang


upang pamunuan ang kanilang lipunan (Ibid.,30).

Ang masamang espiritu na gumagawa ng kasamaan sa tao ay tinatawag na


humahabay o agpuun. Ang ibang masasamang espiritu na nagdadala ng
kapahamakan sa tao ay tinatawag na sumisigbat, sumasagelang, at
tumitigal-i. Kahit na gumagawa sila ng masama sa tao, makukuntrol parin
ito sa pamamagitan ng mga ritwal (Saway 1981 (1) 30).

Wagas ha Magbabaya, ang orihinal na pinagmulan ng lahat na mabuting


kapangyarihan.

Gumagangaw, ang namamahala sa lahat na masasamang kapangyarihan.


Ang kapangyarihan ng mabuti at masamang tagabantay na espiritu ay
parehong pinamamahalaan ng Takinan hu Bantay. Ang kapangyarihan ng
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 29
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

mga datu o baylans ay nagmula sa Agtayabun Migbaya na ibinigay sa


kanila sa pamamagitan ng mga tumanod o legsa.

Ang tumanod na tao ay ang kanyang tagaprotekta. Hindi siya pababayaan


ng kanyang tumanod hanggat hindi niya pinapabayaan ang kanyang
obligasyong pang-espiritwal.

D. Ang paniniwala ng Bukidnon sa Kalusugan


Ang tao ay mananatiling malusog hanggat ang pitu ha makatu o ang pitong
espiritu ay napapaloob sa katawan niya. Kapag ang ilan sa mga espiritung
iyon ay nagpadala sa mga kaluluwa ng patay o sa masamang espiritu na
nagkulong sa kanila sa puno ng balete ay magkakasakit ang tao. Nasa
mabuting kalusugan naman ang tao kung ang espiritung tagabantay ng
kalusugan gaya ng Batuwa at Balakat ay nag-aalaga sa kanya.

Ang ritwal kagaya ng Kagmakatu ay ginagawa upang manatili ang espiritu


sa katawan ng tao (Saway at Banaynal).

Ang pagkakasakit ng Bukidon ay may maraming salik. Sa oras ng pagtulog,


lumalabas ang kamatu sa katawan ng tao. Maaaring dalhin sila ng ilang
espiritu o ng kanilang yumaong ninuno sa lugar ng mga patay. Maaari ring
mahuli sila ng masasamang espiritu at ikulong sa puno ng balete. Ang ritwal
na pagmakatu ay ginagawa upang maibalik ang mga makatu sa katawan ng
tao. Kapag nakabalik na sila sa katawan ng tao, hihilingin sa ibang
masasamang espiritu sa mundo na huwag na silang gambalain sapgkat
nakabalik na sila. Ang ritwal ding ito ay inilalaan sa mga espiritung
tagabantay ng katawan ng tao na kung tawagin ay pangunguyamu o
panlilitan upang bumalik ang mga makatu (Saway 1981 (2) 54).

E. Ang Paniniwala ng Bukidnon sa Kabilang Buhay.


Ang paniniwala ng Bukidnon sa pangalawang buhay ay isang pagpapatuloy
ng buhay dito sa mundo. Sinasabi na ang estado nila sa mundo ay
magpapatuloy sa kabilang buhay: ang mga datu ay mananatiling datu; ang
mga nasa mababang uri ay mananatiling nasa mababa; ang mga
mayayaman ay mananatiling mayaman at ang mga mahihirap ay
mananatiling mahirap. (Saway 1981 (2) 56).

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 30
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

KANTA
Kaliga-on- panrelihiyon at panseremonyang kanta. Ang baylan at mga
babae lamang anag kumakanta nito.
idang-dang
sala
limbay

SAYAW
Halos lahat ng sayaw ng Bukidnon ay isang panggagaya mula sa mga ibon
at hayop na nakikita nila.

Binanong- pinakakumon na sayaw sa Bukidnon na kung saan ginagaya


nila ang kung paano ang paglipad ng uwak.
Sinakaysakay- pambabaeng sayaw. Ang mga mananayaw ay may hawak
na shield na binababa at itinataas na bagang lumilipad.
Pangalingot- isang komikal na sayaw na kung saan ginagaya ng lalaki ang
galaw ng unggoy habang nangunguha ng honey ng bubuyog.
Sa paghahanap niya ng bahay ng bubuyog ay aksidente
niyang magalaw ang bahay nito at tatakbo siya na kunwaring
may mga bubuyog na sumusunod sa kanya.
Binakbak- sayaw pampalaka. Ang mananayaw ay mananatiling
nakaposisyon na parang palaka at lulundag-lundag hanggang
matapos ang sayaw.
Bubudsil- sayaw pang-ibon. Sayaw na kung saan ginagaya ng babae ang
galaw ng Budsil na ibon sa paghahanap na pagkain.
Inuwak- crow dance. Isang lalaki na may pulang panyo sa noo na kunwari'y
siya ang batang crow na nakapugad sa kahoy at didipa-dipa ng
kanyang pakpak upang pakainin ng kanyang ina.
Sa-ot- Sayaw pangkasal. Isang lalaki ang sasayaw na kung saan may dala
siyang shield at spear. Ginagawa ito upang pigilan ang masamang
espiritu na makapanakit sa lalaking ikakasal.
Sinalumpi- sayaw pangkabuhayan. Ginagawa nila ito sa panahon ng pag-
aani at kapag nagpa-pound sila ng palay.
Pigagawan- nangangahulugang "to grab". Ito ay sayaw na may iba't-ibang
aksyon gaya ng pag-aawayan, insultuhan, tulakan, sakitan at
iyakan. Tungkol ito sa tatlong babaeng nag-aagawan sa isang
lalaki para maging asawa.
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 31
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

MINDANAO
ANG MGA MARANAO
ni Diony S. Canete

TERITORYO
Lanao del Sur at sa mga lugar na nakapalibot sa Lake Lanao

ETIMOLOHIYA
Ang terminong "Maranao", "Meranao", o "Mranao" ay nagmula sa
salitang "ranao" na ang ibig sabihin "lake o lawa" kaya ang salitang
Maranao ay nangangahulugang "mga tao sa lawa".

PANLILIGAW
Kandaonga(courtship)-isinasagawa ng mga tagapamagitan (matchmakers).

Sila ang nagpapalitan ng mga verse hanggang maayos nila ang bawat
detalye sa bawat panig ang tungkol sa kasal.

Nagpapatuloy ito hanggang kalawi-an (rites of marriage), isang ritwal na


kung bibisita ang babae sa lugar ng lalaki sa unang pagkakataon.

PAGPAPAKASAL
Ang kasal sa Maranao ay tinatawag na kakewing.

*Ito ay inunahan ng kambitiara, isang paglalahad ng mga bagay o pag-aari


ng dalawang parte. Ito ay isinasagawa ng pananalsila.

Pangunahing rason ng kambitiara ay ipaalam sa madla na ang ikakasal ay


magkapareho ang estado sa buhay.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 32
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Pagkatapos ng kambitiara, ang pormal na kasal ay isasagawa na.


Madrama ang kasal sapagkat ang groom ay kailangang makalampas sa
mga pagsubok bago niya makita ang bride o mahawakan sa unang
pagkakataon.

Ilalahad ng imam ang wedding rite at magbibigay siya ng payo tungkol sa


mga responsibilidad ng pagkakaroon ng pamilya. Pagkatapos nito,
hahanapin ng groom ang kanyang bride; subalit hindi siya makakapasok
hanggat hindi niya nabibigay ang hinihinging bridal entourage.

Isa na namang pagsubok ang haharapin ng groom pagkatapos ng nauna. Ito


ang pagbibigay ng pera para sa leka sa gibon o pagbukas ng pintuan at
kumain kasama ng kanyang bride.

Ang kalawian ay ang huling pagsubok na haharapin ng groom. Ito ang ritwal
na kung saan dadalhin niya ang babae sa kanilang lugar subalit kailangan
muna niyang magbayad ng pera. Kapag hindi siya nakapagbigay ay
maituturing na walang bisa ang kanilang kasal.

PAGBUBUNTIS
Ang pagbubuntis sa Maranao ay mayroong mga senyales. Ilan sa mga ito ay
ang pagnanasa ng babae sa mga kakaibang pagkain, ang biglang pag-iyak
ng kanyang bunsong anak sa gabi, at ang pagmairita ng nagbubuntis.

Ang panday (midwife) ay tatawagin upang kumpermahin ang ganitong


obserbasyon. Ang buntis ay itinuturing na espesyal sa kanila. Hinahayaan
silang gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa kanila noong sila ay hindi
buntis. Samantala, ang kanyang asawa naman ay nagiging mas attentive.

Pinaniniwalaan na kapag hindi natupad ng buntis ang kanyang hinihiling o


kaya'y nag-aalala siya, hindi magiging maganda ang kanyang
pagdadalantao o magkakaroon siya ng seryosong sakit.

PANGANGANAK
Bago ang panganganak, titingnan muna ng panday ang abdomen ng buntis
kung nasa tamang posisyon ba ang bata at kung ito ba ay gumagalaw ng
normal.
Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 33
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

*Lantay- dito nakahiga ang buntis para sa panganganak.


*Malong- ito ang ginagamit na pantakip sa ibabang bahagi ng nagbubuntis
at sa oras ng panganganak.

Sa oras ng panganganak, ang kamay lang ng panday ang nagtatrabaho sa


loob ng malong. Kapag wala sa oras ang kanyang panganganak ay
paiinumin siya ng ginger mixture.

Pagkatapos ng panganganak, itatali ang pusod ng bata saka ito puputulin


gamit ang irab (bamboo slit). Lalagyan agad ng abo ang naputol na bahagi
upang tumigil ang pagdugo.

PAGBIBINYAG

Sa oras ng pagbibinyag, ang imam ang siyang humahawak sa bata habang


tinatawag ang azan (Muslim call to prayer), ito ay sumisimbolo sa halaga ng
bata at kung bakit siya ipinanganak.

Sa pagtawid nila sa Lake Lanao kasama ang bata, kailangang maghagis na


barya o kahit anong uri ng metal sa lawa. Ang gawaing ito ay itinuturing na
pagrespeto sa mga ispiritung nakatira dito at naniniwala rin sila na
puprotektahan ang kanilang anak.

PAGKAMATAY AT PAGLILIBING

Mayroong mga senyales kapag may namamatay sa Maranao; pag-ungol na


aso, pagkanta ng mga ibon sa gabi, at ingay mula sa mangangasa at
ko-ro-wao (ibon).

Ang pagkamatay ay napapatunayan kapag wala ng pulsong nararamdaman


at ito ay inaanusyo sa pamamagitan ng gongs at pagpapaputok ng fifle.

Ang katawan ay huhugasan ng imam at babalutin ng puting tela bago dalhin


sa mosque upang bigyan ng dasal na tinatawag na saltul gaib saka
dadalhin sa libingan.

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 34
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

PANINIWALA
*Naniniwala sila sa masama at mabuting espiritu.

KANTA
Kambayoka- love songs na kinuha mula sa ilang kabanata ng
epikong Daragen
Kandikir- mula sa Arabic dekr na nagpapakita na pagsamba sa
kanilang panginoon subalit ngayon ang kantang ito ay
ginagamit na para sa mga patay.
Kapranon- kanta para sa mga sentimental na pangyayari sa nakaraan
Kaprongrong- ito ay kanta ng pag-ibig para aliwin ang kanyang sarili.
Mga ida-ida wata- kanta para sa mga bata.

SAYAW
Kadaolat sa miatai- sayaw sa pag-imbita ng taong patay.
Sagayan- war dance na nagsasadula sa paghahanda ni Bantugan sa
isang digmaan.
Sadoratan- sayaw na nagsasadula sa pagdukot kay Paramata
Gandingan na sapilitang pinalakad sa dalawang lubid
upang malaman kung siya ay nabibilang sa maharlika.
Kapemalomalong- sayaw na nagpapakita ng iba't-ibang gamit ng
malong.
Kashawing- sayaw bilang ritwal sa bigas.
Kazeriringan- sayaw para sa mga espiritu sa lipunan na kung saan
humihingi sila ng proteksyon para sa kanila at sa
kanilang pananim.
Diabro at onta- isang sayaw na nagpapakita sa labanan ng masama
at mabuting espiritu malapit sa dagat.
Sanggunian:

Hufana, Nerissa L. et al.2018. Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Malabon City. Mutya
Publishing House.Inc.

Wikang Filipino sa Lipunang Makabago.


https://ustsociologicasoc.wixsite.com/ustss/post/wikang-filipino-sa-lipunang-makabago.sept.25,201
8-Carlo-Basilio-Lorenzo.

Wika at Kultura.https://www.languagelinks.org/onlinepapers/wika2.html.2009.jessie-grace-rubico

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 35
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

PAGLALAPAT
PANUTO: Pangkatang Gawain
(Application)

Isa sa mga layunin ng Mindanao State University, Lungsod ng Heneral


Santos ay ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng mga Muslim,
Kristiyano, at Lumad o ang tinatawag na Tri-People.

Batay sa mga natalakay na konsepto ng kultura, pumili ng isang tiyak na


pangkat-etniko na magrerepresenta sa pangkat Muslim, Kristyano, at
Lumad.

HALIMBAWA
PANGKAT NATATANGING KULTURA PAGLALAHAD
(Batay sa isang
pananaliksik)
Ayon sa pag-aaral ni…. Ang
Meranaw Pag-aasawa Pag-aasawa ng Meranaw ay…
Ayon kay … mula sa
pananaliksik na… Ang
Cebuano Pag-aasawa pag-aasawa ng mga Cebuano
ay….
Sa pag-aaral na isingawa
ni …. Na may pamagat na …
Manobo Pag-aasawa Ang pag-aasawa ng mga
Manobo ay…

Huwag kaligtaang ilagay o ilakip ang sanggunian o reperensiya ng pananaliksik


na ginamit sa paglalahad. Walang sanggunian, hindi balido ang paglalahad.
Gawing batayan sa pagbubuo ng talahanayan ang krayterya.

KAHINGIAN PUNTOS

NILALAMAN
Mahusay na nailahad ang mga 15
mahahalagang impormasyon tungkol sa
napiling pangkat-etniko.
REPERENSIYA
May pagkilala sa pinagkunan ng mga
mahahalagang impormasyon ng napiling
pangkat-etniko at nailagay ito bilang 10
sanggunian.

Pagkatapos makabuo ng isang talahanayan ng mga napiling


pangkat-etniko, sagutan ang sumusunod na tanong sa pinakamaikling

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 36
Department
MODYUL SA
WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

sagot ngunit makabuluhan.

1. Paano nagkakaroong ng diversidad na kultura? 5 puntos


2. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga napiling pangkat etniko, may
paniniwala o tradisyon bang nakapaloob na taliwas sa paniniwala ng
ibang pangkat? Patunayan. 5 puntos
3. Ang mga natatanging kultura ng napiling pagkat etniko ba ay may
pagkakatulad ba sa iba pang pangkat etniko maliban sa ginamit na
halimbawa? Oo o wala? Kung oo, ilahad ito. Kung wala, patunayan ito. 5
puntos
4. Ang diversidad ba ay maaaring salik sa pagkakaroon ng suliraning
pangkapayapaan? Magbigay ng halimbawa. 5 puntos
5. Paano mapapanatili ang kapayapaan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng
kultura? Patunayan. 5 puntos

PAGTATAYA Magkakaroon ng ikalawang pagsusulit sa ika- 28/29 ng Oktubre (na bubuoin


(Evaluation)
ng 25-30 na puntos).Saklaw nito ang mga paksang tinalakay sa Modyul
II.Gagawin ito sa pamamagitan ng Moodle (VLE).

Inihanda nina:

ANGELES Digital Signer:ANGELES E. YSMAE


L

MARY GRACE D. VALLE


DN:C=PH, E=leamsygie@gmail.co

E. YSMA m, O=MSU-GENSAN, OU=FILIPIN


O DEPARTMENT, CN=ANGELES E
. YSMAEL

EL Date:2021.10.18 11:36:48 +08:00

MUBARAK M. TAHIR
Fakulti

Prepared by: Prof.Valle/Tahir Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page |
Approved by: Dr. Cruspero Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino 37
Department

You might also like