Metakritik Sa Ang Babaeng Humayo - Debit, Jhon Stephen - BSSCIED3A

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ang Paglaya ko ay ang Pagka-kulong Niya

(Metakritik sa Pelikulang Ang Babaeng Humayo)

Jhon Stephen P. Debit

Tue/Fri – 4:30-6:00

Ang pelikulang “Ang Babaeng Humayo” ay may halos apat na oras na durasyon na kung sa susuriin
ay medyo mahaba kumpara sa mga karaniwang mga pelikula na mga isang oras lamang o hindi kaya’y
dalawang oras mahigit. Ngunit kung susuriin ay isa lamang itong short film kumpara sa ibang mga gawa ng
manunulat at director na si Lav. Mayroong pagkakataon na naiisip ko na hindi kailangan o unnecessary na
masyado ang mga ibang eksena ngunit maaring ang rason ng kahabaan at ng mga eksenang ganoon ay para
bigyan nang oras ang mga manunuod na makapgnilay-nilay at makapagisip-isip sa mga mensahe na
ipinaparating ng mga gumaganap at ng direktor. Dahil dito, sumasang-ayon ako sa unang punto sapagkat
kung papanoorin mo ang pelikula ay dapat maayos ang iyong emosyonal at mental na estado dahil sa haba
nito at sa mga senaryong nagtatalakay tungkol sa reyalidad at mga topikong madalas ng nagiging tema sa mga
palabas. Ang mga senaryo ay naka-black and white at maraming mga senaryo na gabi ang eksena kaya’t
masusubok ka rin ang pasensya sa hindi masyadong maaninag na mga tauhan at eksena ngunit para sa akin ay
ang pagkaka black and white at wala masyadong mga close up, at mga edit at graphics na mga senaryo ay ang
nagpatotoo sa istroya, na masasabi kong authentic ito at mas tagos sa damdamin. Isa rin sa ipinupunto ay
kailangan meron kang stock ng pagkain sapagkat kung manunuod ka ng umaga ay marahil matatapos ka na sa
panunuod ng mga tanghali kaya’t kung maaari ay handa na ang lahat para hindi masyadong ma disturbo sa
panunuod.

Kung susuriin ang mga pahayag ni Tolentino sa ikalawang punto ay masasabi kong sumasang-ayon
ako sapagkat maganda at maayos ang pagkakalahad ng kabuoang realidad ng pelikula na kung saan inilatag ng
director ang kanyang pananaw sa mga temang walang-katarungan, kahirapan, kalayaan, paghihiganti,
pangarap, at pamilya. Ang mga napansin kong pinaghuhugutan ni Lav sa mga nobela ni Rizal ay ang pamilyar
na ideyang si Horacia ay hinahanap ang kanyang anak na lalaki. Maaring ang eksenang ito ay isang direktang
reperensya sa isang karakter sa nobela ni Jose Rizal na Noli Mi Tangere na si Sisa na hinahanap rin ang
kanyang mga anak. Mapapansin rin ang kagustuhan ni Lav na makapaghiganti sa kanyang dating kasintahan
na ang taong naging dahilan ng kanyang pagkakulong. Maaring sumisimbolo si Horacia sa mga Pilipinong
naghirap sa kamay ng mga makapangyarihan at naging biktima ng hindi maayos na katarungan sa kamay ng
mga mayayaman o ang sinisimbolo nitong mga Espanyol sa nobela ni Rizal. Panghuli ay yung eksena nina
Horacia at ng magbabalot. Ayon sa magbabalot, ang mga mayayaman ay ang mga pinakamalapit sa simbahan
sapagkat sila ang mga may pinakamalaking donasyon. Maari itong maging direktang reperensya sa mga
Espanyol nobela ni Rizal. May pari ring gahaman sa pera na maaaring sumisimbolo sa mga Prayle noong
panahon ng mga espanyol. Isa rin sa tinutukoy sa ikalawang punto ay ang hugot ni Lav sa realismo, na
maaring ang halimbawa nito ay ang kawalang-katarungan na nangyayari sa kagaya ni Horacia na nagbayad sa
kasalanang hindi siya ang may sala. Isa rin dito ay kung paano nagiging puppet ng mga mayayaman ang mga
mahihirap, na parang sila ang nagdedesisyon sa kahihinatnan ng buhay ng isang tao gaya ng nangyari kay
Petra. Masasabing ang ganitong sistema ay dati naring diskusyon sa Pilipinas. Isa sa mga tema ng mga nobela
ni Rizal ay ang eksploytasyon ng mga politikong Espanyol sa mga mamamayang Pilipino.
Ayon din sa ikalawang punto, humuhugot si Lav sa siksikang mundo ng mga disenfranchised. Ang
kahulugan ng disenfranchised ay mga taong pinagkaitan ng karapatan, pribelihiyo, at imyunidad. Masasabi
kong ang mga taong disenfranchised ay ang gaya ni Petra na nagging puppet ng mayaman gaya ng dating
kasintahan ni Horacia. Si Horacia rin ay isang halimbawa nito na kung saan siya ay nakulong sa kasalanang di
niya ginawa at naglalayong maghiganti sa may pasimuno ng kanyang pagkakulong ngunit sa paglalakad niya sa
daan ng paghihigante ay gumagawa siya nag mabuti, kontrasyon sa kanyang layunin. Maihahalintulad ito sa
isang yin yang na maaring nererepresenta rin ng black at white na mga esksena. Maliban sa kanila, andiyan rin
ang mga taong tinulungan ni Horacia na sina Hollanda, Mameng, Kuba, at Nena. Sa madaling salita,
masasabing ang siksikang komunidad ng mga disenfranchised ay ang Pilipinas at ang mga Pilipino ang mga
taong disenfranchised. Ang huling inilalahad sa ikalawang punto ay ang paghahangad ng mga karakter sa
pelikula ng maayos at mabuting buhay o di kaya’y pangarap na nais maabot gaya ng karakter ng magbabalot
na naghahangad ng maayos na buhay para sa pamilya. Nandoon rin ang pagkakataong nagbahagi siya ng
kaniyang paniniwala sa Diyos. Minsan rin niyang nasabi na ang mga mamayan ay parang mga diyos na kung
saan sila ang may kakayahang ibalik ang pailaw sa madilim na daanan.

Ang unang pumasok sa aking isipan patungkol sa ikatlong punto ay nasabi ni Tolentino na parang
circus ang moda ng pelikula dahil sa mga plot twist sa istorya at sa mga karakter nito, ay parang naging parang
clown o payaso na sila at dahil sa silang lahat ay parang payaso na ay naging circus na ito na naging parang
freak show na dahil sa ang mga karakter. Ito ay pinakatumatak sa unang mga eksena sa pelikula na kung saan
ang pagkakulong ni Horacia ng tatlumpong taon ay dahil sa kagagawan ng kaniyang matalik na kaibigan sa
correctional na si Petra. Masasabing ang lupit maglaro ng tadhana na kung sino pa ang pinagkakatiwalaan niya,
ay yun din pala ang sumira sa buhay niya. Isa sa mga nakilala at natulungan ni Horacia sa kanyang paglalakbay
patungong paghihiganti ay si Hollanda na isang transwoman na may epilepsy. Noong unang lumabas sa
eksena si Hollando ay gabi noon at siya ay parang sumasayaw-sayaw ng biglang atakihin ng kaniyang sakit.
Isiniwalat rin ni Hollanda ang dahilan niya sa kagustuhan niyang mamatay at kung bakit sa isla niya napili iyon.
Si Mameng na binansagang kuwala ay isa rin sa natulungan ni Horacia. Sa pelikula ay binabansagan niyang
demonyo, anak ng demonyo, kampon ni satanas, at anak ni satanas ang mga taong nagsisimba sa simbahan
lalong lalo na ang mga politiko. Nakilala rin niya ang kubang mambabalot na sa lahat ng nakilala niya ay ito
ang mas nakapag-palitan niya ng impormasyon. Inilalarawan si Kuba bilang duwag marahil ay dahil narin sa
kondisyon ng katawan nito kaya ay duwag ito na marahil naging tampulan ito ng tukso at pang-aapi. Ngunit sa
likod ng kanyang duwag na personalidad ay ang intensyong makapag-higanti sa mga taong pumatay sa ama.
At kahuli-hulihan ay si Nenang buntis na pilay maglakad na nagbabantay sa karinderya. Masasabing ang lahat
ng tao sa circus na ito ay pawang ang mga taong disenfranchised o mga mahihirap.

Sa ikaapat na punto ni Tolentino ay ang huling sampung minuto ng pelikula na kung saan makikita si
Horacia na nagkukwento sa mga taong nawalan ng tirahan dahil sa demolisyon. Ayon sa ikaapat nap unto ni
Tolentino, bakit nagkukwento ng kanyang ikinukwento ang karakter ni Charo Santos sa mga dinemolis na
komunidad. Huling nagkuwento si Horacia ng kuwentong “Ang Bantayog na Itim” na ipinabasa niya kay
Petra ay nag resulta sa paglaya niya. Marahil gusto ni Horacia na patibayin ang loob ng mga taong nawalan ng
tirahan dahil sa demolisyon sa pamamagitan ng kuwento at sa mensahe nito. Nais niyang bigyan ng lakas ng
loob ang mga batang paslit na lumaya sa kahirapang gumagapos sa kanila. At marahil nais niyang may
makasama at makapagpaalam muna sa lugar na iyon bago lumisan. Marahil rin na gusto niya ring iparating sa
mga manunuod na sa pagkamatay ni Rodrigo ay tuluyan na siyang kumawala sa paghihiganting gumagapos sa
kaniya. Paano naging performance art ang paghahanap nito ng panganay na lalaki sa Quiapo area. Ang isang
performance art ay isang sining na ginagawa sa pamamagitan ng kilos at aksyon ng isang manlilikha.
Masasabing performance art ang paghahanap ni Horacia sa kaniyang panganay na anak sapagkat naipapakita
rito ang mga elemento ng isang performance art at ito ay oras, espasyo, ang katawan ng manlilikha, at ang
midyum. Naipapakita sa socio-realismong lente ang mga kondisyon ng mga mahihirap gaya ni Horacia na
nagpaikot-ikot sa mga photocopy na maaring ang pagpaikot-ikot niya ay sumisimbolo sa walang katapusang
siklo ng ganitong mga kaganapan sa lipunan.
Sa ikalimang punto, inilalarawan ni Tolentino na Avant Garde ang paglalahad ni Horacia ng kanyang
sinusulat na kwento. Mapapansin ang mala-MMK na mode ng pagkwekwento ng karakter ni Charo sa unang
bahagi ng pelikula na kung saan nandoon pa siya sa correctional. Dahil sa pagtuturo ang kanyang propesyon
ay nadala niya ito sa kaniyang buhay sa kulungan na kung saan siya ang nagtuturo sa mga batang nandoon at
siya rin ay nagsusulat ng kwnetong kaniyang ipinapabasa sa mga kasamahan sa kulungan. May eksena rin doon
sa kalagitnaan ng pelikula na kung saan ang karakter ni Charo ay sumusulat ng panibagong kwento. Hindi
makakaligtaan ang mala-MMK niyang paglalahad nang kwento dahil parang tumatak na sa atin ang kanyang
boses at estilo sa paglalahad niya ng kwento sa MMK. Muli itong nangyari ang kanyang eksenang naglalahad
ng kaniyang isinusulat sa dakong malapit na pagtatapos ng pelikula. Masasabi kong parang “a calm before the
storm” ang eksenang sumasayaw sayaw sina Horacia at Hollanda sapagkat masaya lang ang mga pangyayari at
makikita mo na nakapagpalagayan na sila ng loob sapagkat nakaya na nilang ipakita ang kanilang mga
personalidad sa isa’t-isa. Subalit nauwi ito sa inuman at ang pagsisiwalat ni Horacia sa kanyang istorya na noon
pala’y alam na ni Hollando na ikinapahamak sana niya.

Sa ika-anim na punto ni Tolentino ay pinuri niya ang kahusayan ng mga artistang gumanap sa
pelikula. Kilala si Ms. Charo Santos dahil sa kaniyang tanyag na Filipino Drama Anthology na MMK bagamat
siya ay naglalahad lamang ng kwento o narrator, masasabi kong mahusay ang kanyang pagganap sa kanyang
karakter. Makita siyang gumanap sa isang bidang karakter ay nakakapanibago at nakakapanapanabik. Masasabi
kong mahusay ang pagganap niya sa karakter na isang guro sapagkat parang makikita mo talaga ang mga
katangian ng isang guro na mahaba ang pasensya, malambot ang puso, at maalaga. May mga mabigat rin
siyang eksena gaya noong nalaman niyang namatay na ang kanyang asawa. Sa una ay hindi mo masiyadong
maaninag kung sino ang gumanap sa karakter na magababalot sapagkat kadalasan sa kaniyang mga eksena ay
madilim o gabi. Masasabi kong mahusay rin ang perpormans ni Nonie Buencamino sa pagganap bilang
kubang magababalot sapagkat medyo nakakita ako ng panibagong karakter na nagmapanan niya dahil
kadalasan ang kaniyang karakter na ginagampanan sa mga teleserye ay isang kontrabida kaya’t masasabi kong
isa siyang flexible na actor na kaya ring gumanap bilang isang medyo kaawa-awang karakter.

Si John Lloyd Cruz, sa kanyang pagganap bilang Hollanda ay masasabi talaga na isa siya sa
pinakamagaling na aktor sa kapanahunan niya. Bukod sa pagiging magaling, kilala din siya sa pagganap sa mga
mapanghamong karakter. Ang makita siyang gumanap ng isang mapaghamong karakter ay nakakapanabik.
Isang transgender woman ang kaniyang karakter na may sakit na epilepsy. Masasabi kong nagampanan niyang
mabuti sapagkat hindi mo makikita yung Popoy o yung mga dati niyang karakter na nagampanan kundi
tututok ka talaga sa kaniyang mga aksyon at kilos, nandoon iyong inatake siya nang kaniyang sakit at noong
sumayaw-sayaw siya at yung pagkakataong nabugbog at nagahasa siya na parang paraan niya para unti-unting
siyang mamatay. Ang role ni Michael De Mesa ay ang dating kasintahan ni Horacia na si Rodrigo. Isa siyang
makapangyarihang tao na binabansagan ni Kuba na isa sa mga diyos dahil sa yaman at impluwensiya nito.
Masasabi kong napagtagumpayan ni Michael De Mesa ang karakter niyang si Rodrigo na palasimba ngunit
parang nagdududa sa eksistensya ng Diyos. Gaya ni Sharmaine Buencamino na gumanap bilang Petra, si
Michael De Mesa ay ipinakita lamang ng ilang minuto ngunit tumatak ang kanilang mga karakter na
ginampanan. Masasabi ko ring medyo mahusay ang gumanap na baliw o si Mameng. Magaling rin ang parang
props niya at saka ang pagkakaganap niya na may mga nangigitatang ngipin at madumi sa kawalan ng ligo.
Ang pelikula ay halos walang accompaniment ng musika. Lahat ng maririnig ay pawing mga natural na huni
ng paligid saka ng mga karakter. Maririnig ang mga huni ng mga sasakyan, rumaragasang ilog, huni ng mga
kuliglig at iba pa. Nakablack and white ang pelikula kaya’t ang kakulangan sa musika at kulay ay nabawi naman
sa script at sa direksyon ni Lav.

Sa ika-pitong punto, napag-alaman ko na maraming mga internasyunal na award ang direktor ng


pelikulang ito na si Lav Diaz. Nanalo ng pangunahing gantimpala na Golden Lion Award sa 2016 Venice
Film Festival ang pelikulang ito. Masasabi kong maipagmamalaki ko ang ganitong karangalan sapagkat isa
itong pelikula na nagpapakita at nagtatalakay ng mga temang may kinalaman sa ating lipunan. Isa ito sa
nagbukas ng mga pinto para makilala ang mga Pilipino sa ganitong sining. At ang pagkapanalo nito ay
nagpapahiwatig na kung ang mga taong may ibang lahi ay nakikikta nila ang halaga n gating sining, dapat tayo
ring mga Pilipino ay magpahalaga sa ating mga gawang sining at sumuporta sa ating mga kapwa Pilipino na
gumagawa ng sining. Kung ito man ay maisakatuparan ng mga Pilipino, maaaring mangyari pa muli ang
ganitong pagkakataon.

You might also like