Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MODYUL 3

Mga Teorya para sa Epektibong Pagdalumat


(Unang Bahagi)
Pamagat ng Gawain GAWAING PAGKATUTO BILANG 3
1. Magagawa kong ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa
pagdadalumat o pagteteorya;
2. Magagawa kong tukuyin ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa pagdadalumat at pananaliksik;
3. Magagawa kong malaman ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat
Mga Layunin
teorya;
4. Magagawa kong suriin ang kahalagahan at gamit ng bawat teoryang
pampanitikan;
5. Magagawa kong suriin ng isang maikling kuwento na nagtataglay ng iba’t ibang
teoryang pampanitikan.
 CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SAf FILIPINO SA
KOLEHIYO (Nobyembre 2017).
Sanggunian
 Quijano, Ma.Lourdes R. et al. 2020. DalumatFil: Diskurso sa Araling Filipino.
Cabanatuan City: Nueva Ecija University of Science and Technology Printing

PAUNANG PAGTATAYA:
I. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung mali.

1. Ang teorya ng pagtanggap/pagbasa ay isang makabagong teorya na lubhang


T
impluwensyal sa Kanluran.
2. Ang istorya sa loob ng isang likha ay mabubuo sa pamamagitan ng relasyon ng
M
manlilikha ng akda sa kanyang imahinasyon.
3. Ayon sa teorya ng pagtanggap/pagbasa, ang kahulugan ng akda ay iisa lamang
T
at hindi na maaaring magkaroon ito ng maraming kahulugan.
4. Ang pag-intindi sa isang akda ay nagsasabi at nagtatakda ng identidad ng
T
bumabasa nito.
5. Ang karanasan sa pagbabasa ay isang danas na maiimbak sa iskima na
T magagamit at magbabago habang nadaragdagan sa tuwing nagbabasa at
nagbibigay ng pagpapakahulugan.

II. Tukuyin ang ambag sa araling Filipino ng mga taong nasa Hanay A. Hanapin ang iyong sagot sa
Hanay B.

HANAY A HANAY B
D 1. Victor Shklovsky A. Penomenolohiya
E 2. Jan Mukarovsky B. Historikal na pananaw
A 3. Edmund Husserl C. Sosyolohiya
G 4. Gadamer D. Depamilyarisasyon
C 5. Leo Lowenthal E. Istrukturalismo
B 6. Hans Robert Jauss F. Teorya ng pagbasa
F 7. Wolfgang Iser G. Teorya ng interpretasyon/Hermeneyutika

LEKTURA:
Mga Teorya para sa Epektibong Pagdalumat

 PARAAN AT PROSESO

Teorya ng Pagtanggap/ Pagbasa


- Isang makabagong teorya na lubhang impluwensyal sa Kanluran ang kalipunan ng mga kaisipan at
kategorya na nagtutuon ng pansin sa mambabasa bilang mahalagang elemento sa paglikha ng
kahulugan. Walang kabuluhan ang isang akda kung walang reaksyon galing sa mambabasa. Ito
ang nagsisilbing tulay para makabuo ng koneksyon at maihayag ang nais iparating ng isang
manunulat.

 APLIKASYON NG TEORYA SA ARALING FILIPINO

A. Balik-tanaw: Ang mga kanonisadong perspektibo na nagmula sa bagong Formalismo


- Ang Formalismo, nagbibigay-diin sa “anyo” o “porma” ng teksto at hindi sa nilalaman nito. Malinaw
na ang pag-alis ng kahalagahan ng mambabasa, na nagbigay-daan sa isang uri ng
pagsasaisantabi, na para bagang walang kinalaman ang mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan
sa teksto.
 Affective Fallacy
 Ang Formalismo sa Rusya at Depamilyarisasyon
 Ang Depamilyarisasyon

B. Kasaysayang Pampanitikan (Literary History)


- Ayon kay Tynianov, ang pagpapalit o pagbabago ng mga sistemang pampanitikan ay dapat na
makita bilang pamamayani ng isang dominanteng kalakaran sa iba pang mga kalakaran.

C. Ang Kontribusyon ng Instrukturalismo


- Nagmula sa Intrukturalismo ang konsepto ng relasyon bilang isang sentral na konsepto ng teorya
ng pagtanggap lalo sa Europa. Bilang isang paraan ng pag-iisip, hindi mailalarawan o
maipapaliwanag ang isang phenomenon kung hindi ito iuugnay sa isang sistema ng relasyon na
siyang kinapapalooban nito.

Papel ng akda para kay Mukarovsky


1. Bilang isang sagisag ng komunikasyon.
2. Bilang isang istrukturang may kasarinlan

D. Ang Impluwensiya ng Penomenolohiya


- Isang kalakaran na pilosopiya na nagbibigay diin sa mahalagang papel ng tao sa pagbibigay ng
kahulugan. Ayon kay Edmund Husserl, sinusuri nito ang nilalaman ng ating kamalayan. Inaangkin
ng penomenolohiya ang kapangyarihan upang imulat ang tao sa kalikasan ng kamalayang pantao
at ng mga phenomena.

E. Ang Impluwensiya ni Gadamer at Hermeneyutika


- Ayon kay Gadamer, ang hermeneyutika ay isang pag-aaral o isang teorya ng interpretasyon, ang
pagbibigay ng kahulugan. Ang pang-unawa ay palagiang nagmumula sa punto de bista ng isang
taong umuunawa.

F. Ang Sosyolohiya ng Panitikan ayon kay Leo Lowenthal


- Mahalaga ang akda kung ito ay nararanasan. Subalit, ang karanasang pantao ay kalimitang
nakakondisyon ng maraming puwersa kung kayat mahalagang pag-aralan ang mga proseso ng
buhay sa lipunan.

G. Wolfgang Iser
- Isang kritikong Aleman subalit pinag-aralan din niya ang panitikan ng Ingles. Ang aklat niyang The
Act of Reading ay katatagpuan ng kanyang mga paniniwala tungkol sa teorya ng pagbasa.

TATLONG LARANGANG MASUSURI SA AKDANG-PAMPANITIKAN


1. Unang larangan: ito ay tumitingin sa teksto bilang isang potensyal na makapagbibigaydaan sa
paglikha ng kahulugan; ang mambabasa ang siyang gagawa ng aktwalisasyon ng mga
posibleng kahulugan.
2. Ikalawang larangan: ito ang prosesong dinaraanan sa pagbasa o penomenolohiya ng
pagbasa. Mahalaga ang konsepto ng punto de bistang naglalagalag (wandering viewpoint).
3. Ikatlong larangan: tumutukoy sa istrukturang pangkomunikasyon na siyang nagbibigay-daan
sa interaksiyon ng teksto at mambabasa.

H. Hans Robert Jauss


- Isang kritikong Aleman subalit kakaiba ang diin ng kaniyang teorya sapagkat nakaugat ito sa isang
historikal na pananaw, sa partikular, ang ugnayan ng panitikan 31 at kasaysayan. Ang nais ni Jauss
ay isang historiograpiya na aktibong gaganap sa papel bilang tagapamagitan sa nakaraan at
kasalukuyan.
PAGSASANAY #1
Panuto: Gamit ang teorya ng pagtanggap, ibigay ang iyong interpretasyon batay sa iyong nakikita sa larawan.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Larawan Interpretasyon

Batay sa aking pagpapakahulugan, ang aking


nakikita ay si inang daigdigan. Maaaring
ipinapahiwatig ng larawan na ito na panahon na
para magkaisa at ingatan ang ating inang
kalikasan.

Ang larawang ito ay maaaring interpretasyon ng


dalawang taong nakikinita ang sarili sa isa’t isa.
Maaaring naiintindihan nila ang isa’t isa gamit
lang ang kanilang mga mata at kahit hindi na
sila magsabi ng kanilang saloobin ay maaaring
alam na nilang dalawa ang tumtakbo sa isipan
ng bawat isa.

Base sa aking interpretasyon, ang umano’y


babaeng sirena ay isang matalinghagang
diwata, at ganoon din sa lalaking naaninag sa
larawan. Ngunit kung susuriing mabuti ay hindi
lang silang dalawa ang nasa larawan, dahil may
mga taong nakapalibot sa kanila o mga taong
bumubuo sa kanilang pisikal na katawan.

PAGSASANAY #2
Panuto: Gamit ang hermeneyutika o ang teorya ng interpretasyon ni Gadamer ay ipaliwanag ang mga tanong
kaugnay ng maikling kuwento ni Genoveva Edroza-Matute na “Kuwento ni Mabuti. Basahin ang kuwento gamit
ang link na https://teksbok.blogspot.com/2010/09/kwento-ni-mabuti.html?m=1.

Tanong Sagot
Sa tingin ko dahil si Mabuti ay isang pangkaraniwang
1. Bakit ganoon na lamang ang paghanga ng
guro na ang bukambibig palagi ay purong mabuti
nagsasalaysay ng kuwento sa kanyang guro na
kaya siya nabansagan sa palayaw na iyon ng
kung tawagin ay Mabuti?
kanyang mga estudyante.
Naihahambing niya ang kanyang sarili sa guro
2. Bakit nasabi ng nagsasalaysay na siya at ang niyang si Mabuti dahil katulad niya ay may pasanin
kanyang guro na si Mabuti ay iisa? din itong problema at pareho rin sila ng pag-unawa
at kabatiran tungod sa mga problemang ito.
Ang tanging tumatak sa utak ko na isa sa katangian
ni mabuti ay ang palagi niyang pagiging positibo sa
buhay dahil nananatili siyang metatag at
3. Ano ang katangian ng tauhang si Mabuti na propesyonal lalo na sa harap ng kanyang mga
iyong nagustuhan? Ipaliwanag. estudyante. Na kahit ano mang problema ang
kanyang ikinakaharap ay hindi pa rin siya
nagpapatinag at nagpapakain sa tukso at
kalungkutan.
4. Ipaliwanag ang pahayag ni Mabuti sa kuwento Maaring nangangahulugang ito na ang problema ay
na “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na hindi pang habang buhay mo iyan pasanin bagkus
kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga sa bawat wakas nito ay mayroong saya at ginhawa
lihim na kaligayahan”? na sa tingin mo ay karapat-dapat sa’yo.
Kung iisipin ko na kung isa ako sa mga estudyante
5. Ano ang iyong naging interpretasyon sa niya ay masasabi ko lamang na siya ay palaisipan at
katauhan ni Mabuti matapos mong mabasa ang ma-misteryosong tao dahil magaling siya magtakip
wakas ng kuwento? ng kanyang tunay na saloobin o kahit
nararamdaman lamang.
PAGSASANAY #3
Panuto: Sinasabi na ang teoryang Formalismo ay nakatuon sa anyo o porma ng teksto. Ngayon, gamit ang
teoryang Formalismo, basahin at suriin mo ang tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla gamit ang
grapikong presentasyon na ibinigay.

Ako ang Daigdig


ni Alejandro G. Abadilla

I ang damdaming
ako malaya
ang daigdig
ako
ako ang larawang
ang tula buhay

ako ako
ang daigdig ang buhay
ng tula na walang hanggan
ang tula
ng daigdig ako
ang damdamin
ako ang larawan
ang walang maliw na ako ang buhay
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig damdamin
larawan
II buhay
ako tula
ang daigdig ng tula ako
ako
ang tula ng daigdig IV
ako
ako ang malayang ako ang daigdig
matapat sa sarili sa tula
sa aking daigdig
ng tula ako
ang tula
ako sa daigdig
ang tula
sa daidig ako
ang daigdig
ako
ang daigdig ako
ng tula ang tula
ako
daigdig
III tula
ako      ako....

Base sa aking interpretasyon ang maaaring nilalaman ng


Nilalaman tula ay patungkol sa mga tanyag na manunulat at mga
makata.

Isang tulang may yari na limang saknong at ang mga


Ako ang Daigdig
saknong ay binubuo ng dalawa, tatlo, apat, at limang
ni Alejandro G. Kaanyuan/ Kayarian
taludtod na. At kung mapapansin din na ang bawat saknong
Abadilla
ay may salitang “ako”.
Ang tulang ito ay nasa paraan ng paggamit ng mga
pasimbulong mga pangungusap na kung saan ito ay paulit
Paraan ng Pagkasulat
ulit na nakabaligtad ang kayarian o pagsusunod sunod ng
mga salita.
AWTPUT BILANG 3

SURING-BASA
 Ang isang suring-basa ay maikling pasusuring pampantikan. Ito ay naglalahad ng sariling opinyon o
kuro-kuro tungkol sa isang kwento, talata, o sulat.
 Naglalayon itong maipakita ang kaisipang matatagpuan sa isang akda at kung bakit ito mahalaga.
Dapat rin nating tandaan na ang paggawa ng suring basa ay mas madali kapag gumawa muna tayo ng
sinopsis o maikling lagom.
 Dahil sa sinopsis na ito, mas madali nating maipahayag ang kaisipan sa isang malinaw at konkretong
paraan. Bukod dito, gumagamit din ng pananalitang matapat ang suring basa.
 Karagdagan, dapat mo ring tignan at bigyang halaga ang paraan at estilo ng pagkakasulat nito. Ang
suring-basa ay mayroon ring apat na parte. Ito ang sumusunod:

1. PANIMULA
o Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay
nito.

2. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
o Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at mag-aangat
o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa

3. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
o Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at
nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan.

4. TEORYANG PAMPANITIKAN
o Ibigay ang teoryang pampanitikan na sa tingin mo’y nakapaloob sa akda gayundin ang mga
pangyayari o sipi na magpapatunay rito.

5. BUOD
o Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang
detalye ang bigyang-tuon.

Gawain: Basahin ang maikling kuwento na “Tata Selo” ni Rogelio Sikat. Pagkatapos ay tukuyin ang paksa at
teoryang nakapaloob dito. Magbigay ng mga pangyayari o sipi sa maikling kuwento na magpapatunay sa
teoryang iyong napili. Sundin ang balangkas sa itaas. Gumamit ng bukod na file para sa awtput.

Pamantayan sa Pagmamarka:

PAMANTAYAN 4 3 2 1
Detalyado at kumpletong Malinaw na nailahad sa Malinaw ngunit kulang sa Hindi malinaw at walang
nailahad sa produkto/ produkto/ pagganap ang detalye ang ginawang kaugnayan sa konsepto
Nilalaman
pagganap ang mga mga detalye. produkto/ pagganap. ang ginawang produkto o
detalye. pagganap.
Nakapupukaw at angkop Wasto at angkop ang May ilang bahagi ang Hindi wasto ang gamit ng
ang wikang ginamit sa wikang ginamit sa hindi naging angkop sa wika sa ginawang
Paggamit ng Wika
ginawang produkto/ ginawang produkto/ ginawang produkto/ produkto/ pagganap.
pagganap. pagganap. pagganap.
Kaakit-akit at kaabang- Malinaw at maayos ang May ilang bahagi na hindi Hindi maayos ang
abang ang paglalahad ng paglalahad ng mga ideya naging malinaw ang paglalahad ng ideya sa
Organisasyon
mga ideya sa produkto/ sa produkto/ pagganap ugnayan sa ginawang ginawang produkto/
pagganap. produkto/ pagganap. pagganap.
Ang iba’t ibang elemento Ang iba’t ibang elemento Ang iba’t ibang elemento Ang iba’t ibang elemento
ng multimedia ay angkop ng multimedia ay ng multimedia ay ng multimedia ay
na nagamit at nailapat sa nagagamit ayon sa nagagamit at nailapat nagagamit ngunti hindi
Paggamit ng Multimedia
mapanghikayat na pangangailangan nito. ngunit nakapagdudulot ng para magpalutang ng
pamamaraan ng kalituhan sa ideyang nais ideya kundi sa
pagpapalutang ng ideya ilahad. pagpapaganda lamang

You might also like