Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Banta sa mga Pamilyang Pilipino: Paano nga ba Masosolusyunan?

Lingid sa kaalaman ng karamihan na ang mga pamilyang Pilipino ay humaharap ng mga


banta sa kanilang pamumuhay. Mga banta na nagbibigay ng problema sa bawat Pilipino kaya
nararapat nap ag-isipan at pag-aralan kung paano ito masosolusyunan. Ilan sa mga bantang
hinarap ng bawat pamilyang Pilipino ay pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa paggawa ng
mabuting pasiya at paghubog ng pananampalataya.
Una, ang banta sa pagbibigay ng edukasyon ay ang kahirapan. Dahil sa kahirapan ay
napipilitang maghanapbuhay ang ama at ina kaya nababawasan ang kanilang panahon sa
pagbabantay ng kanilang mga anak at sa pagtuturo sa kanila ng mga mabuting asal.
Malalampasan ito kung magtulong-tulong ang lahat ng kasapi ng pamilya upang matulungan ang
mga magulang sa kanilang mga gampanin sa pagtutro sa mga anak, lalo na ang nakatatandang
miyembro ng pamilya. Ang magiging bunga nito sa pamilyang Pilipino ay magiging mulat ang
lahat ng kasapi na mahalagang gampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa pamilya upang
mapunan ang pagkukulang ng mga magulang bunga ng kanilang pagsasakripisyo para
matugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya.
Pangalawa, paggabay sa paggawa ng mabuting pasiya kung saan ang mabuting
pagpapasya ay nagsisimula sa pagsusukat ng mga pagpipilian na mayroon tayo. Ang mga
magulang ang siyang nakaaalam ng mabuting pasya sapagkat marami na silang mga karanasan.
Kailangan natin nang masususing pag-iingat upang hindi natin pagsisihan ang gagawing
pagpapasya. Nandyan ang mga kapatid na maaring gumabay sa atin sa paggawa ng desisyon.
Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting
pagpapasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa
kanilang mga anak mula noong sila ay bat apa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay
sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghusga.
Panghuli, paghubog ng pananampalataya sa sapagkat ang pakikinig sa panalangin o sa
nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananamplataya ay hindi sapat kahit pa ang pagmemorya sa
nilalaman nito.Tanggapin na ang Diyos ang magiging sentro ng buhay pampamilya. Mahalagang
tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na
pananampalataya sa knaiya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng
mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang anumang
pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensiya ng Diyos sa gitna nito. Magtulungan din
lahat ng kasapi ng pamilya sa paghubog ng ating pagkatao at pagkatotoo.
Tunay ngang ang bawat pamilyang Pilipino ay nakakaranas ng mga banta sa pamumuhay
kaya dapat maging handa ang bawat pamilya na harapin ang anumang hamon na ihahain nito.
Magagawa lamang ito kung bawat pamilya ay nagkakaroon ng pagkakaisa, pagtutulungan,
pananampalataya na siyang kanilang sandata upang patuloy pa ring ang maligayang buhay.

You might also like