Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

9 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 22:
Pagsusuri sa Pagiging Makatotohanan
ng Ilang mga Pangyayari sa Dula

May-akda: Ma. Idalyn L. Pagunsan


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin – Pagsusuri sa Pagiging Makatotohanan
ng Ilang mga Pangyayari sa Dula

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. natutukoy ang ilang makatotohanang pangyayari sa isang dula;
at
B. nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa
dula

Subukin
Bago natin simulan ang bagong aralin, subukin muna natin ang iyong
kaalaman. Isulat sa patlang ang S kung iyong sinasang-ayunan ang pahayag at
HS kung hindi sinasang-ayunan. Ang mga nakatala sa ibaba ay hango mula sa
dulang “Tiyo Simon.”

_______ 1. Makikita sa dulang “Tiyo Simon” ang usapin ng pananampalataya.


_______ 2. Mayroong kani-kaniyang paniniwala ang mga tao at iba-iba ang paraan
sa pagpapamalas nito.
_______ 3. Ang pagkilala at paggalang sa amain ay naipakita ng karakter ni Boy.
_______ 4. Tunay na ateista ang tauhang si Boy.
_______ 5. Ang pagsubok sa buhay ay maaaring magdulot ng pagbabago sa buhay
ng tao.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagsusuri sa Pagiging Makatotohanan
Aralin ng Ilang mga Pangyayari sa Dula

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsusuri sa pagiging


makatotohanan ng ilang mga pangyayari sa dula. Malilinang ito kung matapat
mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan
Alalahanin ang nakaraang aralin. Matapos matalakay ang kayarian ng
salita, ngayon nama’y subukan mong balikan ang mga ito. Ibigay ang salitang ugat
ng mga salitang nakatala sa ibaba. Tukuyin ang kayarian ng salitang ginamit sa
bawat bilang.

Salitang-ugat Kayarian

1. makikita = ____________________ = ______________________


usapin = ____________________ = ______________________

2. pagpapamalas = __________________ = ______________________

3. pagkilala = ____________________ = ______________________


paggalang = ____________________ = ______________________

4. tunay = ____________________ = ______________________


tauhan = ____________________ = ______________________

5. buhay = ____________________ = ______________________


magdulot = ____________________ = ______________________

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
A. Panimula

Ano-anong klase ng balita ang madalas na marinig at mabasa sa ating


panahon bukod sa pandemya? Sa tingin mo, ang mga ito ba ay suliranin ng
lipunan? Bakit? Paano ang mga ito malulutas?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

B. Pagbasa

Ngayon, simulan nating suriin ang pagiging makatotohanan ng isang


pahayag. Bago iyon, basahin at unawain mo muna ang nilalaman ng buod ng
dulang “MOSES, MOSES” ni Rogelio Sikat.

Buod ng Dulang “MOSES, MOSES”


ni Rogelio Sikat
Ibinuod ni Idalyn Pagunsan

Mga Tauhan:
Regina Calderon - 48, balo, isang maestro
Ana- 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina
Tony- panganay na anak ni Regina, estudyante
Aida- 18, anak niyang babae, estudyante
Ben- 16, bunso, estudyante
Ang Alkalde
Ang Konsehal
Mga Pulis

Tagpuan:
“Apartment” sa lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na masasabing “middle
class”.

Sa apartment na pagmamay-ari ng pamilyang Calderon pinag-uusapan ng


magkapatid na Ana at Regina Calderon ang tungkol sa kalagayan ni Aida, anak ni
Regina na pinagsamantalahan ng anak ng isang alkalde. Kung paanong
nagpaalam si Regina sa kaniyang trabaho upang mapangalagaan ang kaniyang
anak. Habang sila’y nag-uusap dumating sa harap ng kanilang pintuan ang
alkalde kasama ang isang kaibigang konsehal. Naparoon sila upang makipag-
areglo. Nakiusap silang iurong na lamang ng ina ang isinampang kaso nito sa

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
anak ng alkalde. Dahil umano sa malaking kaabalahan ang ginawa ng anak ng
alkalde sa anak ni Regina, sinubukan nitong ihingi ng tawad ang anak.
Sinubukan din nitong aregluhin sa pamamagitan ng pera ang suliranin maiurong
lamang ang kaso at huwag ng dumating pa sa husgado. Ani pa nila, wala rin
namang pupuntahan ang kasong isinasampa ni Regina. Gayunpaman,
tinanggihan pa rin ni Regina ito at sadyang naging mainit ang kanilang usapan na
nauwi sa pagtatalo. Nanindigan si Regina para sa kaniyang anak. Ika pa niya,
gagawin niya ang lahat para ihanap ng hustisya ang anak na si Aida.

Makalipas ang mainit na diskusyon, umalis na ang alkalde at kasamang


konsehal na hindi nagtagumpay sa kanilang sadya. Tumayo sa harapan ni Regina
ang kaniyang panganay na anak na si Tony. Sinabi nitong iurong na lamang ng
ina ang kaso at huwag nang dalhin pa sa husgado. Naniniwala siyang mapupunta
lamang sa wala ang kanilang ipinaglalaban tulad ng nangyari sa kaso ng kaniyang
ama. Muli, nanindigan si Regina para sa kaniyang anak na babae. Lalaban
umano siya kahit pa ang ipanlalaban lamang niya ay ang sariling kuko sa
malalaking bato. Natigil lamang ang kanilang usapan nang mapansin nilang
parating si Aida. Doon lamang naalala ni Regina na kailangan niyang magpabili ng
gamot sa botika para sa anak na babae.

Si Tony ang bumili ng gamot para kay Aida. Pagkaalis ng panganay na anak
ay siyang paglapit naman ng bunsong si Ben. Makikita ang labis na takot sa
mukha ni Ben nang ipagtapat nito sa ina na may dala-dalang baril ang kapatid.
Labis na nabahala pa si Regina nang malaman niyang gabi-gabing lumalabas si
Tony para hanapin ang anak ng alkalde. At upang kumalma nang bahagya si
Regina, pinagpahinga muna siya ni Ana sandali. Naalimpungatan na lamang siya
nang maulinigan niya ang pagkabasag ng isang bote. Dali-dali niyang nilapitan
ang pinagmulan ng tunog. Nilinis niya ang nagkalat na bubog sa kinaroroonan ng
anak na babae. Nangusap si Aida sa ina at sinabing hinahangaan niya ang
kaniyang kuya Tony. Katulad ng ina, labis din ang pagkabahala ni Aida para sa
kapatid.

Umaga na noon ng dumating si Tony lulan ng isang taksi. Mababakas ang


labis na takot at pagkabahala sa mukha ng anak. Ipinaghiganti niya ang sinapit
ng kapatid sa anak ng alkalde. Pinatay niya ito. Hindi pa man napipigil ng ina ang
pagbabadyang pagtakas ng anak ay dumating ang alkalde na may kasamang mga
pulis. Pinasusuko nila si Tony sa batas. Maluwag sa loob na isinuko ni Regina
ang anak. Gayumpaman, pinagtulungan ng mga pulis si Tony gamit ang suntok,
tadyak, bigwas at iba pa ang inabot nito bagaman sumuko na sa alagad ng batas.
Sinaktan nila nang sinaktan si Tony sa harapan ng ina. Kinuha ni Regina ang
baril mula sa mga pulis at ipinutok ito sa kaniyang anak. Pinatay ni Regina ang
sarili nitong anak. “Hindi ba’t kapag sinaktan ng ibang bata ang ating anak, at
tayo’y walang magawa sa nanakit sa kaniya, di ba ibinubuhos natin ang parusa sa
ating anak? Ang sabi ninyo’y aarestuhin ninyo ang aking anak ngunit ano ang
inyong ginagawa?” aniya. Pinatay niya ang sariling anak at habang bitbit siya ng
mga pulis ay patuloy niyang sinasabi na “Pinatay ko ang sarili kong nak!
(pagtatapos...)

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
C. Pag-unawa sa Binasa

1. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng manunulat sa pagsulat ng akda?


Anong hinuha ang iyong maibibigay kung bakit Moses, Moses ang ibinigay
na pamagat sa akda?
_____________________________________________________________________
2. Makatotohanan ba ang paksa ng binasang buod ng akda? Ipaliwanag ang
sagot.
_____________________________________________________________________
3. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na: lalaban ang ina kahit pa ang
ipanlalaban lamang niya ay ang kaniyang sariling kuko sa malalaking bato?
_____________________________________________________________________
4. Batay sa iyong sagot sa blg.3, ano ang sinisimbolo ng malalaking bato?
_____________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang ina sa akda, sang-ayon ka ba sa kaniyang mga naging pasiya?
Ipaliwanag o pangatuwiranan.
____________________________________________________________________
6. Base sa binasang akda, masasabi mo bang makatotohanan ang kasabihang
“Higit na malapot ang dugo kaysa sa tubig”? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
7. Anong sakit ng lipunan ang nakita mo sa akda? Umiiral pa rin ba ito sa
kasalukuyan? Maglahad ng patunay.
_____________________________________________________________________
8. Bilang mambabasa, anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang
binabasa mo ang buod ng akda?
_____________________________________________________________________
9. Kung ikaw si Aida sa akda, paano mo haharapin ang suliraning kaniyang
dinaranas?
_____________________________________________________________________
10.Totoo bang mahalaga ang pagkakaroon ng dangal sa mga Pilipino?
Ipaliwanag o pangatuwiranan.
_____________________________________________________________________

C. Paglinang ng Talasalitaan

Tukuyin mula sa HANAY B ang kasingkahulugan ng mga salitang may


salungguhit sa HANAY A.

HANAY A HANAY B
1. Naparoon sila upang makipag-areglo. A. narinig
2. Tinanggihan ni Regina ang alok ng alkalde. B. iatras
3. Makalipas ang mainit na diskusyon ay C. usapan
umalis ang alkalde. D. hindi sinang- ayunan
4. Iurong na lang daw ni Regina ang kasong E. makipag-ayos
isinampa sa husgado. F. demanda
5. Naulinigan niya ang pagkabasag ng bote.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin
.

Pagyamanin

Batid kong nauunawaan mo na ang akdang Moses, Moses ni Rogelio Sikat,


kung gayon halika’t subukin natin ang iyong mga natutuhan. Suriin at
pagyamanin natin ang iyong kaalaman gamit ang mga nakatalang mga gawain.
Pumili lamang ng gawaing kayang isagawa. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang
pamantayan ng pagmamarka.
Gawain 1 Estratehiya: Fish Bone Mapping
Panuto: Gamit ang fish bone map suriin ang maaaring naging sanhi at bunga ng
mga pangyayari sa buhay ng tauhan sa akda.

sanhi sanhi

bunga bunga

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
GAWAIN 2: TALA ng PAG-ALAM
Panuto: Buuin ang talahanayan sa ibaba gamit ang kaalamang natamo sa akdang
binasa. Suriin ito gamit ang graphic organizer sa ibaba.

M Pangyayari 1 Patunay mula sa Mungkahing


g akda Solusyon
a
P
a P
m a Pangyayari 1 Patunay mula sa Mungkahing
a n akda Solusyon

g g
a y
t a
y Patunay mula sa Mungkahing
Pangyayari 1
a akda Solusyon
r
i

Ang aral na napulot ko mula sa akda na maaari kong magamit sa totoong buhay ay
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

GAWAIN 3: TALAHAMBINGAN
Panuto: Paghambingin ang mga pangyayari sa loob ng akda sa sariling karanasan.
Pumili ng isang bahagi ng akda na mayroong pagkakatulad at pagkakaiba sa iyong
karanasan. Itala ito gamit ang Venn diagram.

Pagkakaiba

Moses, Moses Sariling


Karanasan
(Pangyayari)
(Pangyayari)

Pagkakaiba

Pagkakatulad

Napagtanto ko mula sa gawaing ito ang katotohanang ang buhay ay _________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
GAWAIN 4: TULARAWAN
Panuto: Gamit ang isang tula, ilarawan mo ang mga makatotohanang
pangyayaring nakita sa loob ng akda. Dalawa o tatlong saknong ng tula ang
inaaasahang maisulat.

GAWAIN 5: KOMIKS STRIP


Panuto: Gamit ang husay mo sa pagguhit, lumikha ka ng isang komiks strip
kaugnay ng akdang binasa na kakikitaan ng mga makatotohanang pangyayari sa
akda.

Pamantayan sa Pagmamarka

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Katamtaman Di- Kailangan


ang husay gaanong pang
(5) (4) (3) Mahusay Husayan
(2) (1)
NILALAMAN
(Angkop ang
isinagawang
gawain batay sa
hinihingi nito)
PRESENTASYON
(Maayos at
malinaw na
inilahad ang mga
ideyang nais
ipabatid)
PAGLALAHAD
(Mahusay na
naipakita/
nailahad ang
naging resulta ng
isinagawang
gawain)
KAISAHAN
(Naipakita ang
kaisahan at
konsistensi ng
gawain)
KABUOAN

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Isagawa

Ilapat natin sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa ating aralin. Sumipi


ng napapanahong balita sa kasalukuyan. Himay-himayin ito gamit ang
estratehiyang ASSaKPBa?. Pagkatapos, bigyan ito ng pagsusuri.

A – no ang paksa ng balita?


S - ino-sino ang sangkot sa isyu?
Sa – an naganap ang balita?
K – ailan ito naganap?
P- aano nangyari ang balita?
Ba-kit mahalaga ang balitang ito?

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Panahon na para sukatin ang iyong natutuhan sa aralin. Suriin ang mga
bahagi ng akdang “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat kung ito’y makatotohanan o
hindi. Itala ang pagpapakahulugang isinasaad sa bawat pahayag.

Pagpapakahulugan/ Makatotohanan o Hindi


Pahayag
Pagpapaliwanag Makatotohanan
1. Kung paanong nagpaalam
si Regina sa kaniyang
trabaho upang
mapangalagaan ang
kaniyang anak.

2. Sinubukan nitong
aregluhin sa pamamagitan
ng pera ang suliranin
maiurong lamang ang kaso
at huwag ng dumating pa sa
husgado.

3. Nanindigan si Regina para


sa kaniyang anak. Ika pa
niya, gagawin niya ang lahat
para ihanap ng hustisya ang
anak na si Aida.

4. Ipinaghiganti niya ang


sinapit ng kapatid sa anak
ng alkalde. Pinatay niya ito.

5. Pinatay ni Regina ang


sarili nitong anak. “Hindi ba’t
kapag sinaktan ng ibang
bata ang ating anak, at
tayo’y walang magawa sa
nanakit sa kaniya, di ba
ibinubuhos natin ang parusa
sa ating anak? Ang sabi
ninyo’y aarestuhin ninyo ang
aking anak ngunit ano ang
inyong ginagawa?” aniya.

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Lalong palawakin ang iyong kakayahan. Isagawa ang isa sa sumusunod:

1. Sumulat ng bukas na liham para sa lahat na nagtataglay ng reaksyon mo sa


mga pangyayaring tulad sa akda. Itala rito ang nais mong ipabatid at
ipaalam sa lahat. Ito ay dapat magtaglay ng simula, gitna at wakas.

2. Lumikha ng poster-slogan kaugnay ng binasang akda. Gawin itong


malikhain.

Mamarkahan ang gawain sa pamamagitan ng pamantayang ito:


Kaangkupan ng Mensahe - 4pts
Kasiningan – 4pts
Kalinawan – 2pts
Kabuoan 10pts

Muli, isang pagbati sa iyong ipinakitang sigasig sa pag-aaral sa modyul na


ito. Hanggang sa muli!

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

Peralta, Romulo et al., Panitakang Asyano 9 (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino) Unang


Edisyon 2014. Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Idalyn L. Pagunsan (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence M. Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like