Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga Teorya ng Diskurso

1. Speech Act Teory - nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action.
- Isang paraan ng pag-convey(pagdala) ng impormasyon.
- Ayon sa naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyonglinggwistik ay hindi ang
simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo,
salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.

May Tatlong Komponent ang mga aktong linggwistik:


Aktong Loksyusyonari – ang tungkulin o gawain ng pagsasabi ng isang bagay na
makabuluhan o may katuturan. Ito ang pagsasaad ng isang pangungusap na literal na
nauunawaan sa paggamit ng wika.
 Aktong Iloksyusyonari- ay isang tungkulin sa pagsasagawa ng isang bagay o isang mensahe
ayon sa intesyon ng nagsasalita.
 Aktong Perloksyusyonari- ay ang gampanin o tunkuling dulot ng pwersang iloksyusyonari.
2. Sosyolinggwistikong Teorya – nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, ga,it, patern at tungkulin ng
pagsasalita.
- Ito ay pamamaraang participant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon ng isang partikular
na komunidad.

Iba’t ibang teknik na maaring magamit sa participant-obserbasyon.

1.
Introspection o paggamit ng intuition
2.
Detached Obserbasyon o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad.
3.
Interviewing o ang isatraktyurd na interaksyon berbal sa mga myembro mg komunidad.
4.
Philology o paggamit ng mga naisulat na materyales.
5.
Ethnosemantics o ang pag-aaral ng kahulugang cultural.
6.
Ethomethodology o detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskors analisis
ng mga linggwistika.
7. Phenomenology o ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang penomenolohikal.
3. Communication Accommodation Theory (Teorya ng Akomodasyon)- ang mga ito ay nga teorya
sa SLA o Second Language Acquisition/ pag-aaral ng pangalawang wika.
- Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay naniniwalang ang komunikasyon, ang mga tao ay
nagtatangamg iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.
 Convergence- sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay
sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang pakikiisa o pakikilahok, pakikipagbagayang-
loob pakikisama o kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.
 Divergence- ang pag-iiba ng pananlita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba o
naiiba, di-pakikiisa, o kaya’y lalonh paggigiit sa sariling kakayahan at identidad.
4. Teoryang Pragmatiks- ang salitang prama ay galling sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay
aksyon, galaw, paggalaw, gawa o gawain.
- Ang salita ay lagging nagsasanglot sa paggalaw.
- Nanggaling ang relasyong ito ng paggalaw/pagkilos, paggamit ng salita o pagwiwika.
- Ang relasyon sa pagitan ng wika at ng tao na gumagamit ng wika.
- Ang Pragmatiks ay ang pag-aaral king paano iimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng impormasyon ng mga pangungusap, sa medaling salita, ito ang pag-aaral ng mga
aktwal na pagsasalita sa iba’t ibang konteksto.

Cherrie Mae P. Gabasa BSED1-A

You might also like