Professional Documents
Culture Documents
Pshsss
Pshsss
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SAN FERNANDO
GRADE 11
LEARNING RESOURCE/SIM NO. 8
Alamin
Ang wika ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na nakatutulong sa tao upang makipag-ugnayan sa kapwa.
Itinuturing itong instrumento dahil kaya nitong tugunan ang mga pangangailangan ng tao tulad ng mga
sumusunod:
1. Pagpapahayag ng damdamin
2. Nanghihikayat
3. Direktang nag-uutos
4. Pagtuturo/pagkatuto ng maraming kaalaman
Subukin
PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A na gamit ng wika sa mga halimbawang ibinigay.
HANAY A HANAY B
Tunay na nakapanghihikayat at makapangyarihan ang wika. GInagamit ito sa ating pang araw-araw
na pamumuhay kagaya na lamang ng pakikisalamuha at pagbibigay impormasyon sa iba. Subalit bilang isang
malayang indibidwal kailangan din nating isa alang-alang ang tamang paggamit nito dahil maaaring maabuso
ang maling paggamit nang nasabing instrumento.
Napag-aralan natin kung ano ang kahulugan ng Gamit ng Wika sa lipunan ayon kay M.A.K. Hallday at
ang mga gamit nito sa pamamagitan ng napapnood na palabas sa telebisyon at pelikula.
Maaari ka pang magbigay ng mga iba pang halimbawa ng mga tanong at ang mga mag-aaral ay
magbibigay ng reaksyon dito na magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral na maunawaan nila ang
paksang natalakay na maiuugnay nila sa bagong araling tatalakayin.
ACTIVITY CARD
Tuklasin
Pang-interaskyonal
- nilalayon ng tungkuling ito na makapagpanatili o makapgpatatag ng relasyong sosyal na karaniwang
ginagamit sa pangugumusta, pakikipagkapwa at pagpapalitan ng biro.
Halimbawa:
“Share tayo sa chocolate”
“Uy pre, long time no see!”
Pang-instrumental
- ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan gaya ng pakikitungo sa tao at pag-uutos, at
ang karaniwang sangkap na ginagamit upang maipahatid ang nais o gusto, pagtutol o kaya ay pagsang-ayon.
Halimbawa:
“Bumangon ka na dyan at tulungan mo akong mamalengke”
“Maari mo bang iabot ang lapis?”
Panregulatori
- ginagabayan at kinokontrol ng wika ang kilos, asal, at posibleng gawin ng ibang tao na karaniwang makikita
sa mga direksyon, babala, panuto, at paalala.
Halimbawa:
Mga karatula kagaya ng, “Bawal magtapon ng basura”
Mga direksyon at gabay na nakapaskil sa mga daanan.
Pampersonal
- ito ay nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon tulad ng editoryal na ginagamit sa pormal at di-pormal
na talakayan. Kagaya na lamang ng pagbulalas ng damdamin gaya ng pagkagulat, pananabik at iba pa.
Halimbawa:
“Nakakagalit ang diskriminasyon na lumalaganap sa mundo ngayon!”
“Mabait at mapagkakatiwalaan ang batang iyan.”
Pang-imahinasyon
- ginagamit sa pagpapahayag sa pamamagitan ng malikhaing paraang, karaniwang ginagamit sa mga biruan o
joke na layuning hikayatin ang mga mambabasa at manunulat na paganahin ang kanilang imahinasyon.
Halimbawa:
“Parang bulsa ni Doraemon ang wallet ni Daddy”
“Limampung mga daliri ang nagtulong-tulong sa paggawa ng dambuhalang keyk”
Pangheuristiko
- naghahanap ng datos, kaalaman o impormasyon sa pamamagitan ng pananaliksik, pakikipanayam, at
serbey.
Halimbawa:
Porsyento ng mga mag-aaral na mag-eenroll ngayong pasukan.
Mga pangunahing kursong pinipili ng mga batang papasok sa kolehiyo
Panrepresentatibo
- nagbibigay ito ng impormasyon o datos na karaniwang ginagamit sa pag-uulat at pagtuturo.
Halimbawa:
Ang kahulugan ng sikat na tsokolateng M&M ay Mars and Murrie
Tinatawag na triskaidekaphobia ang pagiging takot sa bilang na 13
ENRICHMENT CARD
Pagyamanin
Gawain 1
PANUTO: Punan ng tamang gamit ng wika sa lipunan ang mga sumusunod na pahayag:
1. Magsimula nang maglagay ng babala ang MMDA sa mga kalsada ay naging maingat ang mga mamamayan
A. Pangheuristiko C. Pang-interaksyonal
B. Pampersonal D. Panregulatori
2. Nagbigay nang payo at paalala ang DOH at DepEd kung ano ang dapat gawin ngayong pasukan para sa
ikabubuti ng mga guro at mag-aaral.
A. Panrepresentatibo C. Pang-imahinasyon
B. Panregulatori D. Pang-instrumental
3. Naguguluhan si Ana sa kanyang pananaliksik kaya’t pumunta siya sa silid-aklatan upang maghanap ng mga datos,
serbey, at impormasyon.
A. Pampersonal C. Pangheuristiko
B. Pang-interaksyonal D. Pang-instrumental
4. Isinusulat ni Dianne ang kanyang saloobin at opinyon sa kanyang taalarawan araw-araw.
A. Pang-instrumental C. Panregulatori
B. Pampersonal D. Pang-imahinasyon
5. Masayang nagkamustahan at ipinagdiwang ang pista ng Itim na Nazareno kahapon.
A. Pampersonal C. Pang-instrumental
B. Pang-interaksyonal D. Pangheuristiko
6. Palaging inaabangan ni Pancho ang kanyang paboritong palabas sa kanilang telebisyon.
A. Pang-imahinasyon C. Pang-imahinasyon
B Panrepresentatibo D. Pang-instrumental
7. Pinaniniwalaan at mayroong mga kuro-kuro na mayroong mga bumibisitang UFO sa bansa noong mga nakaraan na
buwan.
A. Pang-imahinasyon C. Pampersonal
B. Panregulatori D. Pangheuristiko
8.Naging masarap ang inilutong kakanin ni Marie dahil sinunod niya ang tamang bilang ng sangkap at ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng tamang pamamaraan ng pagluluto nito.
A. Pang-instrumental C. Panregulatori
B. Pang-interaksyonal D. Pampersonal
9.Naging masaya ang lakbay aral ng mga mag-aaral dahil sa mga impormasyon, ulat, at bagong kaalaman na kanilang
nalaman mula sa kanilang tour guide.
A. Panregulatori C. Pang-interaksyonal
B. Panrepresentatibo D. Pampersonal
10. Sa akdang Biag ni Lam-ang, ang paslit na isinilang ni Namongan ay agaran itong nakapagsalita at agad lumaki.
A. Pang-interaksyonal C. Panrepresentatibo
B. Pangheuristiko D. Pang-imahinasyon
Tayahin 1
PANUTO: Ilagay sa tamang kahon ang numero ng gamit ng wika sa lipunan ang mga salita o pangungusap na nasa
ibaba.
1. “Nakakainis!”
2. Republic Act No. 10533
3. “Tara punta tayong mall at magwindow shopping!” wika ni John sa barkada.
4. “Gusto ko ng bibingka”
5. “Hugasan mo ang mga plato roon”
6. Ayon sa Save the Children’s Global Childhood Report ang Pilipinas ay ikalawa sa Southeast
Asia na mayroong pinakamataas na porsyento ng teenage pregnancy na 5.99%.
7. Tumututol ang ilan sa mga senador na ipatupad ng pangulo ang Junk Terror Bill
8. Mayroong 175 na wika ang salitang ginagamit sa buong Pilipinas
9. “Sana mayaman ako, para mabili ko lahat ng nais at gusto ko”
10. “Grabe! Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang damit”
11. “Bawal tumawid dito, nakakamatay”
12. 11% ng populasyon ng Pilipinas ay mga OFW.
13. Ang pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis ay isang uri ng sakit sa baga dahil sa
alikabok na silica na nagpapamaga sa baga.
14. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa
15. ”Magkano itong bangus, manang?”
“130 nalang sayo, suki”
ENRICHMENT CARD
Gawain 2
PANUTO: Sumulat ng isang sariling halimbawa ng salita o pangungusap na pasalita na nagpapakita ng Gamit ng Wika
sa Lipunan.
Pang-interaksyoanal Pang-instrumental
Panregulatori Pampersonal
Pang-imahinasyon Pangheuristiko
Panrepresentatibo
Tayahin 2
PANUTO: Gamit ang iyong pampersonal na Gamit ng Wika sa Lipunan, sa pamamagitan ng limang (5) pangungusap
isalaysay iyong sariling pananaw o opinyon sa dinaranas nating pandemya ngayon.
ENRICHMENT CARD
Malayang Gawain 1
PANUTO: Gamit ang iyong sariling imahinasyon, gumuhit ng isang bagay o pangyayari na naging kapaki-pakinabang sa
iyo ngayong “new normal” at ipaliwanag kung bakit.
Malayang Gawain 2
Malayang Gawain 3
PANUTO: Manood ng isang segment sa 24 oras at ilagay ang lahat nang napakinggan na Gamit ng Wika sa Lipunan.
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
REFLECTION CARD
Isaisip
PANUTO: Sa pamamagitan ng 3-2-1 Tsart, isulat ang mga natutuhan sa araling ito. Isulat ang iyong sagot sa pormat na
nasa ibaba.
Isagawa
Tulong ng Gamit ng
Wika sa Lipunan sa
Iyong Pang araw-araw
na Pamumuhay
ASSESSMENT CARD
Tayahin
PANUTO: Suriin ang maikling sanaysay at hanapin ang pitong (7) salita o pangungusap na nagpapakita ng Gamit ng
Wika sa Lipunan. Salungguhitan ang mga ito.
Ang mga Pilipino ay likas na nakangkla sa iba’t- ibang uri ng isports partikular na ang basketbol, boksing,
badminton, balibol at marami pang iba. Maraming mga atleta ang pinupuri ng kapwa nila Pilipino at ipinapaabot ang
kanilang pagbati kagaya na lamang ng “congratulations” at “napakagaling mo!” kapag sila’y nakakapaguwi ng
karangalan sa ating bansa. Subalit ang daan patungo sa tagumpay ay kailanman ay hindi naging madali, nariyan ang
kailangan nilang mag ensayo at pumunta sa mga gym upang magpalakas ng pangangatawan o hindi kaya nama’y
sinasabihan sila ng kanilang mga tagapagsanay na kailangan nilang kainin ito, bawal mong gawin ito, at disipilina ang
kailangan ang susi para sa kanilang katagumpayan. Nariyan pa ang dumadating sila sa puntong napanghihinaan sila
ng loob at sinasabi sa kanilang sarili na nais na nilang sumuko dahil sa matinding hirap at pagod. Patungo sa bawat
laban at hamon na kanilang haharapin kailangan din nilang pagtibayin at palakasin ang kanilang puso, isip,at
determinasyon upang maipanalo ang hamon na ito. Isinasaalang-alang din nila ang paggawa ng “gameplan” laban sa
kanilang mga kalaban gaya na lamang ng pangagalap ng mga datos ng katunggali, pinapanood ang mga nakaraan
nitong mga laban at iba pang mga estratahiya laban sa huli. Sa bandang huli, manalo man o matalo masasabi parin
nating mga Pilipino na napakasarap maging Pinoy na walang hamon at laban na ating inaatrasan.
REFERENCE CARD
PAHINA NG SANGGUNIAN:
Books:
Carpio, P. (2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Kulturang Pilipino p. 1-3
Jocson, M. (2016) Komunikasyon at Pananalliksik sa Kulturang Pilipino (Batayang Aklat) p. 95
Websites/Links:
http://wika-sa-lipunan.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan.html
https://abm4malachi.wordpress.com/about/
https://www.goodhousekeeping.com/life/g25692093/random-trivia/?slide=22
http://suezoaleishcute1029.blogspot.com/2017/08/sitwasyon-gamit-ang-wika-sa-lipunan_9.html
Images:
http://wika-sa-lipunan.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan.html
https://www.pinterest.ph/pin/34691859617003171/
https://www.calvadoshof.com/NewAudio/audiohistory15.html
Susi sa Pagwawasto
GAWAIN 2 TAYAHIN 2
Pang- Pampersonal
Inaasahang iba- Inaasahang iba- imahinasyon
iba ang sagot iba ang sagot 1 10
dito. dito. 9 4
14
MALAYANG GAWAIN 2
MALAYANG ISAGAWA Mga posibleng sagot:
GAWAIN 3 Unang patlang: Wika
Inaasahang Ikalawang patlang: Gamit
Inaasahang iba- iba- iba ang Ikatlong patlang: Pasalita
iba ang sagot sagot dito Ikaapat na patlang: Pang-interaksyonal, Pang-instrumental,
dito. Panregulatori, Pampersonal, at Panrepresentatibo.
Ikalimang patlang: Linangin, Pahalagahan, Ingatan at Payabungin.
TAYAHIN
Pang- interaksyonal - pinupuri ng kapwa nila Pilipino at ipinapaabot ang
kanilang pagbati kagaya na lamang ng “congratulations” at “napakagaling
mo!” Inihanda ni:
Pang-instrumental- kailangan nilang mag ensayo at pumunta sa mga gym
upang magpalakas ng pangangatawan Gng. MEDY L. MARASIGAN
Panregulatori- sinasabihan sila ng kanilang mga tagapagsanay na San Roque Dau High School
kailangan nilang kainin ito, bawal mong gawin ito, at disipilina ang
kailangan ang susi para sa kanilang katagumpayan
Pampersonal- Nariyan pa ang dumadating sila sa puntong
napanghihinaan sila ng loob at sinasabi sa kanilang sarili na nais na
nilang sumuko dahil sa matinding hirap at pagod
Pang-imahinasyon- pagtibayin at palakasin ang kanilang puso, isip,at
determinasyon upang maipanalo ang hamon na ito
Pangheuristiko- gaya na lamang ng pangagalap ng mga datos ng
katunggali, pinapanood ang mga nakaraan nitong mga laban at iba pang
mga estratahiya laban sa huli.
Pang-impormatib- Ang mga Pilipino ay likas na nakangkla sa iba’t- ibang
uring isports partikular na ang basketbol, boksing, badminton, balibol at
marami pang iba
This material was contextualized by
the