Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

DIVINE LIFE INSTITUTE OF CEBU, INC.

Yati, Liloan, Cebu


S.Y. 2021-2022

MODYUL SA FILIPINO 9

Asignatura Filipino 9 Klase Online


Markahan 1 Linggo 5
Petsa Setyembre 6-10, 2021 Guro Bb. Charlene C. Guzman

Ikinagagalak ko na ipaalam na papatapos na tayo sa aralin natin sa markahang ito at ika’y buong tiyaga
na nag-aaral sa bawat aralin na ating nadaanan. Isang patunay na ikaw ay isang masigasig at responsableng
estudyante. Ipagpatuloy natin ang ating talakayan sa linggong ito nang puno ng kasabikan lalo na’t liliparin tayo
ng sunod nating akda sa ibang bansa.
I. Paksang Aralin

• Makakapaghintay ang Amerika


• Tauhan Bilang Elemento ng Akdang Pasalaysay

II. Layuning Pangnilalaman

Sa linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


• Nakikilala ang mga tauhan at nasusuri ang nangingibaw na damdamin batay sa pahayag;
• Nababago ang ilang pangyayari sa akda upang mailapat ang nais na wakas;
• Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda; at
• Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito.

III. Kagamitang Pampagkatuto

Kakailanganin mo ang mga sumusunod:

• Aklat— Pinagyamang Pluma 9 Aklat 1 mga pahina 97-140


• Flash drive/ Smartphone/ Laptop/ Tablet/ Desktop computer
• Gamit Panulat at Panulatang Papel gaya ng Kuwaderno sa Filipino at/ o Long Bondpaper
• Whiteboard, Whiteboard Eraser, Marker

IV. Online Class/ Consultation

DETALYE NG VIRTUAL CLASS

Marapat ay sundin ang itinakdang petsa at oras ng ating klase. Gayundin, dumako sa
dlicstreamboard.net at mag-log in gamit ang iyong sariling username at password, puntahan ang ating
asignatura– Filipino 9 at i-click ang VIRTUAL CLASS para sa ating pagkikita online at ito ay makikita sa itaas
na bahagi ng aralin sa bawat linggo. Ang modyul na ito ay lingguhan, kaya, tayo ay magkikita lamang ng
dalawang beses sa linggong ito.

ONLINE MEETING DATE: PAKSA: Makapaghihintay ang Amerika; Tauhan Bilang Elemento ng Akdang
Lunes at Miyerkules Pasalaysay; Mga Pang-ugnay, Pinagyamang Pluma 9, pahina 97-140
Setyembre 6 at 8, 2020
1:00 – 2:00 P.M.

1|FILIPINO 9
V. Karanasang Pampagkatuto

Ikalimang Linggo (Setyembre 6-10, 2021)

Unang Araw (Lunes, Setyembre 6)


Ang pamilyang buo at ganap na nagmamahalan ay higit na mahalaga kaysa yamang materyal ng sanlibutan.
Ating isabuhay mula sa panitikang ating tatalakayin ngayon ang napakagandang pahayag at aral.

Narito ang daloy ng talakayan:

• Talasalitaan- Buksan ang aklat sa mga pahina 99-101. Makikita sa bahaging ito ang gawain na may
pamagat na Pagyabungin Natin A at B. Sagutan ang mga gawaing ito upang maging pamilyar sa mga
mahihirap na salitang makakasalubong sa pagbabasa ng akdang Makapaghihintay ang Amerika. Ang
mga susing sagot ay makikita sa hulihang bahagi ng modyul na ito.
• Tayo Na’t Magbasa-Manood!
• Malayang Talakayan gamit ang Audio-Visual/ Powerpoint Presentation
• Empty Outline

Ikalawang Araw (Martes, Setyembre 7)

Matapos matunghayan ang dalang kuwento ng akdang Makapaghihintay ang Amerika ay sukatin natin
ngayon kung gaano ninyo kakilala ang mga tauhan dito.
• Sagutin Natin B at C- Buksan ang iyong aklat sa Filipino sa mga pahina 128-130. Sagutin ang mga
gawaing makikita sa bahaging Sagutin Natin B at C sa iyong aklat. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno
lalong-lalo na ang Sagutin Natin C. Matapos masagutan ay ipawasto ang iyong mga sagot sa Sagutin
Natin B sa isa sa mga kasamahan mo sa bahay na may kapasidad na wastuhan ito. Ako ang
magwawasto sa Sagutin Natin C kapag panahon na na dapat ipasa ang inyong kuwaderno. Makikita
ang mga susing sagot sa Sagutin Natin B sa hulihang bahagi ng modyul na ito. Ninanais ko lamang
ang katapatan mo sa gawaing ito.

Ikatlong Araw (Miyerkules, Setyembre 8)

Ang tauhan ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay kaya sa araw na ito ay mas kilalanin
natin kung ano ang gampanin nito sa mga akdang pasalaysay.

Narito ang daloy ng talakayan:

• Malayang Talakayan gamit ang Audio-Visual/ Powerpoint Presentation


• Kahoot

Lingid na sa iyong kaalaman ang hinggil sa mga uri ng tauhan kaya subukin natin ang kasanayan mo sa
pagbuo ng kritikal na paghuhusga batay sa karakterisasyon ng mga tauhan.

• Worksheet 1.2- Ihanda ang kalakip na sagutang papel sa iyong modyul na may pamagat na
Worksheet 1.2. Sunding maigi ang panutong itinalaga rito at maging komprehensibo sa pagbuo mo
ng kritikal na paghuhusga. Huwag kalimutang sulatan ng iyong pangalan, baitang, at seksyon ang
iyong papel.

Ikaapat na Araw (Huwebes, Setyembre 9)


WALANG KLASE ngayon dahil pinaparangalan natin ang namayapang dating Pangulong Sergio S.
Osmeña Sr. kaya gamitin mo ang araw na ito para gunitain ang kanilang dakilang nagawa sa bansa natin at
maging produktibo sa ibang bagay. Walang gawain sa araw na ito.

2|FILIPINO 9
Paalala:

Ipasa ang mga sumusunod na gawain sa Lunes, Setyembre 13, 2021

• Worksheet 1.2

Magaling!
Parang ilang araw pa lang ang nakalipas at tayo’y tapos na sa ating ikalimang linggo na aralin at nairaos
mo nang buong husay ang naging aralin natin. Nawa’y magtuloy-tuloy na ito hanggang sa katapusan ng kwarter
na ito. Gawaran ninyo ang inyong mga sarili para sa katagumpayang ito. Ingat palagi at pagpalain nawa kayo
ng Panginoon.

Bb. Charlene C. Guzman


Guro sa Filipino

_____________________________________________________________________________

Mga Susing Sagot sa Pagwawasto (mga pahina 99-101; 128-129):

PAGYABUNGIN NATIN A

1. araw-araw
2. araw
3. bungang-araw
4. pabago-bago
5. bago
6. sakit
7. pasakit
8. dalagang
9. dalagang-ina
10. dumalaga

PAGYABUNGIN NATIN B

1. Oo
2. Oo
3. Hindi
4. Hindi
5. Hindi

SAGUTIN NATIN B

1. Ligaya, a 6. Fidel, b
2. Marta, a 7. Ligaya, a
3. Ligaya, a 8. Fidel, a
4. Fidel, a 9. Marta, a
5. Fidel, c 10. Fidel, a

3|FILIPINO 9

You might also like