Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1 (1ST Week)
Modyul 1 (1ST Week)
Modyul 1 (1ST Week)
I. PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang direksiyon
o panuto habang binabasa ang mga materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
Ang Modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Ang mga kaalaman
at mga Gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang
kasaysayan ng daigdig na siyang tema sa pag-aaral sa Araling Panlipunan sa ikawalong baitang.
Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.
Tara na! Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan.
Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
Ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya; anyong lupa at anyong tubig, klima at
panahon, likas na yaman, Flora (plant life) at Fauna (animal life), dsitribusyon at interaksyon ng tao
sa kapaligiran.
a. Lokasyong Absolute – na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad latitude line at
longhitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa
eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig.
b. Relatibong Lokasyon – na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
Halimbawa ang mga anyong lupa at anyong tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.
5. Paggalaw – ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din
dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
Ang planetang Earth, na kung tawagin natin ay daigdig, ay isa sa walong planetang umiinog sa
isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar system ang mga ito. Ang lahat ng
buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayundin halos
lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan ng
araw. Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang
photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng
nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar
system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang crust ay ang matigas at mabatong bahagi
ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente.
Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal
lamang na 5-7 km.
Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, buhay-
halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang bawat katangian sa isa't isa. Ang
sistema ng halaman, halimbawa, ay nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot naman ng
nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain
ng halaman o sa pagkain ng ibang hayop at lamang-dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay may
benepisyong nakukuha buhat sa mga tao. llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian
ng nagbabagong daigdig.
Grid ng Daigdig
Kung kaharap mo ang globo, mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng daigdig na
nagiging patag sa mga polo.
Meridian
Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang polo. Sa
wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng pook na bumabaybay sa kahabaan ng
isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa
kanila ang sikat ng araw. Dito rin kinuha ang salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig
sabihin ay "bago sumapit ang tanghali." Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang
"pagkalipas ng tanghali."
Parallel
Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para sila magsalubong.
May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw.
Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn, at ang Antarctic Circle.
Latitud
Latitud ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay may sukat na 10° o
15°. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng ekwador.
Longhitud
Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at sinusukat ng digri.
Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan nang sabihin muna ang latitud,
susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon (kung timog, hilaga, silangan, o kanluran).
Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras
Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang axis habang umiikot ito sa araw. Taliwas ito sa
paniniwala noong sinaunang panahon na hindi gumagalaw. Nakagagawa ito ng kumpletong pag-inog sa
kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng paggalaw ng mga puntos sa ekwador habang umiinog ito
ay 1,609 kilometro bawat oras. Nababawasan ang bilis na ito habang papalapit sa magkabilang polo.
Inaabot naman ng 365 1/2 araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang pag-ikot ng
daigdig sa araw. Hindi natin nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot dahil matatag at napakalaki nito
kung ihahambing sa tao at mga bagay.
Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig sa kanyang axis.
Kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay aabot ito hanggang sa susunod na
hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15 minuto bawat oras o isang galaw bawat apat na minuto.
Unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran
dahil umiinog ang daigdig patungo sa silangan.
Ang Klima
Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang
malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang kapaligiran o atmospera at sapat na sinag ng
araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar
sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap
na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa
karagatan, at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan
na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t
ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang
mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng
panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop
dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.
Pagbabalik Tanaw:
Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong natalakay sa
nakaraang aralin sa pamamagitan ng paglapat ng wastong titk sa loob ng mga kahon. Gawin ito sa
activity notebook.
C T
2. Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito.
M N E
3. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
C E
P A E
E U R
Ang mga Kontinente
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga
kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng
magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng
continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang
Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.
65 milyong taon
Sa kasalukuyan
Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetro ang galaw
ng North America at Europe bawat taon
Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente ng
nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asia,
Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa
Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa
ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente.
Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay
umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga
siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang
karagatang nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya. ay tinatayang
sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya rin ang China na may
pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito
ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng
daigdig.
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan
ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50
milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng
hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,
Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang
bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran.
Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging
equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500
milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.
Mga Anyong Tubig
Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto ng tao na
mabuhay, dapat siyang matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na sumasaklaw sa
71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga rehiyon. Ang mga hangganan sa
pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng panahon dahil sa iba't ibang mga
makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na rason o dahilan.
Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan
na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60ºS latitude. Kaya,
nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.
Ating balikan ang iba’t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan kung paano
sila nakakaapekto sa kasaysayan ng daigdig.
b. Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat
ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa
Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat
Mindanao at Dagat llapitan.)
c. Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
d. Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-
pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look
ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo.
h. Kipot – Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad
ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging
arkipelago nito.
i. Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa
apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika -
dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama ang Oceania.
Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28 milyong milya
kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng lupa, nahiwa-hiwalay nila
ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific Ocean; Atlantic Ocean at maliit na
karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol
sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian.
Ang Pacific ang pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig.
Balikan natin ang iba’t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating pang-unawaan sa
kasaysayan ng daigdig.
a. Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay
ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay.
b. Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas
mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito ang Bundok Banahaw at Bundok Apo.
c. Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na
tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan
sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong
sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga
ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
d. Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na
Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo
sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
e. Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga
produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
f. Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing taniman.
j. Yungib — Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin
ng tao at hayop.
m. Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa.
IV.Buod
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa
hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog ng araw.
Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay
nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng
pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o
likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga
lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp.
Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti
ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na
lubhang napakalamig ng panahon.
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May pitong
kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at Australia.
Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga bansa at
pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na sumasaklaw sa
71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga rehiyon. May limang karagatan
na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at Southern Ocean.
Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa apat na
malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika - dobleng
kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama ang Oceania.
Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang lalo nating
mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon.
SANGGUNIAN:
Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan III, Modyul 1
“Heograpiya ng Daigdig”, Bureau of Secondary Education, DepEd.
Sistema ng Pagmamarka:
TOTAL…………………………….. 100%
Pangangailangan: