Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Grade 8 – Araling Panlipunan

Unang Marka, Ikalawang Linggo – Modyul 2


SY 2020 – 2021

Teacher: RAIHANA G. MACARAMBON


Contact #: 0950-488-0083
Topic: Heograpiyang Pantao

Aralin
2 HEOGRAPIYANG PANTAO

I. PANGKALAHATANG PANUTO:

Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang direksiyon
o panuto habang binabasa ang mga materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

II. PAUNANG SALITA:

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang mga kaalaman
at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang kasaysayan
ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan sa ika-walong baitang.

Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na! Aral na tayo sa
gitna ng pandemyang ito.

Sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na;

a. Napahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa


daigdig (lahi, pangkat etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig).

III. MGA INAASAHANG MATUTUNAN:

Heograpiyang Pantao

Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao o Human Geography


o Heograpiyang Kultural o Cultural Geograph. Ito ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang
paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano din
siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Saklaw ng heograpiyang pantao ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago ng tao ang
kapaligiran, kung paano siya nakalilikha ng panibagong lugar na may kahulugan, at kung paano
nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng tao. Ang interaksyong ito ang pangunahing
sinusuri sa Heograpiyang Pantao.

Wika

Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura. Ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa
mga tao na kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit
6,200,000,000 katao. Ang mga wikang ito ay napaloob sa tinatawag na language family o mga wikang
magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang
mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig.
http://denzell.com/wp-content/uploads/2019/01/xlanguages.jpg.pagespeed.ic.AzYk5LfyOz.webp
Relihiyon

Ang salitang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga
bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng
isang pangkat ng mga tao tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Dahil sa
mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa
kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-gabay sa
kanilang pamumuhay. Pero kung ikukumpara ito sa kasalukuyan, hindi ito organisado at mayroong
sistematikong mga doktrina. Malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang
indibidwal at kasapi ng isang lipunan kung ating tingnan ang kasaysayan ng daigdig. Isa itong malaking
salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng
pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay
ng tao ang relihiyon.

Makikita sa mapa ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami ng
tagasunod ng mga ito.

Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

Lahi/Pangkat-Etniko

Kung tingnan natin, parang isang malaking mosaic ang daigdig dahil sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa
pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng
pangkat.

Maraming eksperto ang bumuo ng iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami
rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming
diskriminasyon gaya ng nangyari sa Estados Unidos noong Mayo 25, 2020 kung saan napatay si George
Floyd, isang negro, habang nasa kustodiya ng mga pulis dahil sa pagbili ng sigarilyo gamit ang pekeng
$20 perang papel. Naging viral ang video ng huling sandali ng kanyang buhay na siyang nag-udyok ng
malawakang protesta sa ibat’t ibang panig ng bansang Amerika (https://www.nytimes.com/2020/05/31/us/george-
floyd-investigation.html).
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na
nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng
magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang
sariling pagkakakilanlan.

Mga Pangunahing Lahi ng Tao

Tingnan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang lahi ng tao. Nagkaroon
ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang Mongoloid o Dilaw, ang Negroid o Itim, at ang
Caucasoid o Puti. Bagamat di na inuuri ang mga tao ngayon ayon sa kulay, makakatulong sa pag-aaral
ng pinagmulan ng tao ang ganitong klasipikasyon.

Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw na kayumanggi: mala-kape o
mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat. Hugis almond o singkit ang mga talukap ng
mga mata ng mga lahing Mongoloid. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang
kanilang buhok at hindi gaanong mabalahibo ang kanilang balat. Manipis ang mga labí nila at
hindi matangos ang ilong. Laganap ang lahing Mongoloid sa Asya tulad ng mga Pilipino, Tsino,
Hapones, Koreano, Vietnamese, Thai, Tibetan, taga-Myanmar, Mongol, Malaysian, Indonesian,
Singaporean, taga-Hong Kong at karatig-pook. Ang mga Amerikanong Indian na nabibilang sa
lahing Mongoloid ay nasa kapatagang sentral ng Estados Unidos, mga Eskimo ng Hilagang
Amerikanong Arktiko at mga Indian sa Central at Timog Amerika ay nabibilang din sa lahing ito.

Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok. Matataas at
malalaki ang kanilang pangangatawan. Matatagpuan ang mga purong Negroid sa kanlurang
Sudan at Guinea. Pahaba ang hugis ng kanilang ulo, malalapad ang kanilang ilong at makakapal
ang mga labí. Maitim hanggang matingkad na kulay kape ang kanilang balat. Sa Silangang
Sudan naman matatagpuan ang mga Nilote, mga Bantu na binubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu,
Swahili at Swazi.
Hindi gaanong maitim ang mga nabanggit. Manipis ang kanilang mga labí at ilong. Kulay
tsokolate naman at hindi maitim ang balat ng mga Negroid at Papuan sa New Guinea at ilang
pulo ng Indonesia at Melanesia sa mga pulo ng Pacific.

Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic, Silangang Baltic,
Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde
ang buhok at bughaw o berde ang kulay ng mga mata. Pandak ang mga Alpine, malalaki ang
katawan at malalapad ang ulo. Ang mga Mediterranean naman ay hindi gaanong mapuputi, may
kaitiman ang kulay ng balat at mata, maitim din at mahabang kulot ang kanilang buhok. Kasama
rito ang mga lahi na naninirahan sa rehiyon ng Dagat Mediterranean kasama na ang mga Arabo.
Matatagpuan ang iba sa hilaga at gitnang India. Mga ninuno ng Hammites subalit nalahian ng
Negroid ang mga nakatira sa Egypt, Ethiopia, Somalia at sa kanlurang Sahara. Matatagpuan din
sa Europa ang karamihan sa mga lahing Caucasoid. Naninirahan ang mga Nordic sa
Scandinavia, Ingglatera at Alemanya. Ang mga Baltic naman ay paninirahan sa silangang
Europa tulad ng mga Alpine na Kinabibilangan ng mga Slav. Kasama rin sa lahing Caucasoid
ang mga Polynesian na nasa Islang Pasifico at New Zealand at ang mga Ainu ng Japan at
Veddah ng timog India.

https://pic.betweenmates.com/img/news/148/difference-between-race-and-ethnicity_1.jpg
TALAAN NG TRABAHO:

Pangalan: _________________________ Section: _______________ Score: __________________

Gawain 1: Crossword Puzzle (Knowledge)

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan


ng bawat bilang.

Pahalang Pababa

1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming


3. Sistema ng mga paniniwala at tagasunod
rituwal 4. Pamilya ng wikang may
7. Pagkakakilanlang biyolohikal Pinakamaraming taong gumagamit
ng pangkat ng tao 5. Salitang-ugat ng relihiyon
9. Pamilya ng wikang Filipino 6. Salitang Greek ng “mamamayan”
10. Matandang relihiyong umunlad sa 8. Pangkat ng taong may iisang kultura
India at pinagmulan

B. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.

Hanay A Hanay B

1. 1. Lahi A. pinagmulang salita ng "etniko" na nangangahulugang "mamayan"


2.
3. 2. Relihiyon B. tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin
ang pisikal o bayolohikal na katangian ng isang pangkat

4. 3.Religare C. nagbibigay ng pagkakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa


isang pangkat

5. 4. Ethnos D. kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao


tungkol sa kinikilalang makapangyarihang nilalang Diyos

6. 5. Wika E. naging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na


pamumuhay

F. pinanggalingan ng salitang relihiyon na nangangahulugang: "buuin ang


mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito"
G. itinuturing kaluluwa ng isang kultura
C. Basahin ng mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong relihiyon ang sinusunod ng 15% ng populasyon sa mundo?

A. Hinduismo
B. Budismo
C. Islam
D. Iba pa

2. Alin dito ang tumutukoy sa lahi ng mga puti?

A. Caucasoid
B. Budismo
C. Mongoloid
D. Hinduismo

3. Ito ay mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.

A. Austronesian
B. Language Family
C.Indo-European
D. 6,200,000,000

4. Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura.

A. Islam
B. Iba pa
C. Wika
D. Hinduismo

5. Ang mga Negroid ay isa sa mga pangunahing lahi ng tao. Anong katangian kilala ang lahing ito?

A. Halos bilog ang hugis ng kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok.
B. Mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat.
C. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang ulo, maputi o blonde ang buhok.
D. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang buhok.

Gawain 2: Pag-isipan Mo (Process)

Basahin ang mga katanungan sa ibaba at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot sa isang buong
papel. Magbigay ng halimbawa kung maari.

1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa pisikal na
heograpiya?

2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao?

3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?

4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang pangkat


ng tao?

GAWAIN 3: MODELO NG KULTURA

Pumili ng isang bansa na nais mong bigyan ng malalim na pag-intindi ang kanilang heograpiyang
pantao.

Sundin ang mga sumusunod na panuto para sa gawaing ito.

1. Gumamit ng anumang uri ng papel at gupitin ito na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng simbolo at bagay na
tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang iyong pinili.
3. Idikit ito sa isang bondpaper at isulat sa ibaba nito ang paliwanag sa disenyo ng ginawang
kasuotan

 Mayroong kabuuang Rubric sa pagmamarka ng Modelo ng Kultura

You might also like