Isang Masusing Banghay Aralin Sa Filipino ANGELICA de ALA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Isang Masusing Banghay – Aralin sa Filipino 8

I. LAYUNIN
Sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang kahulugan ng sanaysay
B. Nasusuri ang kahulugan ng mga ‘di pamilyar na salita sa akda, at
C. Naisasabuhay ng mag-aaral ang aral na nakapaloob sa sanaysay

II. PAKSANG – ARALIN


A. Paksa: “Sanaysay”
B. Sanggunian: Internet -
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-ningning-at-ang-
liwanag.html?m=1
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-sanaysay
C. Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, at iba pa

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
Isang mapagpalang araw sa
inyong lahat 8-Isaiah!
Isang mapagpalang umaga/hapon din
po!

 Pambungad na panalangin
(Magtatawag ng isang mag-
aaral upang pangunahan ang
panalangin) Prayer to the Holy Cross
( Grant our Lord and King that thy Holy
Cross may always be our hope, our
strength, and our confidence in life that
once in the hour of our death may be
the blessed sign of our eternal
Holy Cross Vision happiness, amen. )

Vission Statement
( Holy Cross College envisions itself as
a leading formator of God-centered,
Holy Cross Mission service responsive, progressive and
innovative citizens. )

Mission Statement
( Holy Cross College provides holistic
character formation and strong faith
with God, high civic-mindedness and
Holy Cross Philosophy nationalism through effective and
innovative instruction, research,
prouction, and extension. )
 Pagpapanatili ng kaayusan
Naririnig ba ako ng malinaw at Philosopy
maayos? ( The holistic formation of man through
Hindi ba putol-putol? faith, charity, and liberty. )
Sige, maaari bang paki bukas
ninyo ang inyong mga camera.
Maraming salamat!
Opo
(Bubuksan ang kanilang mga camera)

 Pagtala sa mga lumiban sa


klase
(tatawagin ng isa-isa ang mga
mag-aaral)

B. Pagganyak

Handa na ba kayo? Opo.

Kung gayo’y magsisimula na


tayo. Bago ang lahat, mayroon
muna akong ipapakita sa inyong
mga salita na tiyak na may
kaugnayan sa ating tatalakaying
aralin ngayon at ang larong ito ay
tatawagin natin, "Salita ko,
Isaayos Mo!". Sa pamamagitan
ng mga salitang ipapakita ko ay
ibibigay niyo ang inyong mga
ideya batay sa kung ano ang
mabubuo ninyo rito.

Ang unang salita ay:


(Magtatawag ng isang mag-aaral
kung ano ang kanyang mabubuong
salita batay sa mga letrang
nakasulat)
Batay sa mga letra na nakikita ko po
ang salitang mabubuo dito ay "MGA
AKDANG-PAMPANITIKAN".

MAG
KANGDA–
NTPIAINKAPMA

Magaling!

Ang mabubuong salita po dito ay


"SANAYSAY".
Ang ikalawang salita naman:

YNASASYA

Mahusay!
Ang ikatlong salita po ay isa sa mga uri
ng sanaysay, ang sagot po ay "
Ang ikatlong salita ay: PORMAL NA SANAYSAY".

MORPAL
AN ASYNAYAS

Magaling!

Ang sagot po dito ay "DI-PORMAL NA


Ang ikaapat na salita ay:
SANAYSAY".

ID–ORPAML
AN SAYANASY

Mahusay!

Ang panglimag salita ay:


Para sa panglimang salita po, ang
AGM sagot po dito ay " MGA ELEMENTO
NG SANAYSAY".
LEMENETO GN
SAYNASYA

Magaling!

Ang sagot po ay "MGA BAHAGI NG


At para ating panghuling salita:
SANAYSAY".

GAM
HABGAI GN
SNYAAYSA
Magaling!

Tama lahat ang binanggit


ninyong mga kasagutan. Batay
sa mga salita na iyan, ano kaya Tungkol sa mga Akdang Pampanitikan
ang ating pag-uusapan ngayon? po at ito ang sanaysay.
Tungkol saan kaya ang ating
paksang-aralin ngayong araw?
(Magtatawag ng mag-aaral
upang sumagot)

Tama!
Bigyan natin siya ng clap react.

Ang ating paksang tatalakayin


ngayon ay tungkol sa mga
Akdang Pampanitikan at ito ang
Sanaysay.

Pamilyar ba kayo sa sanaysay?

C. Paglalahad ng Paksa
Kung gayo’y aking ilalahad sa
inyo ang kahulugan ng sanaysay.
Maaari na ba?

Pinagmulan ng Sanaysay
Noong 1580 sumibol ang
sanaysay o essay.
Si Michael de Montaigne isang
Pranses, at tinaguriang Ama ng
Sanaysay ng bansang France. At
si Alejandro G. Abadilla naman
ang nagsalin ng essay sa Filipino
na kung tawagin ay sanaysay.
"Pagsasalaysay ng Sanay".

Sanaysay ang tawag sa isang


sulatin na naglalayong
magpahayag, magpaliwanag, at
magsalaysay ng mga pananaw o
kaalaman. Ang isang sanaysay
ay naiiba sa ibang uri ng sulatin
dahil nakatuon ito sa iisang
paksa at diwa lamang.

Ang kabuuan ng sulatin, gaano


man kahaba, ay iisa lamang ang
paksa nito. Tinatawag itong
‘essay’ sa English na mayroon
ding sistematikong paraan ng
pagpapahayag ng mga pananaw
o kalaaman. Karaniwang
mayroon itong simula, katawan,
at wakas na nagiging dahilan
upang maging mabisa ang
pagpapahayag ng damdamin ng
sumusulat.

2 Uri ng Sanaysay

Mayroong dalawang uri ang


sanaysay: pormal at di pormal.

Pormal Na Sanaysay
Ang sanaysay na pormal ay
mayroong seryosong tono paksa
at mayroong masusi at
komprehensibong pagsasalaysay
ng mga katotohanan, pangyayari,
at karanasan.

Gumagamit din ito ng pormal o


akademikong salita. Ginagawa
rin ang buong sanaysay gamit
ang mga impormasyong
mahahalaga at ginagamitan ng
pananaliksik. Maayos din ang
pagkakasunod-sunod ng ideya
sa sanaysay na ito.

Di Pormal Na Sanaysay
Ang di pormal na sanaysay
naman ay tumatalakay naman sa
isang paksa o usaping
pangkaraniwan na o mas
nananaig ang opinyon o
obserbasyon.

Gumagamit din ito ng mga balbal


o mga salitang magagaan
lamang at karaniwang hindi
sumusunod sa nakasanayang
paraan ng pagbibigay ng ideya at
pangyayari.

Elemento Ng Sanaysay

1. Tema at Nilalaman - anuman


ang nilalaman ng isang sanaysay
ay itinuturing na paksa dahil sa
layunin sapagkakasulat nito at
kaisipang ibinahagi.

2. Anyo at Istruktura - ang anyo


at istruktura ng sanaysay ay
isang mahalagang sangkap
sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga
mambabasa, ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng edeya o
pangyayari ay makatututlong sa
mambabasa sa pagkaunawa sa
sanaysay.

3. Kaisipan- Mga ideyang


nabanggit na kaugnay o
panlinaw sa tema.

4. Wika at Istilo - ang uri at antas


ng wika at istilo ng pagkakagamit
nito ay nakaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa,
higt na mabuting gumamit ng
simple, natural at matapat na
mga pahayag.

5. Larawan ng Buhay -
Nilalarawan ang buhay sa isang
makatotohanang salaysay,
masining na paglalahad na
gumagamit ng sariling himig ang
may akda.

6. Damdamin -Naipapahayag
ang isang magaling na may-akda
ang kaniyang damdamin nang
may kaangkupan at kawastuhan Opo
sa paraang may kalawakan at
kaganapan.

7. Himig - naipapahiwatig ng
kulay o kalikasan ng damdamin.
Maaaring masaya, malungkot,
mapanudyo at iba pa.

Bahagi ng Sanaysay Opo!

1.PANIMULA- sa bahaging ito


madalas inilalahad ang
pangunahing kaisipan o
pananaw ng may-akda at kung
bakit mahalaga ang paksang
tinatalakay.

2.GITNA / KATAWAN- inilalahad


sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o
pananaw kaugnay ng tinalakay
na paksa upang patunayan, o
suportahan ang inilahad na
pangunahing kaisipan.

3.WAKAS- nakapaloob sa
bahaging ito ang kabuuan ng
sanaysay, ang pangkalahatang
palagay o pasya tungkol sa
paksa batay sa mga katibayan,
at katuwirang inisa-isa sa
katawan ng akda.

Maliwanag na ba sa inyo ang


kahulugan ng sanaysay?

Ang halimbawa ng sanaysay na


ating pag-uusapan ngayon ay
"Ang Ningning at ang Liwanag ni
Emilio Jacinto”.

Handa na ba kayo?

D. Paglinang ng Talasalitaan
Bago tayo tumungo sa
halimbawa ng sanaysay na ating
tatalakayain, atin munang
bigyang kahulugan ang mga
salitang ‘di pamilyar sa inyo na
maaring magbigay ng kalituhan
habang pinapakinggan ang akda.
(Ipapakita ng guro ang mga di
pamilyar na salita gamit ang
PowerPoint Presentation)

Sa presentasyon na aking
ipapakita, mayroong mga
nakasalungguhit na salita o
parirala na hindi pamilyar sa Opo!
inyo. Ang gagawin niyo lamang
isipin ang kasingkahulugan nito.

Maliwanag ba?

Ang ibig sabihin po ng maraya ay


Ang unang pangungusap ay: MAPANLINLANG.
Sa mga magkakapatid si Ben
ang maraya.

(Magtatawag ng isang mag-aaral


upang ibigay ang
kasingkahulugan ng
nakasalungguhit sa loob ng
pangungusap)
Ang kasingkahulugan po ng
mapagwari ay MALAMAN.
Tama!

Ang ikalawang pangungusap ay:


Kailangan nating mapagwari ang
mga bagay-bagay dito sa mundo
Ang ibig sabihin po ng nagaganyak ay
NASASABIK.
Mahusay!

Ang ikatlong pangungusap ay:


Nagaganyak ang mag-asawa sa
bago nilang bahay.
Ang kasingkahulugan po ng nakalulan
ay NAKALAGAY.
Tama!

Ang ika-apat na pangungusap:


Mga lumang gamit ang nakalulan
sa silid na iyan. Ang ibig sabihin po ng sukaban ay
TAKSIL.

Mahusay!

Ang ikalimang pangungusay ay:


Isa kang sukaban na kaibigan! Ang kasingkahulugan po ng salitang
kapalaluan ay PAGIGING
Tama! MAYABANG.

Ang ika-anim na pangungusap


ay:
Kapalaluan ang naghari sa Ang kahulugan po ng katampalasanan
kaniyang puso. ay KALUPITAN.

Mahusay!

At ang huling pangungusap ay: Opo!


Ang katampalasanan ng buhay.

Magaling!

Ngayon, nauunawaan niyo na ba


ang ating mga talasalitaan?

Kung gayo’y dumako na tayo sa


ating pagtalakay sa paksa
tungkol sa akdang "Ang Ningning
at Ang Liwanag ni Emilio Jacinto"

E. Pagtalakay sa Paksa
Tatalakayin natin ngayon itong
akdang isinulat ni Emilio Jacinto
na "Ang Ningning at Ang
Liwanag".

Handa na ba? Opo!

(Magsasagawa ng Malikhaing
Pagkukuwento ang Guro tungkol
sa sanaysay na "Ang Ningning at
Ang Liwanag")

Ang Ningning at Ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at


nakasisira sa paningin. Ang
liwanag ay kinakailangan ng
mata, upang mapagwari ang
buong katunayan ng mga bagay-
bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng


nag-aapoy ng sikat na araw ay
nagniningning; ngunit sumusugat
sa kamay ng nagaganyak na
dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag;


tayo’y huwag mabighani sa
ningning.

Sa katunayan ng masamang
kaugalian: Nagdaraan ang isang
karuaheng maningning na
hinihila ng kabayong matulin.
Tayo’y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang
nakalulan. Datapua’y marahil
naman ay isang magnanakaw,
marahil sa isang malalim ng
kaniyang ipinatatanghal na
kamahalan at mga hiyas na
tinataglay ay natatago ang isang
sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na


nagkakanghihirap sa pinapasan.
Tayo’y napapangiti, at isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y


maliwanag nating nakikita sa
pawis ng kaniyang noo at sa
hapo ng kaniyang katawan na
siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay


lubhang nangapit ang pagsamba
sa ningning at pagtakwil sa
liwanag. Ito nga ang dahilan
kung kaya ang mga loob na
inaakay ng kapalaluan at ng
kasakiman ay nagpupumilit na
lumitaw na maningning, lalong-
lalong na nga ang mga pinuno
na pinagkatiwalaan ng
ikagiginhawa ng kanilang mga
sakop at walang ibang nasa
kundi ang mamalagi sa
kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan na
nagbibigay sa kanila ng
kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa
ningning, huwag nating
pagtakhan ang ibig mabuhay sa
dugo ng ating mga ugat at
magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan


at hinahainan na puspos na
galang ay ang maliwanag, ang
magandang asal at matapat na
loob, walang magpapaningning
pagka’t di natin pahahalagahan.
At ang mga isip at akalang ano
pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas
ng katuwiran.
Opo!
Ang kaliluhan at ang
katampalasanan ay humahanap
ng ningning upang hindi
mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang
kapangitan; nguni’t ang
kagalingan at ang pag-ibig na
dalisay ay hubad sa ningning,
mahinhin, at maliwanag na
mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong


lumipas ay isang labis na
nagpapatunay ng katotohanan
nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang


kapatid ko, ay matututo kaya na
kumuha ng halimbawa at lakas
sa pinagdaanang mga hirap at
binatang mga kaapihan?

Malinaw ba sa inyo ang akda?

Mainam! Para mas matiyak natin


ang inyong pag-unawa sa akda,
magkakaroon tayo ng
pangkatang-gawain.
F. Pangkatang-Gawain
Bago natin simulan ang
pangkatang-gawain, hahatiin ko
muna kayo sa dalawang
pangkat.
(Hahatiin ng guro ang klase sa
dalawang pangkat)

Unang Grupo:
SLOGAN – Gumawa ng isang
slogan na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa Inang Bayan.
Ipaliwanag kung ano ang
kaugnayan nito sa sanaysay na
binasa.

Ikalawang Grupo:
TALATA – Sumulat ng isang
talata na naglalarawan sa pag-
ibig sa Inang Bayan. Ipaliwanag Opo!
kung ano ang kaugnayan nito sa
sanaysay na binasa.

Maliwanag na ba ang inyong


mga gawain?

Bago kayo magsimula, alamin


niyo muna ang mga pamantayan
ng inyong gawain.
Opo
Kaangkupan at Nilalaman- 10
pts.
Presentasyon- 10 pts.
Kabuuan: 20 pts.
(Mag-usap-usap ang mga mag-aaral
Malinaw na ba sa inyo ang mga upang simulan ang kanilang mga
pamantayan sa gawain? gawain)

Kung gayo’y maaari na kayong (Magpapasa ang mga mag-aaral ng


mag-usap-usap sa inyong mga kanilang gawain pagkatapos ng
kaniya-kaniyang GC upang sampung minuto)
simulan na ang inyong gawain.
Bibigyan ko lamang kayo ng
sampung (10) minuto upang
tapusin ang inyong pangkatang-
gawain. Magsimula na!

Opo!

(Ibibigay ng guro ang mga grado


ng mga mag-aaral sa kanilang
ginawang mga gawain)

Lubos niyo na bang nauunawaan


ang ating aralin?

G. Paglalahat
Kung lubos niyo ng nauunawaan
ang ating aralin, magtatanong
ako ng ilang mga katanungan
bilang paglalahat:

(Magtatawag ng mag-aaral
upang sagutin ang mga tanong)
Ang dalawang uri ng sanaysay ay ang
1. Ano ang dalawang uri ng pormal at di-pormal na sanaysay.
sanaysay?

Magaling!

Sa pormal na sanaysay po.


2. Sa anong uri ng sanaysay
kabilang ang ating binasang
akda?

Mahusay!
Para sa akin po mas madaling isulat
ang di-pormal na sanaysay sapagkat
malaya kang makapagbibigay ng iyong
3. Kung papipiliin ka kung anong opinyon.
uri ng sanaysay ang iyong
gagawin, ano ito at bakit?

Magaling!

Lubos niyo na talagang


nauunawaan ang ating
talakayan. Ngayon kayo ay
magkakaroon na ng isang
maikling pagsusulit.

IV. PAGTATAYA NG ARALIN


Para sa inyong pagsusulit, kunin niyo ang inyong mga panulat at sagutin
ang mga tanong sa inyong mga sagutang papel.

I. Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at


piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay naiiba sa ibang uri ng sulatin dahil nakatuon ito sa iisang paksa at
diwa lamang.
A. Sanaysay B. Alamat C. Maikling Kwento

2. Ito ay isang uri ng sanaysay na mayroong seryosong tono ng paksa at


komprehensibo at organisado ang pagkakasulat nito.
A. Sanaysay
B. Pormal na Sanaysay
C. Di-pormal Na Sanaysay

3. Sa bahaging ito makikita ang pangunahing kaisipan ng paksa.


A. Gitna B. Panimula C. Wakas

4. Malayang makapagbibigay ng sariling ideya o opinyon sa ganitong uri ng


sulatin.
A. Di-pormal na Sanaysay B. Pormal na Sanaysay C.
Tema at Nilalaman

5. Siya ang tinaguriang Ama ng Sanaysay.


A. Alejandro G. Abadilla B. Michael de Montaigne
C. Virgilio Almario

II. Sagutin ang sumusunod.


6-7: Ibigay ang dalawang uri ng Sanaysay.

8-10: Ibigay ang mga bahagi ng Sanaysay.


V. TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng sariling sanaysay patungkol sa paksang "Pagmamahal sa Bayan" na
binubuo ng 200 na salita (200 words) at pagkatapos ay ipo-post niyo ito sa inyong mga
facebook account.

Inihanda ni:

Angelica M. De Ala
Gurong Mag-aaral

You might also like