Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KWENTONG BAYAN

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si
Maria.Masipag siya at masigla.
Masaya at matalino rin siya.  Ano
pa't masasabing isa na siyang ulirang
dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali
man ay nangangarap siya.  Lagi na
lamang siyang nakikitang nakatingin
sa malayo, waring nag-iisip at
nangangarap nang gising.  Dahil
dito, nakilala siya sa tawag na
Mariang Mapangarapin.  Hindi
naman nagalit si Maria bagkos pa
ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng
iisang manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga
manok niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka niya at
pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na
magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat
na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga
inahing manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-kita
ang saya ni Maria sa kanyang pangarap. At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga
inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa limang dosenang itlog.  At isang araw ng
linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong niya ang limang dosenang itlog.
Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang
limang dosenang itlog.  Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito
ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.  Lalong
pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.


Saka siya umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

You might also like