Maikling Kwento - Ang Hamon Sa Buhay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

NATIONAL UNIVERSITY FAIRVIEW

WIKA AT PANITIKAN SA PAGPAPATIBAY NG

ILIPINONG IDENTIDAD

Pinal na Gawain

Group 4

Abelende, Aura

Calixterio, Michael Angelo

Cruzado, Maville

Felicio, Frances Len

Jacob, Harvie Julz

Jimenez, Czyrene

Mercado, Danna Nicole

Ramos, Lorelie Joy

Tariga, Don Erik


Ang Hamon sa Buhay

By Group 4 HM-201

Habang pinagmamasdan ko ang aking mga nakababatang kapatid na kumakain sa kakapiranggot

na ulam at kanin ako ay naiiyak at nag iisip, ‘’kapag ako nakapag tapos ng pag-aaral hindi mag

hihirap ang aming pamilya’’. Akin ng tinawag ang aking mga kapatid para mag gayak sa

kanilang eskwela ‘’Julz, Len, Czy! Mag isakaso na kayo at mahuhuli kayo sa pag pasok’’. Si

Harvie ay nasa sekondarya at kasalukuyang nag aaral sa Kalayaan National Highschool, si

Franckie at Czy naman ay parehong grade 5 sa Bagong Silang Elementary School. Inaantay ko

matapos ang aking mga kapatid para sabay ko na sila sa pag hatid papasok ng trabaho para tipid

sa pamasahe. Ako ay nag tatrabaho sa North Caloocan City Hall bilang isang kahera ng tax

collection sa City Treasurer’s Office at pinagsasabay ko ang pagtatrabaho at pag aaral. Ako

naman ay kasalukuyang 4th year collage na nag tatapos ng Bachelor of Science in

Administration Major in Finance sa National University Fairview. Ako ay iskolar ng

munisipalidad kaya hindi hassle ang tuition. Grabe ang eskwelahan kung maningil ng mga hindi

naman kailangang mga bayaran. Sabagay basta private akala nila mayaman ka. Pinili ko lang

naman mag aral dito sa NU sa kadahilanang bukod sa ito ang pinakamalapit na unibersidad sa

Caloocan, ito rin ang standard ng mga employer sa pag tanggap ng empleyado kase kapag

university graduate ka more chances of hiring. Sa tuwing matatapos ang aking shift sa opisina,

deretso ako sa eskwelahan para pumasok sa 2 huling subject ko sa huling termino ng kurso ko.

Nasa biyahe ako papuntang NU para sa una kong klase, sumalubong agad sa akin ang dalawang

kong kaibigan na sina Lorie at Erik, sila ay kasama ko sa pag gawa ng final requirement namin

na practical research. Nabanggit ng professor na kailangan naming ulitin ang aming thesis dahil

kami raw at may kaparehas na gawa. Ito ay pinaglaban namin sapagkat napakahirap gumawa ng
thesis sa panahon ngayon., Ngunit nanalo pa rin ang isang grupo sa pag kuha ng title ng thesis.

Kaya sinunod na lang namin ang utos ng aming propesor para hindi sayang ang aming panahon.

Ako ay umuwing bagsak ang aking balikat dahil sa masamang balita. Naabutan ko naman na

mahimbing ng natutulog ang aking mga kapatid. Kinabukasan, sa parehong gawain sa pang

araw-araw maliligo, mag aasikaso ng mga kapatid, mag luluto ng almusal, mag didilig ng mga

halaman, at kakain. Sinabay ko na sa pag byahe ang pag hatid sa aking mga kapatid. ‘’Julz, Len,

Czy lagi kayong mag iingat sa eskwelahan, mag aaral kayo ng mabuti, huwag makikipag usap sa

hindi kakilala’’ paalala ko sa aking mga kapatid. Pag katapos ko silang maihatid dumeretso na

ako sa pag biyahe papuntang trabaho, nag time-in at nag simula na sa aking shift. Sumapit ang

ala-singko y media ng hapon hudyat na malapit na ang uwian at pag bibilang ng mga na

kolektang bayad ng mga tagapag bayad ng buwis. Habang nag bibilang ang Head Department

napansin nito na ang nakolektang pera ay kulang at nag simulang mag imbestiga sa mga

empleyado. Kasalukuyan akong nag bibihis sa locker room para mag gayak papunta sa

eskwelahan at nakarinig ng munting pagtatalo sa labas. Habang nag bibihis lumapit sa akin ang

isa kong katrabaho para ibalita na may kulang sa mga nakolektang buwis. Sa sandali ng aking

pag dating agad akong itinuro ng Head Department na ako daw ang may sala sa pagkawala ng

kulang sa nakolektang buwis. Humantong ang gulo na ito sa loob ng prisinto at demandahan sa

kadahilanang ako nga daw ang nag nakaw ng buwis. Kausap ng Head Department ang

investigative chief ‘’kaya pala hindi na nakakapagtaka na sya ang kukuha dahil nakakulong ang

kanyang ama sapagkat ito ay napagbintangan na nag nakaw sa kanyang trabaho’’ rinig ko sa

sinabe ng pulis habang pinapasok ako ng isa pang pulis sa selda. Kinabukasn dumating si Mayor

Angelo kasama ang kanyang sekretarya na si Nicole. Narinig ni Nicole ang mga marites na pinag

uusapan ang insidenteng nangyari kahapon. Ibinalita ito ni Nicole sa Mayor. Ng nalaman ito ng
Mayor agad na ipinatawag ang Head Department sa opisina nya. ‘’empleyado ka ng himpilang

ito, bakit ganun ang inasal mo sa emplyado natin kahapon’’ wika ng mayor ‘’agad mong

ipagwalang sala ang dalaga dahil ako ang nag utos kay Nicole na kumuha sa buwis’’at ikaw

Nicole sa susunod na kukuha ka ng pera rito, maaari bang magbigay paalam ka sa nakakataas,

hindi porket sekretary kita may malaki kang kapangyarihan’’ wika ni Mayor. Pagmulat ko ng

aking mga mata, narinig ko ang tunog ng susi na bumubukas sa selda na aking kinalalagyan

‘’ikaw ay malaya na’’ ani ng pulis. Pag labas ng selda ay bumungad sa akin ang presenya ni

Mayor at ng sekretarya nito. ‘’paumanhin sa nangyari kahapon binibini, ito ay hindi na muling

mauulit’’ ani ni Mayor. ‘’alam kong inosente ka at sobrang bait, sa katunayan mahusay ang

pinapakita mong performance sa loob ng iyong trabaho’’ ako ay nahihiya sa itinuran ng Mayor.

‘’paano nyo po nalaman Mayor?’’ tanong ko’’ edi dahil sa mga marites na mayroon sa loob ng

City Hall’’ ani nito ‘’bibigyan kita ng parangal sa husay mo sa trabaho at pag aaral sa kabila ng

hirap ng buhay at sa nangyayari sa iyong buhay’’ ani muli nito. Nagbunga ang paghihirap at pag

sisikap naming mag kakaibigang sa pag tapos ng aming final requirement. Kahit ito ay

nakakainis sinikap naming matapos para makuha na ang dimplomang inaasam-asam. Niyakap ko

ang aking dalawang kaibigan na si Lorie at Erik ‘’sa wakas natapos na natin ang kolehiyo’’ ani

ko ‘’maibibili ko na ang mga gusto ng laruan at pagkain ng aking mga kapatid’’ muli kong ani.

‘’maligayang pag bati sa atin mga kaibigan’’ ani ni Erik at kinamayan kami ni Lorie.

‘’maligayang pag dating sa rekognasyon ng Batch 2022 ng National University Fairview’’

anunsyo ng emcee, nagpalapakan ang maraming tao. Magkahalo ang aking nararamdaman, kaba

at saya. Kaba dahil ako ay mag bibibgay ng talumpati. Saya dahil tapos ko na ang huling

hakbang sa pag aaral. Sa batch namin ang may pinakamahusay na estudyante kaya mahirap

makipag kompitensya. Ngunit sa sikap na aking ipanapamalas, di ko inaasahang makakamit ko


ang pinakamataas na titulo. ‘’para sa pagbibigay ng valedictorian speech, tinatawag ko si

Cruzado, Maville ang Magna Cum Laude ng kanilang departamento’’ ani ng emcee. Tumayo

ako at hinarap ang napakaraming tao, Kasama sa tagapanood ang aking ama, at mga kapatid.

Sinulyapan ko sila habang binabanggit na sila ang aking naging inspirasyon para makatungtong

sa kinatatayuan ko ngayon. ‘’nais kong iparating sa mga kabataan, mag sikap kayo at mag-aral

para hindi nyo pagsisihan na sa bandang huli ay importante ang pag aaral’’ akin ng tinapos ang

aking talumpati. Niyakap ko ang aking ama, at mga kapatid. Inabot ko ang diploma na nakalagay

ang Magna Cum Laude sa aking ama. ‘’itay maraming salamat sa pagtitiwala at paniniwala na

ako ay mag tatapos’’ ani ko. Inaya ko na sila sa malapit na Jollibee. Kami ay nag diwang at nag

saya, binili namin ang aming mga paboritong pagkain. Habang pinagmamasadan ko ang

kapaligiran, napansin ko ang isang dalagang nag lalampaso ng sahig, sa tingin ko ay siya rin ay

isang working student. Napansin ko na Aura ang kanyang pangalan dahil sa tagname. Nais kong

ipabatid sa kabataan na katulad namin ni Aura, ‘’talo ng masipag at madiskarte ang matalino’’

You might also like