Ge 111 Modyul 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

MODYUL sa GE 111

FILIPINO 2- PAGBASA AT
PAGSULAT TUNGO SA
PANANALIKSIK

Karapatang-ari, 2005 ng

LORIMAR PUBLISHING CO., INC.

at nina

Magdalena O. Jocson
Patrocinio V. Villafuerte
Cid V. Alcaraz
Module Title: Modyul sa GEE 105+
Course Title: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Course Number: GEE 105+
Course Description: Pag-aaral tungo sa Pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian,
pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at
kultural sa lipunang Pilipino.
Total Learning Time: 18 weeks (54 hrs.)
Pre-requisites: None

Paunang Salita

Isang di-mapasusubaliang katotohanan na ang pagbasa at pagsulat ay dalawa sa


apat na makrong Kasanayan sa pag-aaral ng Filipino na maituturing na napakahalagang
bahagi ng pagkatuto ng mga estudyanteng nasa antas tersyarya, anuman ang kursong
kanilang pinag-aaralan.
Kung sa tulong ng pakikinig nagsimulang.matutuhan ng mga estudyante ang wika, sa
pamamagitan ng mabilis nilang pagtukoy sa mga bagay na nakikilala nila sa pamamagitan ng
mga tunog, ugong, ingay at salita; at kung sa tulong naman ng pagsasalita sila natutong
makipagrelasyong interpersonal, sa pagbasa at pagsulat naman napapalawak ang kanilang
kaalaman at kasanayan tungo sa pagsasagawa ng sarili nilang pananaliksik.

Sa konseptong ito nabuo ang ideya ng mga manunulat ng aklat na ito


bilang tugon sa hangarin ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) na mabago
ang kurikulum sa Filipino batay sa mga pangangailangan ng mga estudyanteng nasa antas
tersyarya at batay na rin sa nagbabagong kalakaran sa makalidad na sistema ng edukasyon.

Layunin ng mga manunulat ng aklat na ito na maipakita sa mga estudyante paano (1)
maitataas ang antas ng kanilang kakayahang komunikatibo sa akademikong Filipino, (2)
magagamit ang kanilang mga kaalaman at kasanayan sa kritikal na pag-unawa ng mga teksto
sa iba't ibang disiplina na nakatuon sa tekstwalisasyon at intelektwalisasyon ng mga ideya, (3)
maisasagawa ang kanilang sistematikong pananaliksik, at (4) makabubuo ng kanilang
positibong saloobin sa paggamit ng Filipino sa pananaliksik.

Dahil dito, inaasahan namin na pagkatapos ng isang semester ng


pagtalakay sa mga aralin sa aklat na ito ay handa nang makagawa ng ilang
napapanahon at epektibong pananaliksik ang mga mag-aaral na tutugon sa mga
pangangailangang hindi lamang para sa pansariling kagalingan kundi para sa kagalingang
pambansa.

Magdalena O. Jocson
Patrocinio V. Villafuerte
Cid V. Alcaraz
Talaan ng Nilalaman

TSAPTER 1- PAGBASA

Panimula
1. Prosesong Sikolohikal ng pagbasa: teoryang Iskema
2. Interaktibong proseso ng pagbasa
3. Antas ng metakognitiv na pagbasa
4. Pagbasa ng tekstong akademik at profesyonal
Katangian ng teksto at rejister ng ilang disiplina
Agham Teknolohiya at Matematika
5. Pagbasa ng mga Tekstong profesyonal(hal. Medisina at Batas)
6. Tekstong Ekspositori
Mga Huwaran ng organisasyon ng teksto: uri at katangian
* Depinisyon
* Pag-iisa-isa( enumerasyon)
* Pagsunod-sunod (order): Sekwensyal, kronikal at prosejural
*Paghahambing at pagkokontrast
* Problema at Solusyon
*Sanhi at Bunga
7. Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa
Pag-uuri ng mga ideya/detalye
Pagtitiyak sa damdamin, tono at pananaw ng teksto
8. Pagusuri kung valid o hindi ang ideya o pananaw
9. Paghinura at paghula sa kalalabasan ng pangyayari
10. Pagbuo ng lagom at konklusyon
11. Pagbibigay ng Interorentasyon sa mapa, tsart, graph at talahanayan

Tsapter II - Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina


Kahulugan at Kalikasan ng pagsulat
1. Sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat
2. Mga uri ng pagsulat
Akademik
Teknikal
Jornalistik
Referensyal
Iba pa.
3. Mga bahagi ng Teksto
Panimula: Paksa at Tesis
Katawang: istruktura, nilalaman at order
Wakas: Paglalagom at kongklusyon
4. Mga kasanayan sa akademikong Pagsulat
Pagbuo ng Kosneptong papel
Katangian at Simulain
Bahagi
5. Pagbabalangkas
Uri at Katangian
6. Pag-aayos ng mga Datos
Konsiderasyon sa Pangangalap at [aggamit ng mga datos
Direktang Sipi
Sinopsis
Prese(precis)
Parapreys( hawig)
Abstrak
Sintesis
TSAPTER IIII- PANANALIKSIK
Batayang Kaalaman
1. Katuturan, Katangian at Layunin
2. Tungkulin at Responsibilidad ng mananaliksik
3. Mga bahagi ng Pananaliksik
Suliranin at kaligiran nito.
Rasyonal
Layunin at kahalagahan ng pag-aaral
Batayang Konspeptwal
Saklaw at Limitasyon ng pag-aaral
Metodo
Pangongolekta ng datos(laybrari, internet, interbyu, at iba pa)
Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
4. Paglalahad ng resulta ng pananaliksik
Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon
5. Mga Hakbang at Kasanayan sa pananaliksik
1. Pagpili at paglilimita ng paksa
2. Pagbuo ng konseptong papel
3. Paggamit ng iba’t ibang sistema ng dokumentasyon
Talababa-bibliografiya
Parentika- Sanggunian
4. Pagbuo ng Balangkas
5. Pagkuha, paggamit at pagsasaayos ng mga datos
6. Pagsulat ng borador
6.Pagsulat ng faynal na sipi
Tsapter 1 PAGBASA
PANIMULA

Sa pagtuklas ng karunungan, napakahalaga ng nagiging tungkulin ng pagbasa sa


isang indibidwal upang lumawak ang pananaw at magbukas ng kaalaman upang matuto sa
takbo ng buhay sa ginagalawang daigdig ng isang tao.
Hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng pagbasa bilang makro ng komunikasyon.
Mula sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo ng isang teksto, pagbibigay ng
interpretasyon sa mga kaisipan at mga impormasyong isinasaad sa akda, patungo sa pagiging
mapanuri na hahantong sa pagbibigay ng sariling reaksyon sa mga nakapaloob na kaisipan sa
isang teksto hanggang sa pag-uugnay ng mga sariling karanasan sa kaganapan sa tekstong
binasa na magtatapos sa pagpapahayag ng mga damdamin o emosyon ayon sa pamamaraan
ng may-akda, ang mga bagay na malilinang ng pagbasa sa mambabasa.
Malaki ang pagkakaugnay ng pagbasa sa makrong pakikinig, pagsulat at pagsasalita.
Ito'y nagiging tulay ng mga mag-aaral upang mapabuti at maiangat ang kasanayan sa
mabIsang pag-unawa sa mga teksto.

Tunay na napakaraming nagagawa ng pagbasa sa isang indibidwal.

Gintong susi ito na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.


Pangunahin itong kasangkapan sa paguklas ng kaalaman sa ibat ibang larangan ng buhay.

Patnubay din ito ng mga karanasan, mga mithiing iyong pinapangarap. Nagsisilbi
itong unang hakbang sa anumang larangan ng pag-aaral at pagkatuto. Malaki ang
impluwensya ng pagbabasa sa pagkatao o personalidad ng isang nilalang.
Ginigising din ng pagbabasa ang damdamin ng isang indibidwal. Nakapagpapabago
ng saloobin at layunin sa buhay. Nagiging lunas din ito ng mga suliranin at kahinaan ng isang
tao. Sa pagbabasa, nasasalamin ang buhay ng ibang tao at naiuugnay ito sa sariling
karanasan ng bumabasa.

Mahalaga ring alam ng bumabasa ang mga panukatang makatutulong sa kanya


upang magkaroon ng patnubay sa paglinang ng ibat ibang kasanayan.

Ang mga panukatang ito ay dumadaan sa isang proseso. Unang-una ay ang pag-
unawang literal, sumunod ay ang ganap na pagkakaunawa sa kaisipan ng awtor lakip ang
karagdagang kahulugan o interpretasyyon, susundan ito ng pagkilatis sa kahalagahan ng mga
kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad, kasunod naman ay ang pagsasanib ng mga nabasang
kaisipan at mga karanasan upang magbunga ng bagong pananaw at ang pinakahuli ay ang
paglikha ng sariling kaisipan batay sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang akda.

Isang katotohanan pa rin at hindi maaaring tutulan ang konsepto na kay inam
malamang umuunlad ang mundo dahil sa mga nakalimbag na babasahin. Nakatutuwang
matuto mula sa karanasan ng mga kapwa tao dahil sa mga nababasang artikulo at iba pang
nakalimbag na literatura.

Isang ganap na tagumpay kapag mula sa pinakamaliit na detalye patungo sa


pinakamalawak na detalye ng isang teksto ay maibibigay ng pagbasa sa bawat mambabasa.
Teoryang Iskema

Ang Teoryang Iskema ay ang proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa at


kaalaman sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa (Pearson 1987)

Ayon sa Teoryang Iskema, ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakalagak sa isipan
at maayos na nakalahad sa kategorya. Ang mga iskemang ito ay nadaragdagan. nililinang,
nababago at napauunlad (Pearson at Sapiro 1982). Bawat bagong impormasyon ay
nadaragdag sa dati nang iskema. Ang dating paniniwala sa pagbasa ay ang pagsasabi ng
ideya na nasa teksto. Nangangahulugang parang kinopya ng teksto ang hinihingi sa
mambabasa. Bago pa man basahin ang teksto, may ideya na sa nilalaman batay sa dati nang
iskema ang mambabasa. Binabasa niya ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o
ekspektasyon niya ay wasto, may kulang o dapat baguhin. Dahil dito, ang teksto ay lunsaran
lamang sa pagbuo ng kahulugan. Hindi ang teksto ang sentrong iniikutan ng pang-unawa
kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.
Sa madaling salita, ang kahulugang nabuo sa kanyang isipan ang batayan kung
nauunawaan niya ang binasa o hindi.

Interaktibong Proseso ng Pagbasa


Sa pagbasa, kailangan ang interaksyon ng mag-aaral o mambabasa at ng teksto sa
pamamagitan ng interpretasyon, pagpapalawak, pagtalakay sa mga alternatibong posibilidad
at iba pang konklusyon. Kadalasan, natatapos ang pagbasa sa malikhaing produksyon sa
pagsasalita o pagsulat. Sa pamamagitan din nito, maaaring pagkatapos na magbasa ang
isang bata o mag-aaral, maganyak siyang magsulat ng kwento, dula, tula, programa sa radyo
o ang sarili niyang pagwawakas para sa mga kwento at mga dula na malimit niyang basahin.
Kailangan sa interaktibong pagbasa, hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya, kundi
pag-unawa rin sa ideya ng iba. Sa paggamit ng interaktibong pagdulog sa pagbasa, dapat
isaalang-alang ang komprehensyon. Upang matamo ito, kailangan ng guro at mga mag-aaral
na may pagkakaugnayan. Konsepto ng interaktibong pagbasa ang ugnayan ng awtor at ng
mambabasa. Anong kaisipan, kaalaman o impormasyon ang ibig niyang tukuyin o ilahad sa
teksto at paano naman ito inuunawa, tinatanggap o maaaring inilapat niya sa aktwal na
naranasan niya.

Tandaan na ang pag-unawa ang pinakapuso ng interaktibong pagdulog sa pagbasa


na
may mga prosesong pinagdadaanan at hindi kung ano kaagad ang kinalabasan.

Mga Elemento ng Metakognitiv na Pagbasa

Kaalaman at pagkabatid kung papaano makokontrol ang proseso ng pag -iisip. Bahagi ng
metakognisyon ang metakomprehensyon na binubuo ng dalawang aspeto, ang pagkakaroon
ng kamalayan kung kailan hindi mauunawaan ang isang bagay at ang pagkaalam sa
istratehiyang dapat gamitin upang malunasan ang kakulangan sa pag- unawa.

Ang metakognisyon ay ang proseso ng pagkakakilanlan kung ano ang ating alam at kung
paano natin nalalaman ito.

Ang metakognisyon ay may dalawang dimensyon:


1. Ang kaalaman ukol sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa pagsasagawa ng gawaing
pagbasa.
2. Pagmomonitor sa sarili.

Antas ng Metakognitiv na Pagbasa


1. Paglinang ng plano
1.1 Ano ang aking dating kaalaman na nakatutulong sa akin sa gawaing ito?
1.2 Sa anong direksyon ko nais dalhin ako ng aking pag-iisip?
1.3 Ano ang una kong dapat gawin?
1.4 Bakit ko ito binabasa?
1.5 Gaano karaming oras ang mayroon ako upang kumpletuhin ang gawaing ito?
2. Paggamit at Pagmomonitor sa Plano
2.1 Kumusta ang aking pagsasagawa nito?
2.2 Ako ba ay nasa tamang landas?
2.3 Paano ako dapat magpatuloy?
2.4 Anong impormasyon ang mahalaga kong natandaan?
2.5 Dapat ba akong bumaling sa ibang direksyon?
2.6 Dapat ko bang isaayos ang aking bilis sa paggawa ayon sa kahirapan ng gawain?
2.7 Ano ang kailangan kong gawin kung di ko maunawaan ang aking binabasa?
3. Pag-ebalweyt sa plano
3.1 Kumusta ang aking pagsasagawa ng aking gawain?
3.2 Ang akin bang paraan ng pag-iisip ay naisagawa ng mas marami o mas kaunti
kaysa sa aking inaasahan?
3.3 Ano kaya ang dapat ay nagawa ko sa iba pang paraan?

Sa "Bagong Pananaw sa Pagbasa" ni Lalunio, 1996, ang metakognitiv na pagbasa ay


isang istratehiya sa pagkatuto kasama ng kognitiv at sosyo-apektibo.
Pagdating sa istratehiyang metakognitiv, mas magiging malalim na ang pag-unawa
ng mambabasa. Marunong na siya ng pagbabalak, pagsubaybay, at pagpapahalaga na
maaaring lapatan ng mga malikhaing gawain.

Sa metakognitiv na pagbasa, nagiging mapamaraan ang mambabasa tulad ng:


1. Nakapag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa.
2. Nakasusubaybay sa pag-unawa habang nagbabasa.
3. Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa mga bahaging hindi maunawaan.
4. Nakapipili ng mahahalagang ideya sa tekstong binabasa ng babasa.
5. Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa.
6. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago bumasa, habang bumabasa at pagkatapos
bumasa.
7. Nakabubuo ng tanong tungkol sa paksang binabasa.

Pagbasa ng Tekstong Akademik at Profesyonal


Tekstong akademik ang tawag sa mga babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t
ibang disiplina tulad ng Humanidades na ang subdibisyon.ay Wika, Literatura, Musika Sining
at Teatro. Disiplinang Agham Panlipunan na may mga subdibisyong Sosyolohiva Paglilingkod
Panlipunan, Sikolohiya, Ekonomiya, Pagtutuos/Akawnting, Antropolohiva. Arkeolohiya,
Edukasyon, Abogasya, Kasaysayan at Agham Politika. Sa disiplina naman ng mga Agham
Pisikal, ang mga subdibisyon nito ay Matematika, Pisika, Kemistri Biyolohiya, Botanika,
Pagsasaka, Soolohiya, Astronomiya, at Heolohiya.

Sa bahaging ito ng aralin, ang lawak ng talakay ay ayon sa mga sumusunod:


1. Mga Terminolohiya
1.1 mga salitang hiram nang ganap
1.2 mga dyalektal na salita
1.3 pagpapakahulugan sa mga salitang may naiibang kahulugan
1.4 mga bagong salita
2. Uri ng diskurso
3. Nilalaman ng Teksto
4. Mga Konseptong Inilahad

Ang mga lawak na ito ay malilinang sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ibibigay.

Katangian ng Teksto at Register ng Ilang Disiplina


Agham Panlipunan
Ang Agham Panlipunan ay ang pag-aaral ng tao at ang pag-uugnay ng tao sa ibang pangkat
na may ibang kultura.

May apat na pangunahing suddibisyon ang Agham Panlipunan, na ang bawat subdibisyon ay
may sub-subdibisyon. Tunghayan ang sumusunod na talahanayan:

Subdibisyon ng Agham Panlipunan


Oryentasyong
Sosyal na Bisnes/ Pag-aaral sa
Pulitikal
Oryentasyon Pangangalakal mga Sinaunang Tao
Sosyolohiya Ekonomiks Antropolohiya Abogasya
Paglilingkod Pagtutuos- Arkeolohiya Kasaysayan
Panlipunan Akawnting Agham Pulitika
Sikolohiya Administrasyong
Pangangalakal

Agham Panlipunan

Ekonomiks

Halimbawa ng Teksto:

Isa sa pinakapopular na kahulugan ng ekonomiks ay, "ang pag-aaral ng mga pamamaraan


kung paanong ang mga mamamayan at bansa ay nagbabahagi ng kanilang limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapuşang kagustuhan."
Pangunahing gawain ng ekonomiks ang pag-aaral at pagsusuri ng mga alternatibo. Ang
ekonomiks ay isang syensyang nauukol sa mga pamilihang ginagawa ng mga tao ang mga
epekto ng pamimiling ito sa kanilang pansariling kapakanan. Ang pinakamahalagang pokus
ng ekonomiks ay ang pamimili at pagbuo ng isang matalinong desisyon. Ang ekonomiks ay
isa ring syensyang panlipunan dahilan sa ito ay gumagamit ng mga datos mula sa
pagsasaliksik ng mga sosyolohista, antropologo at historyador. Bukod dito, ang ekonomiks
din ay isang syensyang moral at pilosopikal dahilan sa ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga
suliraning tinatalakay ng mga abogado, syentipikong politikal at mga pilosopo.
Isa sa dalawang aspeto ng mukha ng suliraning pangkabuhayan ang maaaring ipakita sa
dayagram na nasa itaas.

Ito ay ang daloy na paikot ng buhay pang-ekonomiya (circular flow of econom life),
makikita ang batayang pamamaraang pang-ekonomiya, ang mga bagay na materval mula sa
tahanan at ang kakayahan ng lipunan na makagawa ng produkto mula sa pagawaan. Ang
daloy ng produkto at serbisyo ay paikot samantalang ang daloy ng pera ay pasalungat ang
ikot.
Ang isa pang aspeto ng kakayahan ay ang kaugnayan ng pamimili sa suliraning
pangkabuhayan. Nais nating magkaroon ng lahat ng produkto subalit hindi lahat ay maaaring
gawing sabay-sabay. Kinakailangang mamili sa mga ito dahil sa kakapusan ng nasabing
produkto. Ang suliranin ng pamimili ay maaring ipakita sa dayagram ng kurba ng posibilidad
ng produksyon (propitability curve). Ipalagay na ang isang lipunan ay maaari lamang
gumawa ng asero at pagkain. Nakikita sa hugis ang kurba na habang tumataas ang
produksyon ng pagkain bumababa naman ang produksyon ng armas at kung ang produksyon
naman ng armas ang tumataas, bumababa naman ang sa pagkain dahil sa hindi naman lahat
ng salik sa produksyon ay may pagkakatulad ng kakayahan sa paggawa ng produkto. Upang
maragdagan ang paggawa ng pagkain, kailangang bawasan ang produksyon ng asero. Ang
pagpili ng gagawing produkto ay nakasalalay sa maraming salik tulad ng laki ng populasyon,
pinagkukunang yaman, kalagayan sa buhay at sistemang pangkabuhayan ng isang bansa.

Bagamat sa kasalukuyan ay masasabing mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng


daigdig sa teknolohiya, tatlong bagay pa rin ang nanatiling kapuna-puna.

1. Ang kakapusan ay laganap pa rin sa mga bansang umuunlad tulad ng ilang bansa sa Africa,
Asya at Timog Amerika.

2. Maging sa maunlad na bansa tulad ng Amerika at Europa, ang mga mahirap ay nag-aalala
tungkol sa kawalan ng hanapbuhay, buwisS, katandaan, seguridad at kalusugan.

3.Ang kasalukuyang pag-unlad pangkabuhayan ay may magkahalong mabuti at di-mabuting


dulot. Maraming mga kagamitang nakapagpapaginhawa sa buhay subalit ang kasamang
polusyon, pagkaubos ng pinagkukunang yaman, ang pagkamateryoso ng tao ay lubhang
napakamahal na bayad sa kariwasaan. Sa kabila ng pag-unlad ang kasalatan ay mananatili sa
mahabang panahon.

Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay bunga ng pagpapanayag na ang layunin ay gumawa ng malinaw,


sapat at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ang isip ng
tao.

Sinasaklaw ng tekstong ekspositori ang pinakamalaking bahagi ng binabasa at sinusulat ng


tao.
Obhetibo ang pinatutunguhan ng mga paglalahad.

Hulwaran ng mga Organisasyon ng Teksto

Definisyon

Isang uri ng diskursong ekspositori na pinakamadalas gamitin. Maaaring maibigay ang


kahulugan ng isang bagayo salita sa tulong ng ibang salitang kasingkahulugan nito.

Halimbawa:
itim --- pagdadalamhati
pula --- katapangan
luha --- kasayahan o kalungkutan

Maaari ring magbigay-kahulugan sa isang salita tulad ng: una, ibibigay ang pangkat na
kinabibilangan nito at pangalawa, ang ikinaiiba nito sa mga kasamahan sa pangkat na
kinabibilangan, maaari ring sundan ito ng mga halimbawa.

Halimbawa: Ano ang paglalahad?

Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag, pasalita man o


pasulat, na nagpapaliwanag. Ilang uri ng paglalahad ay tala, balita, pitak, editoryal, panuto at
sanaysay.

Sa pagbibigay ng definisyon, tinatalakay din ang isang bagay o paksa, kasama ang mga
pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang bagay.

Maaaring ito ay pormal o di-pormal.


1. Pormal o Maanyo -- Kapapansinan ng tatlong bahagi.
1.1. salita o katawan (term)
1.2. pangkat na kinabibilangan o kaurian (genre)
1.3 kaibahan (difference)

Halimbawa:

Ang kasal (salita) ay isang sakramentong (kaurian) nagbubuklod sa


dalawang pusong nagmamahalan. (kaibahan).

2. Di-pormal o malaya. Nagbibigay kahulugan sa paggamit ng mga salitang


nakapukaw ng damdamin at hindi tuwirang sumusunod sa kaayusan ng pangungusap
sa pormal na pamaraan.

Halimbawa:

Ang kasal ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang pusong umibig


sa isa't isa na dumaan sa maraming oras ng pagliligawan bilang pangako ng lalaki sa
babae.

May dalawang dimensyon ang definisyon:


1 Denotasyon. Karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa
pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa: Berde ang kanyang damit.

2. Konotasyon. Di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o


pahayag. Sinasabi rin na ito ay pansariling kahulugan ng isang tao
Halimbawa: Berde ang utak niya.

Pag-iisa-isa (Enumerasyon)
Pag-aayos ng mga detalye ayon sa pagkakasunud-sunod, mula simula hanggang huli.

Halimbawa: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbasa ayon kay William S. Gray

Pag-iisa-isa: Mga Hakbang sa Pagbasa Ayon kay Gray


1. Rekognisyon o Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Reaksyon
4. Aplikasyon/Integrasyon

Sa mga ibinibigay na pagsusulit sa klase lalo na kung ito ay objectiv, madalas na


gamitin ang pag-iisa-isa-kapag hakbang o proseso ang aytem. Kailangan sa pag-iisa-isa,
tiyakin kung dapat na magkakasunod ayon sa inilalahad na aytem o maaari namang hindi
magkakasunod sapagkat hindi naman ito isang proseso.

Pagsusunud-sunod

Sa hulwarang ito ng mga organisasyon ng teksto, nabibigyan ng pagtataya o


ebalwasyon ng isang mambabasa kung alam niya kung papaano pagsusunud-sunurin ang
mahahalagang pangyayari sa isang kwento, paano nagkakasunud-sunod ang mga pangyayari
sa isang bansa at kung paano dapat pagsusunud-sunurin ang mga hakbang na dapat gawin
sa isang bagay, paano magluto ng Isang pagkain, o pagsunod nang maayos sa isang
direksyon.

May tatlong uri ng pagsusunud-sunod na hulwaran ng teksto. Ito ay ang:


1. Sekwensyal
2. Kronolohikal
3. Prosejural

Sekwensyal

Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento, nobela, talambuhay, dula, balita at


iba pa na hahantong sa isang kongklusyon. Karaniwang ginagamitan ito ng mga salitang una,
pangalawa, pangatlo, Susunod at iba pa. Karaniwang ginagamit ang sekwensyal kung mga
pangyayari ang pinagsusunod-sunod, tulad ng mga kwento, balita at iba pa.

Halimbawa: Maikling Kwento, “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual.


Tunghayan ang story ladder na inilalahad, sekwensyal ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa nasabing maikling kwento.

Mapapanisn na sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay mahahalagang aksyon lamang


ang pinagsusunod-sunod. Kailangang magkakaugnay ang bawat pangyayari upang malinaw
na masundan ito ng isang mambabasa. Ayon sa obserbasyon ng ilang mananaliksik sa
larangan ng pagbasa, kapag maayos na napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa isang
binasang teksto, madali nang makapagsusulat ng buod o lagom.

Kronolohikal

Pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahalagang pangyayari ayon sa kung kailan


nangyari ito.

Payak na halimbawa nito ay kasaysayan ng isang bansa o mahahalagang pangyayari sa


mundo.
Karaniwang ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw at taon upang malaman kung kailan
nangyari ang kasaysayan.

Prosejural

Ang pagsusunod-sunod ay prosejural kung may hakbang o prosesong isasagawa. Maaring ito
ay kung paano gawin ang isang bagay, pagluluto at pagsunod sa direksyon.
Pagsusuri Kung Valid o Hindi ang Ideya o Pananaw

Punong-puno ng mga ideya ang isang mambabasa. Kaya't kapag nagbabasa siya, ang
mga ideyang ito ay yumayabong pa sapagkat nadaragdagan. May pagkakataon na
nagkakaroon ng kontradiksyon ang mga ideyang alam na ng mambabasa sa mga ideya na
kanya pa lamang babasahin. Sa puntong ito, dapat na linangin ang kasanayang pagsusuri
kung valid o hindi ang isang ideya o pananaw.
Ayon sa mga mananaliksik, lahat ng mga pananaw ng isang tao ay tama, hindi dapat
sabihing mali sapagkat ito ay batay sa kanyang nararamdaman, obserbasyon o sabihin na
nating maaaring naranasan niya ang isang pangyayari na naging batayan upang makabuo ng
isang ideya. Ang mga ideyang ito habang lumalaon ay lumilikha ng isang reaksyon, opinyon o
paniniwala.
Malaki ang kaugnayan ng mga bagay na ito upang masuri kung valid o hindi ang ideya mula
sa tekstong binabasa.

Paano nga ba gagawin ang pagsusuri?


Una, tingnan kaagad kung ano ang kaugnayan ng pamagat sa mga bahagi ng binabasang
teksto. May kaugnayan ba ito sa panimula, gitna o pangwakas na bahagi ng teksto?

Ikalawa, upang mabago ang istilo ng paglalahad, may isiningit bang mga pahayag na
makapagpapalito sa pag-unawa ng mambabasa.

Ikatlo, bagama't ang mga ideya o pananaw ay itinuturing na walang mali, may mga batayan
ba na naging daan upang ipahayag ang ideya o pananaw.

Halimbawa, sinong tao ang nagsabí? Saan kiuha ang istadistika? Ibig lamang sabihin, gaano
katotoo ang mga ginamit na batayan.

Ayon kay Rufino Alejandro, may ilang paraan upang matukoy ang dapat na
nilalaman ng isang teksto. Pinaniniwalaan ko na makatutulong ang mga paraang ito upang
masuri kung valid o hindi ang ideya o paniniwala sa tekstong binasa.

Ang mga ito ay:


1. Paliwanag. Ito'y isang paglalahad ng kaugnayan ng mga bagay sa kabuuan o paglinaw sa
kahulugan ng isang pananalita o ng isang bagay.

2. Paghahambing o Pagtutulad,. Dito'y ipinakikilala ang mga pagkakahawig ng isang bagay


na kilala na o mauunawaan at pinaniniwalaan. Ang buong layunin ay naging malinaw sa
pang-unawa ng bumabasa ang mga ideya. Datapuwa't ang paghahambing upang maging
mabisa bilang patoto0 ay dapat magkaroon ng matitibay na batayan.

3. Paghahalimbawa. Ito'y parang pagkukwento. Dalawa ang uri nito, ang halimbawang
palagay lamang at halimbawang hango sa tunay na pangyayari. Mangyari pa, itong huli ang
higit na mabisa.

4. Pagbanggit sa mga tunay na pangyayari. Ang mga ito ay hindi na


ikinukwento, sapat na ang banggitin na lamang.

5. Istadistika. Sa paggamit ng istadistika, tiyaking ang mga numero o bilang na gagamitin ay


may mahalagang kaugnayan sa kaisipang pinatitibayan o may tiyak na kahulugang
ipinakikilala.

Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon

Ang lagomo buod ay ang pinakapayak o pinakasimpleng anyo ng paglalahad o diskurso. Isa
itong pagpapanibagong-gawa ng akda ng ibang tao. Ang pangunahing layunin ng pagbuo ng
lagom o buod ang matulungan ang mambabasa sa pag-unawa ng diwa ng isang akdao
seleksyon kaya't ang pananalitang dapat gamitin ay yaong magaan at madali kaysa sa
pananalitang ginamit sa orihinal. Gayon pa man, hindi dapat mawala ang katangiang
nagbibigay-halaga rito. Hindi rin dapat pasukan ng anumang puna o sariling kuru-kuro ang
akdang hinahalaw. Nababatay sa haba ng akdang hinahalaw ang haba ng isang buod.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lagom/Buod

1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti ang mga
panggitnang kaisipan.
2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na kaisipan.
3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraang madaling
maunawaan ng babasa.
4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.

Mga Katangian ng Isang Lagom/Buod

1. Maikli. Hindi maligoy at hindi hihigit sa isang talata.


2. Malinaw ang paglalahad. Dapat na ugnay-ugnay ang mga kaisipan upang
makabuo ng talatang may kaisahan.
3. Malaya. Nakatatayo sa kanyang sarill at taglay lamang ang pangunahing ideya o kaisipan
ng orihinal na teksto.
4. Matapat na kaisipan. Malinaw na matutngnayan dito ang intensyon o hangarin ng awtor.

Kongklusyon

Mahalaga ang komprehensyon o pag-unawa para makabuo ng isang kongklusyon sa isang


seleksyon o akdang binasa.
Ang kongklusyon ay ang paglalagom at pagbibigay-diin sa mga ideya na inilahad sa kabuuan
ng teksto.

Pagbibigay ng Interpretasyon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan

Malaki ang naitutulong ng mapa, tsart, grap at talahanavan upang makatawag-


pansin sa mga detalyeng 1big bigyang diin sa nabasa, narinig at namasid. Sa kasanayang ito,
nalilinang din ang kritikal na pag-iisip, malawak at komprehensibong pagbibiay ng
interpretasyon sa anumang paksa na tatalakayin.

Ang mapa, grap, tsart at talahanayan ay mga larawang detalye ng mahanalagang


impormasyyon. May kasabihang ang masasabi sa libong salita ay maipakikita lamang sa isang
larawan. Ang kailangan lamang ay marunong umunawa ang mambabasa sa paguoy at
paghinuha ng impormasyong 1binibigay ng mga grapikong larawan.
Ang mga impormasyong ibinibigay ng mga grapikong larawan ay karaniwang
maikling talata. Para sa mabisang pagbubuo ng paglalahat sa mga grapikong larawang
maaaring tandaan ang mga sumusunod.
1. Pag-aralang mabuti ang nakalarawan sa tsart, mapa, talahanayan o grap.
2. Bigyang-pansin ang nilalamang tala o impormasyon sa tsart at grap. Sa mapa naman ay
pag-aralang mabuti ang direksyon o lugar na katatagpuan ng mga lalawigan, lunsod o bayan.

MAPA
Malawak ang impormasyong ibinibigay ng mapa. Ipinakikita nito ang hugis at nilalaman sa
loob at paligid ng isang lugar, saklaw at ayos nitong pook, bayan, lalawigan, bansa o maging
sandaigdigan.
Malaking tulong ito sa mga manlalakbay. Ito ang pumapatnubay sa bansa para marating ang
lugar na nais puntahan.
Ang paggawa ng direksyon ng pupuntahan mula sa isang lugar ay maaari ring pagkatuto na
hawig sa mapa.

Halimbawa:

GRAPH
Maraming klase ng graph. May pie o circle graph, bar graph at pictograph.

Pagbasa nang Pahapyaw at Palaktaw

Ang pahapyaw (skimming) at palaktaw (scanning) na mga paraan ng pagbasa ay ginagamit


ng mabibilis na mambabasa ayon sa kanilang layunin sa pagbabasa. Magkaiba ang dalawang
paraan ng pagbasa ayon sa kung anong uri ng impormasyon ang nais makuha kaagad ng
nagbabasa sa tekst0
Ginagamit ang paraang pahapyaw kung:
1. Nais ng mambabasa na makuha ang pangkalahatang impormasyon tungkol sa aklat o
artikulo. Kung may inihahanda siyang report o term paper, sa pahapyaw o madaliang
pagbasa makikita na niya kung ito'y naglalaman ng mga impormasyong kailangan niya.
2. Nais malaman ang pangunahing ideya o mga kaisipan ng isang pahayag o
seleksyon.
3. Nais balikan ang mahahalagang impomasyon na nasa seleksyon na nabasa bilang
paghahanda sa isang pagsusulit.

Ginagamit ang paraang palaktaw na pagbasa kung:

1. Nais makita kaagad ang hinahanap na partikular o tiyak na impormasyon mula sa


babasahin tulad ng mga tauhan, lugar, petsa, bilang at iba pa.
2. Nais na matukoy ang partikular na bahagi ng babasahin, halimbawa, pangungusap o talata
na kakikitaan ng hinahanap na sagot sa mga tanong o mga detalyeng nais itala.

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

PANIMUL A

Si Russel Ritter ang nagsabing “Bad reports are manuals get written not merely
because the authors don't have adequate control of style, bur because they don't select,
interpret, and write or people.”

Ang pagpili ng babasahing teksto, ang pagpapakahulugan sa nilalaman nito at ang


paghahatid ng informasyon sa mga mambabasa ay ilan lamang sa mga kasanayang
nakapaloob sa pagsulat.
Hindi na mabilang ang mga naisagawang pag-aaral ukol sa pagsulat na nagpapatunay
na ito' y nagpapatalas sa isipan at humuhubog sa damdamin, kilos at gawi ng tao.

Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap


ng tao dahil nakapaloob dito ang aspetong kognitibo, sosyolohikal, sikolohikal, linggwistikal,
atb.

Nalilinang ng pagsulat ang kakayahang makapag-isip, makalutas ng problema,


makapagpahayag, makapagsunud-sunod ng detalye, makasuri ng datos,
makapagpakahulugan sa nabasang teksto, makapagpahayag ng sariling istilo, makapagbuod
ng binasang teksto, makagawa ng tsart, grap, ilustrasyon, talahanayan; makasumite ng papel
sa pananaliksik, atb.
Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan at bunga ng interaksyon ng
taong sumusulat at taong tumatanggap ng mensahe mula sa ipinadalang tekstong isinulat.
Dahil dito, maraming tao ang natututo dahil sa bunga ng naisagawang pagsulat.
Matapos mabasa ang buong tsapter o kabanata na nauukol sa pagsulat sa iba't ibang
disiplina, maaaring maitanong ng sarili ang mga sumusunod:
1."Ano ang aking susulatin? Tatangkain ko bang sumulat ng liham, korespondensya
ofisyal, ulat, rebyu, proposal, pagsasalin, o papel sa pananaliksik?"

2. "Ang susulatin ko ba'y teknikal o malikhain?" Ang sabi nga ni Peter de Vries, "I love
being a writer. What I can't stand is the paperwork."

Sa pamamagitan ng pagsulat, matutuklasan ng sinumang sumusulat na:


1. Makapipili ng mga detalye at datos na susulatin.
2. Mapahuhusay ang kalinawan, kaisahan at pagkakaugnay ng susulating teksto.
3. Makabubuo ng isang mahusay na organisasyon o pagkakasunud-sunod ng mga detalye.
4. Makagagamit ng iba't ibang sitwasyong makagaganyak sulatin.
5. Makagagamit ng mapanuring pag-iisip.
Dahil sa mga nabanggit, napauunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbuo ng
susulating teksto.

Tsapter 2 Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina

Kahulugan at kalikasan ng pagsulat

Ang pagsulat ay paraan ng interkomunikasyon ng tao sa pamamagitan ng


arbitraryong simbolo na minamarkahan upang makabuo ng isang sistema. Maaaring
makabuo ng isang sulatin sa pamamagitan ng masistemang paraan, maaaring sa sistemang
limitado o sa sistemang buo at ang paraang ito ay magaganap sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng anumang konseptong nabubuo ng sumulat sa tulong ng wika.

Dahil ang pagsulat ay isang sistema ng pakikipagtalastasan ng tao sa pamamagitan


ng simbolong biswal o marka, maituturing na ang kauna-unahang antas ng pagsulat
pagmamarka ng mga bagay ay nagsimula sa mga unang panahon ng pagkakalikha ng mga
tao. Magkagayunman, ang kauna-unahang sistema sa pagsulat na nalinang ay may 5,500
taon na ang nakararaan.

Sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat

Ayon kay Royo (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng


damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang
damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa
pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang
tayog at lawak ng kanyang kaisipan at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.

Naniniwala si Hugney, et. al. (1983) na nakatutulong ang pagsulat sa paglinang ng


kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-1isip, pagpapasya at paglutas ng suliranin.
Napauunlad din nito ang iba pang mga kasanayang pangwika ng mga mag-aaral gaya ng
pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng mga datos.
Iba-iba ang naging fokus sa pagtuturo ng pagsulat sa mga nakaraang panahon
produkto, proseso, konteksto at kognitibo. Sa kasalukuyang pananaw, mapagsasama- sama
at mapag-uugnay-ugnay ang mga pananaw na ito tungo sa tinatawag na socio-cognitive
theory ni Freeman (l1987) o iyong tinatawag na sosyo-kognitibong teorya sa pagsulat.

Ayon kay Lalunio (1990), isinasaad sa teoryang sosyo-kognitibo na ang pagkatuto ay


may batayang panlipunan at ito ay isang prosesong interaktibo. Nangangahulugan ito na ang
kognisyon o pag-unawa ay naaapektuhan ng maraming salik gaya ng iskema ng mga mag-
aaral at ng konteksto. Naniniwala si Royo na ang pagkatutong sumulat ay hindi lamang
aplikasyon ng mga natamong kasanayan kundi pagpasok sa isang diskursong
pangkomunidad.
Nagpapahiwatig ito na sa silid-aralan, higit na magkakaroon ng motibasyon ang mga mag-
aaral na matutong sumulat kung may layunin ang mga gawain o alam ng mga mag-aaral
kung bakit sila sumusulat, at kung sino ang kanilang target na mambabasa.
Ang prosesong kognitibo sa pagsulat, samakatuwid, ay nakaaapekto sa layunin at
istruktura ng mga gawain ng mga mag-aaral, ang kanilang gulang, katayuan sa buhay at
kapaligirang sosyal at kultural.

Mga uri ng pagsulat


Akademik
Ano ba ang akademikong pagsulat? Bakit popular ito bilang bahagi ng pangangailangan sa
mga kurso sa Filipino?
Isang awtor ang nagsabing ang akademikong pagsulat ay yaong ginagamit sa mga
kursong komposisyon o malikhaing pagsulat na kalimita'y sariling opinyon, ideya o karanasan
ang isinusulat dito, bagama't maituturing ding akademiko ang pagsulat ng reaskyon sa
sinulat ng iba gaya ng pagsulat ng takdang-aralin.

Suriin kung paano maisasagawa ang akademikong pagsulat para sa iba't ibang disiplina:

antropolohiya kasaysayan sosyolohiya komersyo


rebyu ng book report tesis
report
field work ulat

Pag-aralan ang ilustrasyon sa ibaba. Bigyang-pansin ang mga salitang nakata Jabas ng bllOg.
atukoy = mo kaya sa mga salitang ito ang para sa akademikong pagsula

Sa Patnubay sa Operasyonalisasyon ng Filipino sa Batayang Edukasyon sa Level


Sekondari na inihanda ng Kawanihan ng Edukasyong Sekondari ng Kagawaran ng Edukasyon,
ay isinasaad na sa bawat taon sa haiskul ay mananatili ang pagbibigay na tiyak na atensyon
sa paglinang sa pasulat na komunikasyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pagtutuunan ng
isang linggong sesyon sa bawat markahan. Samakatuwid, matutuklasang sa antas sekondari
pa lamang ay lantad na sa mga mag-aaral ang komposisyon at malikhaing pagsulat bilang
bahagi ng akademikong pagsulat.
Katunayan, bago pa lamang lumutang sa kolehiyo o unibersidad ang isang mag-aaral
ay nakasulat na siya ng talambuhay, iba't ibang uri ng liham, anekdota at talaarawan noong
siya'y nasa unang taon sa haiskul; balita, editoryal, kathang-buhay at Sanaysay sa pagtatapos
ng ikalawang taon; liham-paanyaya sa isang panauhing tagapagsalita, pagbubuo ng
bibliograpi at pagsulat ng rebyu sa ikatlong taon; iba't ibang uri ng liham-pangalakal, suring
pelikula, malikhaing pagsasalin at mula sa natipong mga tala sa ikaapat na taon.
Dahil dito, sa pagtuntong pa lamang ng mag-aaral sa unang taon sa antas tersyarya
ay ganap na ang kanyang kahandaan sa akademikong pagsulat. Halimbawa ng akademikong
pagsulat:

Teknikal

Ayon kay Ponciano B.P. Pineda, dating punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWE), ang teknikal na Filipino ay isang linggwistikong phenomenon na sumibol sa
puso ng baryedad ng wikang Filipino na lalong kilala sa tawag na Taglish. Ang wikang ito,
ayón sa formulasyong kalalahad ay bunga ng isang komposisyong linggwistiko na sa kabuuan
ay konsepto pa lamang. Idinagdag pa niyang ito'y hindi ebolusyon manapa’y isang
natatanging wikang may adoptibong vokabularyo Ito'y binubuo ng syentifik / teknikal leksis
batay sa English at ipinahahayag sa Filipino sa kapantayang subsyentifik at subteknikal.
Anupa't ito'y pinaglakip na Tagalog a English na likha ng inhenyerong linggwistiko. Mga
halimbawa ng teknikal na pasulat.

Jornalistik
Ang dyaryo o pahayagan, maging broadsheet o tabloid ay nagtataglay ng mga
sulating iba sa nilalaman at paraan ng pagsulat ng mga sulating malikhain. Hindi mabubuo
ang dyaryo o pahayagan kung walang balita, editoryal, lathalain, at iba pang sulating
pampahayagan. Narito ang ilang halimbawa:
1. Balita
2. Editoryal
3. Lathalain
4. Balitang Pang-isports

Referensyal

Sa pag-aaral at o pananaliksik ay mahalagang makangalap ng mga datos mula sa iba't ibang


sanggunian upang maging balido, masaklaw at efektibo ang isinusulat maging itoy tesis o
pamanahong papel. Bukod sa pagbasa sa nilalaman ng babasahing aklat, polyeto, brochure,
magasin, dyaryo, atb., mahalagang makapagtala muna ng listahan ng mga sangguniang
gagamitin. Maraming mag-aaral at mananaliksik ang tumutunghay muna Sa lalaan ng
Nilalaman o Indeks ng aklat para hanapin ang mahahalagang datos na kanilang hinahanap
para sa kanilang pag-aaral. Ang pagtunghay sa Bibliograpi ng aklat at ang pagtatala ng
mahahalagang informasyon mula rito ay 1sa Sa mga pinakaefektibong gawain sa pangagalap
ng mga datos at in formasyon. Halimbawa ng Bibliograpi:

Alcaraz, Cid V. et. al. 2005. Filipino I - Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Quezon City:
Lorimar Publishing Co., inc.
Alejandro, Rufino. 1980. Ang Sining ng Pagsasaling-wika. Quezon City: Rex Book Store.
Jocson, Magdalena O. et. al. 2005. Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc.
Nida, Eugene A. 1964. Toward a Science of Translating. Netherlands: E.J. Britt Leiden.
Villafuerte, Patrocinio V. et. al. Filipino 3- Masining na Pagpapahayag.
2005. Quezon City: Lorimar Publishing Co., Inc.
Taandaan na sa paghahanda/ pagsulat ng Bibliograpi ay dapat masunod ang ilang
mga tagubilin:

1. Tukuyin ang paksang susulatin bago humanap ng mga aklat at mga babasahin.
2. Sa paghanap ng mga sanggunian, sikaping maitala ang pamagat ng aklat at mga babasahin,
gayundin ang awtor / mga awtor
3. Pagsunud-sunurin ang pagtatala ng sanggunian sa pamamagitan ng pagsulat una ng
apelyido, pangalan, at inisyal panggitna ng awtor. Isunod ang pagsulat ng taon ng
pagpapalimbag ng aklat / babasahin, pamagat ng aklat, lugar ng publikasyon at publisidad.
4. Tiyaking nakalimbag nang pahilis ang pamagat ng aklat.
5. Ipasok ang karugtong ng intormasyon na nasa pangalawang linya. Sikaping mapaghambing
at mauunan ang Pormat ng paghahanda/pagsulat ng bibliograpi na:
6.1 isa ang awtor
6.2 dalawa ang awtor
6.3 maraming awtor
6.4 nag-edit ng aklat
6.5 artikulo sa dyaryo, Jormal, at nalaw Sa internet o elektronikong babasahin.

At iba pa

Malikhain

Ayon kay Genoveva Edroza Matute, kilalang manunulat ng literaturang Filipino, ang
malikhaing pagsulat ay nagsimula sa wala, patungo sa mayroon at patuloy sa pag-unlad, Sa
uring ito, masining ang paglalahad ng naiisip o nadarama ng sumusulat, Kalimitang ang
pinagtutuunan ng pansin sa uring ito ay ang paglalarawan o paglalahad ng manunulat gamit
ang mga salitang maituturing na masining at malikhain. Ang mga tekstong panliterari ay
kabilang sa uring ito. Halimbawa:

Mga Bahagi ng Teksto

Panimula: Paksa at Tesis


Kawili-wili
May sapat na malilikom na datos
Nilalaman: Istruktura
Wakas: Paglalagom at Konklusyon

Mga kasanayan sa akademikong pagsulat

Pagbuo ng konseptong papel

Ayon kay Badayos (2000), ang konseptong papel ay isang paglalagom ng kabuuang
ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin o tukuyin. Ito ang makatutugon sa
mga tanong na ano, bakit at paano. Ito rin ang magsisilbing proposal para sa isusulat na
pananaliksik.

Katangian at simulain

Ang konseptong papel ay mahalagang bahagi ng proseso sa paglalapat o aplikasyon


upang matutuhan ang mga saklaw na programa ng pangunahing interes ng isang aplikante,
at mapalawak ang kanyang napapanahong ideya.
Ang konseptong papel ay dapat magtaglay ng mga sumusunod:

I. Pabalat Ito'y naglalaman ng (1) pamagat na naglalarawan ng ipinanukalang proyekto, (2)


pangalan at adres ng organisasyon o indibidwal na nagsumite ng papel, 3) pangalan, titulo,
adres (kung kaiba sa bilang 2), bilang ng telefono ng taong makapagbibigay ng informasyon
tungkol sa papel, (4) pangalan o bilang ng ipinagkaloob na programa, (5) estimang haba ng
ipinanaukalang proyekto, at (5) petsang sisimulan ang proyekto.

2. Narativ ng programa
konseptong papel, kung maaari'y hindi lalagpas ng walong pahina sa 8 %x Il ang
pagkakalimbag sa bawat letra o bilang. Sa bahaging ito ay dapat ilahad ng sumulat (1) ang
dahilan ng isasagawang proyekto at ang mga benefisyong maibibigay nito sa kinauukulan, (2)
ang mga hakbang na isasagawa kung maipagkakaloob ang hinihinging panukalang proyekto,
(3) ang efekto at kalidad ng proyekto at (4) ang magiging resulta nito. Kung maaari'y maikli
lamang ang nakapaloob na narativ sa

3. Bajet Nakapaloob sa bajet ang ilang informasyon kabilang ang personal na serbisyo.
Benepisyong salapi at benipisyong di-salapi.

4. Liham ng Pagsuporta- Naksaaad dito ang mga liham na humihingi ng suporta sa iba’t
ibang ahensya na makatutulong sa pagtatagumpay ng panukalang proyekto.

5. Limitasyon ng pahina- Kung hindi rin lamang mahalaga o kailangan sa liham, ang ilang
karagdagang inpormasyon ay hindi dapat isama sa pahina ng konseptong papel.
Pagbabalangkas
Sa isang mag-aaral, lalo't sa pananon ng kanyang pananaliksik ay kailangang gumugol siya ng
mahabang oras ng pagsulat. Upang mapadali at mapabilis ang kanyang pagtatala sa mga
detalyadong pangyayarn, Kallangan niyang magbalangkas.

Uri at katangian
Ano ang pagbabalangkas? Ang pagbabalangkas ay pagsasaayos ng mga ideyang nakalap
mula sa inisyal na pagnananap ng datos. Sa simpleng pagpapakahulugan, ang balangkas ay
larawan ng pangkalahatang hakbang.

May iba;t ibang uri ang balangkas: (1) pamaksang balangkas, (2) pangungusap na balangkas,
(3) patalatang balangkas.

Pag-aayos ng mga Datos


Konsiderasyon sa pangangalap at paggamit ng mga datos

Kaamihan sa mga proyektong naisusulat o pag-aaral na bunga nB PanananKSik ay


tao ang malimit gamiting paksa. Dahil dito, kung gagamit ng tao ang mananalKSIk para
makakuha o makangalap ng mahahalagang informasyon ay dapat siyang makapaghanda ga
anong para sa kanyang isasagawang pag-aaral. Ngunit bago SIya iagnanda ng mga tanong ay
dapat tanungin muna niya ang kanyang sarili:
1. Ano ang layunin ng aking pag-aaral?
2. Ano ang inaasahan kong matutuklasan sa aking pag-aaral
3.Gaano kalaki ang kapakinabangang makukuha ko sa aking pag-aaral
pat dng maikonsidera ng mananaliksik ang mga sumusunod na elemento sa
paghahanda/paggamit ng mga datos:

1. Layunin. Higit na makabubuti ang pagtatala ng mga layunin kaysa sa paglilista ng mga
hipoteses. Sa sarbey, halimbawa, kung nais matuklasan ng mananaliksik ang pagkakaiba ng
istilo ng pagkatuto ng mga estudyanteng hindi nagtatrabaho, makabubuo ang mananaliksik
ng iba't ibang hipotesis, 1sa na rito ang pagsasabing walang pagkakaiba sa istilo ng
pagkatuto ang mga estudyanteng nagtatrabaho sa mga estudyanteng hindi nagtatrabaho.

Higit na makabubuti kung sa halip na hipotesis ang isulat ay sulatin na lang muna
ang suliranin o layunin ng pag-aaral gaya ng sumusunod:

Layunin ng pag-aaral na ito na (1) makilala ang mga katangian ng mga estudyanteng
nagtatrabaho at mga estudyanteng hindi nagtatrabaho, at (2) matuklasan ang istilo ng
pagkatuto ng mga estudyanteng nagtatrabahoo mga estudyanteng hindi nagtatrabaho.

2. Panukat. Mahalaga rin sa pag-aaral ang gagamiting panukat, gayundin nag sangguniang
gagamitin para rito.

3. Paksa. Ang paksang madaling mahanapan ng informasyon ukol, dito ay mahalaga sa pag-
aaral. Higit na mahirap sumulat ng pagsasaliksik na walang mababasang kaugnay na pag-
aaral.

4. Pamaraan. Ang pamaraang susundin ay dapat maging malinaw. Kailangan din dito ang
wastong pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

Ang isang matagal na gawain sa paghahanda ng pananaliksik ay ang pangangalap ng datos.


Ito'y nangangailangan ng sapat na panahon para makakuha ng datos na gagamitin sa pag-
aaral. Bago isagawa ang tesis, dapat na nakabuo na ng ideya ang mananaliksik kung saan at
paano siya makapangangalap ng mga datos. Ikinukunsidera nio ang mga natapos ng tesis at
disertasyon, mga aklat, manwal, brochure, pamphlet, dyaryo, magasin, teyp, video, atb.
Maaari rin namang tuwirang interbyu sa mga taong malaki ang maiaambag sa ikahuhusay ng
isinasagawang pananaliksik.

Narito ang isang bahagi ng prosesong ginamit ni Prof. Vivencio M. Talegon Jr. Sa
pangangalap at paggamit ng mga datos sa ginawa niyang tesis sa Universidad ng Pilipinas,
Diliman (2003), "Tungo sa Pagbuo ng Palisi at Programa sa Wika para sa University of Asia
and the Pacific:"

Nangalap ang sumulat ng tesis na ito ng mga artikel, tisis at disertasyon na nalathala tungkol
sa pagpaplanong pangwika sa ilang mga piling institusyong pang-akadamik, partikular sa UP,
DLSU, PNU at UST. Sinuri niya ang mga palisi, program at mga proyektong isinasagawa sa
mga nabanggit na institusyon upang makita kung paano makabubuo ng katulad na palisi,
program, proyekto na aangkop naman sa UA&P. Pagkatapos, kinalap naman niya ang mga
dokumento at papel na nasulat tungkol sa pagkakatatag dito. Inisa-isa rin niya ang kabuuan
ng unibersiti mula sa heyograpikal na lokasyon nito hanggang sa kasalukuyang populasyon
nito. Inilahad din sa pag-aaral na ito ang mga program kurikulunm na inoofer ng unibersiti sa
mga istudyante. Bukod dito, nag-interbyu Stya ng ilang mga administrador at ilang fakulti
mula sa Filipino Department na nagpakita/nagpapakita ng pagkilalaldi pagkilala sa
pagsuportaldi pagsuporta sa pagpapalakas ng wikang Filipino sa buong kampus, Nagpasggot
din siya ng mga sarbey sa loob ng kampus ng UA&P tungkol sa mga saloobin, persepsyon,
reaksyon sa pag-aaral, pagtuturo at pakikipagtalakayan sa Filipino ng ilang mga fakulti,
estudyante at istaf.

Direktang sipi

Sa pagbasa ng artikulo, kailangang maging alerto ang mag-aaral para sa mga


direktang sipi (quotations) na magiging makabuluhan sa paghahanda ng babasahing
literatura para sa tesis o anumang uri ng isasagawang pananaliksik. Kung gagamit ng
direktang sipi, ang materyal na sisipiin ay dapat maging malinaw, may mga bantas at ang
pahina na pinagkunan ng sipi.
Hindi lahat ay sisipiin. Pumili lamang ng angkop sa pag-aaral. Pagkatapos masipi ang
mahahalagang pahayag muling basahin at wastuhin para makatiyak na buo at maayos ang
pagkakasipi. Halimbawa:
Ang pag-iintelektwalisa ng Filipino na sa tinatawag ni Sibayan na mga controlling
domains tulad ng pamahalaan, edukasyon, batas, negosyo, industriya at iba pa ay
maisasakatuparan sa pamamagitan ng 1Sang mahusay na programa sa social engineering.
Habang isinasagawa ng mananaliksik ang pangangalap ng mga datos ay hindi niya
maiwasang magtala ng mahahalagang pangungusap o pahayag mula sa mga sangguniang
kanyang pinagkunan ng mga datos. Ito y napakanalaga lalo't kung ang sisipiing pahayag ay
may malaking kontribusyon sa pagpapayaman ng susulating tesis.
May tatlong layunin ang paggamit ng mga direktang sipi: (1) makapaghatid ng
informasyon, (2) mapatunayan ang puntong inilalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mga
salitang nagmula sa may awtoridad, at(3) mapasimulan ang diskusyon sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga kaisipang nakakatulad o naiiba sa siniping informasyon.

1. Direktang sipi na nasa loob ng isang talata.

Halimbawa:

Ayon kay Einar Haugen (1966), dapat kritikal na sinusuri muna ang sitwasyono kapaligirang
pangwika, pagkatapos bubuo mula rito ng palistng pangwika, i.e. pagpili ng norm.

2. Direktang sipi na nasa ibang talata.

Halimbawa:

Ayon kina Meiscls at Stache (1991): Sa portfolio, kasali ang mga bata sa pagtaya ng kanilang
mga ginawa, nasusundan ang indibidwal sa pag-unlad ng mga mag-aaral, at nagbibigay ng
Dasenan para sa pagtaya sa kalidad o uri ng pangkalahatang pagsasagawa ng mga mag-aaral.

Sinopsis (Buod)

Napakahalaga ng pagsulat ng buod sa alinmang isinasagawang pag-aaral o pananaliksik. Ang


mga paraan ng pagsulat ng sinopsis o buod ay ang mga sumusunod.

1. Tiyaking nabasa nang buo ang tekstong lalapatan ng buod.


2. Itala ang mahahalagang detalye. I-highlight ang mga ito o gumawa ng sariling
pagmamarka sa mga ito sa pamamagitan ng pagsulat sa mga palugit. (Margins)
3. Isulat sa sariling pangungusap ang mga naitalang detalye.
4. Isulat ang unang draft , rebisahin pagkatapos mabasa nang makailang ulit, at muling
sulatin sa malinis na papel.
5. Isulat ang pangwakas na draft.

Prese (précis)

linuturing ding isang bersyon ng pinaikling sinopsis o buod ang prese o précis,
bagamat bihira itong gamitin at isama sa pag-aaral ng wika. Higit na gamitin ang paggawa
ng sinopsis o buod sa loob at labas ng klasrum kaysa sa prese (précis) Halimbawa:

Teksto: 1: Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain kaya di-katakataka kung
makalikha tayo ng mga terminolohiyang maaangkin natin bilang orihinal na wikang
naging bahagi na ng ating kultura.
Prese (précis): Malikhain ang mga Pilipino kaya nakalilikha ng mga katawagang orihinal
na wikang bahagi ng kultura.
Teskto 2: Ang lantad na salin ay karaniwang kailangan kapag ang orihinal na teksto ay
nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng
pinagmulang wika.
Prese (précis): Kailangan ang lantad na salin kapag ang orihinal na teksto ay bahagi ng
kultura ng pinagmulang wika at Malaya sa komunidad nito.

Parapreys (hawig)

Ayon kay Sternglass (1991), ang parapreys (hawig) ay pagsasabing muli ng


informasyong naitala ng mananaliksik mula sa pinanggalingang sanggunian na gamit sa
kanyang sariling pangungusap. Para naman kay Spatt (1987), ito'y punto-sa-puntong
pagbubuod ng ideya ng ibang tao na ipinahahayag niya sa sariling pangungusap. Ayon
naman kay Larkin (1985), sa pagpaparapreys ay dapat maging maingat ang nagtatala ng
informasyon sa pagpapalit ng orihinal na wika Sa paggamit niya ng sariling pangungusap.

May dahilan kung bakit ginagawa ang parapreys. Ayon kay Spatt (1987), ang parapreys ay
ginagamit upang bigyan ang mambabasa ng tama at komprehensibong ideyang mababasa sa
pinagmulang sanggunian. Ayon naman kay Sternglass (1991), ito'y ginagawa upng muling
isulat ang informasyon na inilalahad sa masaklaw na istilo sa Simple at tuwirang wika.
Bagamat ang literal at istruktural na antas ng pagpaparapreys ay magiging magandang
panimula, ang resulta nito'y hindi maituturing na makatotohanang parapreys sa tunay na
pagpapakahulugan. Para kay Spatt (1987), ang tunay na pagpaparapreys ay dapat maging
malaya.

Abstrak

Kalimitang mababasa ang abstrak sa mga unang pahina ng tesis o disertasyon. Ito'y
kabuuang formasyon sa isinagawang pag-aaral.
Ang abstrak ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

1. Pangalan ng mananaliksik. Nakasulat ang buong pangalan ng mananaliksik. Ito'y madalas


na nakasulat sa malalaking titik.
2. Pamagat ng tesis. Ang buong pamagat ng tesis ay dapat na nakasulat nang buo at
malinaw. Ito'y dapat na aprobado ng mga tagapayo at panelists.
3. Pangalan/Mga pangalan ng tagapayo. Ang buong pangalan ng mga tagapayo ay dapat
nakatala ayon sa pagkakasunud-sunod. Ang punong tagapayo ang siyang dapat na nasa
unahan ng talaan.

4. Mga layunin. Ang layunin ng pag-aaral ay nahahati sa dalawa: pangkalahatan at tiyak. Ang
pangunahing layuning ng pag-aaral ay nakasulat sa pangkalahatang bahagi, at ang dalawa o
tatlong sub-layunin ay nakasulat sa tiyak na bahagi.

5. Metodolohiya. Nakalahad sa bahaging ito ang uri ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral,


gayundin ang paraan / pamaraan kung paano naisagawa ang pag-aaral. Maging ang
instrumentong ginamit ay dapat ding nakatala nang buong linaw sa bahaging ito.

6. Resulta. Ang buod ng kinalabasan ng pag-aaral ay nakalahad sa bahaging ito.


MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pangalan:________________________Taon/Seksyon: _______Petsa:__________
Iskor:__________

PAGSASANAY 1
Yunit 1 Pagbasa

Panuto: Pagkatapos mabasa ang buong yunit 1, talakayin sa pamamagitan ng FAS (Form a
Sentence) ang salitang: (10 puntos)

P-
A-
G-
B-
A-
S-
A-

PAGSASANAY 2
Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pahayag, M kung hindi wasto ang pahayag. (R-W)
(10puntos)

_____1.Ang Teoryang Isema ay ang proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa at


kaalaman sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa.
_____2.Kailangan sa interaktibong pagbasa, hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya, kundi
pag-unawa rin sa ideya ng iba.
______3.May apat na dimension ang metakognisyon.
______4.Ang metakomprehensyon na pagbasa ay isang istratehiya sa pagkatuto kasama ng kognitib
at sosyo-apektibo.
_____5.Tekstong akademik ang tawag sa mga babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t ibang
disiplina.
_____6.Ang tekstong profesyunal, komprehensibo ang pagkakalahad.
_____7.Ang pormal na defoinisyon ay may apat na bahagi.
_____8.Ang prosejural na pagsusunod-sunod ay karaniwang may petsa gaya ng tiyak na araw at taon.
______9.Ang ideya ay isang pangyayari na maaring humantong sa bunga.
______10.Ang pahapyaw at paglaktaw na mga paraan ng pagbasa ay ginagamit ng mabibilis na
mambabasa ayon sa kanilang layunin sa pagbasa.
Yunit 2 Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina

Pagsasanay 3

Panuto: Matapos basahin ang buong Yunit 2, ang mga mag-aaral ay inaasahang makagawa
ng isang sulatin/sanaysay na may kaugnayan sa iba’t ibang disiplina at kasalukuyang
pagpapahalaga. Maging gabay ang mga uri ng pagsulat. (40 puntos) Isulat sa malinis na papel.
(Yellow pad or bond Paper)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman------------------------------------------------------------------------------20%
Organisasyon ng mga Ideya-------------------------------------------------------40%
Mekaniks(Bantas, Kapitalisasyon)-----------------------------------------------20%
Gamit------------------------------------------------------------------------------------20%
100%
Para sa mga pumili ng offline .

Panuto: Matapos mabasa at masagutan ang mga katanungan/pagsasanay ngayon ay


magkakaroon tayo ng isang “Oral Recitation” . Isang Linggo bago ang Kalagitnaang
Pagsusulit ay kailangan mong magpalista o magpaschedule ng oras at araw na nais
mong matawagan at makapagrecitation. Sa gagawing oral Recitation, gumawa ng
dalawang katanungan. Pumili sa mga Yunit , Tandaan na hindi dapat sa iisang yunit
lang manggaling ang dalawang tanong. Ang mga katanungang iyong binuo ay
bibigyan mo rin ng kasagutan. Ang guro ay maghahanda rin ng isang tanong na
sasagutin mo bilang parte ng oral recitation mo.

Panuntunan sa Pagtataya ng Pagbigkas o Oral Recitation

Mahusay na Pagsasalita -----------20%


Lakas ng Boses ---------------------10%
Kahandaan ---------------------------30%
Nilalaman ----------------------------30%
Wikang Ginamit--------------------10%
100%

You might also like