halimaw ang siyang pinaniniwalan ng mga tao na naninirahan sa maliit at lumang kubo malapit sa batis ng Devas at ang pangalan ng nito’y Hiraya. Tinawag ng mga tao si Hiraya na isang halimaw dahil sa pangit nitong mukha at sa sobrang laylay ng mga balat nito’y
Ginintuang nagslibing alimu’y kaniyang kasuotan bukod
pa rito natatakot sa kaniya ang mga tao dahil sa kung sino ang makakikita sa kaniyang isinumpang mukha ay magiging taong bato.
Luha Ngunit ang hindi alam ng mga tao ay paninira
lamang ito ng matandang mangkukulam dahil sa sobrang inggit nito sa taglay na kagandahaan ni Hiraya. Dahil sa pangit na tingin ng mga tao kay Hiraya hindi nalaman ng mga ito na siya pala ang prisesa at diwata ng Devas na siyang Sa sobrang pagkalungkot ni Hiraya sa mga pangyayaring nagbibigay ididulot sa kaniyabuhay dito. ng matandang mangkukulam sa tuwing ang hintuturo ng orasang ginto ay papatak sa oras na alas 9:30 ng gabi nagpupunta ang prisesa sa batis ng Devas. Pinakakalma ang kalooban habang iniuupo ang sarili sa paborito nitong upuang bato na siyang nagsilbi niyang kanlungan. Bawat pagtangis ng mga ginituang luha nito’y siyang pagsalo ng batis at siyang lalong nagbibigay buhay at sigla rito dahil sa pagiging bukal at malinis nitong kalooban. Naging pampawi ng prinsesa ang ganitong gawi kung kayat patuloy sa buhay ang batis ng Devas. Sa hindi kalayuang lugar nakatayo ang kaharian ng Lireo na pinamumunuan ni Haring Akil at anak nitong si Prinsipe Ibaro. Si prinsipeng Ibaro ay ang nag-iisang anak nina Haring Akil at Reyna Mineya. Ngunit sa pagsilang ng Reyna Mineya sa buhay ng sanggol na si Ibaro ay siya namang kapalit ng buhay nito kung kayat lumaki ang prinsipe ng walang ina. Sa sobrang sakit magmula nang malaman nito ng Prinsipe ibinuhos nito ang atensyon sa paglalakbay at pangangaso sa gubat na nagsilbing aliw at pamawi sa lungkot na nadarama nito. Isang araw sa, sa kabila ng takot na bumabalot sa gubat ng Devas ay nagpasya ang prinsipe na mamasyal dito upang subukin ang tapang at kalooban nito bilang pagiging susunod na hari ng Lireo. Kasama nang dalawang alangad nito agad na tinungo ni Ibaro ang gubat ng Devas. Sa paglalakbay nito sa loob ng gubat agad na nabighani ang kalooban ng prinsipe dahil sa gandang taglay ng inang gubat ng Devas. Sa sobrang pagkaaliw ni Ibaro sa ganda ng gubat hindi namalayan ng mga ito na itinutungo na pala sila ng mapanlinlang na ganda ng gubat sa pugad ng mga pashniya (multo ng gubat). Sa hindi kalayuang paglalakbay ng tatlo ay napadpad ang mga ito sa pugad ng mga pashniya, Isang malakas at nakatitindig balahibong ugong ang gumising sa kamalayan ng tatlo isang malakas na hangin na may kasamang mga dahon ang siyang sumalubong sa tatlo dahilan ng pagkawatak-watak ng mga ito. Si prisipe Ibaro ay napadpad sa isa sa mga pashniya, agad nito inilabas ang sandatang ginto at akmang susugod sa pashniya ngunit aakbang pa lamang ito’y naunahan na siya. Sa hindi namalayang pagkakataon ni Ibaro namulat ito sa isang batis na manamis-namis at kaylamig ng tubig ngunit sa sobrang pagkabugbog ng katawan nito’y agad ding binawi ng kaniyang mga mata ang liwanag na kaniyang nakikita at iniwan ng tubig ang katawang laylay sa isang tipak ng batong nagsilbi nitong higaan. Pagkalipas ng kambal na oras isang tinig ng umiiyak na babae na kung diringding mabuti’y puto ng lungkot at pighati ang bawat nitong hikbi. Agad binuksan ng prinsipe ang kaniyang mga mata upang tignan at makahingi ng tulong sa babae ngunit pagmulat pa lamang ng kaniyang mga matang hindi pa tuluyang gumising ng kaniyang kamalayan ay pagkabighani ang agad sumagi sa puso ng binata sapagkat isang babaeng nakasuot ng puting-puting tila at may ginituang buhok na siyang nakaragdag sa gandang taglay nito ang bumungad sa kaniyang tanawin ngunit hindi ito nagtagal sapagkat agad ibinalik ng realidad ang kaisipan nito dahil humakbang palayo ang babae at iyon si Hiraya. Sa takot ni Hiraya na saktan siya ng lalaking nakakita sa kaniya ay agad nitong nilisan ang batis at ikinubli ang sarili sa lungga ng mga pashniya sa paninigurong hindi siya masusundan nito. Dahil sa kurot nang salitang pagibig ni Ibaro kay Hiraya ay agad nitong nilisan ang batis at naglakbay upang hanapin sa gubat babaeng sa unang pagkakatao’y bumihag sa kaniya. Hindi nagtanggal at nakauwi si Ibaro sa kaniyang ama, sa sobrang galak nito’y agad nitong isinalaysay ang tungkol sa babaeng may ginintuang buhok na bumihag sa kaniyang puso ngunit agad sumalungat ang haring Akil sa pasya ng kaniyang anak na ipahanap nito sa mga tao dahil noon pa lamang ay alam na ng hari ang tungkol sa halimaw na babaeng nakatira sa gubat ng Devas at kumbinsido itong ito ang tinutukoy ni Ibaro. Sa pagnanais na makita muli ng prinsipe ang misteryosong babae ay nagpasya muli itong tumungo sa gubat bagaman tutol dito ang kaniyang ama ngunit ang pagnanais na makitang muli ang minsang masasabi niyang minahal niya ay naging sapat upang ipagpatuloy ang plano nito. Lumipas ang ilang araw, buwan maging taon ng kaniyang paghahanap ay tila ba naging mailap ang prinsesa na magpakitang muli sapagkat bigo ang prisipe na mahanap ito. Dumating ang araw na dahil sa pagpupursigi nito sa paghahanap ay nagkaroon ito nagsakit. At dahil sa lumalalang karamdaman ng prinsipe hindi na nito naipagpaltuloy ang paghahanap. Ngunit ang hindi alam ng prinsipe na sa tuwing papasok ito sa gubat ng Devas ay may mga matang nagmamansid sa kaniya at iyon ay si Hiraya na unti-unti na ring nahuhulog ang loob sa prinsipe. Naging hugutan ng saya at pagasa ni Hiraya ang pagpupurisigi na iyon ng prinsipe kung kayat nang tumigil ito sa pagpunta sa gubat agad ikinalungkot ng husto ito ng prinsesa na nagbunga ng mawalan niya ng dahilan upang magpunta sa batis upang muli ay bigyang buhay ito sa pamamahitan ng mga ginintuang luha nito. Dahil buong akala ng prinsesa na muli siyang binago ng mga taong labas. Sa pagtahang iyon sa pagsalok ng batis sa mga luhang ginto ng prinsesa ay ang unti-unti nitong pagkamatay, habang lumilipas ang araw ay patuloy ito sa pag-babago ng kulay mula sa malakrsital nitong tubig ay nagiging kulay putik na ito dahilan upang mangamatay ang mga isa at iba pang buhay sa loob ng batis na siyang kinabubuhay ng mga tao ng San Sinukob. Sa paglibas ng buwan dahil sa alimu’y pagtatampo ng batis sa mga tao ng San Sinukob natutuhan na ng mga ito ang pangangaso. Isang araw sa hindi sinasadyang pagkakataon narinig ni Hiraya ang usapan ng mga taong naglalakbay sa pangangaso patungkol sa lumulubhang karadamdaman ng prinsipe ng Lireo. Isang pangyayaring nag- udyok sa prinsesa upang lumabas ng gubat at magtungo sa kaharian ng Lireo sa pagnanais na muling makita ang lalaking unang minahal niya. Hindi naging madali para sa prinsesa ang paglalakbay patungo sa landas ng kaniyang nararamdaman sapagkat sa bawat nitong hakbang masasakit na puna at takot ang sumasalubong sa kaniya dahil sa mga taong iba pagkakakilala sa kaniya. Binalot niya ang katawan ng itim tila na siyang naging sandata nito sa panghuhusga ng bawat madaraaan niya. Hindi nagtagal sa paglalakbay ang prisesa ng Devas at narating nito ang kaharian ng Lireo sa pagkakatong bago pa man nito marating ang kaharian ay agad na itong malaman ng hari dahil sa mabilis ng paglakbay ng balita. Ngunit hindi pinigilan ng hari ang patungo ng prinsesa sa kaniyang kaharian sapagkat alam nito na ito ang makapagpapasaya sa kaniyang anak na may malubha ng karamdaman. Agad tinungo ni Hiraya ang kinaroroon ng kaniyang iniibig. Sa komportable at malaking kama naroroon ang hinang-hina nang si Ibaro ngunit napawi ang sakit nitong nararamdaman dahil muli nasilayan nito ang babaeng mahal niya sa loob ng mahabang panahon. Doon at doon unti-unting tinanggal ni Hiraya ang tilang itim na nagsilbing paraan ng pagkukubli sa kung sino talaga siya. Sa pagkakataon ding iyon namangha ang mag tao gayundin ang haring Akil dahil sa kagandahang taglay ni Hiraya na sinabayan ng indayog ng mga ginto itong buhok na siyang lalong nagbigay ganda at liwanag sa kaniya. Sa pagkakataon ding iyon muling lumuha ng mga ginintuang luha ang prisesa at diwata ng Devas ngunit sa pagkakataong iyon dulot na nito’y labis na kasiyahan kung kayat muli nagbalik sa buhay ang batis ng Devas. Doon nalaman ng mga tao sa kahairan gayuindin ng mga mamamayan ng San Sinukob na ang babaeng kanilang kinatatakutan, hinushagan at pinagtawanan ay ang babaeng sa kanila ay nagbibigay buhay at hanabuhay. Dahil sa pangyayaring iyon napagtanto ng bawat isa sa kanila na dapat maging bukas ang pang-unawa at hindi panghuhusga ang nangunguna at iyon ang naging hudyat upang maging maayos ang lahat.