Professional Documents
Culture Documents
Ang Pulang Curacha NG Zamboanga
Ang Pulang Curacha NG Zamboanga
Noong unang panahon nang ang mga diyosa ay naninirahan sa daigdig kasama ng mga
tagalupa, may nakatira sa Zamboanga isang makapangyarihang bathala ng hangin at
dagat. Sa pagkaway ng kanyang makapangyarihang kamay ay humuhihip ang hangin at
tumataas ang tubig sa dagat.
Si Addin ay may marilag at kahali-halinang anak na si Amina. Siya ay kilala bilang diwata
ng kaligayahan at kaliwanagan. Mahal siya ng lahat. Kapag namumukadkad ang mga
bulaklak ay sumisikat ang araw. Maraming mga bathala at kabinataan ang naggagaling
sa malalayong lugar at nanunuyo sa kanyang kamay. Subalit malupit ang batas ng mga
bathala. Pinahihintulutan ang mga bathala at diwata na makisalamuha at
makipagkaibigan sa mga tagalupa subalit ipinagbabawal ang pakikipag-isang dibdib sa
kanila. Lumipas ang mga taon. Gayunman walang napupusuan si Amina sa mga
bathalang nag-aalay ng pag-ibig sa kanya.
Isang umaga, habang namamasyal si Amina sa dalampasigan, naaninaw niya ang isang
mangingisdang si Jaihari na nagdidiskarga ng kanyang mga nahuling Curacha. Noon,
berde ang kulay ng mga Curacha gaya ng ibang mga alimango. Ang nasisinag ni Amina sa
anino ni Jaihari ay ang kasipagan nito sa kanyang Gawain, ang pagiging maginoo nito,
ang maamong mukha at ang kabaitan, kahit na ito’y karaniwan at maralitang
mangingisda lamang. Ang mga katangiang ito ay hindi niya natagpuan sa mga
mangingibig niyang bathala. Atubili si Jaihari na ialay ang pag-ibig niya sa diwata dahil
batid niyang kabiguan lamang ang kanyang haharapin. Subalit sumang-ayon sa isa’t isa,
pinili ni Jaihari ang pinakamalaking Curacha na kanyang nahuli at inihandog sa babae.
Batid ni Amina na hindi sasang-ayon ang kanyang ama sa pakikipag-isang dibdib niya sa
isang tagalupa, kaya minabuti niyang ilihim ang kanilang pag-iibigan. Malimit silang
magkatagpo at lagging may Curacha si Jaihari para kay Amina.
Sa paglipas ng mga araw, lalong umuusbong ang pag-ibig nina Jaihari at Amina sa isa’t
isa. Dahil sa matinding kabiguan at kapighatian, hindi na nakuhang mamasyal ni Amina
sa dalampasigan. Nasa bahay lamang siya at tumatangis nang tumatangis. Hindi na
nagsisihuni ang mga ibon, hindi na namumukadkad ang mga bulaklak at natatakpan
na ng ulap ang araw.
Si Jaihari sa kabilang dako ay nag-iisip kung ani ang kanyang gagawin. Hanggang isang
araw, hindi na niya mabata ang dalamhati ng kanilang paghihiwalay. Minsan pa niyang
napagpasiyahan na maglayag patungong Zamboanga at bisitahin ang diwata na siyang
lahat sa buhay niya.
Nang gabing yaon, nanghuli siya ng Curacha upang ihandog sa kanyang iniirog sa
pagkikita nila para sa kinabukasan. Yayamang mahabang paglalakbay ang kanyang
gagawin at nang hindi mabulok ang mga Curacha, minabuti niyang ilaga hanggang
maging pula ang mga ito nang naluto na.
Naipabatid ng mga hangin ang balita kay Addin. Kaya inutusan niya nag dagat upang
umahon at pinahihip niya ang mga hangin. Napakalakas ng unos kaya tumaob ang
Bangka ni Jaihari at tuloy naglaho ito sa dagat.
Nang mabatid ni Amina ang trahedyang naganap, hindi na siya maaliw kahit ninuman.
Walang anumang bagay ang makapagpangiti sa kanya. Napag-isip-isip ng ama na
nakagawa siya ng malaking kamalian. Humingi siya nga tawad sa kanyang anak. Bilang
pagtatakip-sala, nangako siyang bubuhayin niya muli si Jaihari. Subalit ang binata ay
sinakmal ng mga hayop sa pusod ng karagatan, kaya hindi na maibabalik ni Addin ang
buhay nito.