Tausug

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Mga Tausug

Ang pangalang Tausug ay nagmula sa salitang tau na ang ibig sabihin ay tao
at sug na ang ibig pakahulugan nama’y agos na kapag ipinagsama ay ibig sabihin ay
mga taong agos. Ito ay tumutukoy sa karamihan sa mga Muslim sa kapuluan ng
Sulu. Nagmula ang salitang ito sa pangalang Sulog o Sug na ang ibig sabihin sa
Tausug ay “agos ng karagatan”.

Bahasa Sug ang sinasalita ng mga Tausug, isang malayo-Polynesian na wika


na tulad sa mga Bisaya na sinasalita sa Surigao na nasusulat sa Hablun o paghahabi. Malayo-Arabic na
iskripto ang pagsulat nila na kilala bilang Jawi o sulat Sug.
Ang iba pang tribu sa kapuluan ng Sulu ay Samal, Badjao at Jama Mapun
(Amilbangsa, 1983).

Pagsasaka, pangingisda at pangangalakal ang mga pangunahing pang-


ekonomiya na gawain ng mga Tausug na nahahati sa dalawang pangkat. Ang
Parianon (Mga taongnakatira sa sentro o lupain) at ang Guimbahamon (mga taong
nakatira sa bundok). Ang sistema ng kanilang pangangalakal ay umaabot hanggang
sa timog-silangan Asya ng bansa gaya ng Borneo at Malaysia.

Ang sining ng mga Tausug ay nakaangkla sa pag-uukit, gawaing pangmetal,


gawaing pangkahoy, pananahi, paggawa ng banig, buslo o basket, tela o moda, at
gawaan ng palayok na isa ring kilalang sining sa mga Tausug. Ang biyatawi ay isang
kasuotang pambabae na gawa satin at ang ito ay may maaaring may ginto o pilak na
botones. Ang patadjong ay isang kasuotan na maaaring gamitin ng lalaki at babae.
Sawal din ang tawag sa suot na pajama ng mga lalaki (Amilbangsa, 1983)

You might also like