CCTV (Article)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CCTV sa VCMC importante nga ba?

Sa panahon ngayon ay nauuso ang pagkakaroon ng CCTV kahit saang lugar man yan, ngunit nauuso na
rin ito kahit sa mga paaralan. Isa ang Victorious Christian Montessori College sa mga paaralan sa Alfonso
ang nagkaroon ng CCTV. Nakatutulong nga ba ang pagkakaroon ng CCTV sa paaralan ng VCMC o hindi
nakatutulong sapagkat humango ng halo-halong reaksyon ang mga estudyante ng paaralaan.

Ayon sa mga mag-aaral na masyadong magiging mahigpit ang VCMC dahil sa pagkakaroon ng CCTV
ngunit sabi naman ng iba na makatutulong ito upang masiguro ang seguridad at proteksiyon hindi
lamang ng mag-aaral kundi maging mga guro at iba pang miyembro ng institusyon na ito. Sa
pagkakaroon ng CCTV ay maiiwasan ang mga krimen gaya ng pagnanakaw.

Para sa ibang mga estudyante ng VCMC, pabor sa kanila na magkaroon ng CCTV sa loob ng silid-
aralan hindi lamang sa labas nito upang maiwasan ang pangdadaya tuwing pagsusulit at maiwasan ang
insidente ng nakawan. Mayroon na kasing naging insidente ng nakawan ng pera at gamit sa loob ng silid-
aralan.

Kahit na magiging mahigpit ang VCMC dahil sa pagkakaroon nito ng CCTV ay may mabuti naman
itong maidudulot dahil mas magiging ligtas at mapayapa ang paaralang ito. Mababantayan ang kilos ng
bawat estudyante at kung may problema ay agad itong makikita at masosolusyonan kaagad.

You might also like