Professional Documents
Culture Documents
Week 003-004 - Pagbuo NG Manwal
Week 003-004 - Pagbuo NG Manwal
PAGBUO NG MANWAL
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag- aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang kahulugan ng manwal;
2. Naiisa- isa ang mga uri ng manwal ayon sa gamit;
3. Nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng manwal para sa paggamit; at
4. Nakasusulat ng manwal para sa paggamit ayon sa balangkas ng mga bahagi nito.
Panimula
Pagbuo ng Manwal
Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay.
Higit na komprehensibo at malawak ang saklaw nito kaysa sa instruksyon. Ang manwal ay
nagbibigay ng mga panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng pagsasaayos ng mga
kompleks na kagamitan. Sa malalaking sistema tulad ng eroplano o sasakyan, maraming
magkakahiwalay na manwal ang kinakailangan.
Komponent ng Manwal
Karaniwang nilalaman ng isang manwal ang alinman sa sumusunod:
1. tiyak na depinisyon;
2. deskripsyon ng mga mekanismo
3. sunod- sunod na hakbang o instruksyon; at/o
4. pagsusuri ng mga proseso
Nakatuon ang bahaging ito sa Manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit ( User
Manual o user Guide) dahil ito ang pinakakaraniwang uri ng manwal.
Awdiyens
Kahit gaano pa kakomplikado ang isang produkto o mekanismo, kailangang gawing malinaw,
simple at tiyak ang wika na user manual. Kailangan ding ikonsidera ang mga pagpapaikli ng mga
salita o mga simbolong gamit sa manwal upang maging akma sa kakayahan ng gagamit nito
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC) 3|
PAGBUO NG MANWAL
Disenyo
2. Talaan ng Nilalaman- dito itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod- sunod ng mga
gawain sa loob ng manwal. Mabisa itong kasangkapan upang madaling mahanap ng isang
mambabasa ang pahina ng paksang kaniyang hinahanap at makatutulong sa kaniya upang
maisagawa nang mabuti ang anumang bagay o prosesong kailangan niyang isaayos.
3. Introduksyon- nagpapaliwanag tungkol sa Ano- Paano- Sino. Ano ang nilalaman ng manwal
o tungkol saan ang manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino ang gagamit o para kanino ang
manwal?
4. Navigational Tips- pahina na may biswal na simbolo na magagamit upang unawain ang mga
bahagi ng manwal.
a. Gamit at Tungkulin- dito nakalahad kung paano ginagamit o saan ginagamit ang isang
bagay.
Saklaw- dito nakasulat kung ano lamang ang mga paksang tatalakayin sa
manwal, partikular sa mga gamit at tungkulin. Naglalagay rin dito ng
mungkahi kung saan maaaring pumunta o tumawag kung ang isang
problema ay hindi na angkop ng manwal.
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (TECH-VOC) 4|
PAGBUO NG MANWAL
Takdang Gamit- dito isa- isang nakalahad ang mga gamit o usage ng
isang bagay.
Deskripsyon- dito inilalarawan ang bawat bahagi ng bagay at kadalasang
karugtong ito ng mga takdang gamit.
Espesipikasyon- dito iniisa- isa ang mga katangian ng gamit at gayundin
kung may espesyal na mga katangian ang mga ito na wala sa ibang
kagamitan.
Dito rin nakalagay kung ito ay isang bago o updated na bersiyon ng isang
gamit na nauna nang ilabas.
b. Prinsipyo ng Operasyon- binabanggit dito kung ano ang disenyo at kung bakit ito
dinisenyo nang gayon. Kung may iba’t ibang operasyon para sa bawat bahagi ng
kagamitan, iniisa- isa itong ilarawan.
Mga Hakbang sa Paggamit- isa- isang nakalahad kung paano gamitin ang
bawat bahagi ng gamit o instrumento. Ipinapaliwanag din dito ang mga
prosesong kailangang sundin upang maisagawa ang mga tungkulin ng
instrumento. Nagbibigay rin ng mga susing salita na kailangang hanapin
upang maisagawa ang mahahalagang gamit nito. Sunod- sunod ang
pagkakalahad ng mga ito mula sa pinakamahalaga o pinakamadalas gawin
patungo sa hindi gaanong mahalaga.
1. Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal na salita. Maliban kung
sadyang kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na gagamitin
ito.
2. Buuin ang mga akronim sa unang banggit.
3. Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono at estilo ng pagsulat.
4. Gumamit ng maiikling pangungusap at parirala.
5. Gumamit ng numbered lists.
6. Gumamit ng ilustrasyon (larawan, grap, flowchart, o screen display) kung angkop sa
tinatalakay na konsepto at para sa pagpapadali sa pag- unawa. Dapat laging malapit ang
posisyon ng mga biswal na elemento sa inilalarawang teksto.
7. Tingnan at rebisahin ang mga posibleng mali sa ispeling at gramatika.
Sanggunian:
Aklat