Si Luis at Arnold

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Luis ay nanggaling sa pamilyang salat sa buhay .

Ang kaniyang ama ay isang


karpintero na nakatapos lamang ng elementarya at walang permanenteng trabaho. Ang
kaniyang ina ay isang labandera at hanggang ikaapat na baiting lang ang naaabot. Hindi sapat
ang kinikita nila upang matustusan ang pag-aaral ng kanilang limang anak, Sa pang araw-araw
lang nilang pangangailangan ay hirapa na ito’ymatugunan. Bilang panganay, namulat ang
isipan ni Luis na nag tanging pag-asa lamang upang makaahon sa kahirapan at
kamangmangan ay ang makapagtapos siya sa pag-aaral. Siya ay nagsumikap makatapos ng
hayskul at pagtungtong niya sa kolehiyo ay naging working student. Sa kaniyang pagpupunyagi,
nakatapos siya ng pag-aaral at natutuhan niya ang kakayahan bilang mekaniko ng eroplano.
Hindi nagtagal, nakahanap siya ng magandang trabaho bilang isang aircraft mechanic na
nagbigay ng pagkakataon sa kaniya na makapagtrabaho sa ibang bansa. Nakatulong siya sa
pagpapaaral ng apat pa niyang kapatid at sa mga sumunod na taon ay dumating ang
kasaganaan sa kaniyang pamilya. Nakaahon sa kahirapan at kamangmangan ang kanilang
buong pamilya.
Sa paglipas ng panahon, si Luis ay nakahanap ng kabiyak sa buhay. At dahil sa siya ay
masinop, marami siyang naipon upang makapagpatayo ng sariling negosyo sa bakal kapiling
ang kaniyang asawa at isa anak. Hiundi na niya kailangang mangibang-bayan upang
maghanapbuhay. Ang kaniyang katuwiran, mas masarap mabuhay sariling bayan kasama nag
pamilya. Ibinibigay niya ang lahat na material na pangangailangan ng kaniyang anak na hindi
niya nararanasan noong siya ay bata pa. Kaya’t kakaiba ang kinalakihan ng kaniyang nag-
iisang anak na si Arnold. Lumaki ito sa karangyaan at sa mga amteryal na bagay na kayang-
kayang abutin kahit hindi pinagsusumikapan. Dahil dito, hindi na niya napahahalagahan ang
biyaya ng buhay. Naging pabaya sa pag-aaral, napabarkada sa mga kaibigang may masamang
impluwensiya, at nahilig sa babae, pag-inom ng alak, at sumubok ng ipinagbabawal na gamot.
Isang araw, dumating ang hindi inaasahang pangyayari sa pamilya. Ang amang si Luis ay
nagkasakit nang malubha. Natuklasan ng doctor na mayroong siyang kanser sa bituka, stage 3.
Halos ang kanilang pangkabuhayan sa kaniyang matagalang pagpapagamot. Dito nagising ang
kaniyang anak na si Arnold sa katotohanan sa kaniyang katayuan sa buhay. Wala siyang alam
sa buhay. Siya ay mangmang sa negosyo ng kaniyang ama; hindi niya alam ang pasikot-sikot
nito. Paano kung lokohin siya ng kliyente? Nagkaroon siya ng takot sa kaniyang gagampanang
mabigat na tungkulin. Paano rin kung wala na ang kaniyang ama’t ina? Saan siya pupulutin? Sa
kabilang dako, mataimtim na nagdarasal ang kaniyang ina sa pag-asam ng pagbabagong-
buhay ni Arnold. Sa ibayongpakikiusap at pagpapayo ng kaniyang ina, si Arnold ay nakinig at
tinalaban ng tawag ng reporma sa kaniyang buhay. Nasa huli ang pagsisi, sa isp niy. Kaya bago
pa mahuli ang lahat at habulin siya ang pagsisisi, sa isip niya. Kaya bago pa mahuli ang lahat at
habulin siya ng pagsisisi, nagseryoso na si Arnold sa kaniyang mga responsabilidad.
Tinalikurann ang mga bisyo, tumino sa pag-aaral at nagbigay ng panahon sa kanilang negosyo
upang matutuhan ang pagpapatakbo nito. Naituwid ang kaniyang landas na muntik nang
mapariwara. Nagkaroon siya ng pagtanaw ng pagpapasalamat sa Diyos sa pagkakaligtas sa
kaniya sa mapinsalang pamumuhay.

You might also like