Magandang araw inay at itay. Bilang anak nyo po akoy naghahangad sa inyong kaligtasan at kapayapaan habang binabasa itong aking liham ng pasasalamat. Una po sa lahat, nais kong magpasalamat sa buhay na ipinagkaloob ninyo at ang kabutihan na itinuro nyo sa akin. Tunay na ang aking pagsilang dito sa mundo ay isang biyaya para sa akin. Masaya po ako na mapabilang sa inyong pamilya. Mahal ko po kayo. Maraming salamat din po na hindi nyo kailanman ipinaramdam sa amin ang masalimuot na buhay. Kahit po may mga pagkakataon na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaang magkakapatid, hindi nyo po hinayaan na magtagal ang tampuhan sa pagitan ng inyong mga anak. Salamat po at lumaki kaming laging may respeto sa isa’t isa at pag aalala para sa kapakanan ng bawat isa.
Higit sa lahat, nais ko pong magpasalamat sa inyong
walang sawang pagmamahal at pag aaruga sa amin magkakapatid. Yung pagmamahal na kailanman ay hindi ko makukuha sa ibang tao. Mahalin man ako ng mga anak ko at asawa ko sa darating na mga panahon Hinding-hindi parin matutumbasan ang inyung pag mamahal sa akin. Hinding – hindi ko po makakalimutan ang lahat ng sakripisyo ninyo ngayon at sa umaabot na panahon para mapag – aral ako at ang mga kapatid ko.Saludo po ako sa inyo Inay at Itay. Mabuhay po kayo!
KABANATA 4 at 5 - Ang Kalagayan at Epekto NG Iba't Ibang Relihiyon at Pananaw NG Mga Estudyante Sa Isang Silid-Aralan NG Our Lady of Fatima University PDF