Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA HALIMBAWA NG ISYU SA

A. PAMILYA

1. Komunikasyon
 Masasabi kong isa itong isyung pampamilya sapagkat hindi lahat ng
meyembro sa isang pamilya ay bukas sa isa't isa. Madalas ay sinasarili ang
kanilang nararamdaman o ang mga bagay na nasa isip kesa ikwento pa ito
sa kanilang mga magulang. Isa ito sa dahilan kung bakit malayo ang loob
nila sa bawat isa. Dahil dito masasabi kong ang kumunikasyon ay isa sa
nagiging isyu sa pamilya .
2. Paghihiwalay o diborsyo
 Isa ang paghihiwalay o diborsyo ang pinakatampok na isyu na nangyayari
sa kasalukuyan. Marami kang maririning na balita ukol dito . Sa maraming
kaso, maaring nagkakahiwalay ang mag-asawa dahil sa pagtataksil ng isa,
nagsawa o hindi na masaya sa isa’t isa.
3. Pagtatalo
 Ang pagtatalo ay isa na ring isyung pampamilya. Madalas nagkakaroon
ng pagtatalo dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang panig.
Halimbawa nalang ay ang magulang at anak. Madalas na maririnig mo
silang nagtatalo na maaaring dahil sa ugali, gawaing bahay at madami
pang iba. Maaring maging isa din ito sa kawalan ng maayos na
komunikasyon at kapag sa mag-asawa ,maaring dahil rito ay humatong sa
hiwalayan.

B. EDUKASYON

1. Maliit ang budget ng pamahalaan


 Masasabi kong isa ito sa isyung kinahaharao ngayon sa larangan ng
edukasyon sapagkat kulang na kulang talaga ang budget para sa pag- aaral
lalo na sa panahon ng pandemya. Hindi sapat ang buget para sa modular
na klase kaya’t ito’y nagiging isyu sa edukasyon.

2. Kakulangan sa pagkakataong makapag-aral


 Isa ang kakulangan sa pagkakataong makapag-aral sa nagiging isyu
sapagkat hindi nga naman lahat ay nabibigyan ng paglakataong
magkapag-aral lalo na ang mga taong kapos-palad , walang pambayad sa
matrikula, dahil sa kahirapan at iba pa.
3. Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan
 Karamihan sa mga mag-aaral ay humihinto sa pag-aaral at ito ay dahil sa
napakaraming dahilan. Isa to sa nagiging isyu sa edukasyon sapagkat
karapatan ng mga tao ang mkapagaral ngunit dahil na rin sa kahirapan,
pinipili na lamang ng isang mag-aaral ang huminto sa pag-aaral.

C. EKONOMIYA

1. Kahirapan
 Ito ay medyo malapit sa unemployment. Ang kahirapan ang isa sa mga
mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling
pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero kung tutuusin kaya tayo
naghihirap ay hindi lang sa kadahilanang wala tayong trabaho, pero ang
totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino
at isa ang katamaran sa ahilan ng kahirapan.

2. Kawalan ng Trabaho
 Sa ating bansa ngayon ay mahirap makahanap ng trabaho at ang
iba ay nakikipag sapalaran pa sa ibang bansa upang magkatrabaho.
Ang iba ay napilitan mag ibang bansa. Ang iba ay naghihintay na
lamang sa mga oppurtunidad na ibang bansa tulad nang pamilya
ding nandodoon na o kaya nagtratrabaho na doon.
3. Sakuna
 Masasabi kong isang isyu ito ito ng ekonomiya sapagkat madalas may
nagyayaring sakuna sa ating bansa , dala na rin ng mga lindol, bagyo at iba
pa. Tulad na lamang ng matinding pagbaha na nararanasan ng mga
mamamayan kapag malakas ang bagyon, lahat ng mga pananim at ari-
arian ay nasisira at minsan at di na mapakinabangan.

D. PAMAHALAAN

1. Korapsyon
 Isa ang korapsyon sa hindi matapos tapos na isyu sa pamahalaan simula’t
pang sapol na palagi ko ng naririnig sa mga telebisyon. Marami-rami na
din ang balitang nakulong ang mga korapt na mga tao, lalo na sa larangan
ng politika. At maging hanggang ngayon isa ito sa isyung sinugpo ng ating
pamahalaan .
2. Pagsugpo sa Droga/Kriminalidad
 Isa ito sa pinagtutuunan ng ating presidente na kung saan nuon lamang
mga nakaraang taon ay laganap ang pagpatay at paghuhuli sa mga taong
gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kasama narin ang pagsugpo sa
kriminalidad. Maraming nasangkot at nawalan ng minamahal sa buhay
dahil sa pagsugpo ng droga subalit kung hindi ito naagapan nung panahon
iyon ay masasabi kong siguro hanggang ngayon at magiging talamak parin
ang paggamit ng droga.

3. Covid-19 (Corona Virus)/ Kalusugan


 Ito ang binakabagong isyu ngayon ng pamahalaan , ang pagbalanse ng
kalusugan at ekonomiya dahil sa dulot ng corona virus o covid-19.
Maraming tao ang nagkasakit , naging dahilan ng pagkawala ng kanilang
mga mahal sa buhay . Gumagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang
sugpuin ang sakit na ito at upang bumalik na sa normal ang lahat. Ngunit
hindi lamang pamahalaan at gobyerno ang dapat gumagawa ng paraan
,dahil dapat maging tayong mamayan at kailangang sumunod sa mga
patakaran dahil ito rin ay para sa nakakabuti ng lahat.

You might also like