Professional Documents
Culture Documents
Nang Minsang Naligaw Si Adrian
Nang Minsang Naligaw Si Adrian
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba angpropesyon dahil kapwa
abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya.Dahil may kayasa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doktor.Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulangat
mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya.Naiwan siyang walang ibang
inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mgamagulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal aynakapagtrabaho sa isang malaking
ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na mataposang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,
pumanaw ang kaniyangpinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay maysakit
na ring iniinda.Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataongmakapagpahinga dulot na rin ng
hindi niya maiwan-iwanan na ama.
Naisin man niyangmagtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid,
angkatotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sakaniyang mangibang-
bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sakahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.Inggit
na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat angluho at oras na makahanap ng babaing
makakasama habambuhay.
Ayaw rin niyangmapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.Isang araw, habang
nagpapahinga matapos ang halos limang oras naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakitang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan namanniya
ang ama.Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos
lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niyanamamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyangmakawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para
sa sarili.
huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok saisang kagubatan. Mabigat ang
ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ngpuno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama
habang binabali ang maliliit nasanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.