Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Module III on PFA: IDENTIFYING and ADDRESSING NEEDS Objectives

By the end of the session, students should be able to:


• identify one’s current needs and those of one’s family
• become aware of the various institutions, departments and centers present within the
school environment or the immediate community
• take note of the important numbers and information regarding who to approach for their
needs

Materials/Handouts
• bond paper / paper
• Ballpen
ACTIVITY: Saan ka Pupunta?

Magandang araw! Kamusta ka ngayon? Naaalala mo pa ba ang mga activities na ginawa


natin noong unang dalawang araw ng PFA module na ito? Una, naglista tayo ng limang
emotions na naramdaman at nararamdaman mo dahil sa kasalukuyang mga nangyayari
dulot ng COVID19. Pagkatapos noon, nagbigay tayo ng mga techniques kung paano natin
haharapin ang mga nasabing emotions, diba? Napag-usapan din natin ang tungkol sa kung
paano mag reframe ng mga iniisip natin.

Ngayong araw naman, tatalakayin natin kung saan tayo pwedeng humingi ng tulong kapag
may kailangan tayo. Pwedeng atensiyong medikal, pagkain o kaya ay relief goods, siguridad,
at iba pa.

Isa sa pinakaimportanteng mayroon tayo sa panahon ngayon ay ang contact numbers ng


mga ahensiya ng gobyerno na maaari nating hingian ng tulong kapag tayo ay
nangangailangan. Nariyan ang DOH o ang mga Rural Health Units, ang Opisina ng Barangay,
Ang iyong mga guro o kaya ay Principal, DSWD office at kung anu-ano pa.

Nasa ibaba ang mga listahan ng mga karaniwan ay kinakailangan ng mga mamamayan
kagaya mo habang at pagkatapos ng isang disaster o kaya ay habang naka quarantine dahil
sa pandemiya.

General (Pangkalahatan)  Contact sa mga kamag-anak


 Mga pangangailangang medical (vitamins, alcohol, etc.)
 At iba pa
Pagkain at Tubig na  Pagkain sa araw-araw
Maiinom  Malinis na tubig na maiinom
Gasolina  Para sa mga sasakyan
 Para sa kalan
 Para sa mga lampara
Maayos na Matutuluyan  May maayos na matutulugan
Ano sa tingin mo? Sapat na kaya yang listahang iyan? Ano kaya ang mga kinakailangan natin
habang may pandemiya na wala diyan? Tingnan natin sa susunod na table ang mga
pinakakinakailangan ng mga mamamayan sa panahon ng pandemiya kagaya ng COVID19.

Relief Goods Pinakapangunahing pangangailangan ng


isang pamilya ngayong may pandemiya ang
mga relief goods mula sa Barangay, sa
Local Government Unit ng bayan, lungsod
o ng Probinsiya, at ang “ayuda” mula sa
National Government.
Pagbebenta ng mga Produkto/Serbisyo Ito ay kinakailangan para sa mga pamilyang
may maliit na tindahan o Negosyo.
Kinakailangan nila ng permit mula sa
Barangay o sa LGU ng bayan.
Transportasyon (sa loob ng munisipalidad) Kapag ikaw ay kinakailangang pumunta sa
palengke, grocery stores, parmasya, at iba
pa, kinakailangan munang pumunta sa
opisina ng Barangay upang kumuha ng
Quarantine Pass. Ang Pagsusuot ng face
mask at face shield ay kinakailangan tuwing
lalabas ng tahanan.
Transportasyon (sa labas ng munisipalidad) Pumunta sa opisina ng Barangay upang
makakuha ng Travel Pass na magagamit sa
pagbyahe sa mga lugar na labas ng bayan
kung saan ka nakatira. Kinakailangan, ikaw
ay isang COVID-free at panatilihin ang iba’t
ibang safety protocols na ipinapatupad ng
pamahalaan.
Cash Assistance or Social Amelioration Makipag-ugnayan sa lokal na opisina ng
Program (SAP) DSWD kung kasama kayo sa
makakatanggap ng ibinibigay na cash
assistance para sa mga pamilyang
nangangailangan ng tulong mula sa
Gobyerno.
Cash Assistance sa mga OFW Ang mga Overseas Filipino Workers at mga
manggagawang naalan ng trabaho ay
maaaring makatanggap ng Government
Cash Aid mula sa DOLE.

Ngayong nalaman mo na ang mga kinakailangan ng isang pamilya ngayong may pandemiya,
gamit ang talaan sa ibaba, itala ang mga pangangailangan ng mga kasama mo sa bahay. Sa
unang column, itala ang pangalan ng bawat isang nakatira sa inyong tahanan. Sa ikalawang
column naman, ilagay ang pinakapangunahing pangangailangan niya na hindi kayang ibigay
ng iyong pamilya. Sa ikatlong column naman, itala kung saan mo pwedeng isangguni o
idulog ang pangangailangan niyang ito. Kung walang idea kung saan siya pwedeng isangguni,
hayaang naka blank.
Needs Form
Family/Relative/Friend Pangangailangan Kanino/Saan
Isasangguni

Aaasahan kong muli ang iyong buong kooperasyon para sa modyul na ito 😊

You might also like