Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGSUSURI NG DULANG NOLI ME TANGERE

Panimula
Noong taong 1993 inihandong ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o Cultural Center of the Philippines
ang dulang pinamagatang “Noli Me Tangere”. Isinagawa ito sa direksyon at produksyon ni Eddie Romero
na ating Pambansang Artist para sa Pelikula. Base ang dulang ito sa nobela ni Jose Rizal. Ang mga
nagtulong-tulong sa pagsulat ay si Jorge Arago, Eddie Romero, Rolando Tinio at Nicanor Tiongson. Ang
dulang ito ay natapos hanggang labing tatlong bahagi. Naipalabas sa temang pagkamakabayan,
katapangan, pagsasakripisyo, pagmamahal o pag-ibig, paghihiganti, at pagpapatawad.
Banghay
Buod:
Nagsimula ang kwento sa paghuhukay ng isang supolterero sa bangkay ng ama ni Crisostomo Ibarra na si
Don Rafael. Habang ang isang pari na si Padre Damaso ay nagdadasal sa Panginoon.
Habang may isang ganap na selebrasyon sa bahay ni Kapitan Tiago, marami ang nagsalo-salo. Dito
nagbalik si Crisostomo Ibarra sa Pilipinas mula sa pag-aaral sa Europa ng pitong taon. Dito unang
nakasalamuha muli ni Crisostomo Ibarra si Padre Damaso na patuloy ang pag-iinsulto sa kaniya. Ngunit
naging magalang na lamang siya rito. Nang aalis na sana si Ibarra, hinabol siya ni Tinyente Guevarra at
doon nalaman ni Ibarra ang mga kasawian ng kaniyang ama.
Kinabukasan ay binisita ni Crisostomo Ibarra ang maganda niyang kasintahan na si Maria Clara. Ginunita
nila ang kanilang mga alaala sa pagmamahalan. Kasama rito ang kanilang dating liham ni Ibarra kay
Maria Clara bago pumuntang Europa. Sila’y nagpalitan ng pangako na hindi na sila maghihiwalay muli.
Naalala ni Ibarra ang kaniyang magulang para sa araw ng mga patay. Kaniyang bibisitahin sana ang
kaniyang ina at ama sa sementeryo. Ngunit ang ina niya lamang ang naroon. Napagbalitaan niya na
ipinalipat ng kura ang kaniyang ama sa libingan ng mga Intsik. Ngunit tinapon na lang ng supolturero ito
sa ilog sa sobrang bigat at hirap malipat. Nagalit si Ibarra sa supolterero at lalo na sa kura. Napagkamalan
niyang si Padre Salvi ang may kagagawan kaya’t muntik na masaktan nang tuluyan ito.
Sunod naman natin makikilala si Crispin at Basilio, mga batang sakristan na patungo sa kumbento habang
kinakausap si Pilosopong Tasyo. Kausap naman ni Pilosopong Tasyo si Doray at Don Filipo, sila’y
nagpapalitan ng opinion ukol sa purgatoryo. Habang ang dalawang magkapatid na si Crispin at Basilio ay
nag-uusap sa kumbento. Napagkamalang magnanakaw si Crispin ng 32 pesos o 2 ginto. Nagiisip sila ng
paraan upang maiwasan ang pagparusa sa kanila. Ngunit dumating na ang Sakristan Mayor, sinaktan sila
sapagkat pilit na sinisisi si Crispin sa pag-nakaw. Sinaktan niya ang dalawang bata at hinila si Crispin
papalayo at pinatay. Si Basilio naman ay tumakas subalit nahabol at nabaril sa paa ng guardia sibil.
Nakarating siya sa kanilang bahay at sinalubong ng kaniyang ina. Nagtataka ang kanilang nanay na si
Sisa sa nangyayari. Kinabukasan ay hindi nila nahanap si Crispin at nahiwalay naman si Sisa kay Basilio.
Hanggat sa patuloy niyang hinanap ang mga nawawala niyang anak, nanghingi na rin ng tulong kay
Ibarra ngunit siya’y nabaliw.
Imbes na makahiganti si Ibarra sa ginawa ng mga Kastila sa kaniyang ama, pinili niya na lang
ipagpatuloy ang nais ng kaniyang ama. Magpapatayo siya ng paaralan para sa kabataan.
Nagplano sina Ibarra, Maria Clara at iba pa ng isang piknik o pagsasalo-salo sa gubat. Maya-maya
nanghingi rin si Pedro na asawa ni Sisa ng tulong kay Ibarra. Kinabukasan ay na sa bangka silang lahat.
Dito nakilala ni Ibarra si Elias. Sila’y masaya habang namamangka ngunit nagkagulo sila noong may
nakita silang buwaya. Tumalon si Elias na piloto sa dagat upang labanin ang buwaya at sinunod naman si
Ibarra upang iligtas si Elias. At doon nawala ang takot ng mga tao at nagpatuloy na pumunta sa kanilang
destinasyon at nagpakasaya. Binisita ni Ibarra si Pilosopong Tasyo at dito siya nanghihingi ng
makabuluhang mga payo.
Habang nagsesermon si Padre Damaso sa simbahan, nagbabala si Elias kay Ibarra tungkol sa darating na
pagbasbas ng kaniyang ipapatayo na paaralan. Pagkatapos ay seremonya na ng pagbabasbas ng paaralan
at may nagpa-planong bagsakan si Ibarra gamit ang panghugos. Ngunit siya’y naligtas ni Elias. Napag-
alaman ni Ibarra na siya’y may mga kaaway. Matapos ang gulong pangyayari, sila’y nagkainan at si
Padre Damaso ay muling nagparinig. Hindi na kinaya ni Ibarra ang kaniyang mga naririnig kaya nag-init
ang kaniyang ulo at tinangkang sasaksakin si Padre Damaso. Mabuti na lamang na siya’y napigilan ni
Maria Clara.
Matapos na mangyari ang mga iyon, naging ekskomulgado si Ibarra. Marami ang nag-usap tungkol rito.
Naapektuhan rito ang kaniyang relasyon kay Maria Clara. Ipinaghiwalay ni Padre Damaso kay Ibarra si
Maria Clara at ipinatigil ang kanilang kasal. Magiging isang Kastila na si Linares na lamang ang
magiging asawa ni Maria Clara. Hinanap ng Kapitan-heneral si Ibarra upang mag-alok ng tulong para
rito. Sisiguraduhin niya raw na walang hahadlang kay Ibarra. Kaya napawalang-bisa ang kaniyang pagka-
ekskomulgado, pinatawad na siya ng arsobispo at tinanggap muli siya sa simbahan.
Nagkasakit si Maria Clara kaya dumating ang nagpapanggap na doctor na si Don Tiburcio kasama ang
kaniyang asawa na so Donya Victorina pati si Linares na magiging asawa ni Maria Clara. Nagkita si Elias
at Ibarra nang pa-sikreto, sinabi ni Elias ang hinaing ng mga maghihimagsik. Ngunit napagtanto nila na
magkaiba sila ng pananaw sa guardia sibil. Kinuwento ni Elias ang kaniyang kasaysayan at mga ninuno.
Si Ibarra ay nabagabag rito sapagkat napaka-sakit pala ang napagdaanan ni Elias. Ngunit tumanggi pa rin
si Ibarra sa paghihimagsik. Hindi pa rin natigil ang nais ni Elias na makita ang pagbabago sa pamahalaan.
Nagbabala si Elias kay Ibarra na huhulihin siya at ikukulong. Tinulungan niya itong mag-impake ngunit
nakita niya ang mga papeles at nalamang ang ninuno ni Ibarra ang dahilan ng kasawian ng kaniyang
buhay at ng kaniyang ninuno. Tumakbo papalayo si Elias sa gulo ng kaniyang isip. Habang pumunta si
Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago naroon ang kaniyang kasintahan, Kapitan Tiago, Tiya Isabel, Linares at
Padre Salvi. Ngunit may biglang putukan silang narinig. Nagtungo siya muli sa bahay niya upang mag-
impake ngunit naroon na pala ang mga huhuli sa kaniyang guardia sibil. Siya’y hinuli kahit siya’y
inosente at hindi siya nakatakas. Si Elias ay natauhan at bumalik nakita niya ang nangyari kaya siya ang
kumuha ng inimpake ni Ibarra upang itago at sinunog ang mga papeles nito. Marami ang nadamay
sapagkat inakalang sila ay nag-aalsa na pinamunuan ni Ibarra. Marami ang nagalit kay Ibarra. Siya ang
sinisi sa mga nangyari, nawalan siya ng lahat.
Itinakas ni Elias si Ibarra sa bilangguan at nagsakay sa bangka. Pinuntahan muna ni Ibarra si Maria Clara
upang makipag-usap. Sila’y nagkalinawan at nagpakita ng pagmamahalan sa kabila ng kanilang mga
suliranin. Natuto silang magpaubaya at tuluyang nagpaalam sa isa’t isa sa isang halikan.
Sumakay na muli si Ibarra sa bangka at pumunta sila sa Ilog Pasig. Nang mahuli sila ng guardia sibil ay
tinatago si Ibarra sa ilalim ng damo. Naabutan sila kaya naisip ni Elias na iligaw ang guardia sibil. Kaya
hinabol siya at pinagbabaril. Inakalang patay na si Ibarra sa nakitang mga dugo.
Nakita ni Maria ang pahayagan ukol rito kaya nawalan siya ng pag-asa. Hiniling niya kay Padre Damaso
ang pag-mongha o kamatayan. Kaya ipinasok siya sa kumbento bilang madre.
Nanghihinang napuntahan ni Elias ang gubat ng mga Ibarra at nakita niya si Basilio na iniiyakan ang
pagkamatay ng kaniyang ina. Nais niyang tulungan si Basilio sa paglilibing. Itinuro sa kaniya kung
nasaan ang nakatago na kayamanan upang siya’y makapag-aral. Naisip ni Elias na hindi niya na
mararanasan ang kasarinlan ng kaniyang bayan at sana’y pahalagahan ito ng kabataan. Huwag raw sana
nilang limutin ang mga nagtulong-tulong upang makamit ito. Tuluyan siyang namatay. At pinuntahan
naman ni Basilio ang tinuro ni Elias.
Habang na sa kumbento ay nabaliw si Maria Clara hindi niya na tiyak ang mga nangyayari.
At sa huli naman ay nakitang magkasama si Basilio at si Ibarra. Sila’y nagsama sa maikling panahon at
nagtulungan. Makapag-aaral na si Basilio at aalis na si Ibarra. Tinulungan ni Basilio si Ibarra sa
pakikipag-ugnayan sa mga tao at si Basilio naman ay babayaran si Ibarra sa pamamagitan ng pagtulong sa
kaniyang kapuwa. Natapos ang kuwento sa paglalakad ni Basilio kasama ang kaniyang guro papalayo sa
eksena. Handa na silang magbagong buhay.
Nilalaman:
Tungkol ito sa buhay ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng Kastila. Naranasan ng mga Pilipino
rito ang realidad ng pananakop ng Kastila. Sila’y naharap sa diskriminasyon, pagpaparusa, pagkawala ng
hustisya, at paghihirap. Marami man ang nabulag sa kapangyarihan ng Kastila, sa dula o pelikulang ito
natin mapapanuod ang mga Pilipinong gumagawa ng paraan upang mahanap ang kasarinlan ng bayan.
Mga Tauhan:
 Joel Torre bilang Crisostomo Ibarra
 Tetchie Abayani bilang Sisa
 Daniel Fernando bilang Elias
 Ruben Rustia bilang Kapitan Tiago
 Chat Silayan bilang Sinang
 Maria Jose Arnaldo bilang Maria Clara
 Subas Herrero bilang Padre Damaso
 Perla Bautista bilang Tiya Isabel
 Caridad Sanchez bilang Donya Victorina
 Rolando Tinio bilang Pilospong Tasyo
 Bembol Roco bilang Lucas
 Lloyd Samartino bilang Linares
 Jaime Farbregas bilang ang Alperes
 Ishmael Bernal bilang Don Valentin
 Tony Mabesa bilang Kapitan Basilio
 Charlie Davao bilang Kapitan Heneral
 Bert Olivar bilang Tinyente Guevarra
 Atong Redillas bilang Basilio
 Lorli Villanueva bilang Don Consolacion
 Manny Palo bilang Padre Salvi
 Raffy Bonaza bilang Filipo
 Susan Africa bilang Doray
 Mia Gutierrez bilang lola ni Elias
 Spanky Manikan bilang lolo ni Elias
 Chiqui Xeres-Burgos bilang Padre Sibyla
 Nanding Fernandez bilang ang Gobernadorcilla
 Ramil Rodriguez bilang ang Alkalde
 Naty Crame Rogers bilang Hermana Rufa
 Rustica Carpio bilang Hermana Pule
 Ray Ventura bilang ang Sakristan Mayor
 Mely Tagasa bilang Hermana Sipa
 Gardo Versoza bilang Tarcilo
 Gigette Reyes bilang Victoria
 Pen Medina bilang asawa ni Sisa
 Ronnie Quizon bilang Andong Tanga
 Vicente Legarda bilang Don Tiburcio de Espadana
 Ces Mathay bilang Laruja
 Tony Carrion bilang Padre Probinsiyal
 Tony Espejo Hermano Pedro
 Soxy Topacio bilang abogado ni Elias
 Charlie Davao bilang Kapitan Heneral
 Nina Median bilang Kapitana Maria

Performans/Pagsasadula
Sa aking pagsusuri, ang mga eksena at pangyayari ay naging makatotohanan. Naipakita ng mga tauhan
ang mga kapani-paniwalaang pagkikilos at pagdarama. Ang pagaganap ay napakagaling. Ramdam na
ramdam ko ang bawat emosyon na nararamdaman ng mga tauhan. Naaayon ang kanilang mga kilos sa
mga nangyayari sa bawat kabanata. Napansin ko na ang kanilang karakter ay kuhang-kuha at mas
nakapag-bigay kaliwanagan ang mga nangyayari kaysa sa aking naisip mula sa pagbabasa ng nobela. Para
sa akin, nakapili ang mga direktor ng tamang mga tauhan upang gamapanan ang kanilang papel sa dula.
Mula sa kanilang itsura papunta sa kanilang pagkikilos at galing sa pag-aarte. Malaking tulong ang mga
tauhang ito sapagkat angkop ang kanilang galing sa kanilang karakter. Dahil sa kanila, naintindihan natin
at naunawan ang pagdaloy ng dula. Kawiliwili ang dulang ito dahil sa mga nagganap sapagkat higit pa
ang kanilang galing kaysa sa aking inasahan. Naisagawa nila ng maayos ang kanilang papel sa dula upang
maihatid ang magandang dula at mapantayan ang galing ng pasusulat ni Jose Rizal ng Noli Me Tangere.
Disenyo/Elemento
Napansin ko na ang mga set at props ay itinugma talaga mula sa nobela. Naipahayag nila ng tama sa
bawat karakter ang kanilang mga kagamitan at suotan. Dahil rito, naging makatotohanan ang mga
nangyayari sa nobela. Tulad sa mga tagpuan sa bahay ni Kapitan Tiago mapapansin natin na siya’y tunay
na mayaman at makapangyarihan. Marami rin ang mga tauhan na nakipagsalo doon kita na sila’y
mayaman at ma- maimpluwensiyang tao rin. Makikita natin na sila’y mayaman sa tulong ng mga
kasuotan at make-up sa mga tauhan sapagkat dito naipakita ang kanilang estado sa buhay na may
malaking parte sa nobela. Kapag mayaman ay napakaganda at mukhang mamahalin ang mga kasuotan at
kapag naman mahirap ay normal lamang ang mga kasuotan at walang ayos na make-up. Ang blockings
rin sa mga eksena ng tauhan ay naipakita upang isama ang bawat tauhan sa maayos na posisyon. Naging
tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan dahil rito. Nalinaw sa atin ang bawat eksana. Ang ilaw
naman ay nagpabigay ng mood sa iba’t ibang eksena sapagkat ang iba’t ibang klase ng kulay ay nagpakita
ng kalagayan ng mga eksena. Kapag malungkot o malubha ang eksena, madilim ang pinapakita at kapag
maliwanag naman ay may kasiyahan. Sa bawat eksena rin ay may mga musika na inaakma sa nangyayari.
Mararamdaman natin rito kung ano nga ba ang nais ipahayag na damdamin ng bawat karakter at
pangyayari. Layunin nitong ipalutang ang eksena para madamdam nating tunay ang pinanunuod.

Reaksyon
Ang masasabi ko sa palabas ay napakahusay ang kanilang nagawa. Pansin ko ang kanilang kagustuhan na
maibahagi ang kanilang galing para sa Noli Me Tangere. Sila ay nagsama upang makagawa ng isang dula
na makapagbibigay higit na galing para sa nobelang Noli Me Tangere. Isa itong pagbibigay pugay kay
Jose Rizal. Mahalaga ito para sa akin sapagkat makikita natin ang nakaraan at iilang mga kultura. Mas
napahalagahan ko ang Noli Me Tangere dahil dito sapagkat naramdaman ko kung gaano kalala ang mga
sitwasyon noon. Mas naunawaan ko ang mga pangyayari dahil sa pag-aarte at pagkikilos ng mga tauhan.
Nakatulong sa akin ang lugar ng pelikula, mga props at kasuotan. Nakita ko ang pinaka malapit na
interpretasyon sa nobela. Subalit ang rekomendasyon ko para sa dulang ito ay ang musika. Mahina ang
mga boses ng mga tao ngunit pag dating sa musika biglang lalakas nang sobra. Ito ay medyo nakasasakit
sa tainga. Ngunit kahit na ganoon, nakapagbigay ang musika ng higit na karamdaman sa akin.
Nakapagbigay linaw ito sa mga bagay na hindi ko naintindihan sa nobela. Maihahambing ko sa dula at
nobela ng Noli Me Tangere ang pagkalinaw ng kanilang emosyon. Binigyang pansin ang kanilang
nararamdaman sa bawat sitwasyon. Sa dula, nakapokus ang mga reaksyon sa bawat sitwasyon. Binigyan-
diin ang mga emosyon at reaksyon ng mga tauhan. Habang sa nobela naman ay ipinaliwanag talaga ang
mga tunay na nararamdaman. Nilinaw ang bawat expresyon at karamdaman ng mga tauhan. Kaya sa dula
at nobela natin makikita ang tunay na karamdaman ng mga tao sa dating panahon. Naging makabuluhan
ang dula at nobelang ito para sa ating mga Pilipino. Sapagkat ang mga emosyon at ekspresyon nito ay
nagmula sa lahat ng bulag na kasiyahan, mga kalungkutan at higit na kasawian ng mga tao noon dahil sa
pagpapahirap ng mga Kastila. Nakatulong ang dulang ito upang mabigyang linaw ang aking imahinasyon
sa bawat eksena at nangyayari sa nobela.

You might also like