Sample Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IX, Zamboanga del Sur
MOLAVE VOCATIONAL TECHNICAL SCHOOL
Mabini St., Molave, Zamboanga del Sur

IKATLONG
MARKAHANG G10 – FILIPINO (STVEP & STEM)

PAGSUSULIT
Pangalan: _______________________ Taon/Seksyon: _____________________ Petsa:_____________

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

“Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtapat ko sa iyo ang katotohanan, kung
ako ay mabuhay at may control sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa
aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano kayo kalakas, muntik ka nang
magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika.”

1. Sa pananalita ni Utgaro-Loki, mahihinuhang siya ay –


a. Mas malakas siya kahit walang mahika
b. Naniniwalang babalikanpa siya nina Thor
c. Natakot na matalo kaya gumamit siya ng mahika
d. Naniniwala sa angking kakayahan.

2. Ano ang ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor nang ang huli ay papaalis na?
a. Alam na niya na kaya niyang tapatan
b. Ginamitan niya ng mahika si Thor kaya sila nanalo.
c. Natakot siya kay Thor at mga kasamahan nito.
d. Siya at si Skrymir ay magkapatid.

Pahayag ni Utgaro:

“Noong una tayong magkita sa kakahuyan agad kitang nilapitan. Nang tangkain mong alisin ang pagkatali
ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol mo ito ng alambre.”
3. Batay sa pahayag, malalaman natin na –
a. Dati nang magkaibigan sina Thor at Utgaro.
b. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita silang dalawa.
c. Nandoon si utgaro sa kakahuyanngunit di ito nagpakita.
d. Si Skrymir at Utgaro ay iisa.

“Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinumang makipagbuno sa akin, galit na
ako ngayon,” sabi ni Thor.

4. Pananalita ni Thor, malalamang siya ay-


a. Nawawalan ng pag-asa c. Nagmamataas at nagyayabang
b. Ayaw tumnggap ng pagkatalo d. Nagagalit at nahihiya sa angking kahinaan
5. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong nilinlang si Thor ng hari ng mga higante upang hindi sila
mapasakop sa kapangyarihan nito.
a. Ang mabuting layunin ay hindi mapangatwiran sa masamang paraan.
b. Ang sundalong nasusugatan, nag-ibayong ang tapang.
c. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
d. Matalino man ang matsing ay napaglalamangan din.

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.

6. Ano ang ibig sabihin ng sa salapi-silaw?


a. Butas ang bulsa c. Mukhang pera
b. Maraming salapi d. Naghanap ng pera
7. Bumuo ng matalinghagang salita na kaugnay ng kapus-kapalaran.
a. Anak-pawis c. Mapagbigay
b. Bukas-palad d. Masikip ang palad

Mata’y napapikit sa aking namasdan;

Apat na kandila ang nangagbabantay.

8. Anong simbolismo ang nakikita sa tula?


a. Nagpahinga c. Namatay
b. Nagsindi ng kandila d. Natulog

Ang ilaw na iyong maganda sa bata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara
Pinapatay bawat malapit sa kaniya.

9. Ano ang sinisimbolo ng ilaw sa saknong ng tulang binasa?


a. Bisyo c. Panghihikayat
b. Kayamanan d. Tukso
10. Bumuo ng ng angkop na matalinghagang pahayag sa imahe ng saknong ng tulang binasa na nasa
bilang 9.
a. Bukas ang kaisipan c. Ikuros sa noo
b. Ibaon sa hukay d. Isang kisapmata
11. Anong damdamin o saloobin ng persona sa tula?
a. Nag-aanyaya c. Nagpapayo
b. Nagbabala d. Nangangako
12. Paano ipahayag ang damdaming nagbabala? Pumili sa mga sumusunod:
a. Hindi kita iiwan pangako iyan.
b. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
c. Makabubuting ipagliban mo na ang iyong pag-alis.
d. Tara, punta tayo roon.
“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo
kukunan ng pahayag. Magpahinga muna kayo.”

13. Ano ang damdamin o saloobin ang nangingibabaw sa pahayag?


a. Pag-aalala c. Pananakot
b. Pagbabanta d. Panunumbat

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kanyang sarili. Nang mawala ang
aming ama, ganoon na lamang ang aming pag-alala namin sa kanya.
14. Anong damdaming ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
a. Pagkabahala c. Pagkadismaya
b. Pagkabalisa d. Panghihinayang
15. “Inaakala ko, na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiratwal subalit nanatili
siayng matatag at nakakapit sa Diyos.”
Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng ______ .
a. Paghihinuha c. Pangangatwiran
b. Paglalarawan d. Panghihikayat
16. _________, mas pipiliin ko ang magpahinga muna. Anong tamang salitang gagamitin kung ikaw
ang nagpapahayag ng pagmumungkahi?
a. Ikinalulungkot ko b. Kung ako ikaw c. Lagot ka d. Mag-ingat ka
17. Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning aking kinaharap. Ang
sinalungguhitang ekspresiyong ay nagpapahayag ng ________.
a. Pagmumungkahi b. Panghihikayat c. Panunumpa d. Pagsang-ayon
18. Aling ekspresiyon ang tamang gamitin kung ikaw ay nag-iimbinta?
a. Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
b. Huwag kang sinungaling, kung hindi lagot ka sa akin!
c. Pwede ka ba bukas sa ating pagplano?
d. Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.
19. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa kanyang Panganay”, Ano ang
ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

Ang poo’y di marapat pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinagimpan.

a. Hangad b. Nais c. Mithi d. Pangarap


20. Kumikislap ang kanyang mga mata nang makita niya ang kaniyang sinisinta. Anong damdamin
ang nagingibabaw sa pahayag na may salungguhit?
a. Nalulungkot b. Nagagalit c. Nanghihinayang d. Natutuwa

Ang espirituwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa


ilalim ng sakit na dala-dala n gating mga puso sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa
batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang
nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.

21. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangunguhulugang


__________.
a. Hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
b. Malalim na sakit na dala-dala n gating mga puso
c. Pagtanggi at paglaban sa batas
d. Pakikipag-unahan ng bawat bansa s pag-unlad
22. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakakamatay na ideolohiya at rasismo.
a. Espiritwal at pisikal na kaisahan
b. Paghihiwalay ng mga tao sa mundo
c. Pagkalugmok sa sarili
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng
Naalala ko pa noon, kasalukuyang kaming nakasakay kami sa Bangka nang humulagpos ang isa
pagpapahayag
kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit naming sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang
bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko hinabol para kunin.
Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan
ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat,
kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

23. Kung susuriin ang binasa, ano katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon
b. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat
c. Mahusay ang sumulat
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng
pagpapahayag
24. Sa bahagi ng kwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. Katapatan sa bayan
b. Mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan
c. Pagpapahalaga sa kapwa
d. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba.

Ayaw ni okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak na
pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina at walang
kwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kanyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo
ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, magkaroon ng tatlong asawam titulo sa mga
laban at higit sa lahat pagkilala mula sa mga katribo.

25. Anong kinamulatang tradisyon na nangingibabaw sa pagkatao ni Okonkwo mula sa binasang


akda?
a. Mahina b. Marupok c. Masigla d. Matapang
26. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng Pagkamatapang ng pangunahing tauhan?
a. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kanyang kapalaran
b. May tatlong asawa si Okonkwo
c. Nagsumikap maiangat ang buhay at nagkaroon ng maraming ari-arian
d. Pilit na iwinaksi ni Okonkwo ang katangian ng ama.
27. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang desisyon sa buhay?
a. Mapaghiganti c. May iisang salita
b. May determinasyon sa buhay d. Puno ng hinanakit
28. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng tuwirang pahayag?
a. Ako ang simbolo ng pagkakinlanlan n gating bansa
b. Ang pagkikipaglaban ni Quezon ay daan upang ko ay umusbong
c. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa bagong panahon.
d. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon

Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging modern na an gating bansa.


Modernong kagamitan, pamumuhay modern na rin pati kabataan dahil ang mga pinoy ay hindi
nagpapahuli.

29. Ang salitang ginamit sa talata na nagsasaad ng tuwirang pahayag ay?


a. Kabataan b. Mga Pinoy c. Moderno d. Patunay nito
30. Isa sa ibinigay ang halimbawa ng di-tuwiran pahayag, alin dito?
a. Bilang patunay ang haba ng pila sa mga lotto outlets
b. Marami sa mga pinoy ay mahilig sa pakikipagsapalaran
c. Sa totoo lang, bumili rin ako ng lotto
d. Yan ang ebidensyang paniniwala natin sa swerte.
31. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin?
a. Gramatika b. Pagpapakahulugan c. Panlapi d. Pagsasaling-wika
32. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
a. Pangangatuwiran b. Paglalahad c. Paglalarawan d. Pagsasalaysay
33. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming
tao.
a. Balagtasan b. Sanaysay c. Talumpati d. Tula
34. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mambabasa.
a. Nobela b. Dula c. Karilyo d. Maikling kuwento
35. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. Idyoma b. Simbolismo c. matatalinghagang pananalita d. Tayutay
36. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a. Pandamdamin b. blangko berso c. malaya d. tradisyonal
37. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan.
a. Epiko b. Anekdota c. Sanaysay d. Mitolohiya
38. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa
pagsasalin?

a. Basahin nang paulit-ulit.


b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
39. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”


b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”

40. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.

Para sa AQUINO at OSMEÑA Lamang. Bilang 41-50.

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. Basahin nang may pag-unawa ang ibinigay.

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “ Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang
para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay
nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran
ang Sultan.

41. Batay sa pananalita ng monghe, mahihinuhang siya ay__.


a. May galit sa Sultan c. Nagpapahayag ng paggalang
b. May paninindigan d. Walang pinag-aralan
42. Mahihinuhang ang Sultan ay huningi at nangangailangan ng __
a. Bendisyon b. Nasasakupan c. Paggalang d. Suporta

“Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng
paggalang at kababaang loob, ang wika ng Sultan.
43. Anong damdamin ang namayani sa tauhan ng akda?
a. Nagalit b. Nagulat c. Nanghingi d. nagmakaawa

1. Lumipad si Toby at lahat na mga kasama nila.


2. Lumipad si Sarah matapos mabigkas ang makapangyarihang salita.
3. Hinampas ng tagabantay si Sarah pati na ang dalang bata.
4. Nagpagulong-gulong ang batang lalaki saka lumipad sa himpapawid.
5. Inililihim ng mga taong makalilipad ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin.

44. Alin sa unang nangyari sa akdang “Maaaring lumipad ang tao”?


a. 1 b. 3 c. 4 d. 5
45. Ang huling nangyari sa akda ay?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
46. Ang ikalawang nangyari ay ang bilang
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
47. Alin ang ikaapat na nangyari?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4

Nasanay si Liongo sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa


paligsahan ng pagpana. Ito’y pala pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman
siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi niya sa
digmaan laban sa mga Gala.
48. Anong gawi ang ipinakita ng hari sa talata?
a. Matapang b. Sakim c. Tapat d. Traydor
49. Ang suliraning kinakaharap ni Liongo ay ?
a. Kakaunti lang ang nakaalam sa pagwawagi niya
b. Pagkadakip sa kanya ng hari
c. Pagsasanay sa paghawak ng busog at palaso
d. Pagtakas muli mula sa pagkabilanggo
50. Ang suliranin naman ni Haring Ahmad ay?
a. Ang palaging pagtakas ni Liongo mula sa bilangguan
b. Paraan kung paano hulihin si Liongo
c. Paano magamit si Liongo tuwing may kalaban
d. Paraan ng pagpatay kay Liongo
Inihanda ng mga Guro ng Filipino 10
“Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal”

You might also like