Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

QUARTER 1 – MODULE 6
Week 7

Pagpapaunlad ng Hilig

1
Modyul 6: Pagpapaunlad ng Hilig
UNANG BAHAGI
Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto
ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maisabuhay at mailapat ang mga kilos
tungo sa pagpapaunlad ng mga sariling hilig.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag- unawa:
3.3. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng
mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa
mamamayan. (EsP7PS-If-3.3)
3.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig.
(EsP7PS-If-3.4)

ANG HILIG AY MAAARING:


a. Natutunan mula sa karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang pagtulong sa negosyo ng
pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay
mo rito ang iyong kinuhang kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho bilang
chef sa isang kilalang hotel.
b. Minamana. Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-
aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin
ng interes sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa
kaniyang mga ginagawa sa inyong hardin.
c. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong pagiging
maawain sa iyong kapuwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapuwa na
nangangailangan. Labis ang kasiyahan na iyong nararamdaman kapag may nagagawa
kang kabutihan sa iyong kapuwa. Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa
ibang tao o kapuwa katulad na lamang ng bayanihan na naging inspirasyon sa pagbuo ng
Community Pantry sa panahon ng pandemya.

Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga
gawain. Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at may
pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng paggalang sa
sarili at nagpapaunlad ng kaniyang tiwala sa sarili.

MGA HAKBANG SA PAGTUKLAS NG HILIG

1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain. Dahil
ginagawa nang kusang-loob ang hilig na libangan (hobby), ang mga ito ay pinakamahusay na
palatandaan ng mga bagay na iyong minamahal na gawin. Sa pamamagitan ng pagninilay,

2
maaaring iyong matuklasan na ang iyong hilig na libangan ay naging bahagi na ng iyong
buhay mula pa sa iyong pagkabata.

2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. Ano ba ang mga gawaing
nagdudulot sa iyo ng sigla at sigasig? Maaaring kasama rito ang iyong mga hilig na gawain
ngunit maaari rin namang mga gawaing iyong ginagampanan sa iyong pang-araw-araw na
buhay. Halimbawa, maaaring may mga gawain sa inyong tahanan na mas gusto mong gawin
kaysa sa ibang mga tungkulin dahil ramdam mong mas masaya ka habang ginagawa ang mga
nasabing gawain.
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin. Ang isa pang palatandaan sa pagtuklas
ng iyong mga interes o hilig ay maaaring sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga gawaing mas
pinipili mong gawin kapag nahaharap sa isang bagay na hindi mo nais na gawin. Halimbawa,
kakausapin mo ang iyong kapatid na siya na lamang ang magluto at ikaw na lamang ang
maghuhugas ng pinggan dahil hindi mo talaga hilig ang magluto at alam mong kulang ka sa
kakayahan upang gawin ito.

Bakit kailangang paunlarin ang iyong mga hilig? Ano-ano ang mga kahalagahan at
naitutulong nito sa iyong sarili? Ang pagpapaunlad ng mga hilig o interes ay
makatutulong sa:

Una, pagtupad ng mga tungkulin. Madaling gawin ang isang bagay o tungkuling iniatang sa
iyong mga balikat kung ito ay kinahihiligan mo. Halimbawa, inutusan ka ng iyong ina na
magluto ng pagkain sapagkat hilig mo ang pagluluto, madali at may kasiglahan mong
magagawa ito.

Ikalawa, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon. Sa reyalidad ng buhay, kadalasan


kung ano ang hilig mo, yun ang sinusundan mo. Halimbawa, kung magaling ka sa Math,
natural ang kukunin mong kurso ay nasa Academic Track (engineering o accountancy o
katulad ng mga ito) upang hindi ka masyadong mahirapan sa iyong pag-aaral at maging
matagumpay kang engineer o accountant sa hinaharap at makamit mo ang minimithi mong
pangarap. Kung ang hilig mo naman ay pag-aayos ng mga sirang bagay kagaya ng motor,
cellphone at iba pa, mas mainam na kunin mo ang kursong nasa Technical-Vocational at
magiging masaya ka sa larangang ito.

Ikatlo, negosyo o hanapbuhay. May kasabihan na wala raw yumayaman sa hanap-buhay


kundi sa negosyo. Pero ang tanong, alin ba sa dalawa ang pipiliin mo at magiging masaya ka?
Hilig mo ba ang magnegosyo o maghanap-buhay? Ikaw ang makasasagot niyan. Marahil, may
narinig ka ng kuwento tungkol sa pamilya ng mga doktor, pamilya ng mga guro, pamilya ng
mga pulis at pamilya ng mga negosyante. Mula sa lolo hanggang sa apo ay pulis, doktor, guro
o kaya nama’y negosyante. Isa sa mga salik nito ay ang hilig o interes.

3
IKALAWANG BAHAGI
GAWAIN I
PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na hakbang sa pagpapaunlad ng hilig gamit
ang bilang 1-5.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____a. Pumili ng kurso o karerang may kinalaman sa kinahihiligang gawin.
_____ b. Obserbahan ang sarili.
_____ c. Alamin ang mga gawain na gusto mong gawin at paulit ulit na ginagawa at suriin ang
mga bagay na ayaw mo ring gawin.
_____ d. Pagnilayang mabuti ang iyong pasya at hingin ang gabay ng Panginoon para makasiguro sa
tagumpay sa hinaharap.
_____ e. Bigyan ng panahon ang pagpapaunlad ng hilig.

GAWAIN II
PANUTO: Punan ang kasunod na tsart ng pagpapaunlad ng iyong mga hilig. Magandang
karanasan ito upang masanay kang magplano para sa iyong sariling pag-unlad. Ikaw
lamang ang nakakikilala sa iyong sariling kakayahan kung kaya ikaw rin ang
nakaaalam kung anong estilo ang angkop sa iyo sa pagsasagawa ng gawaing ito.
Gayahin ang tsart sa sagutang papel at doon isulat ang sagot.

Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig

Mga taong
Paano
Mga Hilig pauunlarin hihingan ng Maaaring balakid Paano
ito? tulong/suporta o o problema malalampasan
kokunsultahin
Halimbawa:
• Tutugtog ako
sa Mga kaibigan Baka may Ipangangako ko sa
Pagtugtog ng
gitara loob ng isang oras ipagawa sa aking aking magulang na
araw-araw gawain sa bahay pagbubutihin ko
• Mag-eenrol ako ang pag-aaral para
sa isang guitar payagan nila ako
school sa mga hilig ko.

1.

2.

3.

4
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN I
a. 4
b. 1
c. 2
d. 5
e. 3

GAWAIN II - Malayang Pagsagot

SANGGUNIAN

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learner’s Material Quarter 1-2

Open High School Program – Edukasyon sa Pagpapahalaga I Modyul
❖ https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-3.html

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 7


Quarter 1, Week 7
Most Essential Learning Competencies:

3.3. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay nakatutulong sa pagtupad


ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa
at paglilingkod sa mamamayan.
(EsP7PS-If-3.3)
3.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig.
(EsP7PS-If-3.4)

Pangalan: _ Petsa:
Baitang/Seksy
on: _ Iskor:

GAWAIN A.1

PANUTO: Sa sagutang papel, isulat ang salitang OPO kung ang pahayag ay nakikitaan ng
pagpapaunlad ng hilig at HINDI PO kung ang pahayag ay hindi nakikitaan ng
pagpapaunlad ng hilig.

__________ 1. Naibabahagi mo ang iyong karunungan sa pagtatanim bilang pakikiisa sa


proyektong
“Gulayan sa Tahanan”.
__________ 2. Ikaw ang nagluluto kung wala si nanay.
__________ 3. Nahihirapan ka pa ring magdesisyon sa kukunin mong kurso o propesyon.
__________ 4. Natatapos mo ang lahat ng gawain sa modyul.
__________ 5. Nahihiya kang ibahagi ang natutunan mo sa paglalaro ng tennis.

6
GAWAIN A.2
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang letra ng pinaka-
angkop na sagot mula sa pagpipilian sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

A. Natutunan mula sa mga karanasan


B. Namamana
C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan
D. Napakikinggan

_____ 1. Hindi nakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit ano man ang nararanasan
niya sa buhay.
_____ 2. Kapag nakakita si Isko ng batang lansangan, lagi niya silang pinaaalahanan kung
gaano kahalaga
ang edukasyon dahil naranasan na rin niya ito.
_____ 3. Magaling na mang-aawit ang ina ni Charice. Habang lumalaki si Charice ay
lumalabas ang ganda ng
kaniyang tinig.
_____ 4. Likas kay Angel ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng
krisis.
_____ 5. Mula ng magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang kaniyang
ama sa larangan ng
boksing kaya naging hilig na rin niya ito.

GAWAIN B. PERFORMANCE TASK (25 puntos)

PANUTO: Gumuhit ng ulap sa sagutang papel at doon isulat ang iyong kasagutan sa mga
tanong.

Pamantayan sa Paggawa

Malikhaing
Konsepto - 10
Orihinalidad - 10
Kalinisan at
Kaayusan - 5
Kabuuan 25 puntos

7
1. Anak, naumpisahan mo na bang mag-aral para sa iyong pagsusulit?

__________________________
__________________________
__________________________

2. Napag-isipan mo na bang mabuti kung anong kurso ang iyong kukunin?

__________________________
__________________________
__________________________

3. Napansin mo si Aling Belen sa lansangan at mukhang hindi pa siya kumakain, ano


ang maaari mong maitulong?

4. Maraming nagkakasakit sa dengue, ano ang magagawa mo upang mapuksa ang mga
lamok na nagdudulot ng sakit?

5. Nahihirapan ka sa pagsagot ng modyul sa asignaturang Math, ano ang mga hakbang na iyong
gagawin?

8
INDIVIDUAL HOME LEARNING PLAN IN ESP 7
Quarter 1, Week 7

DAY & LEARNING TASKS


LEARNING MODE OF
TIME (Reference: EsP Learner’s
COMPETENCY DELIVERY
Material 9)
3.1. Natutukoy ang
kaugnayan ng pagpapaunlad ng
mga hilig sa pagpili ng kursong A. WHAT YOU NEED:
akademiko o teknikal- (Kailangang kagamitan)
bokasyonal, negosyo o 1. Isilid ang mga
hanapbuhay. (EsP7PS-Ie-3.1) 1. Learning Module(Aklat): nasagutang gawain sa
2. panulat/bolpen iyong plastic
3. Sagutang papel (1 whole) na may envelope.
3.2. Nakasusuri ng mga
pangalan, pangkat at cluster. 2. Ibigay ito sa mga
sariling hilig ayon sa larangan at magulang upang sila
tuon ng mga ito. (EsP7PS-Ie- B. THINGS TO DO mismo ang magpasa/
3.2) (Mga dapat gawin) mag-submit nito sa
paaralan/baranggay
1. Basahin ang unang bahagi 3. Mahalagang
“Modyul 5: Pagpapaunlad ng Hilig tandaan na ilagay
pahina 2-3 parati sa sagutang
papel ang iyong
2. Pag-aralan ang ikalawang bahagi pangalan,
pahina 4. pangkat/section,
subject at kung anong
3. Sagutin ang worksheets sa EsP barangay at cluster
Week 6 pahina 6-8 sa isang malinis ang iyong
na papel (long pad). kinabibilangan.

Pagmomonitor sa mga awtput at mga gawaing tapos na ng mga mag-aaral

Ibabalik ng mga magulang ang mga sagutang papel ng mga mag-aaral(answer sheets and

Mahigpit pa ring susunod ang Manaoag NHS sa anomang alituntuning itinakda


ng IATF at DOH alang-alang sa kaligtasan ng lahat.

You might also like