Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

QUARTER 1 – MODULE 4
Week 5
Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan

1
Modyul 4: Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan

UNANG BAHAGI
Sa modyul na ito, inaasahang mas matutuklasan at mapauunlad mo pa
ang mga angking talento at kakayahan upang magkaroon ng tiwala sa sarili
at malampasan ang mga kahinaan na matupad ang tungkulin na
makapaglingkod sa pamayanan.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag- unawa:
2.3. Napatutunayan na angpagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking
talento at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob
na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng
tiwalasa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga
tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan (EsP7PS-Id-2.3)
2.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad sa sariling
talento at kakayahan (EsP7PS-Id-2.4)

Likas ang mga talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang


mga ito sa pamamagitan ng pagsasanay (practice). Si Professor Erickson at
kaniyang grupo ay nagsagawa ng mahabang pag-aaral ng mga sikat at
matagumpay na personalidad sa iba’t ibang larangan. Dalawang mahalagang
bagay ang natuklasan nila :
Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at
matagumpay sa anumang larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan
ay bunga ng masusi at matamang pagsasanay. Wika nga sa Ingles “Practice
makes perfect.”
Ikalawa, bukod sa talento o kakayahan, mahalaga rin na tayo ay may
interes o hilig sa ating larangang pinasok. Dapat na tayo ay masaya sa ating
ginagawa upang magkaroon tayo ng inspirasyon o motibasyon na lampasan o
higitan pa ang ating natural na kakayahan. Ito ay upang maging angat tayo sa
iba tungo sa paglilingkod sa kapuwa at pakikibahagi sa pamayanan.

Hakbang na Makatutulong sa Iyo sa Yugtong Ito

Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng


sarili ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkamit nito. Ayon kay
Stephen Covey sa The 7 Habits of Highly Effective People (1989), “Begin with
the end in mind.” Isang halimbawa ay ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad
ng Sarili o Personal Development Plan. Ito ay tulad ng isang mapa na gabay sa
paglalakbay tungo sa pag-unlad ng sarili. Dapat taglay ang mga kasanayang
kailangang matutuhan, talento at kakayahang kailangang paunlarin at kahinaang
kailangang malampasan upang mapaunlad ng isang tao ang kaniyang sarili at
makapaglingkod sa lipunan.

Hakbang sa Paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng


Sarili
1. Tukuyin kung saan mo nais o kailangang tumungo at anong aspekto ang

2
kailangang paunlarin at dapat unahin: Ano ang aking pangarap at ano ang
mga talento at kakayahan na kailangan kong pagsanayan?
2. Tukuyin kung nasaan ka na ngayon: Ano-ano ang iyong mga kalakasan at
kahinaan?
3. Kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga
pagbabago: Ano ang mga hakbang upang mapaunlad ko ang aking sarili?

Paano nga ba nagkakaroon ng tiwala sa sarili o “self- confidence”? Ang


tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Ito ay tiwala sa sariling
kakayahan na matatapos ang isang gawain nang may kahusayan. Ilan sa mga
bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili ay ang sumusunod:

a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.


b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala
sa sarili sa iba’t ibang
sitwasyon at gawain.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o
bumaba ayon sa ating mga karanasan sa buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili
gaya ng pagiging mayaman o pagkakaroon ng mga taong
nagmamahal sa atin.

Basahin at unawain ang maikling kuwento sa ibaba na nagpapakita


ng kahalagahan ng pagpapaunlad ng ating mga talento at kakayahan.

Ang Lakas ng Agila

May kuwento tungkol sa buhay ng agila. Ang agila ay maaaring mabuhay ng pitumpong
taon.
Subalit, para maabot iyon ay kailangan niya ng isang matinding pagpapasya. Pagpapasya na
pagmumulan ng matinding proseso ng pagbabago. Ang pagpapasya na mabuhay o
mamatay. Mamamatay siya kung ayaw na niyang mapalitan ang kaniyang lumang balahibo,
tuka at kuko. Kung nais naman niyang madagdagan pa ang buhay, kailangan niyang lumipad
sa isang mataas na bundok.

Sa tuktok ng bundok siya gagawa ng kaniyang pugad at dito magsisimula ang mga
pagbabago sa kaniya. Una, kailangan na ihampas niya ang kaniyang tuka sa bato para
mapalitan ng bago.

Pangalawa, tatanggalin niya ang lumang balahibo sa may pakpak at katawan. At panghuli,
matanggal ang lumang kuko para magamit niya ng maayos.

Pagkatapos ng matinding pagbabago sa agila, dito magsisimula ang panibago at


mahabang buhay ng paglipad na may lakas at kapangyarihang harapin ang mga
pagsubok sa buhay.
3
Sa iyong palagay, paano nagkatulad ang tao at agila? Bilang tao, likas sa
atin ang paghahangad na umunlad at malampasan ang mga kahinaan. Ayon kay
Covey (Seven Habits of Highly Effective Teens, 1998), ang pag-unlad ng mga
kakayahan ay nagsisimula sa ating sarili. Isang mabisang paraan upang masimulan
ang daan sa pagpapaunlad ng sarili ay ang paggawa ng plano o hakbang sa
pagkamit nito. Sabi nga niya, “Begin with the end in mind.” Isang halimbawa ay ang
paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili o Personal Development Plan.
Ito ay tulad ng isang mapa na gabay tungo sa pagpapaunlad ng sarili.
IKALAWANG BAHAGI

GAWAIN I
PANUTO: Gumawa ng iyong PLANO sa BUHAY. Kopyahin ang tsart sa
sagutang papel at doon sagutan ang hinihingi ng bawat kolum.

Pangarap mo / Mga tao na Talento o kakayahan na Mga hakbang o


Nais makamit maaaring tumulong gagamitin mo gagawing paraan
sa buhay sa iyo sa pagkamit at ilang taon ang ilalaan upang ito ay
nito mo para marating ito matupad

GAWAIN II

PANUTO: Tukuyin ang tamang salita upang mabuo ang konsepto. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang tiwala sa sarili ay natututunan at hindi _.
2. Ang tiwala sa sarili ay tumitibay sa paglipas ng _ .
3. Ang tiwala sa sarili o self-confidence ay ang paniniwala sa
sariling kakayahan na matatapos ang isang gawain nang
may __ _.

GAWAIN III

PANUTO: Kopyahin at punan ang parirala na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Ang dapat kong gawin upang mapaunlad ang aking angking talino at kakayahan ay
_

_
.

4
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN I – Malayang Pagsagot

GAWAIN II – 1. namamana
2. panahon
3. kahusayan
GAWAIN III – Malayang Pagsagot
SANGGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 7- Learner’s Material
Edukasyon sa Pagpapakatao – Mga Modyul para sa Mag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode

Republic of
the
Philippines
Department
of Education
Region I
Division of
Pangasinan
II Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO GRADE 7
Quarter 1, Week 5
Most Essential Learning Competencies:

2.3. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga


angking talento at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito
ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng
sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa
mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin at paglilingkod sa
pamayanan. (EsP7PS-Id-2.3)
2.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad sa sariling
talento at kakayahan.
(EsP7PS-Id-2.4)

Pangalan: _Petsa:
Baitang/Seksyon: Iskor: _

GAWAIN A.1
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Nararapat na magsimula sa _ ang pagpapaunlad ng talento at
kakayahan.

A. pamilya C. sarili
B. paaralan D. kapuwa
5
2 . Alin sa sumusunod na kasabihan ang nakatutulong upang malampasan ang
kahinaan?
A. Time is Gold C. Honesty is the best Policy
B. Laughter is the best medicine D. Practice makes perfect
3. Napauunlad ang angking talento at kakayahan dahil sa _.
A. karanasan C. tiwala sa sarili
B. pinag- aralan D. masusing pagsasanay
4. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan.
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan.
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito.
Palaging mababa ang kaniyang iskor sa pagsusulit at hindi siya magkaroon ng
lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng English.
Ano ang maaaring solusyon sa suliranin ni Leo?
A.Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad
ng kaniyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa English.
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kaniyang kahinaan sa asignatura.
C. Tukuyin kung ano ang nais matutuhan upang ito ay paunlarin.
D. Lahat ng nabanggit.

GAWAIN A.2

PANUTO: Punan ang kolum B ayon sa hinihingi ng kolum A. Magbigay lamang


ng isang (1) kasagutan sa bawat pahayag. Kopyahin ang tsart sa
sagutang papel kung saan doon isusulat ang mga sagot.

A. Mga hinihinging gawain o B. Paraan


hakbangin

1. Anong paraan ang gagawin mo upang


maibahagi ang iyong talento at kakayahan
sa iba?

2. Anong paraan gagawin mo upang


malampasan ang kahinaan?

3. Anong paraan ang gagawin mo upang higit


na mapaunlad ang tiwala sa iyong sarili?

GAWAIN A.3
PANUTO: Magbigay ng dalawang pagpapahalaga o dapat maging pag-uugali
upang mapaunlad ang sariling talento at kakayahan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

6
Halimbawa: Magiging matiyaga sa pag-eensayo.

1. _
2. _

GAWAIN B. PERFORMANCE TASK (25 puntos)


Pamantayan sa Paggawa

Kraytirya Pagpupuntos
1. Kumpleto ang larawan 10
(5 puntos bawat larawan)
2. Natukoyng tama ang Multiple 4
Intelligence (2 puntos bawat tamang pagtukoy)

3. Nakasulat ng tamang paraan ng pagpapaunlad ng talento 8


(4 puntos bawat numero)

4. Kalinisan at Kaayusan 3
Kabuuan 25 puntos

Halimbawa

Simbolo ng Talento Anong Multiple Paano mo


Intelligence? pinauunlad
ang iyong?

talento
Visual/Spatial - Palaging mag-eensayo
sa pagguhit

Ikaw naman
Gayahin ang tsart sa sagutang papel

Anong
Paano mo
Simbolo ng Multiple
pinauuunlad
Talento Intelligence?
ang iyong
talento?

7
INDIVIDUAL HOME LEARNING PLAN IN ESP 7
Quarter 1, Week 5

DAY & LEARNING TASKS


LEARNING MODE OF
TIME (Reference: EsP Learner’s
COMPETENCY DELIVERY
Material 9)
2.3. Napatutunayan na
angpagtuklas at
pagpapaunlad ng mga
angking talento at
kakayahan ay mahalaga A. WHAT YOU NEED:
sapagkat ang mga ito ay (Kailangang kagamitan)
mga kaloob na kung 1. Isilid ang mga
pauunlarin ay 1. Learning Module(Aklat): nasagutang gawain sa
makahuhubog ng sarili 2. panulat/bolpen iyong plastic
tungo sa pagkakaroon ng 3. Sagutang papel (1 whole) na may envelope.
tiwalasa sarili, paglampas pangalan, pangkat at cluster. 2. Ibigay ito sa mga
sa mga kahinaan, magulang upang sila
pagtupad ng mga B. THINGS TO DO mismo ang magpasa/
tungkulin, at (Mga dapat gawin) mag-submit nito sa
paglilingkod sa paaralan/baranggay
pamayanan 1. Basahin ang unang bahagi 3. Mahalagang
(EsP7PS-Id-2.3) “Modyul 4: Pagpapaunlad ng tandaan na ilagay
2.4. Naisasagawa ang Talento at Kakayahan”.pahina 2-4 parati sa sagutang
mga gawaing angkop sa papel ang iyong
pagpapaunlad sa 2. Pag-aralan ang ikalawang bahagi pangalan,
sariling talento at pahina 4. pangkat/section,
kakayahan (EsP7PS-Id- subject at kung anong
2.4) 3. Sagutin ang worksheets sa EsP barangay at cluster
Week 5 pahina 5-7 sa isang malinis ang iyong
na papel (long pad). kinabibilangan.

Pagmomonitor sa mga awtput at mga gawaing tapos na ng mga mag-aaral

Ibabalik ng mga magulang ang mga sagutang papel ng mga mag-aaral(answer sheets and

Mahigpit pa ring susunod ang Manaoag NHS sa anomang alituntuning itinakda


ng IATF at DOH alang-alang sa kaligtasan ng lahat.

You might also like