Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LOCAL>>ASF

Buryas nga kukua dagiti hog raisers nga apektado ti ASF innala dagiti Barangay
Kagawad idiay Bacnotan, La Union

>>>>>>
Ador Gatchallian
Punong Barangay
Brgy Maragayap

Elioterio Padua - ASAWA TI BRGY TREASURER. INNALANA TI 2 NGA SLOT


Residente iti Barangay Maragayap

Marcelo Boado Sr. - KURANG TI BABOY IDIAY LISTAAN ISU NGA INNALA NA TI BURYAS.
Brgy Kagawad
Brgy Maragayap

Thelma Julaton - ADDA NAGAN NA IDIAY LISTAAN. NGEM SAAN NA KUKUA TI BABOY. ADDA
TUNGTUNGANDA DIAY MAKINKUKUA TI BABOY
Brgy Kagawad
Brgy Maragayap

RUTH CARDENES - AGREKREKLAMO A SAAN NGA NAIKKAN TI BABOY


P1000 - NAGGAPU TI PGLU
SINO NI RITA?

NATIONAL>>DUTERTE
MAS MABIGAT NA PARUSA SA KASONG PERJURY, NILAGDAAN NA NI PANGULONG DUTERTE

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na patawan ng mas


mataas na multa o parusa ang sinumang mahaharap sa kasong perjury o magbibigay ng
pahayag na pawang kasinungalingan kahit ito ay nanumpa.

Sa ilalim ng Republic Act 11594, ang sinumang manggagawa o opisyal ng gobyerno na


mapapatunayang nagkasala ng perjury ay mahaharap sa mas mataas na parusa na prision
menor sa minimum period hanggang prision mayor sa medium period mula anim na taon
at isang araw hanggang sampung taon at isang araw na pagkakakulong.

Pagmumultahin din ang may sala ng isang milyong piso at perpetual disqualification
mula sa paghawak ng anomang posisyon sa gobyerno.

Una nang sinabi ni Senador Richard Gordon, sponsor ng nasabing panukalang batas, na
layon nito na mapigilan ang sinumang magsisinungaling habang tumitistigo sa anomang
paglilitis tulad ng legislative hearing.

Makatutulong din umano ito para tugunan ang isyu ng mababang conviction rates sa
mga taong kinasuhan ng perjury.

>>

>>
PNP CHIEF INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT ANG PULISYA MATAPOS ANG PAGKAKAPASLANG SA
ISANG LIDER KOMUNISTA

INALERTO ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo


Lorenzo T Eleazar ang buong pwersa ng pulisya dahil sa posibleng paghihiganti ng
mga miyembro ng New People's Army kasunod ng pagkakapaslang sa isa nilang mataas na
opisyal na si George “Ka Oris” Madlos.
Pinapurihan ni PGen Eleazar ang militar dahil sa matagumpay nilang operasyon na
nagresulta sa pagkakapatay kay Madlos na siyang commander at tagapagsalita ng
National Operations Command ng NPA sa isang engkwentro sa Impasugong, Bukidnon
nitong Sabado (Oktubre 30).

Wika ni Gen Eleazar, “The PNP is one with our brothers in the Armed Forces of the
Philippines in curbing the lawless activities and atrocities of the communist
rebels that bring fear and terror to our communities. The entire PNP hails this
successful operation as a big blow to the CPP/NPA/NDF."

“Kasabay nito, ipinag-utos ko sa ating kapulisan na mas maging alerto sa posibleng


retaliatory attacks ng mga rebelde upang ipaghiganti ang pagkamatay ng isa sa
kanilang matataas na pinuno. Tinitiyak ko sa publiko na hindi namin ito hahayaan.
Patuloy ang pakikipagugnayan namin sa AFP upang siguruhin ang kaligtasan ng ating
mga kababayan,” dagdag pa ni Gen Eleazar.

>>
Nagbago ihip ng hangin: Lacson-Sotto hindi na itutulak 'death penalty' sa 2022
campaign

MANILA, Philippines — Ibang tono na ang inaawit ng magkatambal na standard bearers


ng Partido Reporma at Nationalist People's Coalition pagdating sa parusang
kamatayan.

Ito ang ibinahagi nina 2022 presidential at vice presidential aspirants Sen.
Panfilo "Ping" Lacson at Sen. Vicente "Tito" Sotto III, Huwebes — kahit na ilan
taon nilang itinulak sa loob ng Senado ang pagsasabatas ng parusang kamatayan.

Wika ni Lacson, labis na nakapagpabago ng kanyang isip ang pelikulang "The Life of
David Gale" sa Netflix, isang kwento tungkol sa aktibistang sinet up ang sariling
makulong kahit walang sala upang mapatunayang nabibitay ang mga inosente.

Ilan sa mga krimeng isinasali noon ni Lacson sa kanyang mga panukala nagbabalik sa
bitay ang mga guilty sa pandarambong (plunder) at iba't ibang karumal-dumal
(heinous) na krimen.

Nitong Setyembre 2021 lang nang sabihin ni Sotto sa ONE News na itutulak nila ng
running mate na si Lacson ang pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas para sa mga
drug lords at high-profile traffickers.

Kung hindi bitay, anong alternatiba?


Imbis na parusang bitay, ipinaliwanag ni Sotto na nakahanap na sila nang mas
maiging solusyon sa problema: ang pagtatayo ng hiwalay na national penitentiary
para sa mga high-level drug traffickers at heinous criminals.

Nais din daw nilang tanggalin sa Muntinlupa ang national penitentiary kung
papalaring manalo sa 2022 at gagawing regional, bagay na maaari raw simulan sa
antas ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Taong 1992 pa lang ay isa na sa mga naunang panukalang batas na inihain ni Sotto sa
Senado ang pagbabalik ng death penalty, bagay na matinding pinag-awayan sa
lehislatura.

"Mga dalawa, tatlong taon naming dinedebate sa Senate 'yon... Maganda 'yung mga
position ko noon, pero maganda rin 'yung position nila eh, 'yung mga kumokontra,"
dagdag ni Sotto, na tumatayong Senate president ngayon.
50 DAYS B4 XMAS

You might also like