Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NATIONAL

Vaccination requirement sa mga aplikante sa trabaho, legal ayon sa Pangulo

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na karapatan ng mga employers na tanggihan


ang aplikasyon sa trabaho ng mga indibidwal na hindi pa nababakunahan kontra COVID-
19.

Inihayag ito ng Pangulo sa gitna ng mga diskusyon kaugnay sa pagbibigay ng


disincentives sa mga hindi pa sumasailalim sa inokulasyon kontra COVID-19 sa kabila
ng gumagandang suplay ng bakuna.

Iginiit ng Punong Ehekutibo sa kaniyang Talk to the People na mahirap na kung


mahawaan ng infected na indibidwal ang mga katrabaho nito.

Ipinunto rin ng Pangulo na ang pagtanggi ng employers sa aplikasyon ng mga hindi pa


nababakunahang mga indibidwal ay indikasyon lamang ng pagprotekta sa kanilang mga
ari-arian, investments, at negosyo.

Binigyang diin rin ng Pangulo na paraan nila ito para protektahan ang mga sarili
nilang mga empleyado.

Una nang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) spokesperson
Restituto Padilla Jr. na pinag-uusapan na sa gobyerno ang pag-iimplementa ng
mandatory vaccination laban sa COVID-19.

>>
DOH NAALARMA SA PAGDAGSA NG MGA TAO SA MALLS AT IBA PANG MGA PAMPUBLIKONG LUGAR

Nangangamba ang Department of Health sa pagdagsa ng mga tao kabilang na ang mga
bata sa mall at iba pang pasyalan sa gitna ng pag-iral ng Alert level 2 sa Metro
Manila.

Aminado si Health Secretary Francisco Duque the third na naka-babahalang makita ang
pag-u-umpukan ng mga tao dahil sa posibleng pagsipa muli ng kaso ng covid-19.

Kaya ipinaalala ng kalihim na huwag kalimutang sumunod sa mga health protocols


tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.

Hinikayat naman ni Duque ang publiko na magpabakuna na upang magkaroon ng


proteksyon laban sa COVID-19. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa
panulat ni Drew Nacino

>>
PAGPAPAUBAYA SA DESISYON SA FACE-TO-FACE CLASS EXPANSION SA DEPED AT DOH, IHIHIRIT
NI SEC. BRIONES SA PANGULO

Ipinanawagan ni Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte na


ipaubaya na sa Departments of Health at Education ang pasya sa pagbubukas ng klase.

Inihayag ni Briones na sa ganitong paraan ay mas magiging madali ang pagpapalawak


ng face-to-face classes at matagumpay ang implementasyon nito.

Magsusumite anya sila ng memorandum kay Pangulong Duterte upang hilingin na


ipaubaya na sa dalawang nabanggit na kagawaran ang desisyon.

Ayon sa kalihim, kung pagbabatayan ang batas ay may kapangyarihan ang Pangulo na
magdesisyon sa pagbubukas ng klase.

Nobyembre 15 magsisimula ang limited face-to-face classes sa pamamagitan ng 100


pampublikong paaralan sa mga low risk area at 20 pribadong eskwela naman simula
Nobyembre 22. —sa panulat ni Drew Nacino

>>
Benepisyaryo ng 4PS na nais magpabakuna, dumami – DSWD

MANILA, Philippines — Matapos pagbantaan na hindi makatatanggap ng kanilang


benepisyo, mas marami nang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program
(4Ps) ang nais nang magpabakuna kontra COVID-19.

Inamin mismo ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant


Secretary Glenda Relova na marami talagang 4Ps beneficiary ang takot na magpabakuna
dahil sa sabi-sabing masamang epekto. Pero napaliwanagan na umano sila sa ginanap
na mga pagpupulong na isinagawa ng DSWD.

“Prior to our vaccination program, meron talagang ano, hesitancy and fears ang
ating mga benepisyaryo. Ito ay napag-alaman namin based on the survey namin bago
tayo nagkaroon ng bakuna,” ayon kay Relova.

Nagsagawa umano ang DSWD ng ibayong ‘information drive campaign’ para mabigyan ang
mga benepisyaryo ng tamang impormasyon ukol sa mga benepisyo ng pagpapabakuna.

Aabot na umano sa 526,000 benepisyaryo ang nakapagpabakuna kontra COVID-19.

“It is also worthy to note na ang ating mga 4Ps ay kabilang sa ating A5. So
nagsisimula palang tayong mag-rollout dito sa sector ng A5 so baka pagka nagkaroon
tayo ng massive rollout, tataas pa po itong figures na ito,” paliwanag pa ni
Relova.

45 DAYS B4 XMAS

You might also like