Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Gerryca Ferlle M.

Novenario
BSE-FIL 1

I. Layunin

A. Naiisa-isa ang mga Teorya na pinagmulan ng Wika

B. Nakapagbabahagi ng kanyang naging karanasan sa pagtalakay sa teoryang


pinagmulan ng wika.

C. Nakagagamit nang iba't ibang klase ng tunog sa pagbuo ng mga salita\


*hindi ganoon kaangkop sa iyong paksa, focus ka rin sa mismong content ng lesson mo, anong pwede
nilang makuha/magawa/maabot sa talakayan mo

II. Paksang aralin


A. Paksa

Teorya ng wika

B. Talasanggunian

https://www.slideshare.net/CeciliaRepalda/wikateorya

C.Mga kagamitan

Pisara, Yeso at Power Point

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na Gawain

1. Panalangin

Tatawag ang guro ng mag-aaral upang manalangin.

2.Pagbati

“ Isang Mapagpalang Umaga sa lahat”

3. Pagtatala ng mga liban

Tatawag ng isang mag-aaral na magsasaad ng mga bata na hindi nakadalo sa


talakayan

B. Pagbabalik-aral

Magbabalik tanaw sa huling talakayan:

1. Anu ang tayutay?


2. Magbigay ng uri ng tayutay

C. Pagganyak/ Motibasyon

1. Ang guro ay may ipaparinig na mga tunog sa mga bata.

“ Bago tayo tuluyan dumako sa ating talakayan ay mayroon muna akong ipaparinig
sa inyong ibat-ibang klase ng tunog na sinasabing pinagmulan ng ating wika."
*sabi ko rin ilagay ang mismong tunog, lahat nakalagay sa LP

D. Paglinang ng Aralin

1.Matapos marinig ang mga tunog na inihanda ng guro ay magtatanong


naman ang guro tungkol sa ideya na kanilang nahinuha sa kanilang narinig.

"Klase, sa inyong narinig na mga tunog anu ang inyong naging ideya? sa inyong
palagay anu ba ang koneksyon ng mga tunog na iyon sa ating magiging talakayan?"

2.Pagsisimula ng Talakayan

-Magsisimula na ang guro na talakayin ang limang teoryang naihanda para sa talakayan.

"Klase, ngayong tapos na ninyong marinig ang ilan sa mga tunog na sinasabing pinagmulan ng ating
wika ay dadako naman tayo sa pagpapakahulugan ng bawat teoryang kinapapalooban ng mga ito."

-Iisa isahin ng guro ang bawat teorya ng wika at hahayaan na magbigay ng kanya kanyang ideya
ang mga mag-aaral patungkol sa mga teoryang tatalakayin.

“Teoryang Bow-Wow Nagmula ang wika sa paggaya ng tao sa mga tunog na likha ng mga bahagi ng
kalikasan.”

“Teoryang Ding-Dong Ipinapalagay ng teoryang ito na kinakatawan ng isang ispesipikong tunog ang
mga bagay sa kapaligiran.”
“ Sino naman sa inyo ang may halimbawa para sa teoryang ito?”

“Teoryang Pooh-Pooh Nagsasaad ito na ang tao'y lumilikha ng mga likas na tunog at may
pakahulugan tayo sa mga tunog na ito sapagkat tayo ang lumikha. Sinasabing ito'y nagsisimula sa
silakbo ng damdamin o sa pagbubulalas ng pagtataka, takot, galak, sakit, at iba pa.”

“Teoryang Ta-Ta Pinaniniwalaan ng teoryang ito na natuto na ang mga tao sa pakikipagkomunika sa
bawat isa dahil sa kumpas o galaw ng kanilang mga kamay na kalaunay ginaya ng kanilang mga dila at
nagiging sanhi ng kanilang pagkatuto na lumikha ng tunog at hindi nagtagal ay makapagsalita. Ang Ta-
Ta ay nagmula sa salitang pranses na nangangahulugang paalam.”

“Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nag-uagt sa mga tunog na nalilikha
sa mga ritwal na kalauna'y nagpabago-bago at nagkaroon ng ibang kahulugan.”

- Matapos mabigyan ng pagpapakahulugan ang bawat teorya ay maglalahad naman ng mga


halimbawa ang ilang mag-aaral at ipapaliwanag kung bakit

"Klase, maaari kayong magbigay ng iba't ibang tunog na maaaring maging halimbawa ng mga teoryang ating
tinalakay, bukod sa ilang tunog na inyong narinig kanina bago pa man magumpisa ang ating talakayan.

3.Paglalahad
Matapos matalakay ang limang teorya ng wika ay maglalahad naman ng
mga halimbawa ang guro.

“Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga tunog na may kaugnayan sa ating tinalakay
na Teorya ng wika.”

E.Paglalagom

A. Sa paglalagom ay tatawag ang guro ng ilang mag-aaral para isa-isahin ang


bawat teorya ng wika.

“ Sa pagtatapos ng ating naging talakayan, natitiyak ko na hindi ninyo nakalimutan


ang bawat teorya ng wika na natalakay natin. Maaari bang isa-isahin ninyo ang mga teorya?

“ Mahusay! Inaasahan ko na hindi lamang ang bawat teorya ang tumatak sa inyong
isipan, maging ang kahulugan at ang mga halimbawa nito ay tumimo sa inyong mga isipan.

IV. Pagtataya

Magkakaroon ng Maikling pagsusulit :

Narito ang mga pagpipilian:


Teoryang Bow-wow
Teoryang Ding-Dong
Teoryang Pooh-Pooh
Teoryang Ta-Ta
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

V. Takdang Aralin

-Bumuo ng limang salita na nagmula sa ibat-ibang klase ng tunog na maririnig sa


loob at labas ng ating mga bahay.

You might also like