Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

Mala-masusing Banghay-Aralin

I. Layunin
A. Natatalakay ang katuturan ng idyoma.
B. Nailalahad ang kahalagahan ng paggamit ng idyoma sa pagsulat ng isang akdang
pampanitikan.
C. Nakagagamit ng idyoma sa pagbuo ng isang pangungusap.

II. Paksang Aralin


A. Paksa
Idyoma
B. Talasanggunian
Retorika: Ang sining ng pagpapahayag, pahina 33-35
C. Mga Kagamitan
Multipurpose board, white board marker, graphic organizer, larawan, laptop

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
Isa sa mga mag-aaral ang maaatasang manguna sa pananalangin.
2. Pagbati
“Isang mapagpalang araw sa ating lahat.”
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
“Bago tayo magsimula, siguraduhing nakabukas ang ating camera at
siguraduhing nakasarado naman ang ating mic. Magbubukas lamang kayo ng
mic kung kayo ay magsasalita at may nais sabihin. Umupo rin tayo nang
maaayos.”
4. Pagtatala ng mga liban
“Atin munang alamin kung ilan ang liban ngayon at sino-sino sila."

PAGhahanda at ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturo


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

B. Pagbabalik-aral
Magbabalik tanaw tungkol sa bugtong noong nakaraang talakayan natin .

1. Ano ba ang kahulugan ng bugtong base sa nakaraan nating talakayan?

C. Pagganyak/Motibasyon

1. Magpapakita ang guro ng mga larawan.


“May hinanda akong mga larawan sa inyo at subukan niyong pag-
ugnayin ang bawat larawan sa isa’t isa upang makabuo ng isang pahayag. Ang
tawag sa larong ito ay “PAGDUGTUNGIN MO.”

2. Sa bawat dalawang larawan na magkasama ay pag-uugnayin nila ang mga ito sa


tulong ng mga jumbled letters sa ibaba.

PAGDUGTUNGIN MO

ENGTAGN LIWAAK PITAK KUTO

‘AGNUSUSGON GN LAYKI SONGPU MMAON

PAGhahanda at ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturo


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

D. Paglinang ng Aralin
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

1. Iuugnay ng guro ang naging sagot ng mga estudyante.

"Mahuhusay! Ang mga halimbawa ng pahayag na inyong nabuo gamit


ang mga larawan ay tinatawag nating idyomatikong pahayag."

2. Pagsisimula ng Talakayan
Bilang panimula, magtatanong muna ang guro kung ano ang ideya ng mga
estudyante kapag sinabing idyomatikong pahayag.
"Ano ba ang ideya niyo kapag sinabing idyomatikong pahayag?"

"Okey tama, kapag sinabing idyomatikong pahayag ay sinasabing…”

PAGhahanda at ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturo


e
d
o
l
a
r
n
m
h
p
ti
a
m
o
y
d
i
w
s
ti
y
i
t
I
g
u
h
k
JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

3. Matapos bigyan ng kahulugan ang idyomatikong pahayag, magbibigay


ang guro ng iba pang halimbawa ng mga idyomatikong pahayag.

"Ngayong alam na natin ang kahulugan ng idyomatikong pahayag, atin


namang alamin ang iba pang halimbawa nito."

"Okey base

4. Para sa una, magtatanong ang guro sa mga estudyante kung ano ang
kahulugan ng idyomatikong pahayag na ipinakita.

"Ngayon, ano ba ang kahulugan ng idyomatikong pahayag na ito?

"Mahusay!"

'Kayod kalabaw'

PAGhahanda at ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturo


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

5. Pagkatapos nito, ipagagamit ng guro ang halimbawa ng idyomang ito sa


isang pangungusap.

“Ngayon naman class, subukan niyong umisip ng isang pangungusap


gamit ang idyomang ito"

"Okey, mahusay!

"

6. Matapos ang unang halimbawa, sunod na magpapakita ang guro ng


ikalawang halimbawa.

‘Anakpawis'

“ Ano ba ang kahulugan ng idyomatikong pahayag na ito?

"Mahusay!"

PAGhahanda at ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturo


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

7. Pagkatapos nito, ipagagamit ulit ng guro ang halimbawa ng idyomang ito


sa isang pangungusap.

“Ngayon naman class, subukan niyong umisip ng isang pangungusap


gamit naman ang idyomang ito"

"Okey, mahusay!

E. Paglalagom
1. Bilang pagtatapos, itatanong ng guro kung ano halaga ng idyoma sa pagsulat
ng mga akdang pampanitikan?
2. Ang kahalagan ng paggamit ng mga idyomatikong pahayag sa pagsulat ng iba’t
ibang akdang pampanitikan ay nagkakaroon ito ng talinhaga at hinahayaan nito na
mag-isip ng mas malalim ang mga mambabasa.

F. Paglalapat
1. Pagsasanay

a. Para sa pagsasanay, pag- iisipin ng guro ang mga estudyante ng isang


halimbawa ng idyoma at ang idyomang ito ay susubukang gamitin ng mga mag- aaral
sa paggawa ng isang saknong na tula.

IV. Pagtataya
A. Maikling pagsusulit
Panuto: Pagtapatin ang sumusunod na pahayag.
1. Matalino A. May gatas pa sa labi.
2. Bata pa B.Balat-kalabaw
3. Mabagal C. Galit-galit

PAGhahanda at ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturo


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

4. Hindi marunong mahiya. D. May utak


5. Nagpuputok ang butse. E.Usad-pagong

1. Pagkatapos makapagsagot, ibibigay ng guro ang tamang sagot na isusulat


sa multipurpose board gamit ang whiteboard marker.

V. Takdang Aralin

A. Gumawa ng isang buong tulang malaya na may apat na saknong at kakikitaan ng


apat na halimbawa ng idyoma.

Inihanda ni:
Joshua Andrei M. Javier
BSE FIL I

PAGhahanda at ebalwasyon ng kagamitang pampagtuturo

You might also like