Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

Mala-masusing Banghay-aralin sa Filipino

I. Layunin
1. Malaman ang kahulugan ng Talumpati
2. Magtukoy ang layunin ng Talumpati
3. Upang mas maalam kung paano bigkasin ang Talumpati

*Ayusin natin nang tama ang pagkakabalangkas, natalakay ko po


ito sa inyo, palitan ang mga layunin siguraduhing ito ay SMART,
gumagamit ng pandiwa sa unahan

II. Paksang Aralin


A. Paksa
Talumpati; kahulugan, konsepto, Pagbigkas
B. Talasanggunian
Jheng Interino (October 31, 2013) Pagtatalumpati, kahulugan
https://www.slideshare.net/lighterthanblue/pagtatalumpati
C. Mga kagamitan
Powerpoint presentation

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
Isa sa mga mag-aaral ang mangunguna sa panalangin.
2. Pagbati
“Isang magpagpalang umaga sa ating lahat.”
3. Pagsisiyasat sa kapaligiran
“Bago tayo tuluyang magsimula paki bukas ang ating mga
camera.
4. Pagtatala ng liban
“Class monitor Ilan ang liban ngayong araw?”

B. Pagbabalik-aral
Tayo ay magbalik aral sa ating huling tinalakay:
1. Ano ang huling naging talakayan?
*ilagay ang mismong katanungan para sa pagbabalk aral

C. Pangganyak/Motibasyon
1. Bago tayo dumako sa ating klase ako ay magpapakita ng
powerpoint presentation at tayo ay magkakaroon ng Jumble
words at pagtapos itong sagutan ako ay tatawag ng ilang nga
studyante upang ibigay ang tamang sagot.

Pagtuturo at pagtataya sa makrong kasanayang pangwika gawain


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

“Mahusay ang lahat! Dahil na sagot niyo ng tama ang aking ilang
mga katanungan.”

*ano ang laman ng mismong motibasyon? Ilalagay sa LP ang


detalye nito

D. Paglinang ng Aralin
1. Tayo ngayon ay magsisimula na sa ating talakayan at ako ay may
katanungan sainyo.

Ano ang kahulugan ng Talumpati?


Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao
na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para
sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa
na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Ano ang Layunin ng Talumpati?

Ang layunin nito ay makahikayat at mapaniwala ang kanyang


mga tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw at maayos na
paglalahad ng pangangatwiran.

2. Ngayon naman ay ating aalamin kung ano ang mga uri ng


Pagbigkas ng Talumpati.

Malumay – may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan.


Maaaring magtapos sa patinig o katinig. Banayad at walang
antala ang pagbigkas sa huling pantig, walang kuglit.

Malumi – may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan . May


impit mula sa huling pantig. Nagtatapos sa patinig lamang. (\)
Paiwa ang tuldok na ginagamit.

Mabilis – Binibigkas ng tuloy-tuloy. Walang diin at antala


hanggang sa huling pantig. Maaaring magtapos sa pantinig o
katinig.

Maragsa – Binibigkas ng tuloy-tuloy, may impit sa huling


pantig. Nagtatapos sa huling pantig lamang nilalagyan ng tuldok
na pakopya.

Pagtuturo at pagtataya sa makrong kasanayang pangwika gawain


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

3. Ano nga ba ang mga dapat isaalang-alang sa Entablado?

Ang Mananalumpati – Dapat isaalang-alang ng mananalumpati


ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; Ang
kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit,
kanyang asal sa Entablado, kumpas ng kamay; at dapat laging
tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng
mga tao.

Ang Talumpati – Kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng


talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan
ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at
kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito ng
malinaw sa mga tagapakinig.

Ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman


ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig
upang makapag isip siya ng mabuting paraang gagamitin na
makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga
ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati.

4. Kanina ay ating nalaman kung ano ang uri ng Pagbigkas ng


talumpati ngayon naman ay ating aalamin kung ano ang uri ng
talumpati.

Talumpating Nagbibigay-aliw – Isinasagawa sa mga handaa,


pagtitipon o pag salu-salo.
Talumpating Nagdaragdag-kaalaman – Madalas isinasagawa
sa mga lektyur at pag-uulat.
Talumpating Nanghihikayat – Ginagamit upang mapakilos,
mag-impluwensya sa tagapakinig.
Talumpating Nagbibigay-galang – Ginagamitsa pagtanggap ng
bagong kasapi o bagong dating.
Talumpating Nagbibigay-papuri – Ginagamit sa pagbibigay ng
pagkilala sa mga pumanaw.

5. Ang mga dapat iwasan sa Pagtatalumpati

Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay


maging simple upang maging kaigaya-igaya sa mga nakikinig.

Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot.

Pagtuturo at pagtataya sa makrong kasanayang pangwika gawain


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

Huminto kung tapos na. huwag nang dagdagan nang dagdagan


pa upang hindi lumabo at maging paligoy-ligoy.

*Paglinang ng Aralin- umisip ka ng stratehiya paano mo


maaaring ituro ung paksa, hindi kasi pwedeng kagaya lang ng
usual na reporting na ipapabasa then ipapaliwanag ni teacher, as
much as possible, facilitator na lang tayo, student ang
magbibigay ng info thru our strategy or tasks to them.

E. Paglalagom
Bilang pagtatapos ng ating klase, magtatanong ang guro kung ano ang uri
ng talumpati.
*paano mo isusum up ang talakayan mo?

F. Paglalapat
Ibahagi sa ating klase kung ano ang kahalagahan ng talumpati. (palitan ito)

IV. Pagtataya
Kumuha ng isang malinis na papel at isulat dyan ang apat na uri ng
Pagbigkas ng Talumpati.

V. Takdang Aralin
1. Ang aking ibibigay na mga tanong ay inyong sasagutan sa
malinis na papel.

Ipaliwanag kung ano ang Malumay, Malumi, Maragsa at mabilis.

Pagtuturo at pagtataya sa makrong kasanayang pangwika gawain


JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

COLLEGE DEPARTMENT

Inihanda ni:
Mariel A. Gonzales
BSE 1 FILIPINO

Iniwasto ni:
Bb. Desserie Mae Garan
Gurong kaagapay

Pagtuturo at pagtataya sa makrong kasanayang pangwika gawain

You might also like