Q2 - Week 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Ang Kwento ng Makasaysayang

Pook at Pangyayari sa Aking Kinabibilangang


Rehiyon
Alamin
Panimula
May alam ka bang makasaysayang pook o pangyayari sa inyong bayan?
Napuntahan mo na ba ang pook na ito? Alam mo ba ang mga pangyayari kung bakit naging
makasaysayan ito?

Ang ating bansa, kasama ang kinabibilangan nating komunidad, bayan, lalawigan, at
rehiyon ay may napakaraming pook na makasaysayan. Makabubuti na malaman mo kung ano- ano ang
kwento ng mga makasaysayang pangyayari sa ating lalawigan at rehiyon. Ito ay upang maunawaan mo
ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa mga pagbabagong tinatamasa ng lalawigan at rehiyon sa
kasalukuyan. Ang pagdalaw sa makasaysayang mga pook ay pagbibigay-galang, pagpupugay, at
pagpapasalamat sa mga taong nagbigay ng lakas, panahon, at buhay para sa ikabubuti ng marami.
Aalamin mo sa araling ito ang kwento ng ilang makasaysayang pook at pangyayari na nagpapakilala sa
iyong kinabibilangang lalawigan at rehiyon.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
 Nakasasalaysay ng kuwento ng mga makasaysayang pook o pangyayaring nagpapakilala sa
sariling lalawigan at mga karatig- bayan sa rehiyon.
 Nakauugnay sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang kuwento ng mga makasaysayang
pook o pangyayari sa sariling lalawigan at iba pang lalawigan ng kinabibilangang rehiyon.

Subukin
Paunang Pagtataya
Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong paunang kaalaman, kakayahan, at pang-unawa tungkol sa mga
kuwento ng makasaysayang pook at pangyayari sa mga lalawigan ng iyong kinabibilangang rehiyon.

Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat sa iyong
kuwadernong pang aktibiti ang iyong sagot.

Ang Fuerza de Sta. Isabel ay isang makasaysayang pook na makikita sa Palawan.


Bahagi ng makasaysayang pangyayari sa Occidental Mindoro ang pagbukas ng paliparan kung saan
naging mabilis ang paglalakbay mula rito patungong Kamaynilaan.
Naganap sa Romblon ang makasaysayang Labanan sa Pulang Lupa.
Naging bahagi ng lalawigan ng Capiz ang Oriental Mindoro noon.
Ang pagdalaw sa mga makasaysayang pook ng mga mamamayan sa kasalukuyan ay pagpapakita ng
pagpapahalaga at pagsasariwa sa mga pangyayari sa kasaysayan.

1
Maraming salamat sa iyong ginawang pagsagot. Nakuha mo ba ang tamang sagot? Kung hindi
huwag mag-alala dahil may nakahandang mga gawain upang maunawaan mo ng lubusan ang aralin.
Handa ka na ba sa iyong paglalakbay sa mga makasaysayang pook? Simulan mo na.

Mga Kuwento ng Makasaysayang Pook at


Aralin 1 Pangyayari sa Aking Lalawigan at
Kinabibilangang Rehiyon

Maraming makasaysayang pook ang matatagpuan sa iba’t ibang lalawigan at rehiyon sa ating bansa
kasama na ang iyong sariling lalawigan. Ang mga kuwento nito ay isang mahalagang kaalaman upang
mabigyang-halaga ang mga pook na ito at maibabahagi mo rin sa iba. Nasasariwa sa ating isipan ang
mga mga mahahalagang pangyayari sa ating lalawigan at kinabibilangang rehiyon mula sa sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan dahil sa mga kuwentong ito. Bilang isang mamamayan, mahalagang
alam mo ang kuwento ng inyong lugar dahil ang kasaysayan ay nakapagtuturo ng mahahalagang aral at
nakagagabay sa paggawa ng mabuting desisyon sa hinaharap.
Balikan
Naaalala mo pa ba kung paano nabuo ang mga lalawigan sa Rehiyong MIMAROPA?
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita mula sa loob ng panaklong upang mabuo
ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong pang aktibiti.
1. Kilala sa tawag na _______________ ang Rehiyong MIMAROPA. (Hilagang- Silangang
Katagalugan, Timog- Kanlurang Katagalugan)
2. Binubuo ng limang _________ ang MIMAROPA. (lalawigan, lungsod)
3. Sa bisa ng _________ang Rehiyon IV-B ay tinawag na Rehiyong MIMAROPA. (RA 1155,
RA 10879)
4. Ang Rehiyong MIMAROPA ay may kabuoang sukat na ___________
( 29,620. 90 kilometro parisukat, 300,000 kilometro parisukat).
5. Ang ________ ang pinakamalaking lalawigan sa rehiyon.
(Marinduque, Palawan)

2
T uklasin

3
Kung mayroon kang bisita mula sa ibang bansa o bayan na humihiling na dalhin mo siya sa
makasaysayang mga pook sa inyong lalawigan, alam mo ba kung saan-saan mo siya dadalhin? Narating
mo na rin ba ang mga lugar na ito?
Tulad ng mga pangyayari sa iyong buhay, ang iyong lalawigan at iba pang lalawigan sa
kinabibilangan mong rehiyon ay may makasaysayang kuwento at mahahalagang pangyayari na naging
ambag sa kasaysayan ng ating bansa. Sa susunod na gawain ay malalaman mo ang ilan sa mga
makasaysayang pangyayari sa mga lalawigan ng Rehiyong MIMAROPA. Iyong matutuklasan sa araling
ito ang mga kasaysayan ng iyong kinabibilangang rehiyon.
Halina’t simulan mo na ang pasasagawa!

Gawain: Tutuklasin ko.


Panuto: Pumili ng isa sa mga lalawigang nasa kahon na gusto mong tuklasin ang kasaysayan. Punan
ang talahanayan ng mga salita na may kaugnayan sa pagkakakilanlan sa lalawigan. Gawin ito sa iyong
kuwadernong pang aktibiti.

Ang Aking Lalawigan


Kaugnay na Palawan Romblon Marinduque Oriental Occidental
pagkilala Mindoro Mindoro

Kabisera

Magandang
tanawin

Hanapbuhay

Mga produkto

Suriin

Gawain: Basa’t Suri


Panuto: Basahing mabuti ang teksto upang masagutan at maunawaan ang susunod na gawain. Tiyak
na masisiyahan ka sa iyong pagbabasa dahil para ka na ring naglakbay sa mga piling lugar sa
MIMAROPA. Tara na. Tayo ng maglakbay!

Kuwento ng mga Makasaysayang Pook o Pangyayari sa Occidental Mindoro

Ang Occidental Mindoro ay isang lalawigan na kabilang sa Rehiyong MIMAROPA. Ito ay dating
isang lalawigan simula sa panahon ng mga ninuno hanggang natapos ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang paghahati nito sa dalawang lalawigan, ang Occidental at Oriental

4
Mindoro ay itinuturing na pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng lalawigan. Isa sa
makakasaysayang pook na matatagpuan sa lalawigan ng Occidental Mindoro ay ang Parola Park.
Makikita sa parkeng ito ang lumang kanyon at ang makasaysayang parola. Ang mga Espanyol ang
nagpagawa nito noong 1861 upang agarang makikita ng mga bantay kung may paparating na mga
piratang Moro na nais lumusob sa lugar. Sa dulong bahagi ng parke, makikita ang groto ng Our Lady of
Fatima. Ang parkeng ito ay kilala na ngayong Presing Park, hango sa pangalan ng kabiyak ng dating
Alkalde Loreto Urieta kung saan nangyari ang pagpapalit ng pangalan ng parke sa panahon ng kanyang
panunungkulan. Sa kasalukuyan, ito ay isang magandang pook pasyalan na nagaalok ng
pinakamagandang tanawin sa paglubog ng araw.

Itinuturing ding isang makasaysayang lugar ang paliparan


sa Barangay San Roque, Occidental, Mindoro. Ginawa ito ng
mga sundalong Amerikano bilang panlaban sa mga Hapones
noong panahon ng digmaan. Ginawa itong commercial airport
noong 1951 at nagkaroon ng regular na biyahe ng eroplano
mula San Jose patungong Maynila.

Kuwento ng Makasaysayang Pangyayari sa Oriental


Mindoro

Isa sa mga lalawigan ng Rehiyong MIMAROPA ang Oriental Mindoro. Ang lungsod ng Calapan ang
kabisera nito at sinasakop ang Silangang kalahati ng pulo ng Mindoro. Tulad ng Occidental Mindoro, isa
sa mahalagang pangyayari sa lalawigan ay ang paghahati ng Mindoro sa dalawang lalawigan. Inihain ito
sa Kongreso ni Assemblyman Raul Leuterio sa pamamagitan ng Republic Act No. 505 na pinagtibay
noong Hunyo 13, 1950.

Ang paghahati sa dalawang lalawigan ay masayang idinaraos tuwing ika-15 ng Nobyembre. Sa


kasalukuyan, higit na napagtutuunan ng pansin ang pamamahala at pamumuno sa lahat ng programa,
proyekto, serbisyo, at mga gawain sa lalawigan dahil sa pagiging independente nitong lalawigan.

Ang Makasaysayang Pook at Pangyayari sa Palawan

Ang Taytay ay isa sa mga bayan sa lalawigan ng Palawan. Kilala rin ito sa tawag na “Estrella del
Norte.” Dito matatagpuan ang makasaysayang kutang La Fuerza Sta. Isabel. Ang mga archive ng militar
na Espanyol ang nagbigay ng pangalan nito bilang parangal kay Reyna Isabela II ng Espanya. Nagsimula
ang konstruksiyon ng kuta noong 1667 sa ilalim ng Augustinian Recollect Fathers at natapos noong
Disyembre 17, 1738 pagkatapos ng 71 taon na sapilitang paggawa (polo y servicios). Labis na
paghihirap ang naranasan ng mga bumuo nito. Bukod sa mabigat na trabaho sa konstruksiyon, at ang
pagpasok ng mga solidong coral rock mula sa ilalim ng dagat, ang mga manggagawa ay kailangan pang
mag-ambag ng kalabaw o baka.
La Fuerza Sta. Isabel

Ang kuta ay napakahalaga


sapagkat nagsilbi itong proteksyon
sa mga mamamayan laban sa mga
piratang Moro na palagiang
sumasalakay sa mga baybaying
bahagi ng Palawan. Maraming
pagkakataong sinalakay ang bayan
ng Taytay ng mga piratang ito.
Subalit karamihan sa mga

5
pagtatangkang ito ay hindi nagtagumpay dahil sa proteksiyon ng kuta at lakas ng mga kanyong
nakapuwesto sa itaas na bahagi nito. Ang mga kanyong ito ay makikita pa rin hanggang ngayon sa
nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, ang kutang Sta. Isabel ay dinarayo ng mga lokal at banyagang turista. Sa gilid na
bahagi nito ay may malawak na espasyo na pinagdarausan ng taunang pagdiriwang, ang “Pasinggatan
Festival” Ang pasinggat ay isang termino para sa ningning, kakinangan para sa Estrella del Norte o “Star
of the North” ng Palawan. Ang mga mamamayan ay sama-samang nakikiisa sa parada at nanonood ng
pagtatanghal ng bawat barangay lalo na ang Sayawan sa Kalsada o “Street Dancing. Isang patunay ito ng
patuloy na pagpapaunlad ng kultura ng mga Palawenyo.

Ang Makasaysayang Pangyayari sa Marinduque

Ang Marinduque ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyong MIMAROPA


sa Luzon. Boac ang kapital nito. Tulad ng ibang lalawigan, ang Marinduque ay may natatanging
kasaysayan.
Naging isang independenteng lalawigan ang Marinduque sa maikling panahon nang dumating ang
mga Amerikano. Ito ang unang isla na may mga kampo ng mga Pilipino na lumaban sa mga Amerikano
noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Sa Marinduque naganap ang Labanan sa Pulang Lupa sa
pamumuno ni Colonel Maximo Abad kung saan 250 sundalong Pilipino ang nasawi laban sa limampu’t
apat na sundalong Amerikano.
Noong Pebrero 21, 1920, ang Batas 2280 ay ipinasa sa Kongreso ng Pilipinas na muling itatag ang
Marinduque bilang isang hiwalay na lalawigan.
Bantog ang Marinduque para sa Pistahang Moryon na ipinagdiriwang taon-taon. Ang Moriones ay
isang taunang pista na ginaganap kung saan isinasadula ang kuwento ng pagpapasakit ni Hesus.
Dinarayo ang pagdiriwang ng mga lokal na turista at banyagang dayuhan kung kaya’t nakatutulong ito
sa pagpapaunlad ng turismo ng lalawigan.

Ang Makasaysayang Pangyayari sa Romblon

Ang Romblon ay isang kapuluang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyong MIMAROPA.


Nagsimula ang kasaysayan ng Romblon sa pagkakatuklas ng kabaong sa kuweba sa isla ng Banton
noong 1936. Patunay ito na mayroon ng sibilisasyon at sariling kultura ang mga tao rito na nagmula sa
mga Negrito at Mangyan ng Mindoro.

Noong ika-16 ng Marso, 1901 naitatag ang Pamahalaan Sibil sa Romblon at ito’y nahahati sa labing-
isang bayan. Dahil sa kakulangan ng kita ng lalawigan, ito ay isinama na lalawigan ng Capiz noong ika-
15 ng Hulyo 1907. Muling ibinalik ang pagiging lalawigan nito sa bisa ng Philippine Act No. 2724.
Subalit ibinalik naman sa lalawigan ng Capiz noong panahon ng mga Hapon. Noong Ika-1 ng Enero
taong 1947 nang muli nitong nakamit ang pagiging lalawigan. Sa pagiging isang lalawigan, higit na
napangangasiwaan ng mga lokal na opisyales ang lalawigan na naging dahilan ng pag-unlad ng
imprastruktura, ekonomiya at kabuhayan ng mga mamamayan.

Pamprosesong Tanong:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pamprosesong tanong sa iyong kuwardernong pang-aktibiti.
1. Ano ang pinakamahalagang pangyayari sa Occidental Mindoro?
2. Bakit naging makasaysayan ang Parola Park?
3. Ano ang naging kaugnayan ng pagbubukas ng paliparan sa San Jose, Occidental Mindoro sa
kasalukuyang pamumuhay ng mga tao?
4. Sinong mambabatas ang naghain sa Kongreso ng panukalang batas sa paghahati ng Mindoro
sa dalawang lalawigan?

6
5. Paano naging makasaysayan ang Kutang Sta. Isabel? Ano ang naging kaugnayan nito sa
kasalukuyang pamumuhay ng mga tao sa lugar?
6. Bakit naging makasaysayan ang Labanan sa Pulang Lupa sa Marinduque?
7. Ano ang dahilan kung bakit naisama ang Romblon sa lalawigan ng Capiz noong taong 1907?
8. Ano ang naging kaugnayan nito sa pamumuhay ng mga mamamayan sa Romblon sa
kasalukuyan?
9. Sa paanong paraan maaaring mapangalagaan ang ating makasaysayang pook?

Pagyamanin
Gawain: Alam ko, Itatala ko
Panuto: Ngayong alam mo na ang mga makasaysayang kuwento sa mga lalawigan ng
iyong rehiyon, maaari mo bang punan ang talahanayan sa ibaba? Gawin sa kuwadernong
pang aktibiti.
Lalawigan Makasaysayang Kaugnayan ng
Pangyayari Pangyayari sa
Pamumuhay ng mga Tao

Occidental Mindoro

Oriental Mindoro

Palawan

Marinduque

Romblon

Isaisip
Panuto: Dugtungan ang pangungusap upang makabuo ka ng isang konsepto at
pahayag na may kaugnayan sa mga makasaysayang pook at pangyayari sa iyong rehiyon.
Piliin ang tamang salita na nakalagay sa kahon sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwadernong
pang-aktibiti.
paghiwalay madali paghati

Amerikano nagpapakita

1. Ang pinakamahalagang pangyayari sa lalawigan ng Mindoro ay ang ________ nito sa dalawang


lalawigan, ang Occidental at Oriental Mindoro.
2. Sa paghahati ng Mindoro sa dalawang lalawigan ay naging ________ ang pangangasiwa rito at mabilis
na napapaunlad ang mga bayang nasasakupan.
3. Ang pagtatanghal ng mga pagdiriwang sa makasaysayang pook tulad ng Fort Sta. Isabel ay
____________ ng pagbubuklod at pagpapahalaga ng mga mamamayan sa pagpapaunlad ng kultura.
4. Nabigyang-pagkakataon ang mga mamamayan ng Romblon na pamunuan ang lalawigan dahil sa
____________nito sa lalawigan ng Capiz.
5. Naging isang independenteng lalawigan ang Marinduque noong panahon ng mga_________________.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kuwadernong pang aktibiti.

7
1. Kilala sa kasalukuyan ang lalawigan ng Marinduque na isa sa mga mapayapang lalawigan sa ating
bansa. Ngunit noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano ito ang unang isla na may kampo ng
mga Pilipino na lumaban sa mga Amerikano. Ano ang tawag sa makasaysayang labanan sa naturang
lugar?

A. Labanan sa Sibuyan C. Labanan sa Mariveles


B. Labanan sa Pulang Lupa D. Labanan sa Boac

2. Ang paliparan sa San Jose, Occidental Mindoro ay tinuturing na makasaysayang lugar sapagkat ito
ay ginawa ng mga Amerikanong sundalo bilang panlaban sa mga Hapones. Paano nakatulong ang
makasaysayang lugar na nabanggit sa kasalukuyang panahon lalo’t higit sa mamamayang nakatira
dito?
A. Nagkaroon ng regular na biyahe ng eroplano mula San Jose patungong Maynila.
B. Naisara ang mga daungan dahil iilan na lamang ang sumasakay sa barko patungong Maynila.
C. Maraming eroplanong pandigma ang nakahimpil sa paliparan upang ipagtanggol ang
lalawigan.
D. Naging kaunti na lamang ang bumibiyaheng mamamayan patungo sa ibang lalawigan.

3. Bahagi noon ng lalawigan ng Capiz ang Romblon at nakamit anpagiging lalawigan


nito noong taong 1947. May malaki bang naitulong sa mga mamamayan ng Romblon
ang nabanggit na pangyayari?

A. Opo, dahil nagkaroon ng maraming dayuhan na naging sanhi ng pag unlad ng mga pook-
pasyalan sa lugar
B. Opo, dahil nabigyang-pagkakataon ang mga mamamayang pamunuan ang lalawigan kaya
mabilis na napaunlad ang ekonomiya at imprastruktura sa lugar.
C. Hindi po, dahil nagkaroon ng maraming dayuhan na naging sanhi ng masikip na pook-pasyalan.
D. Hindi po, dahil naging suliranin ang pamamahala sa lalawigan dulot ng malaking populasyon.

4. Ang mga makasaysayang pook tulad ng Kuta ng Sta. Isabel ay dinarayo ng mga
turista lokal man o banyaga. Ang bahagi nito ay naging tanghalan ng taunang
“Pasinggatan Festival” kung saan sama-samang pinanapanood at tinatangkilik ng mga
mamamayan. Alin sa sumusunod na paglalarawan na nagkaroon ng malaking
kaugnayan ang makasaysayang pook na ito sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao
sa naturang lugar?
A. Naipakikita ng mga mamamayan ang pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng bayan.
B. Nagagamit ng mga mamamayan ang lugar sa lahat ng pagkakataon.
C. Napababayaan ang ilang pook-pasyalan sa lugar.
D. Naging tanyag sa buong lalawigan ang nagsisitanghal sa pagdiriwang.

5. Bilang isang mag-aaral at mamamayan, sa paanong paraan mo maipakikita ang


pagpapahalaga sa mga makasaysayang pook sa inyong bayan o lalawigan?
A. Gumupit ng larawan ng makasaysayang pook mula sa aklat at ipaskil ito sa matataong lugar.
B. Ipagkatiwala na lamang sa mga kawani ng turismo ang pangangalaga rito.
C. Magbabasa ng mga lathalain tungkol sa mga makasaysayang pook ng ibang bansa.
D. Pag-iwas sa pagkakakalat, pagdudumi, pagsusulat sa mga dingding, at pagsira sa anumang
bahagi ng mga lugar, bantayog, o monumento.

8
Pagpaparami ng Bilang Gamit ang
Multiples ng 2-3 sa Bilang ng 2 Digit at
Multiples ng 10, 100, at 1000
Sa nakaraang taon ay natutuhan mo na ang pamamaraan ng pagkuha ng produkto o product ng
dalawang bílang kaugnay ng pagpaparami o multiplication.

Sa araling ito ay matutuhan mo pa ang pagpaparami o multiplication ng bílang na may 2–3 digit sa
pamamagitan ng bílang na may 1 digit na may pagpapangkat o regrouping at walang pagpapangkat.
Matutuhan mo din ang pagpaparami o (multiplying) ng bílang na may 2 digit at pagpaparami
(multiplying) ng bílang gamit ang multiples ng 10, 100, at 1000.

Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Suriin mo kung paano ipinakita ang pamamaraan ng
pagpaparami (multiplying) ng bílang na may 2–3 digit sa pamamagitan ng bílang na may 1
digit na may pagpapangkat at walang pagpapangkat.

D
Sa pagpaparami (multiplying) ng bílang na may 2–3 digit sa pamamagitan ng bílang na may 1 digit
ay kailangang magsimula sa isahan o ones digit papunta sa kaliwa. Tingnan ang halimbawa sa ibaba ng
pagpaparami (multiplilying) gámit ang place value at long method.

Pagpaparami (multiplying) ng bílang na walang pagpapangkat gámit ang place value:


I-multiply ang isahan o ones digit: 7 x 1 = 7. Isulat ang
7 sa ibaba ng ones place. I-multiply ang tens digit 6 ng
multiplier na 7, ang sagot o product ay 42 tens. Isulat ang
42 sa kaliwa ng ones digit 7. Sa makatuwid, 61 x 7 = 427.

Pagpaparami (multiplying) ng bílang na mapagpapangkat gamit ang


long method: I-multiply ang ones digit: 5 x 4 = 20. Isulat ang 0 sa ones
place at ipangkat ang 2 sa itaas ng tens place. I-multiply ang tens digit 8.
8x 5 = 40. Idagdag ang ipinangkat na digit 2, ang sagot ay 42 tens. Isulat
ang 42 tens sa kaliwa ng 0. Ang product ay 420.

9
Tandaan: Kapag ang multiplier ay 10s, 100s, at 1 000s, kopyahin ang
bilang na nasa multiplicand at idagdag ang zeros na nasa multiplier.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sipiin sa iyong kuwaderno. Sagutin ang mga sumusunod gamit ang
place value ang Long method. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

A
Alamin natin kung saan nanggaling si Myla sa pamamagitan ng pagtukoy sa product ng sumusunod
na bílang. Hanapin ang katumbas nitong titik sa ibaba at isulat ito sa talahanayan upang mabuo ang
salita.
1. 1000 x 8 4. 1000 x 43 7. 100 x 170
2. 1000 x 17 5. 1000 x 55 8. 100 x 80
3. 1000 x 5 6. 1000 x 7 9. 1000 x 12

1 2 3 4 5 6 7 8 9
Sagot
Titik

A-17 000 I-43 000 P-12 000 C-55 000 L- 700 G-5 000 M-8 000

Nanggaling siya sa M ____ ____ ____ ____ ____ A ____ ____ !

10
Pagtukoy sa Wastong Ekspresyon
sa Pagbibigay ng Reaksiyon
Natutuhan mo sa mga nakaraang aralin ang mga panghalip pananong. Pag-aaralan mo naman ngayon
ang mga ekspresyong ginagamit sa pagbibigay ng reaksiyon.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutukoy mo ang mga ekspresyon na angkop sa pagbibigay
ng reaksiyon tungkol sa mga lokal na balita, impormasyon, propaganda na pampaaralan, komunidad at
iba pang lokal na gawain.
Basahin ang isang anunsiyo at ang usapan tungkol dito.

ANUNSIYO
ANO: Iwas COVID-19 Online Seminar
KAILAN: Disyembre 18, 2020 sa ika-3:00 ng hapon
SINO: Lahat ng mga mamamayan ng Barangay Uno
PAALALA: Maghanda ng papel at panulat

-Barangay Kapitan

SONIA: Magandang araw sa iyo, Divina. Nabasa mo na ba ang anunsiyo ng ating Barangay
Kapitan?
DIVINA: Oo, Sonia. Magkakaroon ng online seminar. Dadalo ka ba?
SONIA: Oo. Napakahalaga kasi nito, sabi nga ni Tatay Pilo.
DIVINA: Tama ka. Kami rin ay manonood. Sabi ni Nanay Jean ay matututuhan natin dito ang mga
dapat gawin.
SONIA: Iniisip ko iyong mga walang internet. Paano sila makakalahok?
DIVINA: Hindi problema iyan. Maririnig din sa radyo ang programa. Mamimigay rin daw sa bawat
bahay ng babasahin tungkol sa pag-iwas sa COVID-19.
SONIA: Mahusay. Sana ay maraming makapanood upang wala nang magkasakit.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang programang gaganapin ayon sa anunsiyo?
2. Kailan isasagawa ang programa?
3. Sino ang nagpadala ng anunsiyo?
4. Ano ang naging reaksiyon ni Sonia tungkol dito?
5. Ano ang naging opinyon ni Divina sa sinabi ni Sonia?

May mga anunsiyo rin bang katulad nito sa inyong barangay? Paano ka tumutugon dito?
Ang pagbibigay ng reaksiyon tungkol sa balita, impormasyon at iba pa ay isang mabuting kasanayan.
Ito ang paraan upang maipahayag mo ang sariling saloobin, opinyon, at pananaw hinggil sa mga
kaisipang inilahad.
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga ekspresyong magagamit:
*Nauunawaan ko at sumasang-ayon ako ____

11
*Paumanhin ngunit hindi ako sumasang-ayon _____
*Kung ako ang tatanungin _____
*Kung hindi ako nagkakamali _____
*Sa aking palagay/ sa aking pananaw _____
*Maaaring tama ngunit para sa akin _____ *Tama at mabuti iyan _____

Ang pagbibigay ng reaksiyon ay maaaring pagsang-ayon, o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o


kausap. Ito ang iláng bagay na dapat tandaan sa pagpapahayag ng reaksiyon:
1. Unawaing mabuti ang pahayag o sinasabi.
2. Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa pinag-uusapan.
3. Gawing simple ngunit malinaw ang iyong pahayag.
4. Gumamit ng magagalang na pananalita.

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuying kung ang mga salitang may salungguhit ay wastong
ekspresyon sa pagbibigay ng reaksiyon. Lagyan ng tsek (✓) kung oo at ekis (X) naman kung hindi. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Tama at mabuti ang iyong iniisip. Maging magalang sa lahat.
2. Sundin mo na lamang ako. Ito ang tama.
3. Kung hindi ako nagkakamali, dapat basahing mabuti ang mga aralin bago sagutin ang mga tanong
sa gawain.
4. Ayaw ko. Hindi ko gusto ang sinasabi mo.
5. Kung ako ang tatanungin, mahalaga pa rin ang pag-aaral.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung anong ekspresyon sa pagbibigay ng reaksiyon ang
ginamit sa pahayag. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Sa aking palagay, mas makabubuting sumunod sa nanay at tatay.
2. Kung ako ang tatanungin, dapat mag-aral na lamang kaysa maglaro sa labas.
3. Maaaring tama ang magpahayag ngunit para sa akin, mas mainam na huwag sumagot ng pabalang
sa magulang.
4. Kung hindi ako nagkakamali, Marso nang sinimulan ang community quarantine sa bansa.
5. Sumasang-ayon ako na mahalaga ang papel ng mga guro sa panahon ng pandemya.

A
Natutuhan mo sa araling ito na ang mga salitang ginagamit sa pagsang-ayon o pagsalungat sa isang
pahayag.

Kapag ikaw ay magbibigay ng reaksiyon sa mga nababasa o naririnig tulad ng balita, anunsiyo o iba
pang kaisipan, dapat mong gamitin ang wastong _________.

Payak na Hulwaran
at Ayos ng Musika
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makagagawa ka ng payak na hulwaran panghimig at melodic
countour.

12
Balik-aralin ang Kodaly Hands.

Isagawa ang Kodaly hands sa pagbabasa ng so-fa silaba. Ano ang napansin mo sa iyong kamay
habang binabasa mo ang so-fa si-laba gámit ang Kodaly Hands?
1. Ano ang ayos ng melodiya? Pataas ba o pababa?
2. May mga pagkakataon ba na pantay ang tunog/nota?
3. Ano-anong salita ang may pantay na tunog/nota?

May iba’t ibang direksiyon o paggalaw ang melodiya. Maaari itong tumaas, bumaba, o manatili sa
pantay na antas.

Maaaring makabuo ng hugis buro l, bundok,

pantay , lambak at

talampas ..
Ang tawag dito ay Melodic Contour o Ayos ng Melodiya.

D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Malayang pumili ng awit o isang tugtugin. Puwede ka rin namang
kumuha ng awit o tugtugin sa internet, radyo, TV, o sa cellphone. Habang nakikinig ka sa awit o
tugtugin, iguhit mo sa iyong kuwaderno ang ayos/galaw/hugis ng himig o melodiya kung ito ay tumataas
o bumababa. Gamitin ang mga hugis sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Magpatulong ka sa iyong kasama sa bahay sa pagsagawa ng gawaing


ito. Pagmasdan ang piyesa sa ibaba. Iguhit mo sa sagutang papel ang ayos o hugis ng himig ng unang
linya ng melodiya. Gamitin ang mga hugis sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

13
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Tingnan ang awit na The Swan. Iguhit mo ang ayos/direksiyon o
hugis ng himig o melodiya sa iyong kuwaderno. Gamitin ang mga hugis sa ibaba. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

The Swan

E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4 : Gumawa ng payak na hulwarang himig na binubuo ng apat na sukat
sa palakumpasang .
Lagyan ng pamagat ang ginawang komposisyon. Ang ayos dapat ng himig ay may pagtaas at
pagbaba o pantay. Gayahin ang nása ibabang larawan. Iguhit ang ayos/hugis ng ginawa mong himig.
Gawing gabay ang hugis sa ibaba.

Pamagat:

Gawain sa Pagkatuto Bílang 8: Gumawa ng payak na hulwarang himig na binubuo ng apat na sukat
sa palakumpasang .
Lagyan ng pamagat ang ginawang komposisyon. Ang ayos dapat ng himig ay may pagtaas at
pagbaba o pantay. Gawin mo ito iyong sagutang papel. Gayahin ang nása ibabang larawan.

14
Lagyan ng tsek (√) ang kahon bilang pagsukat sa ipinakitang kakaya-han sa paggawa ng payak na
himig.
Kailangan ng
Pamantayan Mahusay Maayos
Pag-unlad
1. Maganda at malinis ang pagkasulat sa kuwadernong
pangmusika.
2. Makikita ang pagtaas at pagbaba ng mga nota.
3. Wasto ang pagkakalagay ng mga nota.
4. Naiguhit ang ayos/hugis ng hulwarang himig sa
sagutang papel.

A
Buoin ang talata sa ibaba. Piliin ang sagot sa kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

May iba’t ibang direksiyon o paggalaw ang _________. Maaari itong tumaas, ____________ , o
manatili sa pantay na antas.

Maaaring makabuo ng hugis burol, ____________, pantay, lambak at talampas. Ang tawag dito ay
___________ o Ayos ng Melodiya.

Melodic Contour melodiya bumaba


Bundok ilog

15
Komplementaryong Kulay at Hugis
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maipakita mo kung paano nalilikha ang armonya sa isang
sining gámit ang komplementaryong kulay at hugis.
Ito ang mga kulay at hugis komplementaryo.

Sila ang mga kulay na magkakatapat sa gulong ng kulay. Sila ang mga nagtutulungan na magkapares
ng mga kulay. Kapuwa pareho ang lakas nila kapag tiningnan ng ating mga mata.
Halimbawa, sa gulong ng mga kulay, hindi kinakalaban ng pula

D
16
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Itala sa Hanay A ang limang bagay na may kulay asul at limang
bagay sa Hanay B naman na kulay kahel. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
Kulay Asul Kulay Kahel

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Isulat sa Pangkat A ang limang prutas na kulay pula at sa Pangkat B
naman ang limang gulay na kulay berde. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
Kulay Pula Kulay Berde

E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Iguhit ang color wheel sa iyong sagutang papel. Isulat ang tamang
kulay sa bawat bilang. Maaari din itong lagyan ng matingkad na kulay.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Gumawa ng isang disenyo ng damit para sa batang babae at batang
lalaki. Pumili sa mga komplementaryong kulay na ilalagay sa damit. Tingnan ang rubrik sa ibaba. Sa
gabay ng iyong kasama sa bahay palagyan ng tsek ang kolum na naaayon sa kakayahang
Lagyan ng tsek (√) ang kolum na naaayon sa kakayahang ipinakita.
Kitang-kita ang May konting Walang
Pamantayan ebidensiya 3 ebidensiya 2 ebidensiya 1
Malinis ang pagkukulay sa larawan.
Malinis ang pagguhit ng larawan.
Tama ang kulay na ginamit. 17
Natapos sa itinakdang oras ang gawain.
A
Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ang ____________ kulay ang magkakatapat sa gulong ng kulay. Sila ang mga nagtutulungan na

_________ng mga kulay. Kapuwa pareho ang lakas nila kapag tiningnan ng ating mga mata.

Halimbawa, sa gulong ng mga kulay, hindi kinakalaban ng pula ang katumbas nitong _______, ang

kakambal ng _______ ay lila, habang _______ naman ang kaparehas ng bughaw.

18
Epekto ng Karaniwang Sakit
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga salik (factors) ng pagkakasakit at mga halimbawa ng
mga sakit na namamana, dulot ng kapaligiran, o pamumuhay.
Sa aralíng ito ay inaasahang maipaliliwanag mo ang epekto ng mga karaniwang sakit.
Pagmasdan ang larawan sa ibaba at basahin ang kuwento ng batang si Ana.

Hi! Ako si Ana. Ako ay labing isang taóng gulang


na, subalit nása Ikatlong Baitang pa lámang ako.
Pinag-aral ako agad ng magulang ko noong ako ay
nása limang taóng gulang pa lámang, subalit naging
sakitin ako. Palagi akong nása ospital dahil lagi
akong may sakit.

Madalas ang pagliban ko sa klase kayâ hindi


ako nakakapasá sa mga pagsusulit kaya’t
nagbalik ako sa unang baitang. Muli akong
pumasok, subalit sa unang buwan pa lámang ng
pasukan ay naging sakitin na ako kaya’t
napilitan na akong huminto sa pag-aaral.

D
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa binasang kuwento ni
Ana. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Sino ang nagkukuwento?
2. Ano ano ang mga sakit ni Ana?
3. Ano ang epekto ng sakit kay Ana?
4. Sa palagay mo, ano ang dapat gawin ni Ana at ng kaniyang pamilya?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Pagmasdan ang larawan ng magkakapatid na sina Mario, Marlon, at
Marcelo. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Paano mo mailalarawan ang magkakapatid?
2. Sino sa iyong palagay ang may malusog na pangangatawan? Bakit?
3. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong pangangatawan?

19
Mario Marlon Marcelo

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Isulat ang Tama kung epekto ng sakit ang binabanggit sa aytem at
Mali naman kung hindi ito epekto ng sakit. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. madalas na pagliban sa klase
2. mataas na marka sa pag-aaral
3. laging nása ospital
4. pagbaba ng timbang
5. pagiging malusog

E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Iguhit sa iyong kuwaderno ang larawan sa ibaba. Maaari mo itong
kulayan. Pagkatapos ay magsulat ng tatlong pangungusap tungkol sa larawan at kung paano ka maging
“hashtag (#1)” sa kalusugan. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.
______________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Mahusay Maayos Kailangan ng


Pamantayan ng Kasanayan
Pag-unlad
1. Ang gawa ay nagpapakita ng kagalingan.
2. Ang gawa ay nagkapagbibigay ng malinaw na
mensahe.
3. Ang gawa ay nagpapakita ng pagkamalikhain.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Gumawa ng isang tula. Ilahad ang mga maaaring epekto kapag may
sakit o sakitin ang isang batà. Maaaring humingi ng gabay sa mga kasama sa bahay o sa magulang.
Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Mahusay Maayos Kailangan ng
Pamantayan ng Kasanayan
Pag-unlad
1. Ang tula ay naglalahad ng mga epekto kapag
may sakit o sakitin ang isang batà.
2. Ang gawa ay nagkapagbibigay ng malinaw na

20
mensahe.
3. Ang gawa nagpapakita ng pagkamalikhain.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Gumupit o gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng epekto ng


pagkakasakit. Gawing gabay ang pamantayan sa Gawain sa Pagkatuto Bílang 5 sa itaas. Gawin ito sa
kuwaderno.

A
Buoin ang mahalagang kaisipan sa ibaba. Piliin ang sagot sa kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ang madalas na _____________, pagbaba ng _______________ at pagpunta sa ____________ ang

ilan sa mga epekto ng pagkakasakit.

pagliban epekto timbang


ospital sakit

21
Kahalagahan ng Hayop sa Tao
Ang iba`t ibang uri ng mga hayop ay mahalaga sa buhay ng mga tao. Nagbibigay sila ng maraming
kapakinabangan gaya ng ating mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at damit,
nakakatulong sa ating paghahanapbuhay, at nagsisilbi ring alagang hayop sa bahay upang may
mapaglibangan.
Sa araling ito, mauunawaan mo ang iba’t ibang kahalagahan ng mga hayop sa mga tao. Suriin ang
mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa larawan bílang isa (1) hanggang apat (4)? Maaari mo
bang tukuyin ang mga kapakinabangan na makukuha ng mga tao mula sa mga hayop na ito?

1 2 3 4

Basahin ang mga kapakinabangan na nakukuha ng mga tao sa mga hayop .


1. Ang mga hayop ay pinagkukunan ng pagkain. Ang mga ito ang malaking pinanggagalingan ng protina na
tumutulong sa pagbuo at pagsasaayos ng mga tissue ng ating katawan. Ang karne ay pagkaing nakukuha mula sa
mga hayop sa bukid tulad ng baka, baboy, manok, at kambing. May mga pagkain ding nakukuha sa mga hayop na
nása tubig na nanggagaling sa Lawa ng Laguna tulad ng mga bangus, hipon, biya, kanduli, at tulya. Ang mga
karne, isda, gatas at itlog ay mga pagkain mula sa hayop.

2. Ang mga hayop ay nakatutulong sa gawain ng tao. Ginagamit ng mga magsasaka ang mga kalabaw at báka
sa pag-aararo sa bukid. Ang mga aso naman ang nagsisilbing bantay sa bahay, katulong sa pangangaso, katulong
sa pagliligtas o pagsagip ng búhay, at nagsisilbing gabay ng mga bulag. Ginagamit ang mga kabayo at kalabaw sa
transportasyon ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.

3. Ang mga hayop ay nagbibigay ng materyales para sa pananamit ng mga taong naninirahan sa mga
malalamig na lugar. Ang ibang mga hayop ay napagkukunan ng mga materyales sa pananamit na
ginagawang balabal, dyaket, at ibang kasuotang panlamig upang mapanatiling mainit ang katawan.
Karaniwang ginagamit ito ng mga táong nakatira sa malalamig na lugar.

4. Ang mga hayop ay nagsisilbing alaga at kasama nang mga tao sa bahay. Malaking kapakinabangan ng
maraming tao ang pag-aalaga ng mga hayop. Ang karaniwang mga alagang hayop ay pusa, aso, baboy,
loro, hamster at goldfish. Ang mga ito ay maaamong hayop na inaalagaan sa tahanan.

5. Ang mga hayop ay may iba pang mahalagang tungkulin. Ang lahat ng hayop, malaki man o maliit,
ay mahalaga sa pagpapanatili ng balanse ng kalikasan. Ang mga ibon ang nagkakalat ng mga buto na
nakatutulong upang tumubo ang mga halaman sa mga bakanteng lupa. Kinakain ng mga ito ang mga uod
at maliliit na insekto na nakasisira sa mga halaman. Ang mga uod naman ay nakatutulong sa mabilis na

22
D
pagkabulok ng mga organismo at nagsisilbing pataba sa lupa. Ang mga insekto ang tumutulong sa
polinasyon ng mga bulaklak upang makabuo ng mga buto para sa pagpaparami ng mga halaman.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Piliin ang titik o mga titik sa loob ng kahon na nagsasabi ng
kahalagahan ng hayop sa tao. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. kalabaw 2. aso 3. alimango 4. isda 5. kabayo


6. paruparo 7. bubuyog 8. ibon 9. manok 10. pusa

A. Katulong sa paghahanapbuhay
B. Nakatutulong sa pagpaparami ng halaman
C. Nagsisilbing alagang hayop
D. Pinagkukunan ng pagkain

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Basahin ang kuwento sa ibaba. Sagutin ang gabay na tanong. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.

Pamamasyal sa Lawa at Bukid


(Ma. Leonora M. Natividad, EPS- R4A-SDO Cabuyao City)
Isang araw ng Sabado, sila Hannah, Joram, at Jolo ay namasyal sa kanilang lungsod.
Una nilang pinuntahan ay ang Fishing Port sa Lawa ng Laguna. Namangha sila sa mga yamang-tubig
gaya ng hipon, tulya, ayungin, bangus, mamali, at biya na nakahilerang paninda sa may pantalan. Hatid
nito ay pagkain at pera sa masipag na mangingisda at tindera.
Sa bukid naman ay nakita rin nila ang mga alagang hayop gaya nang manok, kambing, kalabaw, itik,
báka, at baboy. Ito ay pinagkukunan din ng kita at pagkain.
Napakasaya ng Sabado na nagsilbing araw ng kanilang pamamasyal pagkalipas ng maraming buwan
ng pagpapatupad ng Quarantine dahil sa pandemyang dulot ng Covid-19.

Gabay na Tanong:
1. Ano-anong hayop ang nakita nila sa fishing port at sa bukid?
2. Ano ang kahalagahan ng mga ito sa tao?

23
A
Isulat sa iyong kuwaderno ang pangalan ng hayop na makikita sa larawan. Ibigay ang kahalagahan
nito para sa mga tao.

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

24
Initial and Final Consonant Blends
In English, there are 21 consonants. These consonants are combined with vowels in forming words.
Sometimes, they are also clustered to form distinguished sounds. The distinguished sounds of clustered
consonants in words are known as sound blends.

In this lesson, you are expected to read words with initial and final consonant blends.

Study and name the pictures below.

D
Learning Task 1: Identify the consonant blend in each name of the picture above. These blends may
occur either in initial or final positions. Write your answers on your answer sheet.

Consonant blends are also known as consonant clusters that form distinguishing sounds. These
blends may occur in initial or final positions.

Initial and Final Consonant Blends


Initial consonant blend is a cluster of consonant sounds at the beginning of a word.
Examples: play draw plan pray clay
clam swim glad trap trip

Final consonant blend is a combination of consonant sounds at the end of a word.


Examples: pink park sand bird raft
sink bend tank mark past
E
Learning Task 2: Identify the initial or final consonant blend that matches the name of each picture
below. Write your answers on your answer sheet.

25
A
Read the words below. Then, identify the initial consonant blend used in each word. Write your
answers on your answer sheet.
1. black 6. glow 11. claw
2. glue 7. trap 12. trip
3. green 8. trail 13. clear
4. grow 9. prize 14. spot
5. flat 10. snow 15. trash

Read the words below. Then, identify the final consonant blend used in each word. Write your
answers on your answer sheet.
1. bark 6. hint 11. part
2. bulk 7. pink 12. child
3. plant 8. list 13. corn
4. cart 9. toast 14. bulb
5. sulk 10. camp 15. milk

26
Pagbibigay ng Wakas
sa Binasang Kuwento
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng wakas sa binásang kuwento.
Isa sa bahagi ng kuwento ay ang wakas. Ang wakas ay bahaging naglalahad ng solusyon o ang
kinahinatnan ng isang kuwento na maaaring malungkot o masaya , ang pagkapanalo o pagkatalo ng
isang kuwento.
Sa pagbibigay ng wakas ay nag-iiwan ka sa mambabasa ng inspirasyon, gayundin
maiimpluwensiyahan sila sa iyong kuwento at higit sa lahat ay ang aral na maiintindihan nila nang lubos.
Maaari kang magbigay ng kapana-panabik na wakas sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong sa
kanilang sarili.
Ang kuwento ay maikling salaysay na nagtataglay ng mahahalagang pangyayari. Ito ay nararapat na
magkaroon ng kasiya-siyang wakas, upang maging kapana-panabik sa mambabasa o mga nakikinig.
Dapat na unawaing mabuti ang binásang kuwento. Hanapin ang detalye sa kuwento na magagamit bilang
batayan ng wakas nito.

D
Basahin at unawain ang kuwento.
Ang Pamilyang Matulungin
Akda ni Teresa P. Barcelo

Likás sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Habang papunta ang mag-anak na Padolina sa
probinsiya, nakita nila ang isang pamilyang nangangailangan ng túlong. Umuusok ang sasakyan nila.
Nása labas ng sasakyan ang mga kasamang bata habang hinihintay na makumpuni ang kanilang
sasakyan. Makikita sa kanilang mukha ang gutom at pagod. Iyak nang iyak ang mga batà.
Tinulungan ng pamilya Padolina ang pamilyang nasiraan ng sasakyan. Inabutan nila ng pagkain ang
mga batà. Pagkatapos magawa ang sasakyan ay sabay-sabay na rin siláng umalis sa lugar na iyon.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabásang kuwento. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang simula ng kuwento?
2. Ano ang kasunod?
3. Ano ang naging wakas ng kuwento?
4. Paano iniugnay ang simula at wakas ng kuwento?
5. Nasiyahan ka ba sa naging wakas nito? Subukin mong bigyan ng ibang wakas ang kuwento?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Basahin ang mga paraan kung paano gawin ang isang bagay o
gawain. Isulat ang letra ng wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Naglaba si Maria. Pagsunod-sunurin mo ang ginawa niya.
A. Binanlawan niya ang mga damit.
B. Inihiwalay ni Maria ang puti sa may kulay na mga damit.
C. Isinunod niya ang mga may kulay na damit.

27
D. Una niyang ilagay ang puting damit sa washing machine matapos lagyan ng sabon.

2. Nagluto ng atsarang papaya si Zia. Pagsunod-sunurin ang ginawa niyang hakbang.


A. Binalatan at ginadgad niya ang papaya.
B. Inihanda niya ang ibang sangkap gaya ng sibuyas, sili, karots, pasas, at suka.
C. Inilagay niya sa bote ang pinaghalong sangkap.
D. Piniga niya ang papaya.

3. Nagsaing si Joseph. Pagsunod-sunurin ang ginawa niya.


A. Hinugasan niya ang bigas at nilagyan ng sapat na sukat ng tubig.
B. Hinintay niyang maluto ang sinaing.
C. Naglagay siya ng bigas sa kaldero.
D. Isinalang niya sa kalan ang kaldero.

E
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Bigyan ng wakas ang sumusunod na kuwento. Isulat ang iyong sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Si Aiza ay may halamanan sa harap ng bahay. Alagang-alaga niya ito. Araw-araw ay dinidiligan
niya ang mga halaman. Inaalis niya ang tuyong dahon at mga kulisap na naninirahan sa mga halaman.
Minsan naman, binubungkal niya ang paligid ng mga halaman. Nilalagyan din niya ng pataba ang lupa
kayâ_________.
A. namatay ang mga halaman
B. lumago at namulaklak ang mga halaman
C. napigil ang paglaki ng mga halaman
D. natuyo ang mga halaman

2. Maagang pumapasok sa paaralan si Kian. Pagdating niya sa paaralan ay naglilinis agad siya.
Nakita ito ng kaniyang guro. Pinagsabihan si Kian ng guro ng ______________.
A. ang bait mo C. ang sipag mo
B. matulungin ka D. mag-aral ka pa

3. Dumalo sa kaarawan ng kaniyang kaibigan si Nicole. May dalá siyang regalo. Binuksan ng
kaniyang kaibigan ang dalang regalo ni Nicole. Natuwa siya dahil ito ay isang manika. Ang manika ay
inilagay niya sa __________.
A. baul C. bubong
B. kusina D. lagayan ng laruan

28
A
Balikan ang kuwentong “Ang Mahal Kong Lolo at Lola” sa pahina bílang 8. Bigyan ito ng ibang
wakas. Tayahin ang nabuong wakas sa sumusunod na pamantayan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Interpretasyon
Napakahusay = 4-5 Mahusay = 2-3 Magsanay pa =0-1

Pamantayan Puntos
Kaangkupan sa pangyayari o detalye ng kuwento 5
Binubuo ng dalawa o higit pang pangungusap 5

Wastong gamit ng salita 5


Kabuoan 15

29

You might also like