Online Pagbasa 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuto: Basahin nang tahimik ang teksto.

Pagkatapos, sagutin ang


mga tanong sa google classroom.

MAKATAONG QUEZON
Hindi pa man sumisikat ang araw at bago pa lamang naglilinis ng
palasyo ang katulong, nang may mapansin siyang liwanag na nagmumula
sa silid ng pangulo.
Naisaloob ng katulong na baka may magnanakaw. Sumilip siya sa
pinto at nagtataka siya nang makitang gising na ang pangulo at walang tigil
nang kalalagda sa bunton ng papel sa tabi niya. Ganitong uri ng tao ang
Pangulong Quezon. Masipag na manggagawa at sumusunod sa oras ng
pag-oopisina. Ano mang araw ay ginugugol niya sa kanyang tungkulin.
Madalas siyang nakikipag-usap sa mga opisyal ng mga pamahalaan at
pribadong delegasyon lalo’t higit sa mga taong naghahanap ng trabaho.
May isang magalang na lalaki ang lumapit sa pangulo at agad niyang
nasambit sa Pangulo na siya ay naghahanap ng maayos na trabaho.
Tinanong siya ng mabait na pangulo kung ano ang alam niyang gawin.
Tumugon ang binata na handa niyang gawin ang lahat ng marangal na
trabaho basta siya ay magkaroon ng trabaho.
“Kahanga-hanga ang isang tulad mo. Pumunta ka ngayon sa Alkalde
ng Maynila at magprisinta ka bilang tagawalis ng mga daan at pagkaraan
ng labinlimang araw ay bumalik ka sa akin at bibigyan kita ng trabaho”.
Isang araw, habang naglalakad ang Pangulo sa palasyo, nakita niya ang
isang binatang lalaki na may pinapasang mabigat na tabla sa kanyang
balikat.
”Magkano ang kinikita mo isang araw?”
“Piso po,” ang magalang na sagot ng binata.
“Ibaba mo ang tablang iyan at magpunta ka sa aking kalihim na si
Ginoong Vargas”.
Nagkaroon ng mabuting trabaho ang binata matapos ang pag-uusap
nila ng pangulo.
Malambot ang puso ng pangulo sa sinumang sa tingin niya ay masipag at
hindi natatakot sa mahirap na trabaho sapagkat ayon sa kanya, dito siya
natutong mabuhay.Minahal at iginalang si Pangulong Quezon ng lahat ng
taong naglilingkod sa kanya at tinitiyak niyang may mga ikabubuhay ang
mga ito sa kanilang katandaan.

You might also like