Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panuto: Basahin nang tahimik ang teksto.

Pagkatapos, sagutin ang


mga tanong sa inyong google classroom.

LANDMARK NG TIAONG
Mataas…matatag…walang katulad - paglalarawan sa isang
istrukturang makikita sa dinaraanang kalye malapit sa simbahan ni San
Juan Bautista.
Isang matandang bahay ang matagal nang inabandona ang
itinuturing na palatandaan ng bayan ng Tiaong. Makikita sa kabuuan ng
bahay ang pagkaluma nito na ginawa pa noong panahon ng mga
Amerikano, taong 1927.
Inukit sa bato ang malaking buwayang may nakasakay na lalaking
humuhuli rito ang makikita sa hardin ng bahay. Pagpapatunay ito ng
malikhaing isip at ginugol na panahon ng dalawang taong pinangalanang
sina Isidro Herrera at Tomas Mapua na siyang mga kilalang arkitekto ng
panahong ito. Naging inspirasyon sa paglikha nito si Elias mula sa
nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na nagpapakita ng hindi pag-
anib sa diktatoryal na pamamahala ng mga Espanyol.
Makikita naman sa likurang bahagi ng bahay ang naiwang bakas ng
pamiminsala ng mga Hapones. Taong 1950 nang ito ay naisaayos ni
Ginoong Gonzales, isang arkitektong Candelariahin. Maraming
nagsasabing isa itong nakatatakot na lugar at istrukturang matatagpuan sa
bayan, ngunit marami rin naman ang nagsasabing nakaukit sa bahay na ito
ang kasaysayan ng Tiaong.
Noong una, dito nakatira ang isang matanda at mayamang babae.
Mabait at matulungin sa kapwa lalo’t higit sa mga mahihirap kaya’t siya ay
napamahal sa mga tao. Relihiyosa kung ituring at tinawag na “Tia o Tiya”.
Kung magsimba’y araw-araw at nakasakay sa kanyang paboritong alagang
baka na ang tunog na nililikha’y “Onga”. Dito nagmula ang nilikhang
katawagan sa lugar na “Tiaong”, Tia- mula sa turing sa matandang babae
at Ong- sa nalilikhang tunog ng kanyang alagang hayop.
Magpahanggang ngayon, ang lumang bahay na ito at ang
kasaysayang nakaukit dito ang kinikilalang tatak at pagkakakilanlan ng
Tiaong.

You might also like