Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

St.

Francis College
ALLEN, NORTHERN SAMAR

LEARNING MODULE SA FILIPINO 12

MODYUL BLG. 5
PAGSULAT NG MGA KARANIWANG SULATING AKADEMIKO

IKALIMANG LINGGO
ANTAS: BAITANG 12

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.

I. KONSEPTO
Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang
paglalagom o buod. ang lagom ay ang pinasimple at pina ikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha nga isang sinumang bumabasa
O nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa
nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang
ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag aaral habang nagsasagawa ng paglalagom. Una, natutuhan
ang pagtitimbang –timbang ng mga kaisipang napakaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang
pinakamahalagang kaiisipang nakapaloob ditto at gayundin ang mga pantulong na kaisipan. tandaan na sa
pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa,
natutuhan nya magsuri ng nilalaman ng kanyang binababasa. natutukoy nya kong alin sa mga kaisipan o
mga detalye ang dapat bigyan ng malailm na pansin sa pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi
gaanong importante. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mga mag aaral sa pagsulat particular ang
tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay
mailahad nang malinaw, hindi maligoy, o paulit-ulit. pang apat, ito rin ay nakakatulong sa pagpapaunlad
o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang a
ng tekstongnkop sa nilalaman sa tekstong binubuod. Bukod sa kasanayang ito ay nagging kapaki –
pakinabang sa mga mag –aaral ito rin ay nakakatulong nang Malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo,
at propesyon. Dahil sa mabiliss na takbo ng buhay sa kasalukuyan at ang marami ay lagging parang
nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang Malaki ang pagbabasa ng
maikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin teksto, o pag –
aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutunan moa ng
paggawa ng iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman sa araling ito ay lubos mong matuthan ang
pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod- ang abstrak, sintesis, o buod at bionote.

II. PAGTATALAKAY
Iba’t ibang uri ng akademikong sulatin

Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang iba’t ibang uri ng
akademikong sulatin na isa’t isang tatalakayin sa kabuoan ng inyong pag –aaral. Hindi mo lamang
matutuhan ang mga ito. Kundi magkakaroon Karin ng sapat na kaalaman at kasanayan kung paano
gawin o isulat ng mga ito.

1. Abstrak – ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong


papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang
bahagi ng tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page
o pahina ng pamagat.

2. Sinopsis/ buod – ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwenton, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati at iba pang anyo ng
panitikan.
3. Bionote - ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal
profile ng isang tao.
4. Panukalang proyekto-
5. Talumpati
6. Agenda
7. Katitikan ng pulong
8. Posisyong papel
9. Replektibong sanaysay
10. Pictorial – essay
11. Lakbay - sanaysay
Sa kumunikasyong interpersonal, isa sa pinakamadalas gawin ng mga kasangkot ang pagbubuod at
pagsasama – sama ng ideya mula sa iba’t ibang impormasyong napakinggan o nabasa. Sa pakikipag
ugnayang ito ginagawa ng tao, ibinabahagi sa iba ang mga kaalamann nalaman o napag aralan sa
pinakamadaling paraan. Halimbawa, kung nakarinig ng isang balitang posibling nakakaapekto sa sarili at
sa ibang tao, ibinabahagi natin sa iba ang mga detalye sariling pananalita. Madalas na ang pagbabahaging
ito ay hindi eksaktong katulad ng nakita o napakinggan, bagkus ito ay enkapulasyon lamang ng kabuuan
ng balita. dito, bagaman enkapulasyon na lamang, tinitiyak na ang kabuuang mensaahing nais iparating
ng balita.

Samantala, maraming mga pagkakataong ang konteksto ng komunikasyon ay kailangang talakayin o


ibahagi ng mga participant gamit ng iba’t ibang mga kaalaman na nagmumula sa iba’t ibang hanguan. Sa
ganitong pagkakataong, hindi lamang kailangang mabuod ang mga ideya mula sa mga hanguang ito,
kundi kailangan din mapaugnay- ugnay ang mga ideyang ito upang makabuo ng mas malinaw na
interpretasyon o kahulugan. Ang paguugnay- ugnay na ito ay mahalaga, sapagkat sinisikap na Makita ng
mga participant o kasangkot sa komunikasyon ang relasyon ng mga ideya, sanhi, bunga at iba pa siyang
lalong nagpapaliwanag sa kabuuang mensaheng ibinabahagi sa komunikasyon.
Malay man o hindi ang mga kasangkot sa komunikasyon na kanilang binubuod ang mga ideya at
kalaunay pinagsasama – sama para sa mabisang pagpapahayag, isang mabuting bagay na matutunan ito
ng bawat indibidwal. Pasalita man o pasulat ang komunikasyon, dapat tandaan na magagamit ang
dalawang proseso ito para sa pagpapahayag.

Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin batay sa pananaliksik

Sa larangang akademiko, karaniwan ang pagsasagawa sa mga ito sa mga oral na diskurso, lalo na sa mga
pasulat na diskurso. Halimbawa, pagkabasa ng isang teksto, itinatanong ng guro kung anu- ano ang mgan
natandaan at natutunan ninyo sa sitwasyong ito, kayo ay naglalahad ng mga detalye ng araling natalakay
sa klase. Dahil kakaunti lamang ang oras o espasyong nakalaan para ito ay tugunan, ang mga detalyeng
mahahalaga na lamang ang inilalahad. Hindi ba? Gayon din maari ring, itanong kung ano ang
pagkakaugnay – ugnay ng iba’t ibang mga konseptong binasa o pinag aralan. Sa gayon naming sitwasyon,
ipinaliliwanag ninyo kung ano ang mga pagkakatulad o pagkakaiba ng mga batay sa implikasyong ng
isang konsepto sa isa.

Bago ang lahat!

Naalala mo pa ba ang isa o ilan sa mga akdang ito?

 Ang pagong at matsing

 Florante at Laura
 Titanic

 Jungle Book

 Ghost Fighter
 Alamat ng Pinya

Sa larangan akademiko, mas kilala ang dalawang proseso ito bilang pagbubuod at pagsisintesis.

KAHULUGAN AT KAHINGIAN NG BUOD

Ang buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kayang mga narinig o
nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa. ibig sabihin, maaring magsulat o
magpahayag ng buod ng isang nakasulat na akda o ng oral na pahayag, sa paaralan, karaniwang
ginagawan ng buod ang mga kwentong binasa, balitang napakinggan, isyung tinutukan, pananaliksik na
pinag-aralan, palabras na sinubaybayan, pelikulang pinanood, o liksyong pinakinggan, isyung karaniwang
ipinaggagawa ito ng mga guro upang masigurong natandaan ng isang mag-aaral ang mga detalye ng
nabasa o napangkinggan at upang masukat kung nauunawan ang mga ito.

Samantala, nagagamit naman ng mga propesyonal ang pagbubuod sa kanilang pag – uulat sa
trabaho, liham pangnegosyo, dokumentasyon at iba pa. sa pamamagitan ng mga ito, mas madali at
episyenteng naitutulay sa iba ang mga mensaheng gugugol ng mahabang panahona kung ilalahad nang
buo. Ipinakikita nito, kung gayon, ang halaga ng proseso ng pagbubuod at kakayahang magbuod ng isang
propesyonal na indibidwal sa pagganap sa kanyang tungkulin. Naipapakita rin nito na hindi lamang
natatapos sa gawaing akademiko ang pagbubuod bilang gawain.

Nagtala sina Swales at Feat (1994) ng tatlong mahigpit na pangangalangan sa pagsulat ng isang buod o
summary. Ang tatlong pangangailangang ito ay siya ring repleksyon ng mga marapat na taglayin ng isang
sulating buod.

1. Kailangan ang isang buod ay tumatalakay ng kabuuan ng orihinal na teksto. Mahalaga na


masigurong naihahayag din ng buod ang kabuuan ng orihinal na teksto. Bagamat buod ito
marapat lamang na ang mga datos o detalyeng mahalaga ay makikita pa rin sa buod. Kailangang
ang kabuuang mensahing makukuha sa pagbasa o pakikinig ng isang buong teksto ay siya ring
ang mensaheng ihinahatid ng tekstong pinagmulan nito.

2. Kailangang nailahad ang sulating sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan. Dahil ang buod
ay muling paghahayag lamang ng mensahe ng orihinal na teksto, kailangang obhetibo ang lapit
dito. Nangangahulugang ang sulatin buod ay dapat hindi maglaman ng pananaw ng sumusulat
nito hindi rin ito gumagawa ng argumentasyon o anumang uri ng pag – analisa sa mga detalyeng
ibinibigay ng orihinal na teksto. Tanging paglalahad lamang na hindi hinahaluan ng personal na
pagtaya, pananaw o pagusuri ang kailangang Makita sa nabuong buod.

3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng
gumawa. Gamitin ang sariling pananalita sa pagsulat ng buod ng isang akda. Bagamat maaring
gamitin ang mismong mga salita ng awtor ng orihinal na akda, mas mahusay na gamitin ang
sariling pagpapahayag sa mga detalyeng isasama sa buod. tandaan lamangna kung sariling
pananalita ang gagamitin, tiyakin rin ito ang kahulugang ipinababatid ng orihinal na teksto. sa
paggamit ng sariling pananalita sa pagbubuod, mas nagkakaroon din ng laya na mapaiksi ang
nilalaman na siya naming isang layunin kapag nagsasagawa ng pagbubuod. Dapat sikaping
mabuo ang isang buod na di – hamak na maiksi ngunit naglalaman ng kabuuang mensahe ng
orihinal na teksto.

KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD

Sa akademikong pagsulat, iba’t ibang lapit na maaring gamitin upang mailalahad nang maayos ang isang
sulatin. Sa kaso ng pagsulat ng buod, dapat tandaan ng gumagawa nito ang mga sumusunoid na
katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na buod.

1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. Ang buod ay dapat sumasagot sa mga
pangunahing katanungan tulad ng sino, ano, saan, kalian, bakit, at paano. Halimbawa, ano ang
pangunahing ideya ng teksto? Ano- ano ang mga pantulong na ideya? Ano- ano ang mga
pangunahing ebidensya? Yan ay ilan sa mga katanungang dapat masagot sa isang buod. dapat
sanguniing lagi ang orihinal na teksto maging sa titulo ay dapat na banggiting buod ito ng akda.
Maari rin naming ilagay sa talababa o footnote na ang sulatin ay buod lamang ng isang particular
na akda.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Sa pagsulat ng buod tanging ang mga
impormasyongHindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Sa pagsulat ng buod tanging ang
mga impormasyong nasa orihinal na tekstong ang dapat isama nasa orihinal na tekstong ang dapat
isama. Hindi dapat dagdagan ito ng pansariling ideya o kritisismo ng nagsusulat o kritisismo ng
nagsusulat bagama’t maaring tama ang mga ideya ng kritisismo ng nagsusulat hinihingi ng buod
ang ganitong mga detalye. Madalas na ang mga ganitong pagdaragdag ay naisasama sa mga
pagsusuri at sintesis.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyon wala sa orihinal na teksto. Ang
pagsasama ng mga halimbawa o illustrasyon upang lalong mapalinaw ang mga mensaheng
ibinabahagi ng isang sulatin ay isang mahusay na hakbang, subali sa kaso ng isang buod ay hindi
ito kailangan. Mahusay na hakbang, subalit sa kaso ng isang buod ay hindi ito kailangan. Tanging
hinihingi sa ganitong uri ng sulatin ay ang paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong
nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa katulad na linaw ng orihinal, kung kailangan mapag
isipan ito ng nang mabuti dahil may limitasyon ang haba ng mga pahayag na gagamitin.
Ipinakikita nito na ang pagsulat ng isang buod ay hindi kasindali ng ating mga iniisip, sapagkat
inaasahang maipahahayag ang kabuuang mensahe ng isang akdang komprehensibo natalakay sa
isang maikling sulatin lamang.
4. Gumagamit ng mga susing salita.sa pagsulat ng isang buod, dapat gamitin ang mga susing salita
na ginagamit sa orihinal na teksto. Ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na
pinagtutunan ng teksto. Kung muling mababanggit ang mga ito sa buod, mas mayroong
kasiguruhang maipapaalam sa nagbabasa o nakikinig nito ang mga pangunahing tuon ng
pinagmulang teksto.
5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napananatili ang orihinal na mensahe. Kung para sa
personal na pangangailangan ang buod, malaking tulong na ito ay naihayag sa sariling pananalita.
Dahil ditto, higit itong nauunawaan ng sumulat. Subalit kahit hindi ito para sa personal na
pangangailangan, ang paggamit ng sariling pananalita ay makatutulong ng Malaki upang
maihayag ang katulad ng mensahe mula sa orihinal na teksto sa mas maikling pahayag.
MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD

Narito ang ilang simpleng hakbanging magagamit sa pagsulat ng buod ng isang akda.

1. Habang binabasa ang akda salunguhitan ang mga mahalagang punto at detalye. Ang
pagsalungguhit ay makatutulong upang madaling balikan ang mga importanteng konsepto na
isasama sa buod. gayon din, isa itong paraan ng pagmamarka sa mga ideyang magkakaugnay na
kalaunan ay maisasam kapag isusulat na ang burador ng buod.
2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag
sa bawat ideya. Kapag nabasa ang pangunahing ideya ng nilalaman ng akda, makabubuting ilista
ito at salunguhitan.
3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan. depende
sa pagkakalahad ng isang akda, ang orihinal na awtor ay maaring gumamit ng iba’t- ibang
pamamaraan upang kanyang ilahad ang paksang tinatalakay. Kung sakaling hindi simpleng linyar
na estilo ang ginagamit sa paglalahad, isang mahusay na teknik ang muling pagsasaayos sa mga
detalye at ilahad ito sa isang paraamg simple at madaling masundan halimbawa. Kung binubuod
ang isang kwento na gumagamit ng maraming flashback na teknik, maaring ilahad na lamang ito
sa anyong linyar o sekwensyal. dito, napapasimple at napapadali ang daloy ng kwento.
4. Kung gumagamit ng unang panuhan (hal. Ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, na
ang manunulat, o siya. Ipinakikita nito ang nagbubuod ay iba sa mismong sumulat o naghayag ng
orohinal na akda. Ang paggamit ng ikatlong panauhan o third person na perspektibo ay
nagpapakita rin ng pagiging obhetibo at hindi personal na mga pahayag sa buod.
5. Isulat ang buod. kung kinakailangan, maaring simulan ang buod sa isang pahayag na mag
papakilala sa awtor at sa mismong akdang binubuod. Maari ring isama kung saan nakuha ang
akda at kung kalian ito naililimbag. Mula rito’y tutungo sa paglalahad ng nilalaman ng mismong
akda. bagama’t ito ang tradisyonal na anyo, maari rin naming direktang ibuod ang akda nang
hindi na binabanggit ang mga naturang detalye.

KAHULUGAN AT ANYO NG SENTESIS

Sa pinakabatayang antas, ang sentises ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod. ito ang
paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin. Ang sentises ay may mga
kaugnayan, ngunit hindi katulad ng klasipikasyon, dibisyon, comparison, o contrast. Liban sa pagbibigay
–tuon sa iba’t – ibang kategorya at paghahanap sa pagkakatulad o pagkakaiba ng mga konseptong
napapaloob dito, ang sentesis ay ang pagsasama – sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng isang
akdang nakapag uugnay sa nilalaman ng mga ito. Ito kung gayon ay isang sulating maayos at malinaw na
nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat
(Warwick,2011).

Sa akademikong larangan, ang sintesis ay maaring nasa anyong nagpapaliwanag o explanatory synthesis,
o argumentatibo o argumentative synthesis.

1. Ang explanatory sysntesis –ay isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na
lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. Ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng
paghahatid sa paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw na pamamaraan sa
isang bagay, lugar o pangyayari at kaganapan. Hindi hin ahangad ng sintesis na ito na
magdiskurso salungat sa isang particular na punto kundi naglalayon ito mailahad ang mga detalye
at katotohanan sa isang paraang obkektibo.
2. Sa kabilang banda, ang argumentative ay may layuning maglalahad ng pananaw ng sumusulat
nito. Sinusuportahan ang mga pananaw na ito ng mga makatotohanang impormasyong nahango
sa iba’t ibang mga sanggunian na nailahad sa paraang lohikal. Karaniwang pinopunto ng
pagtatalakay sa ganitong anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o kaakmahan ng mga isyu at
impormasyong kaakibat ng paksa.

MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY NA SISTESIS

Sa isang online resource ng Drew University, naglahad ng tatlong karaniwang uri ng sintesis, sa mga
uring ito napabilang ang (a.) background sintesis b.) thesis driven synthesis, at c.) synthesis for the
Literature. Ito ayon sa nasabing pamantasan ang mga karaniwang uri ng sistesis sa mga akademikong
pagsulat. Kung paano naiiba ang isa sa iba ay tinatalakay sa mga kasunod na talaan.

1. Background synthesis – ito ay isang uri ng sintesis na nangangailang pagsama- samahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan ito ay inaayos ayon sa tema at hindi
ayon sa sanggunian.
2. Thesis – driven synthesis – halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nag kakaiba
lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sistesis hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng
mga punto sa tesis ng sulatin.
3. Synthesis for the literature – ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian
ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik – tanaw o pagrebyu sa mga naisulat ng literature
ukol sa paksa. Upang maipakit ang malawak na kaalaman sa paksa, kailangan magkaroon ng
sintesis ng mga literaturang kaugnay ng pag aaral ang isang papel pananaliksik.

Gamit ang isang mga uring ito, makabubuo ng isang akademikong sintesis ng mga magkakaugnay na
sulatin. Sa pagsulat ng sintesis, mahalagang bigyan – pansin ang mga sumusunod na katangiang dapat
nitong taglayin:

1. Nag uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunia at gumagamit ng iba’t ibang
estruktura ng pagpapahayag.
2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyon
nag mumula sa iba’t ibang sanggunia ginamit at
3. Napatitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghaguang akda at napalalim nito ang pag unawa ng
nagbabasa sa mga akdang pinag ugnay – ugnay.

Kung ang isinulat na isitesi ay kakitaan ng mga katangiang ito, masasabing mahusay ang
pagkakasulat nito. Ang Bilang isang nagsisimulang manunulat, isang mahalagang bagay na dapat
sanayin ang pagtaya sa isinusulat kung nakasusunod ito sa mga pamantayan at katangiang dapat
taglayin ng isang mahusay na sulatin sa ganitong pamamaraan mapanatili ang kalidad ng nagawang
sulatin tulad ng buod, sintesis at iba pa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

Totoong hindi madali ang preparasyon at pagsulat ng isang sintesis. Sa isang baguhan o hindi gaano
gamay ang pagsulat ng ganitong uri ng akademikong sulatin, makatutulong ang pagsunod sa ilang
simpleng hakbang sa pagsulat. walong hakbang ang ipinanukala sa artikulong how to write a synthesis
Essay na kinabibilangan ng sumusunod:

1. Linawin ang layunin sa pagsulat- una sa mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng pagsulat
ng sintesis.

2. Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito – kung
malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis maging madali ang pagpili at paghahanap ng mga
sanggunian para mabuo ito.

3. Buuin ang tesis ng sulatin- tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing ideya ng
isusulat.

4. Bumuo ng plano sa organisasyong ng sulatin – maghanda ng isang balangkas na susundan sa


pagsulat ng sintesis.
a. Ang pagbubuod ang pinakasimple at di- komplikadong paraan ng pagsulat ng sintesis.
b. Ang pag bibigay halimbawa o paggamit ng illustrasyon naman ay isang teknik na ginagamit
sa pamamagitan ng pagtukoy ng isang particular na halimbawang inilahad sa sanggunian o ng
isang ilustrasyon na ginagamit dito.
c. Samantala, isang epektibong pamamaraan ang lapit na pagdadahilan sa teknik na ito.
Inihahayag ang tesis at inisa – isa ang mga dahilan kong bakit kong ito ay totoo o mahalaga.
d. Isang di pankaraniwang teknik naman ang strawman. Sa teknik na ito, inilalahad ang isang
argumentong kontra – tesis, ngunit senesigundahan agad ito ng paglalahad sa kahinaan ng
nasabing argumento.
e. Maisasama rin ditto ang konsesyon kung saan tinatanggap ang salungat na pananaw tulad ng
strawman.
f. Panghuli ay ang komparison at contrast na paghihimay – himay ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga akda o sanggunian.
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang Sintesis
8. Isulat ang pinal na sintesis

II. PAGSASANAY

PANUTO: manood ka ng isang sikat na teleseryeng panggabi. Sa kasunod na patlang,


Isulat ang buod o episodyong napanood. At subukang hanapin ang mga
mahalagang detalyeng nawawala sa ginawang buod.
Title ng teleserye: ______________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

IV.PAGTATAYA

PANUTO: tukuyin ang konseptong inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang


Sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

________________1. Ito ang panauhang ginagamit sa pagbubuod upang maipakita ang


Pagiging obhetibo.
________________2. Ito ang sentises na may layuning maglahad ng pananaw ng sumu
Sulat nito.
________________3. Isa itong paraan ng muling pagpapahayag sa nilalaman ng isang
Teksto, ngunit sa anyong mas maikli nanapapanatili ang kabuuang
Mensahe ng orihinal na teksto.
________________4. Ito ay paraan ng paglalahad na maaring Makita sa sintesis o buod
Kung saan inilalahad ang pagkakatulad at/ o pagkakaiba ng mga
Konsepto, ideya, o ng paksa
________________5. Ginagamit ang sintesis na ito sa pagsulat ng pananaliksik, sapagkat
Kahingian ng ganitong akademikong sulatin ang pagrebyu ng mga
Kaugnay na babasahin upang mapalalim ang paksa ng pananaliksik
O pag- aaral
_________________6. Naipakita ang katangiang ito ang paggamit ng mga pangunahing
Konsepto na pinagtutuunan sa orihinal na tekstong pinagmulan
Ng buod.
_________________7. Isang sulating nagsasama- sama ng iba – ibang sanggunian upang
Matalakay ang mga ito base sa isang punto de bistang nais bigyang
Pansin.

TALASANGGUNIAN

 Ailene Baisa – Julian, Nestor B. Lontoc, mga awtor Alma M. Dayag Koordineytor sa
Pinagyamang PLUMA (Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Phoenix Publishing
House.

 Rolando A. Bernales, Elimar R. Ravina, Maria Esmeralda A. Pascual kasama sina Marie
Elma B. Cordero, Ma. Lourdes R. Quijano, Marlita D. Nilo, Edison C. Leste FILIPINO
sa Larangan AKADEMIKO K-12

You might also like