Professional Documents
Culture Documents
Ang Aking Sarili
Ang Aking Sarili
Sa aking buhay-guro hindi naging madali ang maging isang guro. Sapagkat ngayong panahon
ng pandemya mas lalo itong humirap,mas nakakapagod ang Sistema ng kaguruan. Sa pakiramdam ko
kulang na kulang ang isang araw upang matapos ang mga gawaing papel naming mga guro.Nanatiling
hamon ang pandemya sa pagtuturo,ngunit mas maalab ang hangarin naming mga guro na buhayin ang
dagitab ng pag-asa sa puso ng bawat mag-aaral.Hindi hadlang ang pandemya upang matugunan ang
mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Maraming hakbang ang ginawa ng mga kaguruan upang
magkaroon ng sapat na edukasyon dito sa ating bansa. Binibigyan ng mga produktibong gawain ang
bawat isa upang mas kapakipakinabang ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.Patuloy na
nagtuturo ang mga guro sa pamamagitan ng online classes,distance learning at iba pa.Mahirap subalit
kakayanin para sa bayan,para sa kabataan.