Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Dula (Pansarili)

Tagapagsalaysay: Isang payapang pamilya ang naninirahan sa Metro Manila nang biglang may virus
ang tumama sa buong mundo, hindi lamang sa Pilipinas. Lumala ang problemang ito hanggang sa
kailangan nang i-lockdown ang buong Pilipinas.

Tagapagbalita: Inanunsyo na ng ating pangulo na tayo ay maisasailalim sa Enhanced Community


Quarantine, simula sa Marso 15.

Lara: Ano ba ‘yan! Kanselado na ang hotel natin?

Angie: Walang magagawa, ‘nak. Bawal na lumabas kapag naka-ECQ na.

Lut: Hayaan mo na, isang beses lang naman ito. Maaari naman tayong lumabas sa susunod mong
kaarawan, tutal 16th birthday mo na next year.

Lara: Oo nga pala..

Angie: O siya, kumain nalang tayo sa labas bukas para ipagdiwang ang kaarawan mo, at para
makabili na rin ng mga kailangan.

Lara: Okay po.

Tagapagsalaysay: Ilang linggo ang mga nakalipas, ngunit ang nasabing dalawang linggong quarantine
ay naging isang buwan- dalawa- hanggang sa tumagal nan ang tumagal. Si Lara ay nasa isang video
call, kasama ang mga kaibigan niyang si Jen, Fate, Nina, Rei, Rowan at Stephen.

Lara: Diyos ko! Bored na bored na ako dito sa bahay.

Rei: Hay naku, Lara. Maghintay ka nalang bago tayo makalabas muli. Wala naman tayong magagawa
eh.

Jen: Tama si Rei. Dito muna tayo sa loob ng bahay para hindi tayo mahawa, ‘di tulad nung dalawa
diyan [Tumingin si Jen kina Nina at Rowan]

Nina at Rowan: O bakit kami?

Fate: Totoo naman kasi, ang kulit ninyong dalawa. Sige, quarantine date pa nga.

Lara: E ‘di sanaol may date

[Lahat ay tumawa]

Rei: Basta. Sumunod nalang tayo, tignan niyo si Stephen, nakaisolate.

Stephen: Tumigil ka nga, Rei. Parang ikaw ‘di ka lumabas nang hindi nakaface mask nung isang araw!

Lara: ANO?! [Tumingin nang masama si Lara kay Rei] HOY, ANO SABI KO SA’YO?!
Rei: Sorry na, sorry na! Nakalimutan ko eh, nahuli tuloy ako..

Stephen: Ayan! Ayan! Nahuli tuloy!

Rei: Sorry na, Laraaa

Lara: Oo na! Oo na!

Jen: Maawa naman sa mga walang jowaaaaa!

Lara: Ayan? Jowa ko? Kadiri kayo!

Rei: Ang sakit ha!

Nina: O basta kayo, ‘wag nalang kayo lumabas. Wear your face masks, wash your hands, tapos wag
ding lumandi. Hayaan niyo na kami ni Rowan.

Fate: Hypocrites.

Jen: Tama si Fate HAHAHAHAHA

Rowan: Ewan ko sa inyo.

Lara: O sige na! Basta stay safe ha!

Rei atpb: Byee!!

Tagapagsalaysay: Ganito parati ang eksena araw-araw, hanggang sa lumuwag na nang lumuwag ang
quarantine sa Pilipinas.

You might also like