Baitang 9-Unang Markahang Pagsusulit

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

St.

Therese of the Child Jesus Kidz Academy


20 Sto. Rosario St., Karuhatan, Valenzuela City
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN
IKA-9 NA BAITANG

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na talata/tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang sangay ng agham na nag-aaral kung paano tutugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang pinakamahusay na paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman?
a. Ekonomiks b. Alokasyon c. Pamamahala

2. Ano ang isa sa mahalagang tanong sa ekonomiks na sumasagot sa paraan o proseso sa paggawa ng
produkto?
a. Paano gagawin ang b. Para kanino ang c. Gaano karami ang
produkto? produkto? produkto?
3. Ano ang isa sa mahalagang tanong sa ekonomiks na sumasagot sa bilang ng produktong gagawin?
a. Paano gagawin ang b. Para kanino ang c. Gaano karami ang
produkto? produkto? produkto?
4. Ano ang prinsipyong nakaaapekto sa pagpapasya ng tao na tumutukoy sa pagpili ng isa, habang may
isasakripisyong iba?
a. Trade-Off b. Marginalism c. Incentives
5. Ano ang prinsipyong nakaaapekto sa pagpapasya ng tao na tumutukoy sa gantimpala o kaparusahan na
matatamo sa disisyong pipiliin?
a. Trade-Off b. Opportunity Cost c. Incentives
6. Ano ang prinsipyong nakaaapekto sa pagpapasya ng tao na tumutukoy pakinabang ng isang bagay na
hindi pinili?
a. Trade-Off b. Opportunity Cost c. Incentives
7. Alin sa sumusunod ang hindi kahalagaan ng ekonomiks?
a. Mapanuring pag- b. Kaalaman sa mga c. Iresponsableng
iisip kaganapan sa mamamayan
lipunan
8. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
a. Pagbibigay ng b. Agarang c. Pagpili sa disisyong
makatuwirang pagdidisisyon gusto
opinyon
9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang na isyung panlipunan sa jingle ng DOH taong 2014?
a. Kahirapan b. Kalusugan c. Polusyon
10. Ano ang kahulugan ng salitang ‘Paglaum’ bilang pamagat sa awitin ni Sharon Magdayao?
a. Pag-asa b. Pagtutulungan c. Pagkakaisa
11. Alin sa sumusunod ang hindi kahalagahan ng ekonomiks bilang bahagi ng lipunan?
a. Maunawaan ang b. Maunawaan ang c. Maunawaan ang
napapanahong isyu batas isyung personal
12. Alin sa sumusunod ang hindi kahalagahan ng ekonomiks bilang isang mag-aaral?
a. Masunurin b. Mapanuri c. Mapagtanong
13. Ano ang paraan upang maayos na mapamahagi at magamit ang mga pinagkukunang yaman ng bansa?

a. Ekonomiks b. Alokasyon c. Pamamahala

14. Ano ang sistema na nagbibigay kaayusan at paraan upang maisaayos ang produksiyon, pagmamay-ari,
paglinang at mapamahalaana ng gawaing pang-ekonomiko?
a. Sistemang pang- b. Sistemang pang-negosyo c. Sistemang pang-
ekonomiya kalakalan

15. Anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang pinaghalong sistema ng market at command economy?

a. Traditional economy b. Market economy c. Mixed economy


16. Anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala?
a. Traditional economy b. Market economy c. Mixed economy
17. Anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang hawak at kontrolado ng pamahalaan?
a. Command economy b. Market economy c. Mixed economy
18. Anong uri ng sistemang pang-ekonomiya ang nagaganap sa malayang pamilihan?
a. Command economy b. Market economy c. Mixed economy
19. Ano ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik
upang makabuo ng output?
a. Ekonomiya b. Produksiyon c. Alokasyon
20. Ang _____ ay anumang raw material na hindi pa dumaan sa proseso ng produksiyon.
a. Input b. Output c. Input and output
21. Ang _____ ay anumang produkto na tapos nang dumaan sa isang proseso ng produksiyon.
a. Input b. Output c. Input and output
22. Ano ang salik ng produksiyon ang tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng
isang negosyo?
a. Lakas-paggawa b. Kapital c. Entrepreneurship
23. Ano ang salik ng produksiyon ang tumtuukoy sa fixed o takda ang bilang?
a. Lakas-paggawa b. Entrepreneurship c. Lupa
24. Ano ang salik ng produksiyon ang tumutukoy sa kakayahan ng tao na bumuo ng produkto at
magserbisyo?
a. Lakas-paggawa b. Entrepreneurship c. Lupa
25. Anong uri ng lakas paggawa ang gumagamit ng kakayahang mental?
a. White collar job b. Blue collar job c. Black collar job
26. Anong salik ng produksiyon ang tumutukoy sa anumang kalakal o kagamitan na kinakailangan sa
paglikha ng produkto?
a. Lakas-paggawa b. Kapital c. Entrepreneurship

27. Anong uri ng lakas-paggawa ang gumamit ng kakayahang pisikal?


a. White collar job b. Blue collar job c. Black collar job
28. Alin sa sumusunod na katangian ang hindi dapat taglayin ng isang entreprenyur?
a. Inobatibo b. Malikhain c. Maliksi
29. Isang tao, pangkat ng tao, institusyon na direktang bumibili at gumagamit ng produkto at serbisyo.
a. Konsyumer b. Prodyuser c. Kolektor
30. Taong nag-iisip, lumilikha at nagbibili ng produkto o serbisyo sa konsyumer.
a. Konsyumer b. Prodyuser c. Kolektor
31. Matapos ang klase ni Carla, agad siyanng naghanap ng makakain upang maibsan ang kaniyang gutom.
Nang makita niya ang tindang burger at palamig sa tabi ng sakayan ay agad siyang bumili at kumain sa
tabi. Anong uri ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Lantad na Pagkonsumo
b. Produktibong Pagkonsumo
c. Tuwirang Pagkonsumo
32. Mayroong koleksiyon ng sapatos si Edward dahil siya ay nahihilig sa paglalaro ng basketball. Noong
naglabas ng bagong disenyo ang kaniyang idolo na si Kyrie Irving ay agad siyang bumili at ipinost sa
kaniyang instagram upang makita ng kaniyang mga kalaro sa basketball. Anong uri ng pagkonsumo ang
isinasaad sa pangungusap?
a. Lantad na Pagkonsumo
b. Produktibong Pagkonsumo
c. Tuwirang Pagkonsumo
33. Nakaugalian na ni Bea na kumain ng sityerya at uminom ng napakalamig na coca-cola habang siya ay
nagsasagot ng modyul, sa isang araw ay nakauubos ito ng limang sityerya at tatlong bote ng coca-cola.
Anong uri ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Maaksayang pagkonsumo
b. Mapanganib na pagkonsumo
c. Tuwirang pagkonsumo
34. Lubos ang kasiyahan ni Andres tuwing namimili siya sa palengke ng iba’t ibang gulay at prutas, para sa
kaniya mahalagang makakain ang kaniyang pamilya ng mga pagkain na mayaman sa iba’t ibang
bitamina na hated ng gulay at prutas na kaniyang binibili. Anong batas ng pagkonsumo ang isinasaad sa
pangungusap?
a. Law of Diminishing Utility
b. Law of Harmony
c. Law of Variety
35. Isang die hard fan kung maituturing si Monica, sapagkat kumpleto ang kaniyang BTS na koleksiyon.
Dahil kulay lila (purple) ang representasyon ng mga tagahanga ng BTS ay kulay lila na rin ang lahat ng
kaniyang sinusuot na damit. Anong batas ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Law of Economic order
b. Law of Diminishing Utility
c. Law of Imitation
36. Si Brian ay pitong taong gulang na, kaya naman hinahayaan na siya ng kaniyang magulang na pumili ng
damit na kaniyang susuotin tuwing sila ay aalis. Palagi niyang pinipili ang mga damit na kulay pula at
may disenyo ng avengers. Anong batas ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Law of Diminishing Utility
b. Law of Harmony
c. Law of Economic order
37. Matapos ang mahabang paglalakad ni Amara pauwi galing sa kaniyang eskwelahan, bumili siya ng
tatlong bote ng tubig upang mapawi ang uhaw na kaniyang nararamdaman. Sa unang bote ay
maligayang-maligaya sya dahil agad na napawi nito ang kaniyang uhaw, ngunit nang maubos naman
niya ang ikalawang bote ng tubig ay agad napuno ang kaniyang tiyan, at sa panghuling bote naman ay
nakaisang lagok lamang sya at nais na niya itong itapon dahil sa kabusugan sa tubig. Anong batas ng
pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Law of Diminishing Utility
b. Law of Harmony
c. Law of Variety
38. Imbis na bumili ng bagong bag si Manuel para sa daratig na pasukan, naisipan niyang bumili na lamang
ng pandisenyo sa kaniyang lumang bag na maaari pang gamitin. Dahilo sa disisyong ito ay naaliw sya sa
pag-aayos at nakatipid pa sya. Anong batas ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Law of Diminishing Utility
b. Law of Harmony
c. Law of Economic order
39. Nalalapit na ang kaarawan ni Jessica, kaya naman lubos ang kaniyang pagtitipid sapagkat nais niyang
pumunta sa Nasugbu, Batangas upang maligo sa dagat kasama ang kaniyang buong pamilya. Anong
salik ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Kita
b. Inaasahan
c. Pagbabago ng presyo
40. Maingat si Diane sa kaniyang muka, kaya naman hindi niya kinakalimutang magpahid ng produkto na
para sa mukha bago siya matulog. Isang araw ay may napanood si Diane sa telebisyon, lubos ang
kaniyang tuwa nang mapanood ang testimonya tungkol sa resulta na hatid ng produkto. Kaya agad
siyang bumili nito upang malaman kung magiging epektibo ba ito sa kaniya. Anong salik ng
pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Demonstration effect
b. Pagkakautang
c. Inaasahan
41. Natanggap na ni Noel ang pinakahinihintay na bonus na ibibigay ng kaniyang kompanyang
pinapasukan, lubos ang kaniyang galak dahil makabibili na siya mga produktong kailangan niya at
pinapangarap niyang bilhin noon pa man. Anong salik ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Kita
b. Pagkakautang
c. Inaasahan
42. May dalawang liban si Andrea sa kaniyang trabaho dahil sa kaniyang pagkakasakit, kaya naman ang
sweldo niya na walong libo ay naging anim na libo na lamang. Ang kaniyang mabibili na lamang ay
mga produkto na kakailanganin niya para sa loob ng isang buwan. Anong salik ng pagkonsumo ang
isinasaad sa pangungusap?
a. Kita
b. Demonstration effect
c. Pagkakautang
43. Hindi pa tapos ang binabayarang hulugan ni Marta para sa kanilang washing machinena regalo niya para
sa kaniyang ina, wala siyang magawa kundi magtiis muna na hindi bilhin ang mga produktong gusto
niya hangga’t hindi pa natatapos ang binabayaran niya. Anong salik ng pagkonsumo ang isinasaad sa
pangungusap?
a. Demonstration effect
b. Pagkakautang
c. Inaasahan
44. Nang bumaba ang presyo ng bigas ay agad na dinagsa ng mga tao ang mga pamilihan, ngunit si Timothy
ay bumili lamang ng sapat na kilo ng bigas na tatagal sa loob ng isang linggo dahil alam niyang maaari
itong amagin kung hindi agad maisasaing. Anong pamantayan sa pamimili ang isinasaad sa
pangungusap?
a. Mapanuri
b. May alternatibo
c. Hindi nagpapanic-buying
45. Ang anak ni Sandra ay mahilig kumain ng biskwit, kaya naman sinisiguro muna niya na ligtas ang mga
sangkap na ginamit dito, maging ang nutrisyong makukuha rito, at higit sa lahat ay kung kailan ito
masisira. Anong salik ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Makatuwiran
b. Hindi nagpapadaya
c. Mapanuri
46. Mahalaga kay Alexandra ang listahan bago siya magpunta ng pamilihan, nang sa gayon ay mabibili niya
ang lahat ng kakailanganin niya na hindi gumagastos ng sobra. Anong salik ng pagkonsumo ang
isinasaad sa pangungusap?
a. Hindi nagpapadala sa anunsyo
b. Hindi nagpapadaya
c. Sumusunod na badyet
47. Nahumaling si Andrea sa pamimili sa kinagigiliwan ng lahat na shopee, isang araw ay bumili siya ng
plantsa sa buhok dahil ito ay kulay rosas at may halagang php300. Nang dumating na ang produkto ay
nadismaya siya dahil hindi niya inaasahan na maliit pala ito at nangangamoy kapag isinaksak. Anong
salik ng pagkonsumo ang isinasaad sa pangungusap?
a. Makatuwiran
b. Hindi nagpapadaya
c. Mapanuri
48. Nautusan si Edison na bumili ng isda sa palengke, nang makabili na sya ng isda ay nagtataka siya dahil
magaan ito para sa timbang na isang kilo. Kaya agad siyang nagpunta sa timbangan ng bayan upang
matiyak kung tama ang timbang na ibinigay sa kaniya. Napag-alaman niyang kulang ito ng 5 na guhit
kaya muli niyang hinarap ang tindero at pinadagdagan ang isda na kaniyang binili. Anong pamantayan
sa pamimili ang isinasaad sa pangungusap?
a. Hindi nagpapadala sa anunsyo
b. Hindi nagpapadaya
c. Sumusunod sa badyet
49. Dahil malamig ang panahon, nais ni Karla na bumili sa palengke ng pang nilagang baboy. Ngunit naisip
niya na magtinola kung sakaling walang mabibiling baboy. Kaya naman hinanda na ni Karla ang lahat ng
sangkap para sa nilaga at tinola bago siya nagtungo sa pamilihan. Anong pamantayan sa pamimili ang
isinasaad ng pangungusap?
a. Mapanuri
b. May alternatibo
c. Hindi nagpapanic-buying

50. May lumabas na patalastas habang nanonood si Arnel ng pelikula, napansin niya na mas maganda ang
speedy chopper na ipinapakita sa telebisyon kaysa sa nabili niya. Kaya agad siyang bumili nito, ngunit nang
dumating na ang produkto ay walang pagkakaiba sa nauna niyang binili. Anong pamantayan sa pagkonsumo
ang isinasaad sa pangungusap?
a. Hindi nagpapadala sa anunsyo
b. Hindi nagpapadaya
c. Sumusunod sa badyet

You might also like